HTLAB2 - Chapter 16


Dedicating this chap to : Ate Mics! Thanks for joining our game.


-

De Veras

-


Kabado ako habang isa-isa silang lumingon sa direksyon namin ni Cyfer. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Cy. I fixed my gaze on Ram. Mukhang tuwang-tuwa ito na nandito ako ngayon. Napansin ko ang sigla sa kanyang mukha na wala noong nasa ospital pa lamang siya. 

Lumipa ang tingin ko sa isang babaeng biglang tumayo nang makita kami. 

"Anne!" sinalubong ako ng yakap ni Heira. Nagulat ako sa ginawa niya at napatingin ako kay Cy na natatawa sa gild ko. Niyakap ko siya pabalik.

"H-hi, Heira. Nice to see you again." mahina kong sabi.

"OMG!" kumalas siya sa pagkakayakap ko at sandali akong pinasadahan ng tingin . Pagtapos ay mabilis na bumaling kay Cyfer at hinampas ito sa braso. "Hindi mo man lang pinaalam na dadalhin mo siya! You should've inform us first."

Nagkibit ng balikat si Cy habang nakangiti. "I like surprises." 

"Come , Anne. Join us." hinila ako ni Heira sa dining table. Napalingon naman ako kay Cyfer na nanatiling nakatayo sa kanyang kinalalagyan. Hinid matanggal-tanggal ang ngit sa kanyang mga labi. He mouthed something to me.

It's going to be okay. . .

Napalunok ako. Muli akong napatingin sa mga taong naaupo roon. Dalawang babae lamang ang kilala ko. Si Ram at Heira. Meron pang dalawang babae at sa tingin ko ay mga kapatid sila ni Cyfer. Ang isa ay nakita ko na sa ospital na siyang sumundo kay Ram. Ang isa ay hindi pamilyar sa akin. Meron ring dalwang lalaki sa pinakadulong bahagi ng upuan. Must be the husbands?

"H-hi. Good evening po." pagbati ko.

Tumawa ang hindi ko kilalang babae na amuse na nakatingin sa akin.

"Huwag mo na kaming i-'po.' I feel old." natatawang sabi nito na ikinapula ng mukha ko.

"S-sorry. . ."

Natawa sila at pati narin si Cyfer.

"Gosh , Gelo. Akala ko ba magkasing-edad lang kayo ng first love mo? Ba't parang teenager lang 'tong dinala mo? She's blushing!" sabi pa ng Ate ni Cy. Parang gusto kong magtaklob ng mukha dahil sa pagkapahiya. Gelo. . . Mukhang iyon na talaga ang tawag kay Cy ngayon.

Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Cy sa bewang ko . Mas nangamatis ang mukha ko at kulang na lamang ay ilagay ko ang mukha ko sa sahig para hindi nila makita ang pamumula no'n.

"Shut it out , ate. She's just naturally shy.  Don't make her feel more embarass." nakangiting sabi ni Cy. Nilingon namin ang isa't-isa. May narinig akong tumkhim na sa tingin ko ay si Heira. Marahang tumawa si Ram . At may isa namang impit na sumigaw. Yung bunsong kapatid nila Cy. Nakalimutan ko na ang pangalan niya.

"I like her already! " pumapalakpak na sabi nito. Tumayo ito at niyakap rin ako. Naiilang ako but I tried so hard para hindi iyon ipahalata. Hindi ako sanay sa atensyon ng mga estranghero at estranghera. Pero mukhang ako lang ang naninibago sa kanila dahil mukhang kilala na nila ako. 

"You're Anne, right? I'm Alexandrea! You can call me Xandie! Nagkita na tayo sa ospital . Naaalala mo pa ba ako? " excited nitong tanong.

Nakita kong umiling si Cyfer. Hinalikan nito sa noo si Xandie. "I miss you , brat. Taklesa ka pa rin. Wala ka bang balak magbago man lang?" 

Sumimangot si Xandie at hinampas ang kapatid. "I don't miss you." Pero wala pang tatong segundo ay mahigpit na nitong yakap si Cyfer. Natawa ang lahat at pati ako'y natawa rin. 

"Lumalamig na ang pagkain , guys." nakatawang sabi ni Ram . "Anne, dito ka!" tinuro ni Ram ang bakanteng upuan sa tabi nito. Hinawakan ako ni Cyfer at inakay roon . Umupo ako sa tabi ni Ram at agad  kaming nagyakapan.

"I mis you. Buti dinala ka ni Gelo ngayon rito." sabi ni Ram sabay ang pagpasada nito ng nanunuksong tingin kay Cy. Napailing si Ram. "Hindi man lang nagpasabi."

Ngumiti ako. "Hindi ko rin alam na dadalhin niya ako rito. Kanina ko lang nalaman nung on the way na kami."

Sumingit si Cy . "Baka kasi umurong. . ."

Hindi pa ito nakaupo. Umikot pa to sa mesa para batiin ang mga kapatid. Humalik ito sa kanyang Ate at tinapik sa balikat ang sa tingin ko'y Kuya niya. Hindi sila magkamukha pero may aura ito na parang katulad ng kay Cyfer. Tahimik, seryoso at may authority kahit hindi umiimik. Meron pang isang lalaki sa tabi ng Ate nito at binati rin ni Cyfer. Maaaring asawa ng Ate niya.

Sandali silang nag-usap usap. Nakuha naman ni Ram at Heira ang atensyon ko dahil sila ang nagpapaulan sa akin ng tanong. Ang bunsong kapatid naman ni Cyfer ay nakangiti habang nakatingin sa akin at nakikinig sa pinagsasabi nila Heira at Ram. Naiilang pa rin ako pero konting kaba na lang ang natitira sa dibdib ko. 

Hindi naman pala masama ang kinalabasan. They welcomed us with warmth. They knew. Maaring sinabi na ni Cyfer noon sa mga kapatid niya ang tungkol sa amin. Maaring naikwento niya na ako sa mga kapatid niya. 

"Dati ko pa sinasabi kay Gelo na dalhin ka niya rito kaya lang busy siya sa kompanya. Saka kararating lang ng Ate niya from Los Angeles. This is a good timing. Siguro plano niya na ngayon ka na lang dalhin . Kumpleto kasi sila." sabi ni Ram. Pinagmasdan ko siya ng ilang saglit. Iba talaga ang aura niya. She looks happy. Parang mas sumigla rin siya. This might be a good sign. Maaaring lumalaban na ang katawan niya sa stress at hindi na siya emotionally depress. 

"Same. Kakauwi lang namin from Antipolo. Ang isang iyon talaga, hindi  magpaalam muna." nakangiting sabi naman ni Heira. "Hindi ba niya pinaalam ng maaga sayo na may family dinner kami ngayon?"

Marahan akong umiling. "Sinabihan niya lang ako nung malapit na kami."

"See?" magkasabay na sabi ni Heira at Ram. Natawa na lamang kaming tatlo. 

"Umh, pwede pansinin mo ako?" kumaway sa akin ang kapatid ni Cy. "Alam mo bang pinagalitan ako n Cy kasi inunahan ko raw siya? Di ba kasi , nagkita na tayo sa ospital tapos sinabihan ba naman ako na hindi raw ako makapaghintay na maipakilala ka niya sa amin. " ngumuso ito. Ram and I exchanged amuse glances. "Eh , excited lang naman ako makilala ka. Ang alam ko kasi naging schoolmate ka namin sa AAA pero hindi kita nakilala ng personal kasi hindi mo tinapos ang school year. Masyaso rin kasing malihim si Gelo. Saka ang adik lang niya, kasalanan ko ba na namukhaan kita? Meron kasi siyang picture mo , eh. Nakadisplay iyon sa kwarto niya. Nakakapagtaka nga. Bakit wala ka naman atang pinagbago? Hindi ka ba tumatanda?" 

Tumikhimm ako. Tumawa naman si Heira at Ram sa sinabi ni Xandie. Masarap siyang kausap pero napakarami niyang tanong na ibinabato. Nang umupo si Cy sa tabi ko ay napausal ako ng pasasalamat dahil natigil sila sa pagtatanong at pag-k-kwento sa akin.

"Mamaya niyo na kami i-interrogate. Lets eat first. Lalo ka na. " tinuro nito si Xandrea. Napanguso naman si Xandie at inirapan si Cy.

Kinalabit ako ni Ram. "Ganyan talaga silang magkapatid. Masanay ka na. Mabait si Xandie. Gusto ka na niyan para kay Gelo kahit hindi ka pa niya nakikilala."

"Paano mo naman nasabi?"

"Madalas ka kasi naming pinagkakakwentuhan." nag-peace sign siya at ngumisi. "Topic ka namin rito sa bahay. Siya kasi ang madalas kong nakakasama at nakakakwentuhan rito simula nung lumabas ako ng ospital ninyo."

"Mukhang masaya ka ngayon." puna ko.

Ngumiti siya. "Ayaw ko kasi talaga sa ospital. Pakiramdam ko mas lalo akong nagkakasakit. It makes me think na hindi na ako gagaling. Mas gusto ko rito. Feeling ko nga ngayon , nababawi ko na ng paunti-unti ang lakas ko." kwento niya.

"That's good." ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. "Gagaling ka. Sigurado ako roon. Just fight."

Tahimik kaming kumain at todo ang pagaasikaso sa akin ni Cy. Naiilang pa rin ako dahil panay ang ngiti nila sa aming dalawa.

"You like this? Tikman mo 'to. Masarap."  sabi ni Cy.

Panay ang tango ko. Napalingon ako sa Ate ni Cy na marahang tumatawa . Dumako rin ang tingin ko dalawang lalaki na nakangiti. Ang Kuya nito at humalukipkip at inakbayan si Heira. 

"Uhm , Gelo? Baka gusto mong subuan na rin si Anne?" singit muli ni Xandie na na ikanatawa ng lahat. Wala sa loob akong napalunok . I bet, namumula na naman ako. 

"Shut up , brat." tinapunan ng matalim na tingin ni Cyfer ang kapatid.

"So , magkakilala na pala kayo ni Ram?" tanog naman mula sa Ate niya.

Tumango ako. Si Ram ang sumagot. "Yup. Doktor rin siya ni Kris. Sa ospital sila nagkita ni Gelo after eleven years. . ." kwento nit Ram . Matamang nakikinig ang lahat sa sinasabi niya. Napapatingin naman ako kay Cy na nagpapatuloy sa pagkain. 

"Wow." usal ng Ate ni Cy. "Ang galing naman. . ."

Ngumiti ako sa kanya.

"Oh, hindi pa pala ako nakakapagpakilala sayo. My bad. I'm Alexandra. You can call me Ate Xandra. This my oh-so-serious-but-yummy husband and Heira's brother, Harren. Next to him is my brother, Xandrei." pagpapakilala nito. Nagulat ako nang marinig na kapatid ni Heira ang asawa nito. Ngumiti sa akin ang dalawang lalaki.

"And she's thirty-four." humahagikgik na pasaring ni Xandie. 

"And you're still NBSB at the age of twenty-seven. Tatanda kang dalaga. I swear." ganti naman ni Alexandra sa kapatid. Natawa muli ang lahat maliban kay Xandie na napasimangot bigla. Maski ako ay napahagikgik. 

So , this is Cyfer's family. The De Veras. . .

Natapos ang dinner. Maagang nagpahinga si Ram. Bawal itong magpuyat kaya naman naiwan ako kasama si Heira at ang mga kapatid na babae ni Cyfer.  Nasa veranda kaming mga babae. Ang mga lalaki ay naiwan sa sala.

Kumuha ng maiinom si Heira kaya nasolo ako ng magkapatid.

"Ang galing naman. Wala kang naging boyfriend nung nagkahiwalay kayo ni Gelo?" tanong ni Xandie.

"Meron pero hindi nagtatagal." sagot ko.

"Ohh."

"Talaga? Si Gelo kasi forever loyal ata sayo. I assumed na alam mo na ang sirkumstansya ng pagpapakasal nila ni Ram." sabi naman ni Ate Xandra.

Tumango ako.

Bumuntong hininga si Ate Xandra. Natahimik naman si Xandie. "Kung di mo masasamain , pwede ko bang malaman kung ano ang napagkasunduan niyo ng kapatid ko? Hindi sa nanghihimasok ako pero nag-aalala ako na baka mahusgahan kayong dalawa. Lalo ka na." seryosong sabi ni Ate Xandra. "Iba ang sitwasyon ngayon. Hindi tulad nung mga teenagers kayo. Kahit pa magkasundo kayo ni Ram , hindi maiintindihan ng ibang tao ang kalagayan niyo. . .ang relasyon mo kay Cy. "

"I. . .I know." napalunok ako. "We're buying our time."

"I suggest, hintayin mong matapos ang annulment nila ni Ram. Though, medyo nakakakonsensya rin . Kung ako ang nasa sitwasyon mo , mahihirapan akong magdesisyon dahil hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na malubha ang sakit ni Ram."

Tumango ako. "N-naaawa rin ako sa kanya pero hindi ko pinapaalam sa kanya."

"Kami rin." segunda ni Xandie. "Ram is a ggod woman. She's kind. Wala kaming masasabing masama sa kanya. Pinoprotektahan siya ni Gelo. Anyway, kilala mo ba si Morris? Nasabi ba ni Gelo ang tungkol sa isa pa niyang kapatid?"

Humnga ako ng malalim. "Yes."

"Kung ganoon , dapat maging aware ka kung gaano kasama ang taong 'yon."

"Xandie. . ." may bahid ng palala ang boses ni Ate Xandra habang nakatingin kay Xandie.

"What? Totoo naman ang sinasabi ko , Ate! Hindi nagsasawa ang isang 'yon sa panggugulo kay Gelo at Ram." galit na utas ni Xandie.

"Ayaw ni Gelo na makialam kami dahil natatakot siyang baka pati kami ay madamay sa kasakiman ng kapatid niya. But we support him . Iniiwasan ni Gelo na may madamay pang iba sa gulo nilang magkapatid. Kung sino ang malapit kay Gelo , iyon ang pinipuntirya ni Morris." tumingin sa akin si Ate Xandra. "So , I suggest , itago niyo muna ang relasyon ninyo. Maging discreet kayo. Huwag muna kayong maging showy sa pagpublic. Okay lang kung dito or sa lugar na kayong dalawa lang ang magkasama.  Maraming mata si Morris at sigurado akong nakabantay sila sa paligid. Humahanap ng tamang tyempo para masira ang kapatid ko. Lalo na ngayon at nasa  bansa na ulit si Morris. Ang alam naming magkakapatid ay may plano na naman siya. . ."

Alam ko iyon.  Naalala ko ang reaksyon ni Cy nung tumawag sa kanya si Morris nung nasa isla kami. Hindi ko rin gustong dagdagan ang alalahanin niya.  Sa ngayon ay mas kailangan niyang protektahan si Ram at Kris. Kung kailangan naming itago ulit ang aming relasyon , wala nang kaso iyon sa akin.

Tama si Ate Xandra. Iba na ngayon . Ang problema namin ngayon ay hindi tulad nung mga bata pa kami ni Cy. Mas komplikado. Mas mahirap at mas maraming nadadamay. Wala sa choices ko ang ipagdamot siya sa mga taong mas nangangailangan sa kanya. Hindi ito ang panahon para maging selfish ako at ipagdamot ko siya sa iba. Lalo na kina Ram at Kris. May tamang panahon para roon. Hindi nga lang ngayon.

"Pero gusto kong malaman mo na masaya kami para sa kanya. Ang tagal ka niyang hinintay. Nung una natatakot pa siya na baka hindi mo maintindihan ang sitwasyon niya dahil nakatali pa siya kay Ram.  Sana hindi mo siya bitawan. Nakikita kong masaya siya.  He deserves more happiness, Anne. Sana maibigay mo iyon sa kanya." nakangiting sabi ni Ate Xandra.

"Tama. Huwag mo na lang kaming ibuking kay Gelo. Pag nalaman niyang kinweno namin sayo 'to , baka mapagalitan na naman ako no'n. Mahal na mahal ka no'n ,eh. Ayaw ka niya bigyan ng alalahanin. Sinasabi lang naman ito para maging aware ka at kahit papaano ay may alam ka kay Morris. Be careful, Anne. Knowing Gelo , baka hindi iyon makapapigil na maging showy. Ikaw na lang ang sumaway." humagikgik si Xandie. Napailing naman si Ate Xandra.

Dumating si Heira na may dala-dalang ladies' drink.

"Hindi naman siguro magagalit si Gelo kung iinom ka ng kahit konti , di ba? Tayo-tayo naman saka para hindi ka na mahirapan , dito ka na rin magpalipas na gabi. Do you mind? Nag-iinuman rin kasi yung tatlong lalaki sa baba. Baka hindi na rin makapag-drive si cy mamaya. Umiinom ka ba, Anne?" tanong ni Her.a

Tumango ako. Ibinigay nila sa akin ang isang baso. We talk about so many things. Paiba-iba ng topics. Namalayan ko na lang na tumatawa na ako sa mga biro nilang tatlo. Komportableng-komportable na sila sa isa't-isa. Ako, medyo nakakaramdam pa rin ng pagkailang pero hindi na tulad ng kanina. 

"Anong unang naging reaksyon mo nung nakita mo si Ram? Umiyak ka ba?" tanong ni Xandie.

Nahihiya akong tumango. 

Tinapik niya ang balikat ko. "Huwag kang mag-alala. Loyal forevs si Gelo sa'yo. As for Ram , Gelo cares for her too. Pero alam naman namin na talagang matimbang ka sa kanya. Siguro kung papapiliin 'yon between you and Ram , ikaw ang pipiliin niya. "

Napalunok ako. Hindi ko kayang isipin na makakayang iwanan ni Cy si Ram dahil sa akin. Lalo na sa sitwasyon ngayon. Gusto kong gumaling muna si Ram. Sana makaya niya ang sakit niya. At isa pa , gusto ko ring maging masaya siya. Napakasakit lang kasi na maiinlove ka sa isang taong ginagamit ka lamang sa paghihiganti. Kung bakit naman kasi sa lahat ng tao ay nahulog pa si Ram sa isang lalaki na hindi siya deserve.  Sa puntong iyon ay na kay Ram ang simpatya ko . 

"Sana sa simbahan na ang tuloy niyo ng kapatid ko. Nakaawa rin kais si Gelo nung nasa States ka pa." 

"He was busy with the company . Hands-on ang pagpapatakbo niya sa DVI with my husband   kaya hindi niya na napagtuunan ng pansin ang sarili niya. Kung pwede lang kayong ipakasal agad. . ."

"Sa simbahan na talaga iyan , no! Eleven years ba namang tigang si Sungit."

Nagtawanan silang tatlo at ako naman ay napangiti. Natutuwa ang puso ko na ako lang ang naging babae sa buhay niya aside from Ram. Nagagalak ang puso ko na kahit lumipas ang labing-isang taon , kami pa rin.

 Iniimagine kung paano ako makakabaw kay Cyfer. Sana nga makapagpakasal kami agad. Though , alam kong medyo malabo pa iyon sa ngayon . Wala naman sigurong masama kung mangangarap ako, di ba?

"Anne , gusto mo bang magbakasyon sa ibang bansa with him? Bibigyan ko kayo ng GC trip sa Maldives."

"Ang alam ko nakapagbakasyon na sila ni Sungit. Dinala ka na niya sa isla , diba? Kaya nga ako nakatakas ,eh. "

Nanlaki ang mga mata ni Hera at Ate Xandra. "Talaga? Dinala ka na niya roon?"

Tumango ako. Kinwento ko sa kanila ang bakasyon namin ni Cy sa isa. Kilig na kilig si Xandie. Si Heira naman ay napatakip sa bibig habang tinatago ang ngiti. Si Ate Xandra naman ay nakanganga. Parang gusto ko na lumubog sa kinatatayuan ko. Nilalamon na ako ng kahihiyan rito. Pati ba naman iyon ay nalaman nila. Seriously, Anne?

"So. . .iisang kwarto lang kayo?"

Namula ang buong mukha ko. Napayuko ako. Guilty.

"OMG! Did you two. . ." hindi naituloy ni Xandie ang sasabihin niya dahil humagalpak agad ito ng tawa. "Ate , we're going to be Tita again!"

Napatakip na  ako ng mukha. Oh, my God. . .

"At least pag nabuntis ka ng kapatid ko, mas hindi na kayo mapaghihiwalay ng parents mo. May baby na involve. Hindi rin masamang ideya." nakangiting sabi ni Ate Xandra.

Natigilan ako ng mabanggit ni Ate Xandra ang mag magulang ko. "P-parents ko?"

Kumunot ang noo nito at tinitigan akong mabuti. "Don't tell me you didn't know? Hindi ba nasabi iyon sayo ni Gelo? Na kinausap siya noon ng Daddy mo para hiwalayan ka? I thought you knew. . ." naguguluhang sabi nito.

Para akong binuhusan ng balde-baldeng nagyeyelong tubig. May kinalaman ang mga magulang ko kung bakit nakipaghiwalay si Cy sa akin noon? Oh, God. . .

"OMG. Ate, she didn't know! Lagot na talaga tayo kay Gelo!" nakangiwing bulalas ni Xandrea. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112