HTLAB2 - Chapter 12


Other girls 

-


"Cy, where are we going?" kanina ko pa siya tinatanong at siguro'y naririndi na siya dahil paulit-ulit ang tanong ko. Hindi naman kasi niya ako sinasagot. Ngiti lang siya ng ngiti.


"Cy. . ."


"Be patient, angel. You'll see it later. Huwag ka na mainip." sagot niya habang nag-d-drive.


Ngumuso ako at tumingin sa labas. Hindi naman ata ito ang daan sa airport. I thought we'll gonna board on plane? Sabi niya naihanda niya na ang ticket namin so I assumed na sasakay kami ng eroplano. Pero bakit mukhang hindi naman ata kami doon patungo?


"Cy, sa airport ba talaga tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Natigilan ako nang makitang nasa tapat kami ng isang matayog at malaking building. Sa tuktok no'n ay may nakasulat na , "De Vera Industries?"


Tumingin ako kay Cy na tinatanggal ang kanyang seatbelt. "May kukunin ka lang ba rito before we go to airport?" tanong ko muli.


Hindi na naman siya sumagot. Ngumisi lang. "Let's go, angel."

Naguguluhan man ay tinanggal ko rin ang seatbelt ko at lumabas. Siya naman ay umikot sa backseat at kinuha ang mga bagahe namin. Mas lalo akong naguluhan.


"Cy-" naputol ang pagsasalita ko nang may lumapit sa aming isang lalaki at pinabuhat ni Cy ang mga luggage.


Inakbayan niya ako at hinalikan sa sentido. "Tara."


Napakarami kong tanong . Gustong gusto ko talaga siya tadtarin ng mga tanong ngayon pero may kasabay kami kaya nanahimik ako. Nagtataka ako dahil pumasok kami sa building at iilan lang ang tao. Sumakay kami sa elevator at may pinindot siyang 'H' na button.


"Nasaan ang mga empleyado niyo?"


Tinapunan niya ako ng tingin. "This building is private. Kaming mga de Vera lang ang may access sa loob. Nasa main building ang mga employees namin."


Ngumuso ako at nanahimik na lang. Saan kaya kami pupunta?


Nang lumabas kami ay may dalawang lalaking nakaabang sa amin. Lumabas kami sa isang pintuan at agad na tumama ang malamig na hangin sa aking mukha.


Nanlaki ang mata ko nang makitang nasa helipad kami at may chopper sa harap ko ngayon. Nilingon ko si Cy na abot tainga ang ngisi. Kinamayan niya ang isang lalaking naka-pilot suit.


"Nice to meet you again, Mr. de Vera." bati ng lalaki.


"Come on, Draude. Parang hindi magkaibigan, ah? You're too formal."


Natawa ang lalaki at tumingin sa akin. "And who's this beautiful woman? Alam ba 'to ni Ram?"


Binatukan ni Cyfer ang lalaki. Napangiwi pa nga ako pero tumawa lang ang piloto.


"Just kidding. Pakilala mo naman ako."


Umingos si Cy at ngumisi. "Huwag na, Araña."


Minura ng lalaki si Cy at talagang nanlaki ang mata ko. Pinagmasdan ko si Cyfer. Tintignan kung na-offend ba siya pero mukhang hindi naman dahil humalakhak lamang siya. Lumapit siya sa akin at inakbayan ako.


"Future wife." deklara niya. "And my first love. I'm telling you, Draude Araña, ngayon palang ay wala ka ng pag-asa." tumatawang sabi niya sa piloto. Nilingon niya ako at nginitian. "Anne, he's draude. My not-so-cool friend."


"H-hi." nahihiya akong ngumiti at natigagal naman si Draude.


"Damn it, man. You still got her after so many agonizing years. Ang tindi." inilahad niya sa akin ang kanyang kamay. "I'm Draude, baby. You worth the long wait."


Binatukan ulit ni Cy ang lalaki. Nakakatawa sila kaya hindi ko mapigilang mapangiti.


"Bilisan mo na nga. Tss." nagsungit na si Cyfer.


Humalakhak naman si Draude. "Ikaw 'tong nagsabi na parang hindi magkaibigan tapos ngayon ngumangawa ka dyan."


Sinapak na nito si Draude pero tumatawa lang ang piloto. Napapailing na lamang ako.


Nilagay nila ang mga bagahe namin sa likod. Pinagmasdan ko naman si Cy na sinisipat ang chopper pagtapos ay nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Namula ako nang matawa siya.


Niyakap niya ako sa bewang. "Let's go. First time mo ba ito? Kinakabahan ka ba?"


Dahan-dahan akong tumango. "Sayo 'yan?" nginuso ko ang chopper.


"Sa pamilya. Xandrei bought it, my half-brother, as a gift for his wife, Heira. Hiniram ko lang dahil hindi available yung dalawang chopper."


"T-talaga?" napatingin ako sa chopper nasa aking harapan. Alam ko na mayaman na siya pero hindi ko alam na ganito na siya kayaman. Wala akong alam tungkol sa mga De Vera at sa kwento sa akin ni Ram, masyadong pribado ang pamilyang kinabibilangan ni Cyfer.


Si Cyfer ang nag-ayos ng seat belt ko at kung anu-ano pang safety precaution na hindi ko alam kung ano ang tawag tapos pinasuot niya ako nung parang headphone. Natetensyon ako dahil first time kong sumakay sa ganito. Ilang beses na akong nakasakay ng eroplano pero pakiramdam ko ay may naglalarong kung ano sa aking tiyan at parang babaliktad ang sikmura ko anumang oras.


"Relax." rinig kong sabi ni Cy. Hinawakan niya ang kamay ko. Napapikit ako nang maramdaman ang pag-angat ng chopper sa lupa.


Dinilat ko lamang ang mata ko nang nasa ere na kami. Dumungaw ako at nakita ko ang buong syudad. Wow. . .


Hindi ganito ang view pag nakasakay ako ng eroplano.


Buong byahe ay hawak ko lang ang kamay ni Cyfer. Panatag ang loob ko dahil kasama ko siya. May konting kaba pero katiting na lamang iyon. Normal siguro para sa isang first timer na hindi mahilig sa adventure . Nakatanaw ako sa baba at nang dagat na ang nakikita ko, lumingon ako kay Cy.


"Sabi mo airplane tayo?"


Humalakhak siya. "Wala akong sinabi."


Napailing ako. "Sabi mo naayos mo na yung ticket natin kaya ang akala ko-"


"Okay, I lied. Ayaw kasi kitang bigyan ng hint kung saan tayo pupunta." napanguso ako. Ilang minuto rin akong nanahimik. Palaisipan pa rin kung saan kami pupunta. Kahit anong panungulit kasi ang gawin ko ay hindi naman tumatalab sa kanya. Hindi ko na siya pinilit na sabihin sa akin yung lugar.


"Look at that." turo niya sa isang maliit na isla na medyo natatanaw na namin.


"Nasaan na ba tayo?" nilingon ko siya pero hindi niya pa rin ako sinasagot. Nakangisi lang siya habang tinuturo ang isla.


Nang makalapit kami ay kitang kita ko na magubat na isla pero sa tuktok no'n ay may isang bahay. Hindi lang matatawag na simpleng bahay kundi isang mansion. Sa may parteng norte ay may malaki at pahabang gusali malapit sa dagat. Is that a hotel and resort? I can see the pool.


Napatingin muli ako sa dagat. Mas asul ang kulay no'n at napakalinis. Parang nag-aanyayang sa akin na maligo ro'n. Matagal na akong hindi nakakapunta sa beach. Pag summer kasi hindi naman ako naglikiwaliw. Nag-aaral ako at madalas ay nasa ospital lang. Sa hotel ata kami baba dahil habang papalapit kami ng palapit roo'n ay pababa ng pababa ang chopper.


Mas lalo kong nasipat ang tanawin at isa lang ang salitang natatak sa isipan ko. Paradise. This is paradise.


Bago bumaba ang chopper sa helipad ng hotel ay nakita kong may tatak na DV ro'n.


Lumingon ako kay Cyfer na ngayon ay mataman na nakatitig sa akin.


"S-sa pamilya mo rin 'to?"


Umiling siya. "No."


So, anong ibig sabihin ng DV? Akala ko kasi ay De Vera ang meaning no'n. Maaaring coincidence lang.


Narinig ko ang boses ni Draude at parang may sinasabi siya na nakalapag na kami. Si Cy ang nagtanggal ng mga nakakabit sa katawan ko. Tinanggal ko na rin ang headphone at sumungaw ulit. Ang ganda talaga rito. Tingin ko ay mag-e-enjoy ako sa kauma-unahan kong bakasyon sa taon na ito. Bumaba kami at sinalubong agad ako ng preskong hangin. Pumikit ako at nilanghap iyon. Naramdaman ko ang yakap ni Cyfer mula sa aking likod.


"Welcome to my kingdom. . ."


Napadilat ako at napatingin sa kanya. I remember him saying the same line to me many years ago. Nanlaki ang mga mata ko sa nais niyang iparating.


"This is mine. Mine alone. Kasama ito sa ilang private properties na ipinamana sa akin ni Frank de Vera." ngumiti siya. "Just like this iland, I want you mine. . .alone."


Halos mangatog ang binti ko sa bawat salita niya. Naalala ko nung dinala niya ako dati sa Halinaya. Ngayon naman dinala niya ako sa isang isla.


"Welcome to La Principe, angel." nakangisi niyang sabi.


Halos yumukod sa harap niya ang mga empleyado. Para siyang hari na niyuyukuan ng lahat habang naglalakad kami papunta sa suit niya. Ngayon lang ako natauhan. Dati, siya ang natataasan sa akin dahil ang tayog ko raw. Mahirap raw ako abutin. Isa lang ang isinagot ko sa kanya. Ang sabi ko sa kanya noon, kayang-kaya kong bumaba sa lebel ko para sa kanya.


Ngayon, pakiramdam ko ay bumaliktad ang mundo at ako ngayon ang nasa ilalim. Ako na ang tumitingala sa kanya. Alam ko na ang naramdaman niya noon. Nakadagdag sa insecurity niya ang estado naming dalawa. Ako naman ang nai-insecure ngayon.


Lumingon siya sa akin. Kumunot ang kanyang noo. "What? Gutom ka na ba? Gusto mo na bang kumain? Magpapareserve ako sa baba."


Ngumiti ako at marahang umiling. "No. Medyo nanibago lang ako."


"You sure?" nag-aalala niyang tanong. "Magpapahinga muna tayo sandali then after that, I'm gonna tour you."


Ngumiti ako. "Gusto ko 'yan." Nakarating kami ng suit niya at sobrang laki no'n. Dobleng laki ng condo ko. Mamahalin lahat ng gamit na nando'n at parang ginto pa nga ang iba.


Napatingin ako sa kanya. Nilalagay niya sa gilid ang mga bagahe namin.


Tinungo ko ang veranda at halos manlula ako dahil nasa pinakamataas na floor pala kami. Tinuon ko ang aking pansin sa dagat. Parang gusto ko na agad magtampisaw roon. Tanaw ko ang mga puno ng niyog na nagkalat sa paligid ng hotel.


Naramdaman ko ang presensya ni Cyfer sa likod ko kaya mabilis akong humarap. Nakalahad ang kanyang bisig at bumaloob ako roon.


"Ang ganda rito, Cy."


"I'm glad you like it, angel. Though, this is not my palace. Ipapasyal muna kita rito. Naisip ko kasi na baka gusto mong maligo sa dagat tapos mamayang gabi, pupunta tayo sa villa."


"Villa?"


He chuckled. "Sorry, angel. I'm a bit old-fashioned. That's an old version of modern mansion, just so you know."


Ngumuso ako. "Parang hindi na ata ako bagay sayo. Hari ka rito."


"We're match, Anne. You aren't just an angel. You're my queen and this is our kingdom. All things I own are yours too. No questions ask." hinagkan niya ako at sobrang lalim ng kanyang halik. Nakakalunod. Niyakap ko ang braso ko sa kanyang leeg. Ang kamay naman niya ay dumapo sa likod ko pababa sa aking binti. Nakulong ang sigaw ko sa bibig niya nang iangat niya ako at nilagay ang aking binti sa kanyang bewang.


"Cy. . ."


Maingat niya akong nilapag sa kama. Hinubad niya ang suot niyang poloshirt. Then, he snapped and unzipped his jeans. He left his boxers before he joined me to bed. He cupped my face at hinakan niya akong muli. His mouth and hands began their journey on my body. I whimpered. I was giving little gasps lalo na nang maramdaman ko ang kanyang kamay sa dibdib ko. His hands carelessly giving my body delights.


"This is a dream come true, Anne." bulong niya sa leeg ko. Sunud-sunod ang paghingang ginawa ko nang maramdamang hinuhubad niya na ang damit ko sa aking katawan. Nanlaki ang mata ko nang marinig ang pagkapunit no'n.


"Sorry. . ." he whispered. I moaned when he sucked my flesh. He's giving me love bites, leaving some mark on my skin.


"Gosh. . ." napatakip ako ng bibig.


Where did he learn all this things? I could say that he's exper on pleasing a woman. Nakaramdam ako ng konting selos at nagawa ko pang magtanong .


"D-did you bring other girls here? Where did you learn. . .ahh. . ." I felt his hands in between my legs. "Cy. . ."


"There's no other girls, Anne. I was stuck with our memories. You imprisoned me."


That's the only thing I need. That's the only thing I want to hear.


"Cyfer!" sigaw ko dahil patuloy siya pagsaboy sa akin ng tubig. Tawa siya ng tawa at wala atang balak tumigil sa pagsaboy sa akin. Gumaganti ako pero masyado siyang malaki at mas mabilis. Natawa ako at umatras. Sumisid ako at lumangoy palayo.


Mainit dahil tanghaling tapat pero ayos lang. Sayang naman kung hindi kami makakaligo. Nang lumitaw ang ulo ko sa tubig ay hindi ko nakita si Cyfer.


"Cy?" inilibot ko ang aking paningin. Wala siya. Hindi ko siya makita. "Cyfer?"


May humila sa paa ko at hinila ako pailalim. Nakulong sa tubig ang sigaw. Nakita ko ang mukha niya at siniil niya ako ng halik sa ilalim ng tubig. Pinukpok ko ang likod niya dahil hindi ko inaasahan iyon at kinakapos na ako sa paghinga.


Hingal na hingal kami paglitaw namin. Hinampas ko siya sa braso.


"You! I almost died." natawa siya at iniyakap ang kanyang braso sa bewang ko. Nilapat at idiniin niya ang kanyang katawan sa dibdib ko. Tumawa ako at hinampas siya sa braso. "Nakatatlo ka na kaya huwag ka na humirit ng isa pa."


Umungot siya at isiniksik ang mukha niya sa aking braso. "Sabi mo i-t-tour mo ako?"


"Parang mas masaya na magkulong sa kwarto." nakangisi niyang sabi. Siniko ko ang kanyang tiyan at saka sumisid. Lumangoy ako palayo. Mas mabilis siya sa akin kaya naabutan niya kaagad ako.


Nagtatawanan kaming umahon sa dagat. Inakbayan niya ako at hinalikan sa sentido. May mga foreigner kaming nakakasalubong. Malalagkit ang tinin ng mga babae kay Cyfer. Napanguso ako. Nakaboxer lang kasi siya. Kanina muntik pa kaming mag-away kasi ayaw niya raw ako mag-suot ng bikini. Sayang naman yung dinala ko. Pero tignan mo siya, nakaboxer lang habang ako nakasuot ng spaghetti strap at shorts.


"Buti hindi ka naka-bikini." nakangisi niyang sabi.


Umirap ako. "Ang possessive mo kasi."


"Talaga." niyakap niya ako. "I don't want you showing your skin too much. Ako lang dapat ang makakakita niyan. Tayong dalawa lang at ang king-sized bed. Napanganga ako at namula ako ng todo. Hinampas ko ang kanyang balikat.


"Cyfer!"


Noon, never siyang naging vocal. Siguro dahil todo ang pagpipigil niya dahil teenager palang kami noon. Pero ngayon. . .Hay, Cyfer. He's making me so damn crazy.


Titig na titig ang mga babae sa kanya. Yung iba talagang nalaglag ang panga at yung iba naman ay napapangiti at napapakagt ng labi. Sigurado ako na kung wala ako rito ngayon, kanina pa may lumapit kay Cy. Hindi ako bayolenteng tao pero parang gusto kong manabunot ngayon.


Masisisi ko ba naman sila kung sobrang gwapo ng kasama ko ngayon? Hindi lang basta gwapo dahil lahat ng features niya ay nagsusumigaw ng salitang gwapo. Idagdag pa ang magandang hubog ng katawan. That jaw-dropping abs of his. Iyan lagi ang gusto kong haplusin.


Anne, you're being green. Nahahawa ka na ata sa kamayakan niyang katabi mo.


"Gutom ka na ba ,angel? May resto ro'n sa forest."


"Sa gubat talaga?" natatawa kong sabi.


Ngumisi siya. "For a change. I want my kingdom unique and one of a kind." kinindatan niya ako. Niyakap niya ang braso ko sa bewang niya.


Maganda talaga rito. Malayo sa polusyon, sobrang linis, ang daming magagandang halaman na hindi ko kayang pangalanan at meron din atang mga bulaklak na dito lang makikita.


"Nung pinamana sayo 'tong isla, kasama na ang La Principe Hotel and Resort?" Tanong ko sa kanya.


Agad siyang umiling. "Island property lang. Ako ang nagpatayo ng hotel at nung villa."


Nanlaki ang mata ko. "Ilang years na 'to?"


"Mag-f-four years palang. Three months from now pa ang anniversary."


"Ikaw lang ang nagma-manage nito?"


"Yung kapatid kong bunso, siya ang madalas na pumapalit sa akin pag busy ako. Nang malaman na uuwi ako rito, ayun, agad na tumakas." natatawa niyang sabi. "Sayang. Ipapakilala sana kita sa kanila. Maybe, next time. Pag may family gathering, isasama kita. . ."


"Cy, alam ba nila?" nag-aalala kong tanong.


He smiled at me, giving me assurance. "I never kept a secret from them simula nang bumalik ako sa kanila. Marami akong i-k-kwento sayo. I'm so happy na masosolo kita for a few days. Gusto ko talagang bumawi sayo." hinalikan niya ang kamay ko.


Kumain kami at bumalik ng hotel. Bukas na lang raw kami pumasyal dahil baka gabihin kami sa pagpunta sa Villa. Iniwan niya ako sandali sa lobby dahil kakausapin niya raw ang supervisor niya bago kami umalis.


"Anne?"


Lumingon ako sa tumawag ng aking pangalan. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Millicent. Nakakunot ang kanyang noo at matiim na nakatingin sa akin.


"What are you doing here?" tanong niya.


Namutla ako. "L-Lee. . ."


>>next update

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112