HTLAB - Chapter 8

ANNE POV

"n-nasaan na tayo?"

"hindi ko alam."

"seryoso ka bang hindi mo alam?"

"kailan ba ako nagbiro?"

Napanga-nga na lang ako habang nakatingin sa kanya. Pagtapos non, tumingin din ako sa paligid. Nasa gitna kami ng malubak at maputik na daan. May mga malalaking puno at damo na ang makikita sa gilid ng daan. Hindi ko na nga din makita ang dulo ng daan na tinatahak namin. Maski ang daan na dinaanan namin kanina hindi ko na din maaninag.

"we're lost." he admitted.

"w-what are we going to do?"

He shrugged his shoulders. "wala na namang gas ang motor ko. Isa pa, hindi na tayo makakausad pa dahil masyadong maputik."

That only means one thing. We are stranded.

"a-anong dapat nating gawin? Maghihintay na lang tayo ng-"

"alanganin kung maghihintay lang tayo ng taong may malaking sasakyan at magpahatid sa main road. Paano kung serial killer sya? E di napahamak tayo lalo."

Nagtaasan ang mga balahibo ko sa sinabi nya kaya mabilis akong napatayo mula sa motor.

Wrong move. Naka-high heels ako at dahil malambot ang lupa, natapilok ako.

"oh my g-" umurong ang dila ko ng hagipin ni Cyfer ang bewang ko palapit sa kanya.

Dug.dug.dug.dug.dug.dug.dug.

Eto na naman ako. Yung puso ko parang malalaglag na naman.

Hindi. Mali ako.

Matagal na palang nalaglag ang puso ko kay Cyfer.

Ang hinihintay ko na lang ay ang pagsalo nya.

Our face were inch apart. I could feel his warm breath fanning my face.

"Mag-ingat ka. . ." he whispers.

Kailangan ko talagang mag-ingat.

Dahil kung di ko mapipigilan ang paghulog ng loob ko sa kanya, mababasag ang puso ko at ako ang masmasasaktan.

"s-sorry. . ."

"hindi ka na dapat nag-heels. . ." sinuyod nya ng tingin ang kabuuan ko. Namula tuloy ako ng todo. Nakasuot ako ng skirt three-inches above the knee at printed blouse.

"maganda nga yan at bagay sayo pero masasaktan ka kapag hinubad mo na yan sa paa mo."

"s-sanay naman na ako." umiwas ako ng tingin. "pero kung di mo gusto. . .e di hindi ko na isusuot."

"wala akong sinabi na di ko gusto." itinaas nya ang mukha ko gamit ang hintuturong daliri nya. "maganda ka kahit simple ka lang. Hindi mo na kailangan mag-heels at mag-skirt."

Ganto ba talaga kapag nakakausap mo ng malapitan ang taong mahal mo? Naninikip ang dibdib? Kulang na lang kumuha ako ng oxygen tank para makahinga ng maayos.

"you're blushing." he added.

Kumawala ako sa yakap nya at tumalikod.

Goodness! Bakit ba ang bilis kong kiligin?

Nagsalita syang muli.

"let's walk."

"s-saan tayo pupunta?"

"kahit saan."

"baka. . .baka lalo tayong maligaw,Cy. Hindi natin alam kung nasaan na tayo. Isa pa, paano 'tong motor mo?"

Nakita ko ng inabante nya ang motor at itinago iyon sa likod ng malalaking puno. Patapos ay yumuko para kalasin ang sintas ng sapatos nya.

"anong ginagawa mo?" nagtataka ako sa ikinikilos nya.

"nagtatanggal ng sapatos. Isn't it obvious?"

"bakit?"

"maglalakad ako ng nakapaa."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Are you serious?!"

"dead serious." Nang matanggal nya na ang dalawang sapatos nya, tumingin sya sa akin.

"come here."

Kahit di ko alam kung ano ang binabalak nya,lumapit ako.

"anong gagawin mo?"

Hinawakan nya ang paa ko. Napahawak ako sa balikat nya sa pagkagulat.

"C-cy,ano bang-"

"kailangan mong hubarin 'to para makapaglakad tayo ng maayos." pagtapos ay tumingala sya. "kung gusto mong magpaiwan dito, hindi ko na lang tatanggalin. Now,choose. You will go with me or you will stay here?"

Napamaang ako ng ilang sandali pero sa huli, hinayaan ko syang tanggalin ang suot kong high-heeled shoes.

Feeling Cinderella lang?

Inilagay nya sa ibabaw ng motor ang sapatos nya at ang sandals ko.

"ready?"

Hinawakan nya ang kamay ko at nagsimula na kaming lumakad.

Ang sarap sa feeling kapag hawak nya ang kamay ko. Ramdam ko ang gaspang pero saktong-sakto ang kamay naming dalawa.

Na kahit gaano pa kagaspang ang kamay ni Cyfer,hawak hawak non ang puso ko.

"Cy. . ."

". . ."

"saan na tayo pupunta?"

"kahit saan."

Meron bang lugar na 'kahit saan?' kanina ko pa naririnig ang sagot nyang iyan.

"sa tingin mo, makakabalik pa tayo?"

Hindi sya umiimik kaya nanahimik na din ako.

Bakit ganto? Imbis na magpanic ako dahil nawawala na kaming dalawa, ramdam ko ang saya dahil kasama ko naman sya.

Tama nga yung kasabihan na 'expect the unexpected.'

Yung mga bagay kasi na akala kong imposible, unti-unti ng nangyayari.

Ang galing,di ba? Ang sarap gawing pang-araw araw na inspirasyon.

Maputik ang dinadaanan namin at nakapaa lang kami. Dati, nandidiri ako sa putik pero ngayong si Cyfer ang kasama ko,okay lang saken kahit maputikan ang buong katawan ko.

"hindi ka ba nandidiri?" tanong nya.

Umiling ako.

"bakit naman ako mandidiri?"

"hindi ka sanay sa ganto."

"I can manage,Cy."

"hindi ka ba galit saken?"

"b-bakit mo naman natanong 'yan?"

"dahil hindi ka mapupunta dito kung di tayo naligaw. . ."

I stopped walking for a while. Napahinto din sya at tumingin sa akin ng nakakunot-noo. "siguro hindi ka maniniwala kung sasabihin ko na masaya ako ngayon. . ."

"masaya ka?"

"hmhm. Kasi kasama kita." hinigpitan ko ang paghawak sa kamay nya at nagpatuloy ng lakad.

Hindi na sya sumagot pa.

Umiinit na ng umiinit ang sinag ng araw sa balat namin. Buti na lang, malalaki ang punong nakapaligid sa daan. Nagugutom na nga ako dahil hindi naman ako nakakain ng maayos kaninang agahan. Tinitiis ko na lang dahil alam ko namang walang makakain dito. Sana may makasalubong kaming tao man lang para malaman namin ang daan pabalik sa main road.

"you tired?"

"m-medyo."

"I'm starving."

Natawa ako. "me too."

"tara. Dito tayo." lumiko kami. Hindi na maputik ang daan. Madamo na at nakakakiliti sa paa.

"bakit dito,Cy-" bigla nyang tinakpan ang bibig at mata ko gamit ang mga kamay nya. Nasa likod ko sya at naiipit ako sa mga braso nya. What is he planning to do?

"walk. . ." he whispered in my ears. "wag kang magpumiglas. Stay still."

Ginawa ko ang sinabi nya kahit unti-unti na akong natatakot.

Nakakakaba.

After two minutes of walking blindly, inalis nya ang kamay nya sa pakakatakip sa mga mata at bibig ko.

"what did you-" I sucked my breath as I saw one of the most beautiful place I've ever seen! Gosh.

A lake with clean waters ,surrounded by different kind of flowers in variety colors. Then, there's a big tree house in the left side of the pond. Ngayon lang ako nakakita ng ganong tree house! Parang hindi pambatang tree house lang. Gusto kong mapasok agad ang loob non.

"woah. . ."

Napalingon ako kay Cyfer na nakatingin din sa akin.

Alam nya bang may ganto dito?

Akala ko ba naliligaw kami?

"Cyfer?"

He smiled at me. I held my breath. Eto na naman kami.

I really love the way he smiles. It makes him look like a childish boy asking you to play with him. So cute.

He stared at me as he said. . .

"welcome to my kingdom."

>>next update

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112