HTLAB2 - Chapter 13

-

Kill

-

"L-Lee. . ." pilit akon ngumiti sa kanya. Kabadong-kabado ako ngayon dahil hindi ko akalain na kahit dito ay wala pa rin akong kawala sa mga mapagmatiyag na mata.

Ngumiti rin siya sa akin. "Kamusta? Ang tagal na rin nung huli nating pagkikita, ah."

"Ahh. Oo nga, eh." bahagya akong tumawa. "I-Ikaw? Anong ginagawa mo rito?"

"May business convention lang. Last day na ngayon. Ikaw?" pinagmasdan niya ako. "Mukhang galing kang dagat, ah? Nagbakasyon ka?"

"O-oo. I took a break."

Tumango-tango siya. "Good choice of place. Ang ganda rito. Sayang nga lang at hindi naman ako pwedeng magtagal. Anyway, kumain ka na ba? I'm inviting you for late lunch. Kasama ko yung ibang officemates ko."

Marahan akong umiling at magaling na tumanggi. "Kakatapos ko lang kasi. I-try niyo yung resto ro'n sa forest. Masarap ang pagkain do'n."

Ngumiti siya. "Oo. Sabi nga nila. Doon nga kami pupunta."

May tumawag sa pangalan ni Lee at agad siyang nagpaalam sa akin. "I hope makapag-usap pa tayo bago pa kami umalis mamayang hapon. Hey, may kasama ka ba?" tanong pa niya. Namutla ako at umiling.

"Wala. Ako lang mag-isa."

"Lee, tara na!" tawag pa ng mga kasamahan niya na mukhang naiinip na.

"Uy, una na ako, ah. Gutom na kasi yung mga 'yon. Bye, Anne!" humalik siya pisngi ko bago kumakaway na umalis. "Enjoy your vacation!"

Ngumiti ako at kumaway rin. Nang makalabas sila ng lobby ay saka ako medyo nakahinga ng maluwag.

Hindi ko iyon inaasahan. Kampante ako kanina na walang makakakilala sa akin rito. But I was wrong. Muntik na yung kanina. Masyado ata akong naging kampante.

Walang alam si Lee. Hindi ko alam kung makakaya ko siyang pagkatiwalaan. Kahit pa kapamilya ko siya. Mahirap na . . .

Paglipas ng sampung minuto ay bumalik si Cyfer. Agad niyang napansin ang pamumutla ko.

"You looked pale. Did something happen? Are you okay?" sunud sunod niyang tanong. Nag-aalala siya, alam ko.

"Tara na muna sa suite mo. Tapos na ba yung pakikipag-usap mo sa employee mo? Aalis na ba tayo?" pumulupot sa aking bewang ang braso. Ngumiti siya sa akin.

"Yeah. Ligo lang tayo tapos bihis. Then, we'll drive."

Pagkarating namin sa suite ay pinauna niya akong maligo. May isesend lang daw siyang file sa opisina. Napailing ako. Mukhang kahit bakasyon ay may isinisingit siyang mga trabaho.

Naligo ako at sa banyo na lamang nagbihis. Paglabas ko ay nakaharap pa rin siya sa kanyang laptop. Sinara lamang niya iyon nang makita ako.

"Busy?"

"No. May pinadala lang akong papeles sa kapatid ko. Kailangan kasi niya 'yon sa board meeting."

"Board meeting? So, dapat ay nando'n ka?"

Tumitig siya sa akin. "Angel, ngayon lang ako nakapag-bakasyon ulit. Napagbigyan naman ako ng mga kapatid ko. They understand. Don't worry." he smiled at me.

Tumango ako at ngumiti. "Maligo ka na rin."

Tumayo siya at sinunod ang sinabi ko. Hinintay ko siya. Sa balcony muna ako naghintay. Nasa pinakataas na bahagi kami. Napangiti ako. Gusto pa rin talaga niya ang matataas na lugar hanggang ngayon.

Napawi ang ngiti ko nang maalala ko si Lee. Makapagsasaya pa kaya kung nandito lang siya sa paligid? Pero ang sabi niya aalis na sila ngayong araw. Hindi talaga ako mapalagay ngayon. Paano kung nakita niya kami kanina? I shivered at the thought. Buti na lamang ay hindi.

Tapos nang maligo si Cy. We used his Hummer dahil ang sabi niya mabato at maputik ang daan patungo sa Villa.

"Bakit hindi mo gustong ipasemento ang daan?" wala sa loob kong tanong. He shrugged his shoulders.

"Ayoko lang. Nung una kong punta rito, I insantly love the island kaya gusto kong i-preserve ang natural na ganda. Kahit nung naipatayo ko na ang hotel and resort, pinagbabawalan naming magkakapatid na lumagpas ang mga turista sa boundary. Private property na itong tinatahak natin."

Tumango ako. Pinagmasdan ko ang daan. Para akong nasa ibang bansa. Nagtatayugang puno ang nakikita ko. Kadalasan ay puro niyog. Rough road pero maganda ang paligid. Hindi masyadong mainit dahil nasasangga ng malalaking puno ang init mula sa araw.

"Hey, hindi mo pa sinasabi sa akin kung ano yung nangyari kanina." sabi niya sa akin. Tumikhim ako at tumingin sa kanya.

"Nakita ko yung pinsan ko kanina nung umalis ka para kausapin ang supervisor mo."

Kumunot ang kanyang noo. "Really?"

Tumango ako. "Buti hindi ka niya nakita."

"Are you close with her?" tanong pa niya.

"Not that close. Minsan ko lang siya nakausap. Nung nag-family dinner kami last month. Her name is Lee."

"A girl. So, anong sabi niya? Nakita niya ba tayo?"

Umiling ako at napabuntong hininga. "Nope, she didn't. Mabuti nga hindi, eh. We're not that close pero ayokong magsinungaling sa kanya. She's kind. Sa lahat ng pinsan ko, sa kanya pinakapalagay ang loob ko. Saka, ayokong maging kampante. Baka makaabot 'to kina Mommy at Daddy." sabi ko. Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Hinaplos ko ang kanyang braso.

"Hey. . ."

Huminga siya ng malalim. Ngumiti siya sa akin. "I'm okay. Hindi ko lang inaasahan na hanggang dito."

Naiintindihan ko siya. Maski rin naman ako ay gano'n ang nararamdaman. Ang buong akala namin ay malaya kami sa lugar na ito. Hindi rin pala gano'n ka-safe.

May malaking gate kaming pinasukan na automatic na nagbukas nang matapat ang kotse ni Cy ro'n.

"Nandito na tayo?" tanong ko.

"Yeah. Pero malaki ang loob nito kaya ten minutes drive pa ang kailangan."

Napailing ako nang matuklasang totoo ang sinasabi niya. Nang makita ko ang design ng villa ay namangha ako. Mas maganda pa ito sa design ng mga mansion sa syudad.

"Pinatayo mo rin ito?"

"Yup." bumaba siya at umikot sa panig ko para pagbuksan ako ng pinto. Napailing ako at natawa. "Ikaw na ang sobrang yaman."

Natawa rin siya habang binubuksan ang pinto ng backseat. Kinuha niya ang isang maleta na naglalaman ng mga damit naming dalawa.

Umakbay siya sa akin. "Our Palace." bulong niya sa tainga ko.

Pumasok kami sa loob at sinalubong kami ng mga katulong. "Nadala mo na ba rito si Ram?" wala sa loob kong naitanong.

Tumango siya. "Only twice. Yung una nung bumalik kami galing Vegas. Nung pangalawang beses naman, nahanap siya ni Morris kaya kailangan ko siya ilayo ulit." kwento nito.

"Hinanap siya ni Morris?" naguguluhan kong tanong. "Akala ko ba ayaw panagutan ng kapatid mo si Ram?"

"Nalaman kasi ni Morris ang tungkol kay Kris." bumaling siya sa akin. "Another reason why I have to marry Ram ay dahil may balak si Morris na kunin ang bata. Nalaman kasi ng magaling kong kapatid na may taning na ang buhay ni Ram."

Pinadala ni Cy ang bagahe namin sa isang matandang lalaki. "Sa kwarto ko Mang June."

"Sige po, Sir." sagot ng matanda.

"Pakisabihan na rin sila Manang Lourdes na maghanda ng meryenda."

"Opo." sagot ng matanda bago umalis.

Tumitig ako kay Cy. Hindi pala ako nagkakamali nang mapansin ko ang pagiging arogante at dominante niya. May authority ang kanyang boses. Parang hari na siya umasta. Pero hindi yung tipong mayabang ang dating. Ang features niya mismo ang sumisigaw na siya ang dapat masunod.

Napansin niya ang paninitig ko at napangisi siya. "What are you thinking?"

Umiling ako at ngumiti ng matamis. "Wala. Pagod lang ako. Pwede bang magpahinga muna tayo? Saka na lang tayo

mamasyal."

Nagkibit siya ng balikat. "You're the boss."

Napansin kong medyo namumula ang balat ko dala siguro nang pag-s-swimming namin sa dagat. Medyo masakit rin ang katawan ko. Dapat ko muna 'tong ipahinga.

Nang makarating kami sa kwarto niya ay agad kaming nagpahinga. Nakahiga ako sa braso niya at nakalagay ang isa kong kamay sa kanyang dibdib. Marahan ang kanyang paghinga pero alam kong hindi pa siya tulog.

"Cy?"

"Hmm?"

"Kwentuhan mo ako." sabi ko sa kanya. "Para makatulog ako."

"Anong kwento ba ang gusto mo?"

"Hmm, yung may kinalaman sayo. Anong nangyari sayo nung umalis ako? Kailan mo pa nakilala ang pamilya ng Daddy mo?"

"Nung naghiwalay tayo saka ako gumawa ng paraan para makita sila. I had no one to turn to. Sila lang. Tinanggap nila ako. Nagkagulo lang ng konti pero bumalik pa rin ako sa kanila."

"Didn't. . . you try to love someone else aside from Ram?"

Sinilip niya ang mukha ko at may nakatagong ngiti sa kanyang labi. "Bakit mo natanong?"

Ngumuso ako. "W-wala. Gusto ko lang malaman."

"Wala akong ibang naging girlfriend maliban sayo."

Napatingala ako sa kanya. "Are you serious?"

"Muntik na akong mabaliw kay Heira dati." natatawa niyang sabi.

Nanlaki ang mata ko. "K-kay Heira?"

"Hindi ko na matandaan kung anong nangyari noon. Siguro dahil naghanap ako ng ipapalit sayo o masyado akong nahirapang mag-move on. Kaming dalawa ni Heira ang magkasama kasi pinababantayan siya sa akin ng kapatid ko. Magulo pa no'n. Pare-parehas pang immature kaya-"

Niyakap ko siya ng mahigpit at sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. "Na-in love ka sa kanya?"

"Hey?" inangat niya ang mukha ko. "You jealous? Matagal na 'yon. Sobrang tagal na nga at naitanong mo lang kaya ko naalala. Madaling mahalin si Heira. Para siyang si Ram. Ang pinagkaiba lang. . ." he paused for a second. "Si Heira, nahulog ako ng tuluyan sa kanya pero mahal na mahal niya yung kapatid ko. Si Ram, mahal ako nung una pero nung nakilala si Morris, nakalimutan niya rin ako."

Bigla siyang tumawa at hinampas ko ang dibdib niya. I pout my lips in irritation. "Bakit ka tumatawa?"

"Wala lang. Naisip ko lang kung nakita mo rin ba dati ang mga kapatid ko, piliin mo pa kaya ako?" tumingin siya sa mga mata ko. "Thank God I only have two half-brothers. Xandrei is already married. Si Morris naman." sandaling tumalim ang titig niya. "I won't let him see you. Baka kung ano na naman ang maisip no'n. Tingin ko he's not healthy anymore. Masyado niyang nilunod ang sarili niya sa inggit. Wala naman siyang dapat ikainggit sa akin. Nauna niyang nakuha kung ano ang mga tinatamasa ko ngayon. Hindi niya matanggap na nauungusan ko siya. Mas lalo siyang nagalit nang magkaayos kami ni Mommy."

"Because you're a good man. Nakukontento ka kaagad sa mga bagay na simple lang." sincere kong sagot.

Huminga siya ng malalim. "No, Anne. Hindi rin ako marunong makuntento. Not until I have you." bulong niya. "Huwag kang magselos kay Heira kasi sobrang tagal na talaga no'n. Tinatawanan ko na nga lang iyon ngayon. I won't deny it to you. Naaalala ko kasi siya sayo. Aside from you and my half sisters, she was the only girl I let in. Napagsasabihan ko siya ng nararamdaman ko lalo na nung naghiwalay tayo. Nakalimutan ko na 'yon. I was glad na tinanggihan niya ako at pinili niya ang kapatid ko. I would always prioritize their happiness before mine." hinalikan niya ang noo ko. "At si Ram, mahal ko siya dahil kailangan niya ng pagmamahal. Yung klase ng pagmamahal na kaya kong ibigay sa kanya ay katulad lang ng pagmamahal ko sa mga kapatid kong babae. So, as you can see, hindi talaga ako tuluyang nakaahon sayo. . ."

Unti-unti akong napangiti. Pinikit ko ang mata ko habang nararamdaman ang paghigpit ng yakap niya sa katawan ko. Unti-unti akong dinalaw ng antok.

"I love you, Anne."

Nagising ako na wala si Cyfer sa tabi ko. Pinasya kong bumaba para hanapin siya.

Nakita ko naman agad siya na kinakausap ang isa sa mga katulong sa villa.

Nang makita niya ako ay agad niya akong nilapitan.

"Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong niya . Tumango naman ako.

"Nagugutom ka na ba? Ipapahanda ko na ang dining table."

"Okay." napangiti ako sa pag-aasikaso niya. Natutuwa ako dahil solo ko ang oras niya. Masarap sa pakiramdam na akin lang atensyon niya. Natutuwa ako dahil bini-baby ko rin siya at ang loko, gusto talagang magpa-spoil.

We're old but not too old to be sweet. Wala namang pinipiling edad ang pagpapakita ng adoration sa taong mahal mo. Na-witness ko ang relasyon ng mga magulang ko, matibay. Mukha lang silang mga seryosong tao pero pag sila lang dalawa, para silang mga teenager na hindi mapigil ang isa't-isa. They love each other so much.

"Sasakay tayo dyan? Marunong ka ba nyan?" turo ko sa isang stallion na nasa harap ko. Hindi ito tulad ng mga kabayo na minsan kong nasakyan sa Tagaytay. This one is bigger. Halatang primera klase.

Nilingon ko si Cyfer na malapad ang pagkakangisi. "Marunong."

"Baka mahulog tayo."

"As if I will let you fall." inalalayan niya akong sumakay. Napatili pa nga ako nang maramdaman ang paggalaw ng kabayo.

"Sshh. Relax. Keep still."

Huminga ako ng malalim.

Hindi talaga ako mahilig sa ganito. Wala akong ka-thrill thrill sa katawan. Never akong naghanap ng adventure dahil mabilis akong maparanoid at madaling kabahan.

Nasa likod ko si Cy. Hinawakan niya ang renda at marahang pinalakad ang kabayo. Napahawak ako sa hita niya.

"Anne, hindi ka mahuhulog sa baba. Sa akin lang. Paulit-ulit." tumawa siya nang hampasin ko ang hita niya. Pinatakbo niya ang kabayo.

"Cy, slow down." natatakot na kasi ako.

"Mabagal pa 'to, Anne. Relax ka lang."

Pinikit ko ang mata ko at mas bumilis ang pagtakbo ng kabayo. "Open your eyes, angel. You're missing something good."

Pagdilat ko ng mata ko ay nasilaw ako sa liwanag na nagmumula sa araw. Napasinghap ako ng makita ang kabuuan ng isla. Nasa pinakataas kaming bahagi kung saan makikita ang kagubatan at ang karagatan. Tanaw ko rin mula rito ang hotel.

"Ang ganda, Cy. . ." ito na ang pinakamagandang lugar na nakita ko sa buong buhay ko.

Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko. "Sana lagi tayong ganito. Pag naayos na ang lahat, pwede bang dito na lang tayo tumira? Ayos lang ba sayo?"

Tumango ako at ngumiti sa kanya. Bahagya akong nakalingon. "Gusto ko rin dito. Tahimik. Parang walang problema sa mundo. I would love to live here, Cy."

Hindi ko na kailangang sabihin na kahit saang lugar naman, kaya kong tumira kasama siya.

Sa sumunod na dalawang araw, wala kaming ginawa ni Cy kundi halughugin ang buong isla. Pinapasyal niya ako. Oh , dear. Nauubusan na ako ng compliment at adjectives para i-describe kung gaano kaganda ang Isla La Principe. Sana makabalik ako rito agad pagtapos ng bakasyon ko.

"Daddy! Kailan ka uuwi?" rinig na rinig ko ang boses ni Kris mula sa laptop ni Cy. Naka-skype sila. Gabi-gabi nilang ginagawa iyan simula nang dumating kami ni Cy rito. Medyo na-g-guilty rin ako dahil pinipilit lagi ni Kris na umuwi ang Daddy niya.

"Daddy, nasa island ka po?"

"Yes, baby. Do you miss being here?"

"Opo. Dapat po nisama niyo ako. Gusto ko dyan. Miss ko na po pony ko."

Patuloy ako sa pakikinig sa usapan ng mag-ama. Hindi muna ako lumabas ng banyo hangga't hindi pa sila tapos mag-usap dahil paniguradong puputulugin na ni Cy ang anak niya.

"Dalhin kita rito pag magaling ka na."

"Daddy! Magaling na po ako. Wala na po ako lagnat. Saka, good boy po ako rito. Inom po ako lagi ng meds."

"Very good, baby. Pagtapos na si Daddy dito, papasyal tayo."

"Sa island po?" excited na hula ng bata.

"Hindi pa pwede ,baby. Park lang muna tayo. We can play in our house , di ba?"

"Hmm, pero gusto ko din po sa island. Pwede po ba?"

"Yes, baby. I'll talk to you doctor first, okay? Now, sleep. Gabi na. You need to rest on time. I love you."

"I love you, Daddy! Goodnight po!"

Napapikit ako at huminga ng malalim. Siguro ay miss na miss na ni Kris ang Daddy niya.

Ilang minuto akong nanatili sa gano'ng ayos bago ako nakarinig ng katok.

"Anne? Are you done?"

Inayos ko ang sarili ko bago binuksan ang pintuan.

"Ram's on the line. She wants to talk to you." tinaas niya ang kanyang cellphone. Kinuha ko iyon at nilagay sa aking tainga.

"Hi, Ram."

"Enjoying your vacation?" masaya niyang bungad sa akin.

"Yeah. Ikaw? Kamusta? Okay ka lang ba?"

Hindi ko maipagkakaila na nag-aalala rin ako sa lagay ni Ram. Napatingin ako kay Cy na lumakad sa pabalik sa kama at niligpit ang kanyang laptop.

"Nasa isla kayo, di ba? Sabi ko na nga ba dyan ka niya dadalhin, eh. Mabuti na dyan, walang makakakita sa inyo. Nasa hotel ba kayo o nasa Villa?"

"Nasa Villa. Ang ganda nga dito, eh."

"Yeah. Alam kong magugustuhan mo dyan. Anyway, ayos lang ako rito. Huwag ka mag-alala. Sana ma-extend ang bakasyon niyo. Masyadong bitin ang limang araw."

Sinang-ayunan ko ang sinabi ni Ram. Sana nga ay nakapa-file ako ng mas mahabang bakasyon. Sigurado akong mabibitin nga kami sa bakasyon namin.

Umabot ng ilang minuto ang kamustahan namin ni Ram bago ito nagpaalam.

Nang ibaba ko ang tawag ay nakahiga na si Cy sa kama. Binigay ko ang kanyang phone at nilagay niya iyon sa side table.

"Anong napag-usapan niyo?"

"Nangangamusta lang siya. Sana raw ma-extend ang bakasyon natin dito."

Yumakap ako kay Cy. "Parang ayaw na ata niya tayong pabalikin." natatawa kong dugtong . Tumawa rin siya.

"Gano'n talaga si Ram." huminga siya ng malalim. "But I know better, ayaw niya lang na nakikita natin siyang nahihirapan. Madalas niya ring sinasabi sa akin 'yan dati." hinalikan niya ang labi ko. "We can't extend, angel. Naghihintay si Kris. Isa pa, I'm worried about Ram's condition. We can't stay long but I promise, kapag may libreng oras na ulit tayo. Babalik agad tayo rito."

Tumango ako at hinagkan siya. He kissed me back. Biglang tumunog ang cellphone niya kaya natigil kaming dalawa.

"Sagutin mo muna." sabi ko sa kanya. "Baka importante."

Huminga siya ng malalim . Kinuha niya ang phone niya at sinagot iyon.

"Hello. Gelo de Vera speaking. . ."

Pinanuod ko ang reaksyon niya. Kumunot ang noo ko nang bigla siyang matigilan.

"Cy?"

Bigla siyang napaayos ng upo at tumaas baba ang dibdib niya sa paghinga.

"Don't ever hurt my son, Morris. I'll kill you." sabi niya.

Napasinghap ako.

>>next update

A/N : Sorry for posting late.

Dedicated to Mhykz. Huwag ka na magtampo sa pambubully nila. Hahaha! Alam mo namang mapang-asar talaga ang mga amazons. Lol. I love youuu!

Add me on fb : KHIRA WP

Join our fb group : KHIRA'S STORIES

Twitter : @dhanaloveskhira

IG : @dhalliejheane

Read before you vote. Don't mind my errors. Enjoy reading!

-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112