HTLAB - Chapter 7
ANNE POV
Darating pa kaya sya?
Paulit-ulit kong tanong sa sarili ko.
Mag-iisang oras na ata akong naghihintay dito sa park.
. . .be patient,Anne. He said he will come. . .
I sighed. Tumingin na lang ako sa langit.
Baka maiyak ako dito. Nakakahiya sa mga taong andito din sa park.
Kung di sya sisipot, siguradong may maganda syang dahilan. . .
Yun ang pinipilit kong ipasok sa isip ko. Pinipilit kong ipaintindi sa sarili ko na hindi ko naman hawak ang oras ni Cyfer.
Napatingin ako sa wristwatch ko. Ang usapan namin, 9:00 ng umaga kami magkikita. Almost 10 na pero wala pa ding si Cyfer na dumadating.
Nasa isipan ko pa din ang mga pinag-usapan namin. Doon pa lang, dapat na akong magpasalamat dahil kahit papano,madami syang nasabi saken.
Mga bagay na hindi alam ng maraming tao tungkol sa kanya.
A glimpse of his true self.
Hindi pa din ako makapaniwala na nasabi nya ang mga bagay na yon saken. . .
FLASHBACK
"can you still love me,Anne?" pag-uulit nya sa tanong.
"sinasabi mo ba saken ang mga iyan dahil . . .dahil gusto mong lumayo na lang ako?"
"I'm giving you a warning."
"warning for what?"
"para hindi ka masaktan." umiwas sya ng tingin
.
"dati pa ako nasasaktan. . .actually, mas nasasaktan ako kapag. . .kapag lumalayo ka, kapag nirereject mo ako. Hindi ko alam pero wala naman akong nararamdamang sakit ngayon, kung m-meron man hindi yon kasing tindi ng dati. Sa totoo lang, masaya ako dahil nakausap kita ng ganto."
"magsasawa ka din."
"bakit kailangang pangunahan mo ako?"
"bakit kailangang ipilit mo ang nararamdaman mo?"
Para akong binato ng matigas na bagay at nasapul.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"madaming napapahamak sa pagpipilit ng mga bagay na hindi dapat ipilit." dagdag pa nya.
"m-masama ba?" gumaralgal ang boses ko habang nagsasalita. Yumuko ako at pinagsalikop ang mga kamay kong nanlalamig. "masama bang ipaglaban kung ano ang nararamdaman ko? Masama bang ipaglaban kita sa lahat ng taong minamaliit ka? Cy, maski ikaw minamaliit mo ang sarili mo. You keep on saying na masama kang tao, na hindi ka marunong magmahal. Hindi ako naniniwala na ganun ka. . .kahit pa kapangalan mo si Lucifer."
Nakabibinging katahimikan. Natatakot ako na baka hindi pa din sya naniniwala saken.
Ilang sandali pa,tumayo na sya.
"Ihahatid na kita." nauna na syang maglakad.
Ilang segundo muna akong natigagal bago sumunod sa kanya.
Wala na ba talaga akong magagawa?
Matatapos na naman ang araw na parang wala lang nangyari?
"saan ka nakatira?"
"ihatid mo na lang ako sa sakayan. M-mag-tataxi na lang ako. . ."
Hindi nya ako liningon. Nagpatuloy sya sa paglabas ng bahay. Kinuha ko na ang mga gamit ko at mabigat ang mga hakbang ko palabas ng bahay nya.
Nakita ko sya sa garahe at ini-start ang big motorbike.
"s-sayo yan?"
"sakay na. Masyado ng gabi. Baka hinahanap ka na."
Hindi nya sinagot ang tanong ko. Tama naman sya. Masyado kong inenjoy ang oras ko kasama sya. Hindi ko na napansin ang paglalim ng gabi. Mapapagalitan na ako nito.
"hop in."
"p-paano?"
First time kong sumakay sa motor. Hindi ko alam kung paano ako uupo dahil naka-skirt ako.
"just sit pagtapos kumapit ka saken. Here." inabot nya saken ang helmet.
"paano ka?"
"I can manage without it."
Sinuot ko na ang helmet pagtapos ay umupo na sa motor. Aminado akong hindi ako komportable. Naiilang pa nga ako dahil hindi ko alam kung saan ako hahawak. Humawak ako ng mahigpit sa balikat nya.
"Hindi ganyan." narinig kong sabi nya.
Inalis nya ang dalawang kamay ko sa balikat nya at nilipat iyon sa bewang nya.
Salamat sa helmet, hindi nya makikita ang pamumula ng mukha ko.
Pinaandar nya na ang motor. Kasing bilis ng pagtakbo nito ang pagtibok ng puso ko.
Dalawang beses ko na syang nayakap. Una, nung game sa basketball. Pangalawa yung kanina sa labas ng academy. Pangatlo, itong pagyakap ko sa bewang nya ngayon.
Kung kanina may pangamba ako sa pagsakay ng motor,ngayon pakiramdam ko nasa langit ako.
Tinuro ko sa kanya ang daan pauwi sa bahay ko. Nadismaya pa nga ako dahil hindi na kalayuan ang bahay ko sa daan na tinatahak namin. Sana humaba pa ang oras. Gusto ko gantn na lang. . .
Imposible na mapagbigyan pa ako. . .
Huminto na ang motor hindi kalayuan sa bahay namin.
Inalis ko ang kamay ko sa bewang nya at bumaba na.
Sya na ang nag-alis ng helmet sa ulo ko.
"salamat. . ."
Tumango lang sya.
"C-cy. . ."
". . ."
"galit ka ba?"
"bakit ako magagalit?"
"hindi ka na kasi umimik."
"hindi ako galit."
"h-huli na ba 'to?"
Tinitigan nya ako ng matagal.
"I. . .I m-mean. . .hindi na ba kita pwedeng makasama? Gusto mo ba talaga akong. . .lumayo?"
Hindi sya agad sumagod. Bawat segundong lumilipas, palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko.
"depende." sagot nya.
"depende saan?"
"depende kung ikaw mismo, gusto ng lumayo."
Parang nagliwanag ang nagdidilim na paligid. Hindi ko napigilang mapangiti ng wagas. Sa sobrang saya ko, nayakap ko sya.
"thank you,Cy!"
"I have one condition,Anne." bulong niya.
Kumawala akong muli at hinintay ang susunod na sasabihin nya.
"gusto,ikaw lang. Walang makakaalam na nakakasama kita."
"bakit?"
"I'll tell you next time."
"C-can I see you again tomorrow?"
Matagal syang sumagot. Parang nag-aalangan. Nagbuntong hininga muna bago sagutin ang tanong ko.
"I'll meet you at the park. 9am."
Sunud-sunod na tango ang ginawa ko.
"and Anne, I'm starting to trust you. Please don't break it. . ."
"I won't. . ."
END OF FLASHBACK
Saktong isang oras na akong naghihintay pero wala pa din ni anino nya.
Mukhang di na sya darating. . .
Hindi na nga ako halos nakatulog kagabi sa sobrang excitement. Mukhang hindi pa matutuloy.
"hindi ka na dapat naghintay ng isang oras."
Muntik na akong mahulog sa swing ng biglang may nagsalita sa likod ko.
"Cy!"
Gulo-gulo pa ang buhok ni Cyfer na parang bagong gising lang.
"Akala na kita maaabutan dito." umupo sya sa isa pang swing.
"bakit ka na-late?"
"I overslept, nawalan pa ng gas ang motor ko."
"It's okay. Ang mahalaga nandito ka na." nginitian ko sya.
"let's go?"
"saan nga pala tayo pupunta?"
"kahit saan."
"e ano na lang gagawin natin?"
Tinitigan nya ako ng malapitan.
"hindi ko din alam. . ."
Sasagot na sana ako pero may idinagdag pa sya na lalong nagpakilig sa akin.
"ang alam ko lang, ikaw ang makakasama ko. . .buong araw."
Pagtapos, hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako patayo. Nagpaakay ako sa kanya habang papalapit kami sa motor nya.
Hindi na naman normal ang pagtibok ng puso ko.
Cyfer,ano bang ginagawa mo saken?
"saan mo gustong pumunta?"
"w-wala akong maisip, eh."
Hindi na sya nagsalita pa. Dalawang helmet na ang dala nya. Isinuot nya sa akin ang isa.
"sakay na."
Umangkas ako sa likod ng motor at yumakap muli sa kanya. Naalala ko na naman ang eksena kagabi. Namumula na naman siguro ako.
Teka, ano ba 'tong ginagawa namin?
Date ba 'to?
>>next update
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top