HTLAB - Chapter 5

 

ANNE POV

5:00 pm na. Isang oras din pala ang byahe papunta sa bahay ni Cyfer. Sobrang traffic pa. No wonder, lagi syang nalelate.

Pagtapos ng nangyari kanina sa labas ng academy, pumayag akong sumama sa kanya.

Hindi ko nga inaasahan na dadalhin nya ako sa bahay nya. Wala din akong idea kung anong gagawin namin dito.

May kalakihan ang bahay, mamangha ka sa pagkakadisenyo nito.

Pagpasok namin, nagtaka ako kung bakit wala masyadong gamit.

Ang napansin ko lang sa sala ay ang malaking flantscreen tv na nakasabit sa dingding, dvd player at rack ng mga dvd at cd, center table na gawa sa marmol at isang malaking sofa na panlimahang tao.

Nilapag ni Cy ang mga gamit nya sa center table. Ako naman naupo na lang sa sofa. Umupo din sya sa tabi ko at nagtanggal ng sapatos at medyas.

Pinipilit kong itago ang pagkailang. Normal lang naman siguro ang awkward feeling dahil first time kong makapunta sa bahay nya.

"N-nasaan ang mga magulang mo?"

Nahinto sya sandali sa pagtatanggal ng medyas . Nang makabawi, pinagpatuloy nya ang ginagawa.

"wala sila dito."

"nasaan sila?"

"kumain ka na ba?" pag-iiba nya ng usapan.

Hindi ko na ipinilit ang topic.

"hindi pa."

"marunong kang mag-luto?"

"m-medyo?"

"bakit parang di ka sigurado?"

"marunong ako. Yung mga simple lang lutuin pero hindi ako magaling."

"ayus na yon. Tara."

"h-ha? Saan tayo pupunta?"

"magluluto."

"saan?"

He gave me a bored look. "sa banyo."

Namula ako. Oo nga naman. Saan pa ba dapat magluto? Kailangan pa bang tanungin yon?

Haist. Napahiya tuloy ako kay Cyfer.

"anong lulutuin natin?"

"kung anong meron sa ref."

Agad ko namang binuksan ang malaking ref.

Punung-puno ng pagkain!

"uhmm. . .andami pa ding pagpipilian."

Ilang segundo kaming nakatingin lang sa ref. Hindi makapagdesisyon kung anong lulutuin. Hanggang sa nanginig na ako sa lamig, wala pa din kaming napipili.

"itlog na lang." kumuha sya ng apat na itlog saka sinara ang ref.

Itlog?

Isang minuto ata kaming nakatitig sa laman ng ref tapos itlog lang pala ang kukunin nya.

I chuckled. Napatingin sya saken.

"anong nakakatawa?"

Napatakip ako ng bibig.

"w-wala. Anong luto gagawin natin jan?"

"nilaga."

Napanga-nga ako. "seryoso?"

"mukha ba akong nagjo-joke?"

Umiling ako at tumalikod.

Grabe. Todo pigil ako sa pagtawa. Kinurot-kurot ko pa ang braso ko para lang di ako matawa . Baka ma-offend si Cy.

Balak ko pa namang tulungan sya magluto tapos itlog na nilaga lang pala lulutuin namin. E napakadali namang gawin non!

"anong matutulong ko?"

"wala. Bumalik ka na lang sa sala."

Ang sungit na naman ng tono nya.

"Cy, yan lang talaga kakainin mo for dinner?"

Tumingin sya saken. "mabubusog na ako dito. Pero kung gusto mo magluto ng iyo, help yourself."

Napakamot na lang ako sa kilay ko. Mabubusog ba talaga sya sa apat na itlog?

Andito na din naman ako, ipagluluto ko na sya ng disenteng pagkain.

Binuksan ko ulit ang ref at kinuha ang frozen beef.

"anong gagawin mo jan?"

"iluluto."

Sandali lang syang napatitig saken. Hinayaan nya pa din akong mangialam sa kusina nya.

Sitting pretty na lang sya habang naghihintay na kumulo ang tubig para malagay na nya yung mga itlog. Hanggang ngayon, pinipigilan ko pa ding tumawa. Kasi naman eh! XD

"anong luto gagawin mo jan?"

"beef steak?"

"matagal lutuin yon."

"mas masarap naman yun kesa itlog."

"nang-aasar ka ba?"

"hindi ah!"

Pinagpatuloy ko ang paghihiwa.

"ako na jan. Onions na lang sayo."

"kaya ko na 'to. Umupo ka na lang jan."

Hindi na sya nagpilit pa.

Napapatingin pa din ako sa kanya tapos nahuhuli ko syang nakatingin saken.

"b-bakit?"

"anong pakiramdam?"

"h-ha?"

"anong pakiramdam kapag tinititigan ka ng taong mahal mo?"

Napaiwas ako ng tingin. Gosh. Siguradong pulang-pula na naman ang buong mukha ko.

"s-seryoso bang tanong yan?"

"seryoso ako di ba?"

Nagpatuloy ako sa paghihiwa ng beef. Yung puso ko parang sasabog.

"masaya."

"so,masaya ka ngayon?"

Tumango ako.

"ano pa? Maliban sa masaya ka?"

"n-nakakakilig."

"kinikilig ka din ngayon?"

Nahihiya akong tumango.

"anong feeling ng kinikilig?"

"what do you mean?" hindi ako makatingin s kanya. Nakakahiya!

"gusto ko lang malaman."

"h-hindi ko ma-explain."

Hindi na sya ulit nagsalita. Ako naman ang nagtanong.

"b-bakit mo ako tinititigan?"

"pinapasaya at pinapakilig ka."

Nabitawan ko ang kutsilyo at napahugot ng hininga dahil sa narinig ko mula sa kanya.

Lumapit sya at kinuha ang kutsilyong nabitawan ko.

"ako na magtatapos nito. Ikaw naman ang umupo."

Agad akong sumunod. Nanlalambot na kasi ang mga tuhod ko. Si Cyfer ba talaga ang kasama ko ngayon?

"madali ka palan pasyahin at pakiligin." sabi pa nya ng hindi lumilingon.

Oo nga eh. Tama sya. Feeling ko nga nilalanggam na ako dito sa upuan ko. Kulang na lang mangisay ako sa sobrang kilig.

"sana lahat ng tao tulad mo. Madaling sumaya. Simpleng titig lang,kuntento na."

Napakunot ang noo ko. Anong ibig nyang sabihin?

"ako kasi. . .hindi ganyan."

Oh god. He's sharing something!

Tumigil sya sa paghihiwa at lumingon saken.

"hindi ako madaling pasayahin." napailing sya. "mali. Hindi ko alam kung paano maging masaya."

Kung kanina masaya ako sa naririnig ko mula sa kanya, ngayon parang unti-unti akong binibiyak.

Para syang batang naghahanap ng kalinga, taong naliligaw at hindi alam kung saan pupunta.

Nginitian ko sya.

"let me give you another definition of the word 'happiness',Cyfer."

Matagal kaming nakatingin sa isa't-isa. Binabasa ang emosyon ng bawat isa.

Nakalimutan ko ang lahat ng makita kong tumaas ang gilid ng labi nya.

H-he. . .smiled?!

I gasp.

"maybe, you can give me happiness I deserve." he added.

God gave me some miracle!

>>next update

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112