HTLAB2 - Chapter 10


-

Craving

-


"Saan kayo nagpakasal ni Ram?"


"Las Vegas."


"Bakit do'n?"


"That time, she was running away from the people who hurt her. From Morris and her family. Umalis siya ng bansa tapos sinundan ko siya. Doon din namin nalaman na lumalala na ang sakit niya."


Natahimik ako. Kanina pa ako tanong ng tanong tungkol sa kanilang dalawa ni Ram. Buti nga at hindi siya naririndi sa mga tanong ko


We're lying on my bed. Don't think otherwise. Walang nangyari. We just cuddle and kiss. Isa pa, gusto kong matapos itong mga tanong na gumugulo sa isip ko. Kumonti na iyon dahil sa paliwanag ni Ram.


"Paano na si Ram?"


Nagbuntong hininga si Cy. Hinalikan niya ang noo ko. "Gusto ko siyang gumaling, Anne, but Ram is stubborn. Ayaw niya na makinig sa akin. Gusto niyang dito lang. Nagsasawa na raw siya sa pagpapagamot, sa mga treatments, therapy. Gagastos lang daw ng malaki." tumingin siya sa akin. "I don't mind spending my money for her health. I honestly want her to overcome her illness. Pinipilit ko pa rin siya pero . . ." umiling na lang si Cy.


Nakauunawa akong tumango. "I-I'll offer some help, Cy. Hangga't kaya kong ibigay."


Ngumiti siya at marahang hinaplos ang pisngi. "She's good woman, Anne. She deserves to live spite and despite of our circumstance. She thinks she can't make it, slowly giving up. Kung hindi lang dahil kay Kris, baka dati pa siya bumigay."


Hindi ko gustong isatinig ang awa ko sa mag-ina. Ayokong dagdagan yung burden kay Cyfer pero totoong na kay Ram ang simpatya ko. Cy is right. Ram deserves to live.


"Morris. . ."


Cy became stiff. Naramdaman ko ang tensyon mula sa kanya. Huminga siya ng malalim. Sinubsob niya ang ulo ko sa dibdib niya. I enhale his manly scent.


"He's forever jealous of me. Hindi na siya nakaahon sa inggit at galit niya sa akin. Ang dami niyang dinamay at hindi ko matanggap na pati si Ram na walang kaalam-alam sa galit niya sa akin ay nagawa niyang saktan ng gano'n."


Marahan kong hinaplos ang braso niya. "You see, inayos ko ang buhay ko para may mukha akong ihaharap sayo at sa pamilya mo. Hindi ko nasabi sayo ang tungkol sa mga kapatid ko kay Dad, ang mga De Vera. They are good people and they gave me a second life. Sila ang tumulong sa akin nung panahon na walang wala ako. Five years ago, nagkaayos kami ni Mommy. I ran my uncle's business. Pinamana niya sa akin ang mga negosyo niya bago siya mamatay. Tinutulungan ko yung kapatid ko who's Heira's husband, sa pagma-manage ng DVI. Then, I built my own business-"


"Sounds like you're a filthy rich man, huh." pabiro kong sabi.


Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "It's useless, Anne. Worthless lahat ng iyon dahil hindi ko makuhang maging masaya. With Ram and Kris condition at sa problema ko kay Morris, idagdag pa yung frustration ko sa pagpapahanap sayo, my life's a mess. Gusto ko mang ayusin lahat, hindi gano'n kadali. Lalo na yung issue kay Morris. . ."


Nagtaas baba ang dibdib niya sa tensyon.


"Galit ako sa kanya, Anne. Galit na galit. Hindi lang sa ginawa niya sa akin noon at kay Ram. Galit ako dahil hindi niya pinahalagahan si Kris. Tinakwil niya ang bata nang kausapin ko siya tungkol sa lagay ni Kris. Kailangan ng cooperation niya for the blood test pero ang hayop na 'yon, mas gugustuhin pang mamatay si Kris kaysa lumapit sa akin."


"Hey, Cy. . ." hinaplos ko ang pisngi niya. Kahit papaano ay kumalma siya pero nangangalit ang kanyang panga at kulang na lang ay magliyab ang mga mata niya sa galit.


"I'm starting to hate him, Anne. Binibigyan ko siya ng konsiderasyon dahil magkapatid kami sa ina and I don't want to upset Mom because we're both adult. Hindi na kami bata para magtalo pero wala siyang tigil sa pakikipagkumpetensya sa akin. He got mad nang malaman niyang pinakasalan ko si Ram at inako ko ang pinagbubuntis nito. Siya pa talaga ang may karapatang magalit. Sinabi niyang pinupulot ko lang ang mga basurang pinagsawaan niya na at inangkin ko ng walang permiso niya. He was referring to Ram and Kris when he said that at halos mapatay ko siya sa bugbog kung hindi lang kami naawat ni Mommy. Gago siya."

"Hush. . ." nababahala ako sa mga naririnig ko sa kanya. Pilit ko siyang pinapakalma kahit hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko. Ayoko lang na nakikita siyang ganito. Ayoko na naririnig kung gaano siya kagalit sa isang tao. "We'll try to fix it. If it can't be fix, hindi naman ikaw ang sumira sa relasyon niyo as brothers. Kawalan niya iyon, Cy. . ."


Napabuntong hininga siya. "I got carried away. I'm sorry. Ayokong pinag-uusapan siya. Siya lang kasi ang masisisi ko kung bakit nahihiran pa rin si Kris hanggang ngayon. Walang alam ang bata para idamay niya sa galit niya sa akin. Anak niya si Kris pero kahit kailan hindi siya naging mabuting ama sa bata."


"You love Kris." that's not a question. That's a statement dahil halatang halata ko ang pagpapahalaga niya sa bata.


"Yes, Anne. I see myself on him." mahina niyang sabi. Natigilan ako. So, Ram's conlusion was right. Mahal ni Cyfer ang bata dahil nakikita niya rito ang sarili niya. They're both illegitimate. A bastard. "Natatakot ako na maranasan ni Kris ang naranasan ko. He's ill at masyado pa siyang bata para malaman ang issue na 'yon. I'm doing my best as I take Morris' place as his father. Gusto kong lumaki siya ng walang iniisip na insecurities. Ayokong matulad siya sa akin." his eyes roamed my face. "I hope you understand."


Ngumiti ako at hinalikan ang ilong niya. "I do , Cy. Actually, you're giving me more reason to love you."


Natawa siya. "Hey, that's my line."


"You can copy my lines too." natatawa kong sabi.


Inayos niya ang buhok ko. Nilagay niya iyon sa likod. "Anne, I don't regret a thing. Kung meron man, hindi ko masasabing pinagsisihan ko na nakilala ko si Ram because Kris gave makes my life more meaningful. They became the center of my world. Nawalan kami ng lead kung nasaan ka. For several years, wala akong balita sayo. Nakauwi ka na pala ng bansa."


Malungkot akong ngumiti. "I know. Naiintindihan ko, Cy."


Everything falls into its rightful places. Lahat talaga ay nangyayari ng may dahilan. Tila nakatadhana ang lahat ng mga nangyayari sa amin. . .sa ating lahat. Fate lead us to this moment. I always knew that I belong to my profession, ang maging doktor. Sinong mag-aakala na magiging pasyente ko ang anak niya?


Yes, tanggap ko na. He may not be Kris' biological father pero siya ang nagpalaki sa bata. Iniingatan niya, inaalagaan at binibigyan ng pagmamahal. Siya yung tumayong ama. Hindi si Morris.


"Do you still have hard feelings towards me?" nag-aalala niyang tanong.


Umiling ako. "Ram explained your side clearly. Magagalit pa ba ako sayo pagtapos kong malaman lahat iyon? After kong malaman na baliw ka pa rin sa akin hanggang ngayon?"


He chuckled.


Gusto ko sanang itanong kung ano yung totoong rason kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin noon. But I think it's unnecessary. Hindi na kailangan pang ungkatin. Isa pa, I don't want to spoil this moment.


We kissed again at naramdaman ko ang paggapang ng kamay niya sa katawan ko. Nag-iinit lahat ng himaymay ng katawan ko at halos maitulak ko siya. He groaned.


"Don't tell me stop now, Anne." His eyes were pleading . Napalunok ako.


"A-alam ba ni Ram na nandito ka-" hindi niya pinatapos ang sasabihin ko at muling inatake ang aking labi.


He chuckles. "Halos itaboy na nga ako no'n papunta sayo, eh. Don't think about her. Ram knows. . .everything." napasinghap ako. Namula ako sa sinabi niya at hinampas siya sa braso. His hand go down in between my thighs and his other hand cupped my breast.


Nawala na sa isip ko ang mga dapat na alalahanin sa gabing iyon.


Nagising ako na wala si Cy sa tabi ko. Mabilis akong napabangon. Mag-a-alas diyes na pala ng umaga. Kung gaano ako kabilis tumayo ay gano'n din ako kabilis bumagsak sa kama. I'm sore. Namula ako ng todo. Si Cy kasi. . .


Napatingin ako sa side table. Walang note? Napatingin ako sa katawan ko. I'm not totally naked dahil suot ko ang polo ni Cy. So, nandito pa siya?


Mabilis akong tumayo at lumabas ng kwarto. Naamoy ko kaagad ang ulam sa kusina. Sumilip ako ro'n at nakita ko si Cy na nag-aayos ng mesa. Topless siya at suot niya ang kanyang pants kagabi. Natigilan siya nang makita niya ako at ngumiti.


"Good morning!"


Bumati rin ako at pumunta sa kanya. Yumakap ako sa kanya at hinalikan niya ang noo ko. "Amoy ulam ka."


"Is that a compliment? Don't tell me na ako ang ulam mo for breakfast?" nanunudyo niyang tugon. Nanlaki ang mata ko at napaiwas ng tingin.


"I d-didn't mean it that way!"


"Defensive. I won't get mad, angel. Just tell me the truth." hinampas ko ang braso niya at pulang-pula na siguro ang pagmumukha ko. Tumawa lang siya at hinalikan ang ulo.


"Let's eat."


May nakahain na baked mac, hotdog, bacon at toasted bread sa mesa. Una kong tinikman ang baked mac.


"Marunong ka na magluto."


"Hmm."


"Dati puro itlog lang alam mong iluto."


Napaubo siya. Hinagod ko naman ang likod niya. "Kidding."


He glared at me. "Minamaliit mo ata ang cooking skills ko."


"Hindi, ah. Sarap nga nitong baked mac." painosente akong sumagot ngunit hindi ko matago ang ngiti ko.


"You're grinning at me."


"Hindi, ah."


Inurong niya ang upuan ko plapit sa kanya. Muntik na akong mapasigaw. "Cy!"


"I'm craving for you kaya huwag mo akong bibiruan dahil baka hindi ka makapasok mamaya. We'll end up locking ourselves here in your unit."


Namula ako ng todo at napamaang sa sinabi niya.


Nagpatuloy kami sa pagkain at ako naman ang walang imik, siya naman ngayon ang todo ngiti. Natapos kami at ako na ang naghugas ng plato. Nakikipag-agawan pa siya sa akin nung una. Napailing na lang ako. So, this is the feeling of being with him?


Natigilan ako sa paghuhugas ng pinggan nang may ma-realize. Maliban aming tatlo ni Cy at Ram, wala ng ibang nakakaalam. I don't kung merong alam si Heira at ang iba pang kamag-anak ni Cy pero maliban do'n, wala ng nakakaalam ng katotohanan.


Hindi kami makakatakas sa mapanghusgang mga mata ng tao. Papaniwalaan nila ang sa tingin nilang tama kahit wala silang alam. Lalabas na nangangaliwa si Cy at niloloko niya si Ram. Lalabas na mistress niya ako. At mukukuha ni Ram ang simpatya ng lahat kahit hindi naman nito kailangan no'n.


Para sa amin, walang mali. Pero para sa iba, sobrang immoral nitong ginagawa namin. Napalunok ako.


Ngayon ka pa ba panghihinaan ng loob? You know the truth, Anne. Cyfer is only for you. He's yours.


Pero paano ko ipapaliwanag iyon sa mundo?


Nasa sala si Cy at nanunuod ng football. Tumabi ako sa kanya at agad siyang yumakap sa bewang ko.


"Tired?" tanong niya.


Ngumiti ako. "And I'm blaming you for that."


He chuckles. "Anong oras ang duty mo?"


"2pm ngayong araw."


"Hmm, may oras pa. Labas tayo? Saan mo gusto magpunta?"


Nawala ang ngiti ko. "Cy. . ."


Kumunot ang noo niya. "What? May problema ba?"


"H-hindi tayo pwedeng lumabas ng madalas. We need to be extra careful. Ayusin muna natin ang mga dapat natin ayusin, please. . ."


Natigilan siya at ilang sandaling natigagal. Pagtapos ay nagbuntong hininga. "Okay. I'm sorry. Nawala lang sa isip ko. We'll to Ram, alright? Maayos natin 'to."


Yumakap ako sa kanya. Sana nga. Pero kahit gusto ko siyang maging akin lang. Hindi pwede. I have to share him dahil kailangan siya ni Ram. Lalo na ni Kris. We'll buy our time. Hindi na mahirap gawin 'yon. We waited for a very long time. It's a piece of cake. Ang mahalaga, may assurance na kami sa isa't-isa, alam namin ang totoo at hindi kailangang magpadala sa sinasabi ng iba. Isa pa, wala naman silang masasabi kung wala silang alam. So, we need to be careful.


Nauna siyang umalis ng unit kaysa sa akin. I promised him na dadalawin ko si Ram mamaya.


Binigay niya sa akin ang number niya para matext ko siya pag kailangan.


Kaya kong itago ang sarili ko sa ibang tao pero hindi ako makakaligtas sa mapagmasid na mata ni Shinn Aslejo. Panay ang titig niya sa akin na parang may mali sa itsura ko.


"Stop staring , Shinn. Nakaka-intimidate ka."


Hindi niya ako tinantanan. Hinampas ko na siya sa braso saka lang siya nag-react.


"What's wrong with you?" tanong niya habang nakakunot ang noo.


"Ikaw? What the hell is wrong with you? Bakit kung makatitig ka parang may atraso ako sayo?" asik ko sa kanya. Ibinaba ko ang mga binabasa ko at humalukipkip.

"May nangyari ba, Annielle? May hindi ka ba sinasabi sa akin?" mariin niyang tanong.


Muntik na akong mapangiwi. He called me by my first name. Isa lang ang ibig sabihin no'n, he's dead serious.


"Sabihin mo sa akin kung anong nangyayari at bakit sobrang weird mo?"


"A-ako pa ang weird ngayon?" maang kong tanong.


"Paanong hindi? Ngumingiti kang mag-isa, hindi ba weird 'yon? Nakakapanibago. I was expecting your eyes to be swollen dahil sa kakaiyak mo do'n sa epic first love mo. Tell me, have you gone crazy dahil hindi kayo nagkatuluyan?"


I fight the urge to smash Shinn's face in the wall. Gusto ko sana siyang idaan sa pamimilosopo pero naisip ko na concern lang siguro siya sa akin. He's protective. Ayaw niya lang ako na malagay sa komplikadong situation.


Too bad, I already enter the gates of hell and I've promise I'll get out of that place alive with the love of my life.


Nasa isipan ko na kung ipapaalam ko ba sa kanila ni Rhea. They have the rights to know, as my friends. Sasabihin ko rin. Kukuha lang ako ng magandang tyempo.


Hindi ko sinagot ang mga tanong ni Shinn. Bumalik ako sa ginagawa ko at nagpakalunod sa trabaho. Marami akong dapat gawin pero nakaka-distract ang mga text ni Cyfer sa akin.


Cyfer :Can I buy you foods? What do you want? Gutom ka na?


Cyfer : I wished we could dine out tonight.


Cyfer : Ram will wait for you. Anong oras matatapos ang duty mo?


Isa-isa kong sinagot ang text niya. Nasa kwarto pala siya ni Ram ngayon. Tulog raw kasi si Kris kaya naiwanan niya.


Bumubuti na ang lagay ng bata. Na-t-take ng katawan niya ang gamot. Lumalakas na rin siya at nagiging hyper na.


"Pretty doctor, kailan po ako lalabas?" tanong nito sa akin habang pinapalitan ng nurse ang dextrose ng bata. Nginitian ko ito.


"Malapit na, baby. Kaya paggaling ka, ah? Huwag pasaway. Pag sinabing eat, mag-i-eat ka, ha? Kasi it's for your own good."


"Ibig sabihin po, I won't die?"


Bahagya akong natigilan sa tanong niya ngunit mabilis na ngumiti. "No, baby. Pretty doctor and pretty nurses won't let that happen."


Lumiwanag ang mukha ng bata at mukhang nasiyahan sa sinabi ko. He's open-minded. No wonder, he has so many questions in his head. Curious sa maraming bagay. Gano'n naman ang pangkaraniwang bata.


I won't let him die. I can't . Kung mahalaga siya kay Cy, mahalaga na rin siya sa akin. Hindi siya mahirap alagaan. Hindi ko 'to ginagawa dahil lang sa trabaho ito. Ginagawa ko 'to dahil para sa akin, lahat ng bata ay kailangang mabuhay. Cancer is not the end of their lives. Kaya pa nilang labanan 'yon. They deserve to live. Lalo na si Kris.


Sa kwento ni Cy at Ram ko lang narinig ang pangalan ni Morris pero hindi na agad maganda ang tingin ko sa kanya. I'm starting to hate him. Sana ay hindi niya pagsisihan na 'di niya pinahalagahan ang mga taong nagmahala sa kanya . Kris is just a baby at nangangailangan ng pag-aaruga ng isang ama. Nakakapanghinalang. Kung pwede lang talaga pumili ng magiging magulang, ano?


Natapos ang duty ko at dumiretso ako sa kwarto ni Ram. Mag-isa siya ro'n habang kumakain ng sliced apple. Umaliwalas ang mukha niya nang makita ako.


"Anne!" tumawa siya. Why is she excited to see me? May konting pagkailang pa akong nadarama pero agad rin namang naaalis sa klase ng ngiti niya.


"Hello, Ram." inayos ko sa table ang dala kong basket na puro prutas ang laman. "How are you feeling?"


"Ang formal mo naman. Pang-doctor ang bungad mo. Sawa na nga ako sa linyang 'yan, eh." natatawa niyang sabi. "Ang boring talaga rito sa ospital. Gusto ko na umuwi pero those damn doctors won't gave me a go signal." napasimangot siya.


Napailing ako ng may ngiti sa labi. "Bakit kasi ayaw mo sumailalim sa treatment? Sabi ni Cy , ang tigas daw ng ulo mo."


Umirap siya at kunwari'y naiinis. "Sinumbong ako no'n sayo? Sapakin ko 'yon mamaya."


Parehas kaming natawa. It's easy to get along with her. She has a bright personality. Bilib ako sa mga ganitong klaseng pasyente. Na kahit may sakit ay hindi nagpapadala sa depression.


"Seriously, Ram. I'll take care of the bills. Ipapa-schedule kita kung papayag ka. You still have a chance. Let's grab it hangga't-"


"Anne, alam kong concern ka na rin. You're too kind. Sa kwento nga ni Gelo, pwede ka na maging santa. Hindi ko alam na totoo pala." she chuckles. "Kidding aside, I'm really tired of it. Paulit-ulit na lang kasi tapos babalik rin naman. You know what? Nung nalagpasan ko yung two years na taning sa akin ng doktor at nagkaroon pa ako ng chance mabuhay sa loob ng limang taon, I took it as a miracle already. If I die right at this moment, magiging thankful pa rin ako."


Tumango-tango ako. Nag-iisip na ako ng paraan para mapapayag si Ram nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Cy.


"Oh, lover boy is here." natatawang sabi ni Ram na ikinapula ng pisngi ko. May dala si Cy na pagkain at may tatak ng isang mamahaling restaurant.


"You didn't text me, angel." sabi nito sa akin habang pinagkakasya sa side table ang mga pagkain.


"I-I forgot." napatingin ako kay Ram na nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa at may nakatagong ngiti sa labi. Pagtapos, humagikgik siya .


"Ang cute niyo." sabi ni Ram.


Napanganga ako. Tumawa naman si Cyfer. Kumuha ito ng upuan at tumabi sa akin.


"Huwag mong binibigla si Anne. She's a shy-type." sabi ni Cy.


"Ooohh." muling humagikgik si Ram.


Kulang na lang ay malaglag ako sa kinauupuan ko. Napailing na lamang ako sa takbo ng usapan. I can't believe this. They're teasing me. Syempre, dehado ako.


We talk about things. Nakikisali naman ako. Hanggang ngayon ay hindi ko inakala na ganito ang magiging paghaharap namin. Sobrang gaan sa pakiramdam na parang matagal ko ng kilala si Ram. Na parang walang nangyari sa loob ng eleven years sa pagitan namin ni Cy. Unbelievable yet it's real.


Natigilan kaming dalawa ni Cy nang mag-brought up ng panibagong topic si Ram.


"Bakit hindi muna kayo magbakasyon? Out of town or out of the country? Kahit two days or three days lang." bumaling sa akin si Ram at ngumiti. "What do you think , Anne?"


Nagkatinginan kami ni Cyfer at parehas kaming hindi makapaniwala sa sinabi ni Ram. A tempting suggestion.


>>next update

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112