HTLAB2 - Chapter 17
This chap is dedicated to : Crisyll Torres
-
The hidden truth
-
"Anne, sorry. Hindi ba talaga nasabi sayo ng kapatid ko yung bagay na 'yon?" Kinakabahang tanong ni Ate Xandra. Nagkatinginan silang tatlo nila Heira at Xandie na hindi malaman kung ano ang gagawin.
"Wala siyang sinabi." Sagot ko kasabay ng marahang pag-iling. Tumingin ako sa kanilang tatlo. "K-kinausap siya ni Dad noon?"
"Iyon ang pagkakaalam ko. Ayon na rin sa kwento niya sa akin noon, bago pa siya mapunta sa amin ay kinausap na siya ng Daddy mo." Huminga ng malalim si Ate Xandra. "You should ask him. Sa tingin ko naman ay hindi niya ipagkakait na malaman mo 'yon. That was an old case but it was never closed. Kung hindi niya ito nabanggit sayo, baka ayaw niya na maungkat pa. Maybe he doesn't want you to feel betrayed by your own parents. Kahit malamig ang ugali ni Gelo, magaling siya sa pagtimbang ng sitwasyon. Baka ayaw niyang magalit ka sa Dad mo."
Sumingit si Xandrea at pinatigil ang kanyang Ate sa pagpapaliwanag. "Ate, huwag mo na palakihin ang kasalanan natin kay Gelo. Let him explain the whole story to his girl. Huwag na tayo makisingit." Tumingin sa akin si Xandie at humingi ng paumanhin. "Sorry if we cannot tell you the truth. Kaya sana namin ikwento but I'm sure my brother would prefer explaining himself. That was not a very good topic at pinagbawalan' niya kaming makialam sa pribadong relasyon niya sayo. We support him though. Mas maganda na rin na marinig mo ang side niya."
Sandali akong natigilan. Hindi pa rin nag-s-sink in ang lahat sa utak ko. Parang sistema ko mismo ang tumatanggi sa maliit na katotohanang binahagi nila sa akin. Hindi ko alam kung paano ko iyon tatanggapin.
Cy, why did you hide the truth from me?
Kung kinausap siya ni Dad noon, ibig sabihin ay matagal na akong nalilinlang. Hindi ako ang nakapagtago ng malaking sekreto sa kanila. It was the other way around. Napakaraming tanong na bumuo sa aking isipan. Paano nila nalaman? Nahuli ba nila ako noon? Did someone told them? O si Cyfer ang unang umamin sa kanila?
Napapikit ako. It gives me pain. The kind of heartache that I felt when Cyfer broke up with me. Lahat iyon ay parang kidlat na tumama sa puso ko. Yung araw na akala ko ay sinasarili ko ang karma ng pagtatago ko ng sikreto kina Daddy at Mommy pati na rin kay Rhea ay hindi pala isang karma kundi parusa mismo mula sa aking mga magulang. At tama ang sinabi ng magkapatid na De Vera, naramdaman ko nga ang betreyal. Mas masakit pa na ang nagdulot ng gano'ng klaseng sakit sa akin ay ang mga taong sobra kong pinagkakatiwalaan.
Tahimik na umalis ang magkapatid. Naramdaman ko ang marahang pagpisil ni Ate Xandra sa balikat ko. Naiwan kami ni Heira na wala ring imik pero alam kong nakatuon ang pansin sa akin. Paglipas ng ilang minuto ay nagsalita si Heira.
"Magiging malinaw rin ang lahat para sa inyo ni Gelo, Anne."
Nanatili ako ng nakayuko. Pumikit ako at nagbuntong hininga para alisin ang bara sa aking lalamunan. "Kailan mo 'to nalaman? Heira, we're friends. You should have told me-"
"Wala akong ideya noon, Anne. Kahit nung umalis ka na, nanatili akong walang alam. Gelo doesn't want to share his own pain. But I witness him suffer. He tried his best not to run after you dahil may binitawan siyang salita sa Dad mo. Instead of finding you, ang una niyang ginawa ay itayo ang sarili niya at ayusin ang kanyang sira-sirang pagkatao. Kaya tumagal ng ganito. . ." Huminga ng malalim si Heira at tumitig sa akin. "He thought he had a special feeling towards me. He once told me he loved me, Anne. . ."
Another strike of unbearable pain made me look away. Narinig ko na ito kay Cy noong nagbakasyon kami sa isla pero iba pala ang pakiramdam pag si Heira na ang nag-k-kwento. Pakiramdam ko ay unti-unti akong nilalamon ng panibugho. Nagseselos ako dahil dapat ako 'yon. Dapat ako lang. Hindi ko kayang tanggapin na muntik nang maging sila nung wala ako.
"Hindi ko sinasabi sayo ito para mainsecure at magselos ka sa akin. I'm trying my best to explain what I've witness when you left him. Para sa akin, nasabi niya lang ang lahat ng iyon dahil ako lang ang divertion niya maliban sa kanyang mga kapatid. We use to be so close back then. He wanted me to help him forget you. Hindi ko siya natulungan because I was so in love with his brother, with Xandrei. Though, I felt sorry for him . I don't know how Gelo cope up pero may mga araw na nakikita ko siyang naglalasing at sa tuwing tatanungin ko siya kung bakit, wala siyang isasagot kundi yung sakit na iniwan mo sa kanya."
"We blame no one. Gelo would never blame you for that. He was more than willing to take all the pain, huwag lang mapunta sayo ang sisi. Siguro dala ng kabataan. Immature pa. Masyado pang kumplikado at maraming doubts sa relasyon niyo nung mga panahon na 'yon kaya naisipan ni Gelo na bitawan ka at pumayag sa gusto ng Daddy mo."
Tumango-tango ako at agad na pinunasan ang takas na luha sa aking pisngi. Hinaplos ni Heira ang likod ko.
"Thank you , Heira." Mahina kong usal. "But I could never change our past. I can't believe my parents did that to us. I should've known-"
"Hush. Don't let your past dictate your future with Gelo. Sabi nga ni Ate Xandra, it was an old issue. Ang dapat mo na lamang gawin ay isara iyon. Pakinggan mo ang paliwanag ni Gelo. And when the right time comes, you can throw your unasnwered questions to your parents. Huwag mo na palakihin ito. Deal with it like a mature woman. Hindi na tayo seventeen. Alam kong madali lang 'tong sabihin but I hope you can picture it out and make it your goal. Para sa inyo ni Gelo."
"C-can you tell me the whole story?"
"I can but I won't. Hayaan mong si Cy ang magpaliwanag no'n sayo. Ask him. At kung sakaling iwasan niya ang tanong, hayaan mo muna siya. He would surely scold his sisters for giving you the idea." Natawa si Heira at napakamot sa kanyang ulo. "Kasi naman. Ang bibig ng mag-ate na iyon, hindi talaga kayang pigilan. Pagpasensyahan mo na. Masasanay ka rin sa kanila."
Napangiti ako. Nabawasan ng konti ang bigat sa loob. Dapat ay mas pagtuunan ko ng pansin ang mainit nilang pagtanggap sa akin. Dapat kong ipagpasalamat iyon ng marami.
"Close na pala kayo ni Ram?"
"Ah, oo. Nung nasa ospital pa siya , madalas ko siyang dinadalaw."
"Masaya ako na naiintindihan mo ang kalagayan niya. You're too good to be true, Anne. I still think you're an angel in disguise. You're near to perfection. You're too kind." Namula ang mukha ko sa mga papuri ni Heira.
"I-Ikaw din naman."
Natawa siyang lalo. "And you're still blushing. No wonder patay na patay pa rin sayo si Gelo. Anyway, hindi ka pa rin ba sanay na tawagin siya sa bago niyang pangalan?"
Umiling ako. "I can manage but I still prefer to call him Cy."
Dahil para sa akin, siya pa rin si Cyfer Madrigal. Walang pinagbago. Kahit Angelo Franco De Vera na ang pangalan niya at Gelo na ang tawag sa kanya ng karamihan, mas gugustuhin ko pa rin na tawagin siyang Cy. Bukod sa nakasanayan ko na, gusto ko na naiiba ang tawag ko sa kanya. Mukha namang walang kaso sa kanya iyon. Hindi niya naman pinupuna ang pagtawag ko sa dati niyang pangalan maliban nung una naming pagkikita.
"Si Ram, nagkagusto siya kay Cy. Hindi lang basta gusto. Mas nauna niyang minahal si Cy kaysa kay Morris."
"Yeah, I already knew that. Sinabi sa akin ni Ram."
Nilingon ako ni Heira at nginitian. "That means, she trusts you just like the rest of us. And maybe, she's setting Gelo free. Hinahayaan ka na niya na kunin mo si Gelo. Though, hindi mo na kailangang kunin pa si Gelo dahil alam naming lahat that he would run after you no matter what the circumtances are. Pero si Ram kasi, " lumunok si Heira at sumilay ang pangamba sa kanyang magandang mukha. "Sana huwag kang magalit sa akin sa sasabihin ko. Ram is weak. Pinapakita niya na malakas siya, masaya siya, pero yung totoo, hindi."
Napailing si Heira. "Konting panahon na lang. Baka hindi abutin ng tatlong buwan. . ."
Napasinghap ako. "But she looked better now-"
"She's a good pretender." Lumungkot ang mukha ni Heira. "I know better. I've been there. Yung tipong ipapakita mo sa lahat na kaya mo pa kahit yung totoo ay nagtitiis ka na lang. What keeps her to fight is Kris. She's only doing this for her son." Suminghap si Heira at hinawakan niya ang kamay ko. "We're friends, Anne. Wala akong dapat panigan . Alam kong matindi ang pang-unawa mo pero sana. . .sana kaya mong maghintay. Ipaubaya mo muna si Cy kay Ram hanggang sa-" hindi maituloy ni Heira ang kanyang sasabihin. Dalawa lang ang maidudugtong ko sa sinabi niya.
Hanggang sa bumuti ang lagay ni Ram o hanggang sa mawala ito.
I shiver at the thought. Hindi ko kayang maging negatibo. Umaasa pa rin ako na makakaya ni Ram ang sakit niya at makakasurvive ito.
"Miracles do happen, Heira. Lets pray for it." Bulong ko sabay ngiti.
"I agree."
Matagal pa kaming nag-usap ni Heira. Marami akong nalaman galing sa kanya. Malapit rin siya kay Ram. Nag-iisang kalarong lalaki ng kanyang anak ang anak ni Ram. Bukas ay ipapakita niya sa akin ang only son niya.
Pagtapos naming mag-usap ay nauna siyang bumaba. Nanatili muna akong nakaupo sa veranda. Pinagmamasdan ang magandang tanawin at ang nagkikislapang bituin.
Kaya ko nga bang ipaubaya si Cy kay Ram? Kahit sandaling panahon lang? Paano na ako? Kakayanin ko kayang magtiis? Kakayanin ko kayang maghintay?
Napangiti ako ng wala sa loob. Nakapaghintay nga ako ng labing-isang taon, maikling panahon pa kaya?
Itinatak ko sa aking isipan ang mga payo ni Heira at ng mga kapatid na babae ni Cy. Kung anuman ang magiging takbo ng pangyayari, saka ako mag-d-decision.
Hope for the best things and expect for the worst case.
Pumikit ako at huminga ng malalim. Muntik na akong mapatalon nang maramdaman ko anp pagpulupot ng mga braso sa aking baywang.
"What are you thinking, angel?" Bulong niya sa aking tainga. Isiniksik niya kanyang ulo sa aking leeg at hinapit ako sa kanyang katawan. Napasinghap ako at ramdam kong nagtayuan ang balahibo ko sa ginawa niya. Naamoy ko ang alak at mint sa kanyang hininga.
"Cy. . ."
"Anong pinagusapan niyo ng mga kapatid ko? Kinwentuhan ka rin ba ni Heira? Sigurado akong maraming nasabi ang mga iyon sa iyo." Hinalikan niya ang pisngi ko.
"Hmm, slight." Hinarap ko siya. Namumungay na ang kanyang mukha. Hindi ako sigurado kung dala pa ba iyon ng alak o ano. "Are you drunk?"
"Nah."
"You're drunk , Cy." Natatawa kong sabi. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at kinurot iyon. "Tignan mo nga 'yang mukha mo. Mukha ka na talagang lasing."
"Hmm, hindi pa ako lasing. Kaya pa nga kitang buhatin sa kama natin." Napasinghap ako nang umangat ang aking paa sa semento.
"Oh my - Cy!" Hindi na ako nakapagprotesta.
"Now , tell me. Anong napag-usapan ninyong apat?" Tanong niya habang nilalapag ako sa kama. Siya ang nagtanggal ng sapatos ko. Natigagal naman ako habang ginagawa niya iyon. Napalunok ako nang hubarin niya ang kanyang polo.
Nawala na nang tuluyan sa aking isipan ang mga dapat kong sabihin at itanong sa kanya nang halikan niya ako. Naramdaman ko ang kanyang pagngisi.
"I think this is not a time for a bedtime story."
And I do agree.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Wala na si Cy sa tabi ko. Bumangon ako at nakita kong may dress na nakalapag sa wooden table. May note sa ibabaw.
Wear this , angel. I'm downstairs. Good morning.
- Handsome Devil of yours.
Natawa ako. "Handsome devil, huh?" Handsome, yes. Devil? I don't think so.
Sinipat ko ang mga damit. Maaaring kay Heira ang mga ito o sa mga kapatid ni Cy o kay Ram. Nagkibit ako ng balikat. Tinungo ko ang banyo. Mabilis akong naligo at nagbihis. Saktong alas otso ng umaga ay bumaba ako. Wala akong nakitang tao sa paligid. Nang pumunta ako sa sala para hanapin si Cy ay isang katulong lamang ang nadatnan ko.
"Good morning po." Bati ko.
"Ay, good morning rin po, ma'am. Nagugutom na po kayo?"
Marahan akong umiling. "Hindi pa naman po. Itatanong ko lang po kung nasaan si Cyfer."
"Si Sir Gelo po?" Nagtatakang wika ng katulong.
Oo nga pala. Kilaka siya rito bilang Gelo. Tumango ako at muling ngumiti. "Nakita niyo ba siya?"
Tumango ang katulong at tinuro ang isang pasilyo. "Nasa playroom po siya kasama si Kris."
Natigilan ako. So, nandito rin pala si Kris. Hindi ko nakita amjg mga bata kagabi. Marahil ay tulog na sila nang dumating kami.
Sinamahan ako ng katulong para ituro ang playroom. Nang buksan ko ang pintuan ay bumungad sa akin ang nagkalat na laruan ng batang lalaki. Umalingawngaw sa silid ang tawa ni Cy.
"Daddy, isa pa po. Gusto ko pa."
Napalingon ako sa direksyon kung saan nagmumula ang mga boses.
"Oopps, tama na. Baka mapagod ka. Drawing na lang ulit tayo." karga ni Cy si Kris na masayang tumatawa. "Hindi ka pa ba nagugutom? Breakfast muna tayo? Papahanda na ako kay Yaya?" Tanong nito sa bata.
Bago pa makasagot si Kris ay nakita na ako nito. Nanlaki ang mata nito nang mamukhaan ako. "Daddy! My doctor is here?"
Mabilis na napalingon sa akin si Cy at ngumiti. Hindi ko naman malaman kung dapat ba akong lumapit sa kanilang mag-ama. Mukhang naistorbo ko pa ang bonding time nila.
"Hello, Kris." Nginitian ko ang bata at agad niya rin akong sinuklian ng ngiti.
"Hello, pretty doctor!" Ganting bati nito sa akin na ikinatawa ni Cy. "Check up niyo po ako ngayon kaya po kayo andito?" Inosente nitong tanong.
Nagkatinginan kami ni Cy . Hindi ako makasagot ng oo o hindi. Bago pa ako makatugon ay nagsalita na si Cy.
"Baby, breakfast muna tayo. Maya na ulit ang play time. Tell yaya that we'll gonna eat breakfast with Miss pretty doctor in twenty minutes." Binaba nito si Kris at agad na tumango ang bata . Tinakbo nito ang pintuan. "Careful, baby. You might trip."
"Yes, Daddy."
Nang makalabas si Kris ay sinalubong ako ng yakap ni Cy. "Did you sleep well?"
Tumango ako. Tinignan ko ang paligid. Punung-puno ng laruan. Mula maliliit na miniature cars at stuffed toys hanggang sa life-size na myembro ng X-Men at Justice League. Puro panlalaki.
"Wala ka pag gising ko."
"Maaga kasing nagigising si Kris. Routine na namin magbonding sa umaga dahil busy ako sa trabaho at inaabot ako ng gabi sa pag-uwi." Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo. "Hindi pa ata gising yung mga mag-asawa. Mamaya pa ang gising ni Xandie. Knowing that brat, lagi namang tanghali ang gising no'n. We'll eat first. Sabay ka na sa amin ni Kris."
Tumikhim ako. "Anong sasabihin natin kay Kris."
Nagkibit siya ng balikat. "Check-up. Just get along." Tumingin siya sa kabuuan ng kwarto. "Sorry. Makalat rito lagi. Alam mo naman ang mga bata." Nakangising sabi ni Cy.
"Kay Kris lahat ito?"
"Nope. Actually, kina Heira at Xandrei 'tong playroom. Si Heira ang nag-design nito para sa anak nila ng kapatid ko. Si Xyrex. Yung mga Justice League, kay Kris. Paborito niya." Kwento nito. Napangiti ako.
"Si Heira?"
"Hindi ba niya nasabi sayo na interior designer siya?"
Marahan akong umiling. "She didn't tell me."
"Now , you know. Anong oras ang duty mo ngayon."
"Hapon pa naman."
Ngumisi siya ulit. Hinaplos niya ang pisngi ko. "Good. We still have time together."
We kissed for a few seconds. "Mukhang nakaistorbo pa ako sa inyong dalawa ni Kris."
"Nah. Okay lang." Kumawala si Cy. Isa-isa niyang pinulot ang mga laruang nagkalat. Gano'n din ang ginawa ko.
Napatingin ako sa bear na aking hawak. Kung sakali kayang hindi kami nagkahiwalay ni Cyfer, may baby na rin kaya kami? Lalaki kaya siya o babae?
Muling bumalik sa isipan ko ang mga dapat kong itanong sa kanya kagabi. Tama bang i-open up ko iyon ngayon?
Gusto kong malaman ang totoo. Kung iyon nga ba ang pinaka rason kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin noon. We have to clear things up. Gusto kong malaman ang lahaj ng napag-usapan nila ni Dad. Kunp may napagkasunduan ba sila. Lahat ng dapat kong malaman.
"Anne. . ." Tawag sa akin ni Cy. Napalingon ako sa kanya habang ina-arrange niya ang mga miniature cars.
"Bakit?" Tanong ko.
Sandali siyang hindi umimik. Pagtapos ay lumingon siya sa akin at bahagyang ngumiti. "Gusto ko na ng baby. Baby boy."
Umawang ang labi ko sa kanyang sinabi. Nanlaki rin ang aking mata sa gusto niyang iparating. Is he serious?
"Can we have our own baby?" Dagdag pa niya.
Nabitiwan ko ang stuffed toy.
>>next update
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top