HTLAB - Chapter 6

 

ANNE POV

Katatapos lang namin kumain. Niyaya nya akong tumambay sa rooftop ng bahay nila. Malamig ang hangin dito at presko.

"dito ang paboritong tambayan ko."

"talaga?"

"kahit sa academy,madalas ako sa rooftop."

Ngayon ko lang nalaman yon.

"tuwing nawawala ka sa klase, nasa rooftop ka lang?"

He smirked.

Napapatulala ako sa kanya sa tuwing ngumingiti sya. Kung ngumingiti lang sya ng ganyan sa school, malamang madaming magkakagusto sa kanya.

Wala na kaming masyadong napag-usapan kanina sa kusina hanggang sa matapos kaming kumain.

Pero kahit na ganon, madalas pa ding nagkakasalubong ang mga mata namin.

"gusto mo?"

Inabot nya saken ang nilagang itlog na nabalatan na.

Natatawa kong tinanggap iyon.

"hindi ko na nakain kanina 'to dahil sa beef steak mo."

"sabi sayo,eh. Masmasarap ang beef steak sa itlog."

He shrugged his shoulders sabay kagat sa pagkain nya.

"favorite mo 'to?" tanong ko.

He nod.

"seryoso?"

"oo nga."

"bakit itlog?"

"madaling lutuin."

Tinakpan ko na ang bibig bago pa ako matawa ng malakas.

"wala akong talent sa pagluluto."

"e bakit punung-puno ng pagkain ang ref mo?"

"may cook ako. Three times a week lang sya pumupunta dito."

"so, three times ka lang din nakakakain ng maayos?"

"tsktsk. Masyado mong ina-underestimate ang itlog."

I chuckled. "di naman."

Hindi ko akalaing magkakaroon ako ng chance na makausap sya ng ganto. Yung tipong biruan na kaming dalawa lang.Ang akala ko kasi noong una,hindi nakakaappreciate ng biro ang isang tulad nya. Pero eto sya,nakikisakay at ngumingiti sa takbo ng usapan namin.

Ito ba ang tunay na Cyfer?

Kung anu-ano ang pinaguusapan namin.From foods to sports to local and international celebrities to politics .Hindi na nga namin napansin ang paglipas ng oras.

"anong oras darating ang mga magulang mo?"

Natigilan sya. Hinintay ko syang sumagot.

"hindi sila dito nakatira."

Ako naman ang natigilan. Ibig sabihin. . .

"ikaw lang ang nakatira sa malaking bahay na 'to?"

"oo."

"h-hindi ka ba nalulungkot?"

"sanay na akong mag-isa."

"pero bakit hanggang sa academy pinipili mo pa ding mag-isa?"

"kasalanan ko pa ba kung sila mismo ang lumalayo saken?"

Parang pinipiga ang puso ko. It is partly true, kusang lumalayo ang mga tao kay Cyfer.

"bakit hindi ikaw ang lumapit sa kanila?"

"I won't beg for anyone's attention."

"hindi ganon ang ibig kong sabihin. . ."

"alam mo naman kung anong tingin nila saken di ba?"

Napayuko ako ng ulo.

"h-hindi naman yon totoo di ba?"

Hindi sya sumagot. Nakatingin lang sya sa kawalan.

"Cy, m-may gusto lang akong itanong."

Lumingon sya sa akin. Magkalapit na halos ang mukha namin. Gabi na pero naaaninag ko pa din ang mukha nya. . .

"bakit nilalayo mo ang sarili mo sa mga tao?"

Hindi sya agad sumagot. Nanatili lang syang nakatingin sa akin sa loob ng mahabang sandali.

"kasi. . .akala ko masayang mag-isa."

"p-paano mo naman nasabing masaya mag-isa?"

Tumingin sya muli sa kawalan at huminga ng malalim.

"dahil hindi ko na alam kung sino ang totoong tao at sino ang hindi. Ayokong magpaloko kahit kanino kaya naisip kong mas okay na mag-isa na lang ako,atleast they won't have a chance to hurt me. . ."

"what makes you think that way?"

"bata palang ako alam ko ng masama ako."

Hinawakan ko ang braso nya.

"hindi totoo yan."

"no,listen. It's a big mistake that you chose to love someone like me. Dahil ako, isa lang din akong pagkakamali."

"anong. . .ibig mong sabihin?"

"I'm a bastard. Literally and figuratively. My mom hates me. Even my brothers. No one accepted me because of that. Para sa kanila, isa lang akong problema, a burden."

"Cy. . ." hinawakan ko ng kamay nya. Nanlalamig yon.

Sinasabi nya ang mga hinaing nya na parang wala lang pero I know deep inside him, it cuts deep. And I could feel his pain.

"Mom never treated me as her son.Ilang beses daw nyang tinangkang ipalaglag ako,kung anu-anong gamot daw ang ininom nya para lang mawala ako pero matindi daw ang kapit ko sa kanya.Nang ipanganak ako, masmadalas ko pang makasama ang yaya ko kesa sa kanya. I learn how to be independent ng lumalaki na ako."

"n-nasaan ang mother mother mo ngayon?"

"nasa Italy."

"what about your father?"

"he abandoned me."

Napahigpit ang hawak ko sa kamay nya.

"hindi totoong drug lord sya katulad ng kumakalat na balita sa academy. But for me, he's worst than that. Galit ako sa kanya."

Nabubuhay si Cyfer na may tinatagong galit, lungkot at sakit sa dibdib nya. Hindi ko sya masisisi kung bakit ganon na lang ang pag-iwas nya sa mga tao. Marahil natatakot sya na i-reject din sya ng mga tao sa paligid nya katulad ng rejection na naramdaman nya mula mismo sa kanyang pamilya.

Siguro,pakiramdam niya wala ng tatanggap pa sa kanya.

Kinapa ko ang sarili kong damdamin, nabawasan ba ang nararamdaman ko para sa kanya?

"the day you confessed your love for me for the first time, do you still remember what I've told you?"

I nod. "you want me to find someone who can love me back. . ."

"ganyan pa din ang sasabihin ko sayo ngayon. . ."

"why don't you give yourself a chance to love?" tumaas na ang boses ko dahil sa pagmamatigas nya.

He smile sadly.

"how can I do that? I don't even know how to love. . ."

"t-then. . .let me teach you. . ."

"that's foolish,Anne."

"bakit ba sinusuko mo agad?"

"masasaktan lang kita. . ."

"hindi mo pa nga ako minamahal, alam mo na agad na masasaktan mo ako? Kailan ka pa naging manghuhula?"

Hindi sya nakapagsalita.

"alam mo bang nakakainsulto ka? Ako na nga nanliligaw sayo tapos kung magpakipot ka daig mo pa babae."

"sino ba nagsabi sayong ligawan mo ako?"

"w-wala! Pero. . .pero. . ."

"pero ano?"

"pero sabi ng puso ko. . .ikaw daw ang dapat kong mahalin."

He became speechless. Namumula na naman ako. Argh. Ewan ko ba kung anong meron sa araw na 'to.

But I'll take my chance on him.

Hangga't di pa natatapos ang gabi.

"kung tatanungin mo ako kung bakit ikaw pa katulad ng tanong mo saken kanina sa labas ng academy, hindi pa kita masasagot."

"hindi ko alam kung anong meron sayo. Basta minahal kita ng ganyan, wala akong balak baguhin sayo. Kung iniisip mo pa din na walang tatanggap sayo, sana ipasok mo sa utak mo na nandito lang ako."

"that sounds cheesy." he giggled.

Pinalo ko sya sa braso. Seryosong seryoso na ako tapos may gana pa syang tumawa.

His laugh, it was so good to hear.

"I'm serious here."

Tumigil sya sa pagtawa.

"may sasabihin ako sayo."

"ano yon?"

"yung totoong pangalan ko. . ."

"ikaw si Cyfer Madrigal."

"it has a secret."

Bigla akong naintriga.

"so,maliban sa 'Cyfer' may pangalan ka pang iba?"

Tumango sya.

"ano?"

"My real name is Lucifer Madrigal."

I sucked my breath.

"Mom named me Lucifer. She hates me that much. . .that makes me an awful person. This is the real me,Anne. Now, can you still love a bastard like me?"

>>next update

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112