HTLAB2 - Chapter 1
-
Stuck in memories
-
"You may now kiss the bride." malumanay na sabi ng pari. Nag-aabang ang lahat ng imbitado sa kasalang 'to. Nang mahalikan ng tuluyan ng groom ang bride, malakas na hiyawan at palakpakan ang pumuno sa simbahan.
Masaya ang lahat. Pinunasan ko ang luha ko at saka pumalakpak para sa bagong kasal. Masaya ako. . .masaya ako para sa kanila.
Nanatili akong nakaupo kahit nag-p-pictorial na. Dinumog kasi agad ang bride at ang groom. Mamaya na lang ako babati.
Huminga ako ng malalim at tinignan ang aking relo. Kailangan ko pang bumalik sa ospital. Isang oras na lang at duty ko na.
Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng simbahan. Masyadong bongga ang kasalang 'to. Halatang pinaghandaan ng sobra. Napangiti ako. I think of myself having this kind of wedding in the future. Gusto ko sa simbahan rin. . .
Nakaramdam ako ng lungkot. Napag-iiwanan na ata ako. Sabagay, lagi naman akong naiiwan. . .
"Anne!"
Hinawakan ni Rhea ang kamay ko. Nakanguso siya.
"Bakit?"
"Anong bakit? Pictorial na kaya. Nag-mo-moment ka na namang mag-isa dyan." nakapamewang siya sa harapan ko. Natawa na lang ako sa sinabi niya. Tumayo ako at niyakap ko siya.
"Congratulations!" sabi ko sa kanya na sinabayan ko ng tawa. "Naunahan mo pa ako. Akala ko pa naman nung teenager pa tayo, hindi ka makakapag-suot ng wedding gown ."
Tumawa rin siya. "Those were the times I imagined myself wearing a tux." naiiling na sabi niya. "Good thing ,I've changed my heart." marahan siyang tumawa.
Parang gustong malusaw ng ngiti ko. Change of heart. Sana nakaya ko 'yon. Sana nagawa ko. Pero hindi. I was still stuck on the past, stuck in memories.
Masaya ako para sa bestfriend ko. She found herself. She found her right love with the right man. Sana naranasan yung lovestory na meron siya. Mahaba ang proseso, nasaktan man, nakaya niyang lumaban. And now, she vowed to love the man who was deeply in love with her too. The beginning of their forever.
Muling bumalik ang ngiti ko. Hopeless romantic pa rin ako hanggang ngayon kahit na sobrang ilap naman ng romance sa life story ko.
Tinignan ko si Rhea na nakatingin sa akin. May nakiraang lungkot sa mga mata niya. Muli niya akong niyakap. "You'll find yours, Anne. Just wait for it. I'm sure it'll be worth fighting for." sinsero niyang sabi.
Kung teenager pa rin siguro kami, aasarin ko siya. Naaalala kong hindi siya yung tipong mahilig magpayo at magkwento tungkol sa pag-ibig. Lagi pa nga niyang inookray ang pagiging hopeless romantic ko. Pero ngayon, mas nauna pa siyang nagpakasal. Ironic, isn't it?
"I know, Rhei. Thanks." gumanti ako ng yakap. Alam kong nag-aalala lang siya. Alam niya lahat ng nangyari sa akin. At kahit pa hindi ko sabihin, alam niya kung ano ang gusto kong tahakin. "Enough of this drama. We should celebrate. It's your wedding day!" Sabi ko sa pinasiglang boses. Marahan siyang tumawa.
"Yeah." she grinned.
"Punta pa ba kayo ng reception?" tanong ko.
Umiling siya at natawa ako.
"Oh , my God! Don't tell me honeymoon agad-agad?"
Namula ng todo si Rhea at tinakpan ng bouquet ang mukha niya. "Shut up, Anne!" tugon niya. "Nauna na 'yon. . ."
Mas lalong nanlaki ang mata ko . Parehas kaming tumawa ng malakas kahit pulang-pula ang mukha niya.
Ibang-iba na si Rhea. Hindi na siya yung boyish bestfriend ko. Mas babae na siyang tignan ngayon. Mas maganda na siya sa akin. I like the new version of Rhea Louisse Marval. Oops, hindi na nga pala siya Marval ngayon. See? Pati apelyido niya nagbago na. Sobrang laki ng pagbabagong naganap sa kanya pero nanatili ako bilang bestfriend . Yung friendship namin na napaglipasan na ng panahon ang walang pinagbago.
Ako? Wala rin naman atang nagbago sa akin. Gano'n pa rin ako maliban sa maikli na ang buhok ko ngayon. Last month, nagpagupit ako. Hanggang balikat na lang ang buhok ko ngayon. And I'm now working in CMMA as resident doctor. Nasa pangatlong taon na ako bilang pediatric oncologist.
"Ikaw, daan ka pa sa reception?" napatingin si Rhea sa Papa niya at mga magulang ko na nag-uusap sa kabilang aisle. "I heard Tito Daniel and Tita Anna will come. Ikaw?"
"May duty ako, eh."
Napangiti siya. "Loyal much sa work? Baka iyan na ang pakasalan mo, ha."
Natawa ako. "Ewan ko sayo." napatingin naman ako sa likod niya kung saan nagpalinga-linga ang kanyang groom. "Hinahanap ka na ata ng asawa mo. Balikan mo na. Mukhang naliligalig na, eh." nginisihan ko siya. "Enjoy your honeymoon. Sana may inaanak na ako pagbalik mo."
Mas lalong namula sa Rhea. Hinawakan niya ang kamay ko at pinahawak niya sa akin ang buoquet niya. Napatingin ako ulit sa kanya.
"Sayo ko ibibigay 'yan. Pagbalik ko, dapat may boyfriend ka na, ha? Sayo na 'yan para ikaw na ang susunod na ikasal." tumawa siya. Tumalikod na siya sa akin at pumunta sa groom niya. Napailing na lang ako. Crazy, girl.
Tinitigan ko ang bouquet ni Rhea at napailing muli. Magkatotoo kaya yung sinabi niya? Sana. . .
Tumungo ako sa mga magulang ko at nagpaalam. "Dad, My, una na ako. May pasok pa ako ng 4."
"Pero may reception pa, hija. Hindi ka sasama?" kunot noong tanong ni Daddy. Ngumiti ako bago sumagot.
"Hindi na po. Hindi naman na pupunta ro'n sila Rhea. Baka dumiretso na sila sa Camiguin."
Sa Camiguin Island ang honeymoon nilang mag-asawa. 4 months ata sila do'n. Ang haba ng honeymoon period nila. Malaki talaga ang possibility na buntis na si Rhea pagbalik nilang mag-asawa. Napangisi ako.
Humalik ako sa mga magulang ko saka nagpaalam muli sa bagong kasal.
Mabilis kong tinungo ang sasakyan ko. I'm still wearing my long dress. Didiretso muna ako sa unit ko para makapagpalit. I still have 40 minutes. Buti na lang at walang traffic ngayon.
Pagdating ko sa unit ay agad kong hinubad ang gown at inalis ang make-up sa mukha ko. Napatitig ako sa salamin.
Nang umalis ako ng Pilipinas eleven years ago, pinagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa Stanford University. Medicine ang kinuha kong course. Bumalik ako after 8 years at pinagpatuloy ko ang residency sa ospital na pagma-may-ari namin. Twenty-eight na ako ngayon pero pakiramdam ko taon lang ang nagpapatanda sa akin.
Binuhos ko ang labing-isang taon sa pag-aaral at paglilingkod sa ibang tao. Nakalimutan kong kailangan ko rin pala ng sariling kasiyahan. Annielle Martin is twenty-eight years existing yet still single.
Ang huling boyfriend ko ay nung nasa U.S. pa ako . Naka-ilang boyfriends rin ako ro'n pero hindi nagtatagal. Ewan ko pero ako lagi yung tinuturo nilang may mali. Sila yung nang-iiwan, at ako yung tipong hindi na naghahabol pa.
Isang tao lang naman ang hinabol ko noon. . .
Napapikit ako at pinagpatuloy ang paghihilamos. Kailangan kong magmadali dahil ma-l-late na ako.
Nakarating naman ako ng ospial sa tamang oras. Bumabati sa akin ang mga nakakasalubong kong nurses at doctor.
"Annie!" biglang may umakbay sa akin at halos mapayuko ako sa bigat ng brasong iyon. Tumingala ako at nakita ko si Shinn na nakangisi. "Late?"
"Nah." inalis ko ang braso niyang nakaakbay sa akin. Natawa naman siya.
Shinn Ace Aslejo is one of our youngest neuro-surgeon here. Kilala ko na siya nung nasa U.S. palang ako kahit sa Stanford ako nag-aaral at siya naman ay sa Harvard. Anak siya ng kasyoso ni Daddy sa negosyo. Ang alam ko mas pinili niyang maging doktor kaysa maging businessman. He's good-looking and hot. Baby blue ang kulay ng mga mata niya , may matangos na ilong at manipis na labi. Laging wavy ang buhok niya. Niligawan niya ako noon , I think five years ago, pero dahil may reputasyon siyang playboy, binasted ko siya. But we stay as friends. Ito nga at sumama pa siya sa akin dito pauwi ng Pilipinas dahil hinahabol-habol siya ng Kuya niyang ayaw ring maging businessman. Parehas silang gustong tumakas sa gano'ng responsibilidad.
"Kamusta ang kasal ni Rhei?" tanong niya. Yes, he knew Rhea. Niligawan niya nga dati pero hindi rin siya sinagot ng bestfriend ko. Nasabihan pa nga niya kami ni Rhea na walang taste sa pagpili ng boyfriend because we both dumped him. Tinatawanan lang naman ni Rhea ang pang-aasar ni Shinn.
"Okay naman. Masaya. Syempre."
"Hindi niya ba ako hinanap?"
Natawa ako. "Ba't ka namam hahanapin no'n? Nagpasalamat pa siguro siya na wala ka ro'n." sinabayan ko ng tawa.
Napailing na lamang si Shinn. "You like hurting my ego, don't you?" sarcastic niyang tanong. "Parehas talaga kayong magbestfriend."
May scheduled operation kasi si Shinn kaninang tanghali kaya hindi siya nakasama sa kasal. Nakahanap ako ng boy bestfriend sa katauhan niya. Wala kaming something or mutual understanding. God ! Matanda na kami para do'n . Napangisi ako. Hindi na kami teenagers. Itong si Shinn ang maraming fling .
"Paano ba 'yan , naunahan ka pa ni Rhea? Naunahan pa tayong dalawa!" pagtapos ay tumawa ito ng malakas.
"Sana nga matali ka na, eh . Kaka-fling mo , mapikot ko na lang bigla."
"Nah. I'm careful." nagkibit siya ng balikat.
"Careful , huh?" nginisihan ko siya.
"Ikaw? Naaawa ako sayo , eh. Wala ka na bang balak ,ha? You don't even have a borfriend. Dapat nagmadre ka na lang kaysa nag-doctor." sinamaan ko siya ng tingin at hinampas ng clipboard sa balikat. Tinawan lang niya ako. "I'm serious , Anne. Tayo na lang kaya ang magpakasal? Malay mo may sparks - ouch!"
Hinampas ko ulit siya sa balikat saka naunang maglakad. Napailing na lang ako kay Shinn. Siraulo talaga 'yon ,eh . Madalas niya akong binibiro tungkol do'n.
Pero kahit alam kong biro 'yon ,kahit alam kong wala naman siyang masamang ibig sabihin , medyo natatamaan ako.
May naalala akong isang tao na lagi niyang tinutukso sa akin. Kahit hindi niya kilala ang tanong 'yon , patuloy siya sa panunukso. Kasalanan ni Rhea kung bakit maraming alam tungkol sa akin si Shinn. Magkatulong ang dalawa sa pagmamatchmake sa akin sa kung kani-kanino.
"Cyfer na naman ba? Eleven years na , ah? Grabe naman 'yang puso mo. Kailangan ba natin ng time machine para makapag-move on ka na? Parang naiwan mo yung puso mo sa kung saan eleven years ago, eh . . " natatawang wika ni Shinn na nakasabay na naman sa akin sa paglalakad. Nilingon ko siya.
"Tigilan mo ako kung ayaw mong humanap ako ng babaeng pipikot sayo." sabi ko naman.
"Nah. Hindi pa 'yon pinapanganak. You'll just waste your time. Hanapin na lang kaya natin ulit yung Cyfer na 'yon? Malay mo single pa? Tapos pwedeng maging kayo ulit? Eh di nagkaroon din ng happy ending ang unhappy ending mo noon." nakita ko siyang nagkamot ng ulo at nagulo ang magulo na niyang buhok. "Nakakabading talagang magpayo sa babae. Maiwan na nga kita . May i-che-check apa kong pasyente. See yah , Annie."
Parang nakalutang na ang utak ko pagtapos sabihin iyon ni Shinn. Wala akong balita kay Cyfer. Eleven years na ang nakalipas. Minsan pag naaalala ko yung nangyari sa amin , iniisip ko na kasama talaga iyon sa pagbibinata at pagdadalaga. Masyado nga lang masakit dahil totong mahal ko siya noon.
Noon.
Huminga ako ng malalim. Three years na akong nakabalik ng bansa pero hindi ko man lang siya nakita ulit. I wonder, nasaan na kaya siya? May pamilya na rin kaya siya? Siguro. It has been years. Hindi biro ang eleven years. Sigurado akong marami ri ng nagbago sa aknya. Okay na kaya siya sa pamilya niya? Sa Mommy at kapatid niya? Ano kayang lagay niya ngayon.
Napahinto ako sa paglalakad ng bigla akong mapatanong sa aking sarili. Bakit ko ba siya inaalala ? Nabanggit lang ni Shinn ang pangalan niya , nagkakaganito na naman ako.
Stop it , Anne. You don't know if he still remembers you. . .
I find it so unfair. There's a 50/50 possibility na nakalimutan niya na ako. Pero ako , I'm stuck with our memories. What a shame.
>> next update
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top