HTLAB - Chapter 44

A/N : Another long update. I had a long free time kaya nakabuo ulit ako ng 5k words update. Haha! I love you all! Pambawi sa mga araw na sobrang tumal ng updates ko lately.

Add me on fb : KHIRA WP

Read before you vote. Enjoy reading!

-

ANNE POV

Nanghina ako ng sobra nang kalasin niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanyang braso. Pinigilan kong maiyak sa inasta niya. Kahit naglalakad na siya palayo sa akin ay hindi ko magawang hiwalayan siya ng tingin. Hindi ko kayang lumayo. Sinundan ko pa rin siya at hinabol ngunit hindi ko na masambit ang pangalan niya dahil baka makakuha ako ng atensyon.

Tahimik ko siyang sinundan kahit pinapatay ako sa loob. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at halos manikip na ang dibdib ko sa mga nangyayari. Hindi ko inaasahang ganito ang magiging reaksyon niya. We used to be fine! It's hard for me to accept that he changed his mind in just a span of few days. Hindi siya ganito. Makes me think that there was a deeper reason why he's treating me this way and I want to know it. Pero paano ko malalaman iyon kung sa tuwing lalapit ako sa kanya ay lalayo siya?

Katangahan na 'tong ginagawa ko pero wala akong pakialam. Ginagawa ko 'to dahil gusto kong makahanap ng sapat na dahilan kung bakit niya 'to ginagawa. Mahal ko siya at pinanghahawakan ko yung mga pangako niya. Kahit sobrang sakit na, patuloy akong umaasa.

Gusto kong lumaban kahit para sa sarili ko na lang. Hindi ako makasariling tao pero isasantabi ko iyon ngayon. Selfish na kun selfish pero ganito ako magmahal. He is my first love and I want him to be my last. I want to have a forever with him. Isa pa, nangako siya. Nangako siya. . .

Siya lang ang minahal ko kaya hindi ko matanggap na kung kailan determinado akong lumaban para sa aming dalawa, bigla naman siyang kumalas at nakipaghiwalay ng walang binibigay na dahilan.

Nasa room na kami pero hindi niya pa rin ako nililingon. I tried really hard to act normal kahit parang magbabagsakan na naman ang mga luha ko.

Wala akong malapitan. Oh, God. How can I survive this kind of pain? Hindi ba pwedeng sa isang iglap ay magkaayos kami para mawala na yung sakit? Mahirap pa na sa ganitong sitwasyon ay wala akong malapitan.

Nakayuko lang ako buong klase. Paminsan-minsan kong si Cyfer. Hindi niya ako nililingon. All this time, nakatingin lang siya sa bintana at mukhang hindi rin nakikinig sa dinidiscuss ng adviser namin.

Anong gagawin ko? Magmamakaawa na ba ako sa kanya? Napapikit ako sa aking naisip. Iyon na ang last choice ko.

Napatingin ako sa gilid ko. Nakita ko si Heira at Luke na nag-uusap.

Heira. . .Oh, my gosh! She knows our secret. Maybe, I can ask her a little favor. Siya lang ang malalapitan ko. There was also Ren but I don't want to push my luck. Baka mag-away lang sila at ayokong mangyari iyon.

Hinintay kong mag-breaktime. Nakakainip ang bawat tagaktak ng oras. It makes me want to scream the word 'stop' and freeze the time. Pero wala akong magic para gawin iyon. All I can do is be patient and wait for the right time. . .

Nang mag-bell na, naisipan ko kaagad na lapitan si Heira. Nakita ko si Cyfer na mabilis na lumabas ng room. Napapikit ako. I need to do something. I need some clarification.

"Heira, can we talk?"

Napatitig siya sa akin at saglit na naguluhan. Pero makalipas ang ilang segundo ay ngumiti siya at tumango. "Sure."

Nagtungo kami sa rooftop. Buti na lang at hindi kami napansin ni Rhea dahil paniguradong magtataka iyon. Walang tao ro'n pag-akyat namin. Sa loob-loob ko ay umaasa ako na nandito si Cyfer.

"Anne, tungkol saan ba ang pag-uusapan natin?" tanong Hieira na hindi ko kaagad sinagot. Umupo ako sa favorite bench ni Cy. Sumunod siya at umupo sa tabi ko. Ilang sandali pa ang lumipas bago ako nagsalita.

"Heira, may problema ako." tumikhim ako para mawala ang pagbabara ng lalamunan ko.

Nakita kong nag-panik si Heira. "M-may nakaalam na ba, Anne? Wala akong pinagsabihan, promise!" defensive niyang sagot sa pag-aakala na may nakaalam ng sekreto namin ni Cy. Na ngayo'y nawawalan na ng silbi. . .

Marahan akong umiling. "Hindi tungkol do'n." naiiyak ako. Hindi ko malaman kung bakit hindi maubos-ubos ang mga luha ko.

"Anne? May problema ba? Bakit parang naiiyak ka? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong ni Heira. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay. Huminga ako ng malalim.

"Heira kasi. . .si Cyfer. . ." nabasag ng tuluyan ang boses ko.

"Anong meron kay Cyfer? May problema ba kayong dalawa? Nag-away ba kayo?"

Tuluyan na akong napaiyak. "He. . .he broke up with me."

"What?" hindi makapaniwalang gagad niya.

"Basta ang sabi niya, maghiwalay na lang daw kami. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako naniwala nung una. Mahal ko naman siya, eh. Pinapakita ko 'yon sa kanya kahit tago ang relasyon namin, gumagawa ako ng paraan para maramdaman niyang mahal ko siya. Hindi showy type pero. . .pero alam kong mahal din naman niya ako." paliwanag ko kay Heira habang umiiyak. Hinaplos niya ang likod ko para patahanin. Nakita ko sa mata niya ang awa.

"Kailan ba siya nakipag-break sayo?"

Kinwento ko sa kanya ang buong nangyari nung Saturday.

Pinunasan ko ang aking mga luha. "Wala akong malapitan. Wala akong masabihan. Umiyak lang ako nang umiyak. Pumunta ako sa bahay niya kahapon pero wala naman siya do'n sinubukan ko ring lapitan siya kanina pero lumalayo siya. Anong gagawin ko, Heira?"

"Huwag kang mag-alala. Susubukan kong kausapin siya."

Tumingin ako sa kanya. "Talaga?"

"Yes. Tumahan ka na. Mapapansin nila na umiyak ka. Namamaga na ang mga mata mo, oh." marahan niyang sabi.

"Sorry. Hindi ko mapigilan." pinunasan kong muli ang aking pisngi at inayos ang sarili.

"Anne, titingnan ko kung anong magagawa ko, ah? Hindi naman kasi kami close ni Cyfer, eh. Pero kukumbinsihin ko talaga siya ng todo para makapag-usap kayong dalawa."

Tumango ako at ngumiti. "Salamat, Heira. You're such a good friend."

Medyo gumaan ang pakiramdam ko. At least, may napaglabasan na ako ng sama ng loob. May tiwala ako kay Heira at umaasa ako ng sobra na sana nga ay matulungan niya ako.

Napatingin ako sa aking cellphone na wala ni isang text o tawag mula kay Cyfer. Nakakapanibago dahil laging bumubungad ang pangalan niya sa screen nito. Text niya ang inaasahan ko sa umaga. Boses niya ang inaabangan ko sa gabi bago ako matulog. Pero ngayon ay wala na. Napapikit ako. Ilang text messages at tawag na ang ginawa ko pero walang reply mula sa kanya. Laging voice prompt ang sumasagot sa tuwing tatawag ako. Naka-off ang kanyang phone. Hindi ko alam kung iyon pa rin ba ang numero niya.

I want Cyfer back. I want him back.

CYFER POV

Mabilis akong lumabas ng room. Pagkatunog palang ng bell ay sumibat na ako sa classroom. Hindi ko gustong maabutan ulit ako ni Anne dahil natatakot akong komprontahin siya at tuluyan akong bumigay. Huminga ako ng malalim para mabawasan ang paninikip ng aking dibdib. Wala akong naintindihan sa mga naituro ng mga adviser namin. Nasa isip ko si Anne buong klase . Hindi ko siya magawang lingunin . Natatakot akong makita niya lamang akong nagpapanggap.

Nasa main gate na ako nang biglang may humila sa braso ko. Shit!

"Hey, stupid girl! What do you think you're doing?"

Hindi siya agad nagsalita pero kitang-kita ko ang iritasyon sa kanyang mga mata. Huminto siya sa pagkakaladkad sa akin nang mapansin na malayo na kami sa mga tao. Muntik na akong mapamura nang hampasin niya ako ng malakas sa braso.

"What was that for?"

"Nabubuwisit ako sayo. Peste ka! Salot ka talaga sa lipunan!"

Kumunot ang noo ko sa biglang pagsigaw niya. Kung bakit siya umaakto ng ganito ay hindi ko alam.

"Hey, stupid girl. Wala akong ginagawa sayo."

Nanlisik ang mata niya sa pagtitig sa akin. "S akin , wala. Pero kay Anne, meron!"

Natigilan ako. Pagkaraan ng ilang segundo ay tumiim ang bagang ko.

"Kinausap ka niya." that's not a question. It's a statement. Sigurado ako na sa kanya lumapit si Anne.

"At sinabi niya sa akin na nakipag-break ka na raw sa kanya. You jerk! Buti sana kung binigyan mo siya n rason para mag-break kayo pero hindi mo naman daw siya kinausap ng maayos tungkol doon. Basta mo na lang siya iniwan. Anong klaseng lalaki ka ba?" nanggagalaiting sumbat niya sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao nang wala sa oras. Ang marinig 'to sa ibang tao ay nakakapagpairita sa akin. Shit!

"Wala kang alam kaya wala kang karapatang magsalita sa akin ng ganyan." pinilit kong maging kalmado. Binubulong ko sa aking isipan na kaibigan siya ni Anne kaya ganyan siya maka-react.

Pero wala dapat siyang pakialam! Hindi dapat siya nakikialam ng problema ng iba. Sigaw ng isang bahagi ng utak ko.

"Oo. Wala akong karapatang makialam sa relasyon niyo ni Anne pero , Cyfer naman, wala siyang ibang mapagsabihan ng naraqamdaman niya dahil wala namang ibang nakakaalam ng relasyon niyo kundi ako. Nasasaktan 'yong tao. Sinasarili niya ang problema niyong dalawa. Bukod sa ako lang ang mapaglalabasan niya ng sama ng loob, kaibigan niya rin ako. Hindi ka man lang ba naaawa sa girlfriend mo?"

Para akong sinasaksak ng mga salita ni Heira. Tagos at tamang-tama. Hindi ko nagawang ilagan ang bawat pasaring niya dahil para sa akin talaga iyon. Alam kong gago ako sa ginawa kong 'to pero mas nagmumukha akong gago sa mga salita niya. Fuck it. I hate this conversation. But how can I escape this painful reality if I was the one who made this decision? This is my own choice and I can't turn my back on it or else I will only prove nothing to those people who wants me to self-destroy. I . Have. To. Do . This. I already said it a million times yet it was so hard for me to put in on act.

Sobrang hirap magpanggap lalo na at hindi talaga ito bukal sa loob ko. My life is completely fucked-up.

"Hindi ko na siya girlfriend." malamig kong tugon sa kanya. Tila nanlamig rin ako sa sinabi ko. Another fucking realization. She's not mine anymore. Gusto ko man siyang bawiin ay hindi na posible ngayon. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at parang gustong sumabog nito.

"Hindi mo man lang nirespeto si Anne. Bigla ka na lang nang-iwan. Ganyan ka ba talaga? Bastos? Pinangangatawanan mo nb ng pagiging bato mo? Wala ka ba talagang pakialam kung nakakasakit ka na?"

Malaki ang respeto ko kay Anne. Shit. Oo, iniwan ko siya pero iyon ay dahil kailangan kong gawin. At hindi porke't kailangan ay gusto ko na! Tang-ina. Oo, bato ako sayo at sa ibang tao pero kay Anne? Shit! Sa kanya lang lumalambot ang puso ko. At syempre, may pakialam ako! Basta tungkol kay Anne, may pakialam ako!

Gusto kong isigaw ang tunax na sagot kay Heira pero nagpigil ako.

"Shut up."

"Ayoko! Gusto kong marinig mo kung gaano ka kasama! Sana, kung hindi mo kayang irespeto si Anne bilang babae, sana nirespeto mo man lang siya bilang tao! Hindi yung iiwan mo lang siya kung kailan mo gusto!" humihingal siya sa sobrang galit. Ako ay patuloy na nagpapanggap na kalmado kahit gustung-gusto ko na siyang patahimikin at suntukin na lamang ang sarili ko.

"Tapos ka na?" walang gana kong sabi.

Patuloy siya sa pagsermon . Hindi na pumapasok sa isip ko ang mga pinagsasabi niya kahit sobrang lakas ng boses niya. Namamanhid na ako. Shit.

"Wala ka namang magagawa kahit pa talakan mo ako buong maghapon. Magsasayang ka lang ng laway at uubusin mo lang ang boses mo sa kakasalita. Iniwan ko na siya. Hindi mababago ng kahit na sino ang desisyon ko."

Sandali siyang natigilan pero agad ring nakabawi. "Kausapin mo si Anne."

"Wala kang karapatang uturan ako."

"Bigyan mo siya ng rason kung bakit mo siya iniwan!"

I hate to say this dahil ayokong magdagan pa ang kasinungalingan ko pero tingin ko ay hindi titigil ang babaeng 'to sa pangingialam hangga't wala akong sinasabing may katuturan.

"Hindi ko na siya mahal."

That's the most disgusting lie I ever made. Saying I don't love Anne anymore. The biggest bullshit I ever said. Heaven knows how much I do. I love her so damn much!

"Hindi pa ba sapat na dahilan 'yon para iwan ko siya?" dugtong ko pa.

"P-pero mahal ka niya."

Nanikip ang dibdib ko. Oo, alam ko na 'yon pero ang marinig iyon ay siyang nagpabalik ng mga alala naming dalawa.

Alam kong mahal ako ni Anne. Siya yung unang nagmahal . Siya yung unang umamin. Siya yung nagturo sa akin kung paano ko mamahalin ang sarili ko at kung paano ko siya mamahalin pabalik.

Napalunok ako. "Love is a two way street. Wala ring kwenta kapag nag-iisa na lang siyang nagmamahal. Hindi mag-wo-work out ang relasyon naming dalawa nang gano'n lang."

Umiwas ako ng tingin. I didn't mean it. Hindi ko alam kung saan pa ako nakakahugot ng mga itinutugon ko kay Heira. Kusang lumalabas sa bibig ko ang mga salitang hindi ko naman gustong sabihin.

Hindi na siya nakasagot pa at hindi na rin ako nagsayang ng oras. Umalis ako agad.

Nakarating ako ng mansion at tila lutang pa rin ang isipan. Sinalubong ako ni Ate Xandra at niyakap.

"New bro! Gutom ka na ba? Nagpaluto ako ng merienda! Want some home-made pasta?" maluwag siyang nakangiti sa akin kaya hindi na ako nakatanggi pa. Inakay niya ako sa kusina. Uso ba ngayon ang hilahan at ilang beses akong nahila ngayong araw na 'to.

Pinaghanda niya ako. Tahimik akong kumain. Siya naman ay nagkukwento. Minsan ay tinatanong niya ako pero tango at iling lang ang sagot.

"You don't talk much, do you?" komento niya habang nakapangalumbaba at pinagmamasdan akong kumain. Nakakaasiwa pero hinayaan ko na lang.

"Hmm, it's okay. Sanay rin naman akong mag-monologue."

Sandali ko siyang tinapunan ng tingin pero agad rin akong bumaling sa pagkain. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na mainit at maluwag ang naging pagtanggap nila sa akin.

"Uhm, pinuntahan nga pala ni Attorney yung dati mong tinitirahan, paalis na raw pala si Tita Gia. She refused to talk to Attorney. Napag-alaman namin na ibebeta nila yung bahay . G-gusto mo ba siyang makita?"

Napahigpit ang hawak ko sa tinidor. Tumiim ang bagang ko. Ibebenta nila yung bahay? Shit! That house had so many memories - bittersweet memories, and now, they're going to dispose it.

"M-may problema ba?" nabagabag ata si Ate nang makita ang pagbabago ko ng ekspresyon.

Tumayo ako at tumalikod. "Salamat sa merienda. Maaga akong magpapahinga ."

Nagkulong ako sa kwarto buong magdamag. Tinawag nila ako sa dinner pero hindi ako bumaba. Nagmukmok ako ro'n at pinagkaabalahang mag-aral na lang dahil nalalapit na rin ang exam. I rarely do review but this time, I have to consider this as my diversion. Pansamantalang magpagkakaabalahan para hindi ko maisip si Anne.

Nakatulok ako sa gano'ng ayos pero paggising ko ay nakaayos na sa mesa ang mga libro ko. May kumot na rin sa katawan ko. Sa mesa ay may nakita akong sandwich at orange juice. May maliit pang papel do'n. Binasa ko 'yon.

Dear poker-faced alien na ubod ng sungit, sabi ni Ate kainin mo raw iyan dahil di ka nag-dinner. Good morning

From : Pinakamagandang babae sa earth

"Pinakamagandang babae? Tss. Pinaka-brat kamo." bulong ko. Tumayo ako at nag-inat. Napangiwi nang medyo na-stretch ang braso ko. Hindi pa nga pala ako magaling. Mabilis akong nag-ayos at nagbihis.

Kinain ko yung sandwich at inubos ang juice. Hindi na ako nagtungo sa kusina. Wala akong nakitang tao. Parang wala rin dito si Heira. Well, wala na akong pake.

Nag-commute ako. Muntik na naman akong ma-late pero nakahabol naman. Nandito na pala si Heira at masama pa rin ang tingin sa akin. Natigilan ako sa pagpasok nang makita kong bakante ang upuan ni Anne. Napabuntong hininga ako. This is one of the consequence I need to face. Ang mawala siya ng tuluyan sa tabi ko.

Matumal at nakakatamad na araw. Umuwi agad ako pagtapos ng klase . Wala akong balak magtagal rito. Alam kong sinusundo ni Xandrei si Heira pero wala akong balak sumabay sa kanila.

Pag-uwi ko ng bahay ay may nalaman akong isang bagay tungkol sa girlfriend ni Xandrei. Pero dahil wala akong pakialam , kahit pa nakakawindang ang impormasyon na 'yon ay umasta akong wala lang iyon. Sinindak ko lang naman si Heira pero pagtapos no'n ay wala na akong sinabi. Ano bang pake ko sa pinaggagawa ng mag-syotang iyon?

Sa kwarto na lang ulit ako buong maghapon. Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at sumilip si brat. Tss. Ano na namang pinunta niya rito?

"Hey , jerk!"

Tss. Boses palang kilala ko na. Hindi ko na siya muling sinulyapan. Hindi ko pa nga nalalapag ang mga gamit ko ay nanggugulo na naman ang isang 'to.

"Oy! Bingi ka talaga! Sungit!"

"Brat." I hissed.

"Argh! I'm not a brat!"

I rolled my eyes on her. "Tss. Get out of my room."

"Why? This is my house tapos papalabasin mo ako?" taas-kilay niyang sabi.

"Really? Titulo mo nasaan?" binara ko na. Nakakainis, eh.

"Titulo-hin mong mukha mo!" pambabara rin niya. "Kumain ka do'n sa baba! Sabi ni Ate, bilinan daw kitang kumain pagdating mo. Tse! Bahala ka nga sa life mo!"

Malakas na kumalabog pasara ang pinto. Mukhang wala naman yatang pakialam ang brat na 'yon kung masira ang pinto, as if I also care.

Hinubad ko ang uniform at sapatos ko. Nagpalit na ako ng damit. Sandali akong nangalikot ng mga gamit rito sa kwarto. Nang mapagod ay hindi ko maiwasang buksan ang cellphone ko.

Bumungad sa akin ang napakaraming text at tawag mula sa iisang tao.

Ibinalik ko na lang ang phone ko sa bag.

"I miss you, Anne. . ." sambit ko. Bakit ganito? Ayokong magkaharap kami pero pag hindi ko naman siya nakita sa academy, pakiramdam ko ay kulang ang araw ko.

Bumukas muli ang pinto. Si Xandrea na naman. But this time ay may dala na siyang tray ng pagkain

"Ikaw, sungit! Oh, kumain ka na. Pa-special ka pang sungit ka!" nilapag niya sa bedside table iyon bago siya sumalampak sa kama. "Kumain ka na!"

"Lumabas ka na." malamig kong tugon.

"Kumain ka muna."

I have to admit na kahit nakakairita ang matinis na boses niya ay sweet siyang kapatid. Napailing na lamang ako. Hinayaan ko siyang nakasalampak sa kama habang kumakain ako. Nasa gano'ng ayos kami nang mag-ring ang phone ko. Hindi ko iyon pinansin.

"Oy, kanino 'yon?"

Hindi ko siya sinagot. Kunwari ay hindi ko siya narinig.

"Hoy, sungit. Phone mo yata 'yon, eh."

Hindi ko pa rin siya pinansin. Mas pinagtuunan ko ng pansin ang pagkain.

"Hoy! Sagutin mo na! Pa-special ka talaga kahit kailan."

Dedma. Akala ko hindi na siya magsasalita dahil tumigil rin naman sa pagri-ring ang phone ko.

"Hello. . ."

Muntik na akong mabilaukan nang marinig ko iyon. Napalingon ako bigla sa likuran . Hawak na ni Xandra ang cellphone ko at sinagot niya ang tawag. Shit!

I knew it was Anne! Siya lang naman ang tumatawag sa akin.

"Uhm, kumakain pa kasi siya, eh. Hello? Hello?"

I snatched my phone away from her at pinatay iyon. "Bakit mo sinagot?" sinigawan ko siya sa sobrang inis.

"Aray, ha! Makasigaw ka parang gusto mong sirain angeardums ko! Eh, kasi naman po Mister Sungit, kawawa naman yung tumatawag sayo! Aamagin na 'yon kapag pinagpatuloy mo 'yang pagiging feeling special mo!" inis niyang sagot .

"Get out." nagtagis ang bagang ko sa ginawa niya.

Inasar niya pa ako bago lumabas ng kwarto. Napahawak na lang ako sa ulo ko. Another problem.

"Damn it!"

Ano na lang ang iisipin ni Anne? That I've found someone else that's why I chose to broke up with her? Fuck! Napakapakielamera kasi ng spoiled brat na 'yon!

Inabot ako ng magdamag sa kakaisip kay Anne. Ano kayang iniisip niya? Naiisip niya pa rin ba ako? Galit kaya siya sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako ng malalim.

Kinabukasan, napag-alaman kong makakapasok ng AAA, si brat. Natural , kaya nilang ipasok ito sa academy dahil lawyer nila ang may ari no'n.

"Tss. Ang pangit. Hindi bagay sayo." pang-aasar ko kay brat dahil suot niya ang pambabaeng uniform ng academy. Hindi pa rin natatanggal ang inis ko sa ginawa niya kahapon.

Namula siya sa inis at dinuro-duro ako. "Pangit mo rin! Hindi bagay sayo 'yang mukha mo. Pa-Belo ka na."

Nagbarahan na naman kaming dalawa. Ang sarap niyang asarin dahil pikon. Isa pa, pansamantalang nawawala sa isip ko na marami akong problemang kinakaharap. Sumabay kami kina Heira at Xandrei papunta sa academy.

"Sungit! Samahan mo akong pumunta sa office!" sabi ni Xandrea. Nakakahiya talaga 'tong isang 'to. Hindi niya ba mapigil ang bunganga niya?

"Ayoko."

"Sige na!" pinanlakihan niya ako ng mata. Inirapan ko siya. Sa huli, napapayag niya ako.

Nang naglalakad na kami papuntang office. Nakita ko si Anne na patungo sa elevator. Agad akong nag-iwas ng tingin kasabay ng mabilis na pagtahip ng aking dibdib. Pumasok na siya!

Nawala sa isip ko na kasama ko si Xandrea. Si Anne na naman ang inaalala ko. Sa kanya na naman tumatakbo ang isipan ko.

Si Xandrea, nag-tantrums nang malamang hindi sila makaklase ni Heira. Agad akong nagwalk-out pagtapos no'n. Wala na naman ako sa aking sarili.

Nang makarating ako sa room ay nakaupo na ro'n si Anne. Umupo na rin ako sa pwesto ko. Nakikiramdam lang ako buong klase. Yung tipong kahit hindi ko siya tinitignan ng diretso ay alam ko ang bawat galaw niya. Kinabahan ako nang sumapit ang breaktime na hindi niya man lang ako tinitignan. Fuck! Hindi na siya tumitingin. Napalunok ako. Did she gave up? Did she gave me up?

Pero di ba, ito yung gusto ko? Di ba ako yung nakipag-break? Di ba sinabi ko na sa sarili ko na maraming consequence ang ginawa kong desisyon? But damn it all to hell, I'm not a hundred percent prepared for this! This is not what I imagine. This is not included to my expectations.

Pumikit ako at huminga ng malalim. Mabigat sa pakiramdam. Sobra ang bigat na aakalain mong may pasan kang isang sako ng bigas. Shit talaga! Hindi ko kaya 'to. Ngayon palang hirap na agad akong isipin na unti-unti na talagang nakakalas ang lahat.

Lumipas ang araw. Isa pang araw. At isa pa. At isa pa. Hindi ko napansing isang linggo na pala ang lumipas. Isang linggo na kaming nag-iiwasan. Isang linggo na akong nakikiramdam. Isang linggo na rin akong nanghihina.

Bumabalik kami sa routine noong hindi pa kami nagkakakilala ng lubusan. Bumalik ako sa Cyfer na bato sa karamihan. Bumalik siya sa Anne na laging kasama ang bestfriend niya, tahimik at sobrang hinhin. May pagkakataong sinusundan ko siya. Yung tipong hindi kami nagpapansinan sa room pero pag nasa malayo na, hinahanap-hanap na siya ng mata ko. Ang hirap ng ganito. Nakakabaliw.

Sa unang tingin ay tila normal lang ang lahat ng ginagawa ko. Ang hindi nila alam ay halos bumaliktad na ang mundo ko dahil nasanay na talaga akong laging kasama si Anne. Kahit pa nga ba laging patago ang mga pagkikita namin, sapat iyon para tumatak siya ng husto sa puso at isipan ko.

Will I get over you, Anne?

Nung isang araw, kinompronta ulit ako ng ama niya. Kagaya ng dati ay patago kaming nag-usap.

"Salamat sa paglayo mo sa anak ko. She's getting by."

Tiim-bagang ko siyang tinitigan.

"Masaya ka na ba? I let her go because you think I'm not enough and I don't even deserve her. Masaya ka ba na nakaapak ka ng pagkatao at sobrang baba na ng tingin ko sa sarili ko dahil sa pagtapak mo?" walang kaemo-emosyon kong sabi sa kanya.

Hindi siya agad sumagot. Nakatitig lamang siya sa akin gamit ang seryoso niyang mukha.

"Bata pa kayo. Magsisinungaling ako kung hindi ako aamin na naging masaya ako sa ginawa mo. But you see, she's my only girl and I want every best things for her." he paused for a moment. "And honestly, you aren't included."

Tumayo na ako at walang sabi-sabing tumalikod. Nagpahabol pa siya ng ilang salita. "If the right time comes and you have a chance to prove yourself, grab it. You just might proved me wrong."

Hell yeah, I'll prove you wrong and I will take Anne back, you stupid old man!

Naging busy ako sa pag-aaral. Minsan ay nag-aabala ako sa pag-compose ng mga kanta. Sa sobrang lungkot ko, kung anu-ano na lang ang nagagawa ko.

Naabutan ako ni Ate na nagbabasa ng libro. Bukas na ang exam. Dito ko binubuhos lahat ng frustration ko. Tamad ako mag-aral pero dahil wala naman akong ibang mapaglilibangan, binubuklat ko ang mga libro ko.

"Sipag, ah!" tumabi siya sa akin sa kama. Hinayaan ko siya. Nakatuon pa rin ang mga mata ko sa libro.

"Malapit na bakasyon niyo, ah? Gusto niyo bang mag-outing? Mag-bora tayo o kaya sa Palawan? Hmm, ano pa ba? Pwede rin tayo sa Puerto Galera o kaya sa Davao." she snapped her finger. "Alam ko na! Sa Siargao kaya para maiba naman!"

I shrugged my shoulders. Naniniwala na ako sa sinabi niya dati na magaling siyang mag-monologue.

"New bro, pansinin mo naman ako." sinundot-sundot niya ang braso ko. Huminga ako ng malalim bago bumaling sa kanya.

"What?"

"Saan nga gusto mo?" malaki na naman ang ngiti niya.

Nagkibit balikat ulit ako. "Kahit saan. Siargao."

Napapalakpak siya. "Siargao, it is!"

Muli akong bumalik sa pagbabasa.

"Uhm, Cy. Pupunta akong Italy."

Natigilan ako at marahas na pabaling sa kanya. "Gusto mo ba sumama?"

Kumunot ang noo ko. "Why? Bakit ka pupunta ro'n?"

"Hmm, tour lang? Vacation rin?" marahan siyang tumawa pero alam kong hindi iyon ang totoong sagot niya . "Ang totoo niyan, gusto kong makita ulit si Tita Gia. Alam mo na, makakwentuhan. . ."

Umiwas ako ng tingin. That's not a good idea. She will just waste her time.

"So, ano? Gusto mo ba sumama?"

Hindi ko masabing 'ayoko' kahit labag talaga sa loob ko ang bumalik sa Italy. Ayokong makita ulit sila. Lalo na si Morris.

"Pag-iisipan ko."

That conversation was three days ago. Tapos na ang exam at kagaya ng napag-usapan ay tinotoo nga ni Ate Xandra ang bakasyon sa Siargao.

Maybe, this will help. Unwind and forget. Hindi pa rin ako nakakaget-over sa iwasang nangyayari sa amin ni Anne. Pakiramdam ko ay parang bula na bigkang naglaho ang matagal naming pinagsamahan .

Sa haba ng byahe ay nakatulog lang ako. Pagdating namin sa hotel ay hindi ako sumama sa kanila. Natulog lang ako kahit na niyaya nila ako na mag-swimming.

Don't get me wrong. Maganda rito at nakakaengganyo ang tanawin. Nakakaakit ang dagat dahil malinis ang tubig. Hindi ko lang alam sa aking sarili kung bakit tinatamad akong lumabas. Buti na lang at nakabili ako ng bagong laptop bago kami pumunta rito. Inabala ko ang sarili ko sa panunuod ng kung anu-ano at paglalaro. Ilang oras na ako sa gano'ng ayos nang pumasok si Xandrei. Nasa iisang kwarto kami at magkakasama ang mga babae.

"Hey, hindi ka nag-swimming?"

"Hindi." sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"Niyaya ka naman nila, di ba?"

"Oo."

"Pumayag ka ba?"

"Ayoko."

Nadinig ko ang paghinga niya ng malalim. "You should enjoy your vacation."

Hindi na ako sumagot at nagkibit-balikat na lang.

Nang magsawa ako sa paglalaro ay naisipan kong bumaba at maglakad-lakad sa baybayin. I should be enjoying, right? Niyaya nga ako ni Ate sumama sa party. Ang tagal ko na ring walang nightlife pero tinanggihan ko. Wala akong balak bumalik sa gano'ng hobby.

Dinner time. Lahat kami nasa isang restaurant. Lahat sila tan na ang kulay. Siguro nagbabad talaga sila. Si Xandrda at Ate panay ang kwento tungkol sa mga napuntahan nila. Nakikisabay rin si Xandrei at Heira minsan. Saka lang ako umimik nang maisip kong sabihin ang tanong na kanina pa bumabagabag sa akin.

"Kailan tayo uuwi?" natahimik silang lahat at napatingin sa akin. Si Xandrea ang unang sumagot.

"Bakit, sungit? Hindi ka ba nag-e-enjoy? Tss. Eh, paano ka mag-e-enjoy nyan kung nakakulong ka lang sa kwarto - aww!" napaigik si Xandrea nang kurutin siya ni Ate. Napanguso na lamang ito at pinagpatuloy ang pagkain.

Humarap sa akin si Ate at ngumiti. "5 days pa tayo dito, new bro! Minus na na 'tong araw na ito. Bale four days na lang. Ma-e-enjoy mo pa ang vacation mo dito."

Hindi na ako sumagot. I feel a little out of place. Hindi naman sa kulang sila sa pagbigay ng atensyon sa akin or what. Ako rin naman ang naglalayo sa sarili ko.

Maaga akong nagpahinga. Mukhang pagod rin naman sila kaya halos sabay-sabay lang kami umakyat. Ang kaibahan lang ay maaga akong nagising. Alas singko palang ng umaga ay bumangon na ako. Naglakad-lakad ulit ako sa baybayin. Nang mapagod ay umupo ako sa buhanghn at tinignan ang papasikat ng araw. Malamig ang simoy ng hangin. Preskong presko. Buti na lang at nag-jacket ako.

Unti-unting umaangat ang araw. Gusto ko ang ganitong view. Relaxing. Minsanan lang ako makapunta sa ganito kagandang lugar at natataon pa na maganda ang panahon. Nami-miss ko tuloy ang pagpunta sa Halinaya.

"Good morning." medyo nagulat ako nang may magsalita sa likod ko. Nakita ko si Heira na nakangiti. Tumabisiya sa akin.

"Bakit ka nandito?" Ibinalik ko sa dagat ang aking tingin.

"Maaga kasi akong nagising, eh. Kaya naglakad-lakad muna ako. Ikaw? Bakit ka nandito?"

"Wala lang." maikli kong sagot sa kanya.

"Uhm, may napuntahan ka na ba dito sa isla?" tanong niya paglipas ng ilang sandali.

"Wala pa."

"Pero na-try mo na maligo sa dagat na 'yan."

"Hindi pa rin."

Hindi ko alam kung sobrang good mood lang ako ngayon kaya ko siya kinakausap o dahil medyo humapa na ang inis ko nung nakaraan naming pag-uusap.

"Bakit hindi mo i-try mag-swimming? Mag-e-enjoy ka for sure. O kaya mag-fishing, surfing, jet skiing? Pumunta sa cave. Madami ka namang magagawa dito, eh."

"I don't like it." salungat ko.

Well, I like the view pero hindi ako mahilig sa gano'ng klaseng adventure.

"Magpasama ka kina Ate Xandra at Xandie. You'll like the place, I swear. Madaming pwedeng gawin at puntahan."

Nilingon ko siya. Hindi ko mapigilang ngumiti.

Yeah, they kept on convincing me to enjoy my stay here. Hindi pa naman siguro huli, di ba? I guess, I needed to think of this as another diversion to forget my problems.

"Do you think malilibot ko 'yon lahat in three remaining days?"

"Ah. . .Eh. . .Siguro. Hehe. Ewan ko. Whoo! Ang lamig , no?"

Tumayo na ako at nagpasyang aalis. Pero bago iyon ay agad akong sinapak ng konsensya ko. Maayos naman siyang makitungo sa akin kaya hindi dapat ako magpakita ng kagaspangan. Yung tungkol naman do'n sa huling tagpo na nagkainitan kaming dalawa, I need to consider that. She was just concern about Anne. Walang masama ro'n dahil magkaibigan sila.

Walang sabi-sabing pinatong ko ang jacket sa balikat niya bago ako tuluyang umalis. Pang-thank you ko na rin sa concern niya kay Anne.

True to my words, I've spent our remaining days here, bonding with my siblings for the first time. Tama sila. Kahit papaano ay nag-enjoy ako. No. Nag-enjoy talaga ako ng sobra. Yung hindi ko namamalayan na nakakatawa at nakakangiti na ako.

"Humanda kayo sa akin!" sigaw ni Xandrea matapos ko siyang ibagsak sa tubig. Kumuha siya ng may kalakihang bato at akmang babatuhin kami ni Ate. Tumakbo kami ni Ate ng mabilis. Tawa ng tawa si Ate Xandra samantalang ako ay nakakalokong ngumisi kay Xandrea na mukhang napipikon na naman. Nagpaiwan si Xandrei at Heira sa cottage kaya kaming tatlo lang ang naglalaro ngayon.

Pansamantala, nakalimutan ko yung sakit. Natuon ang atensyon ko sa bago kong pamilya. Dumating pa nga sa punto na hiniling ko na sana ay lumaki ako na kasama sila.

Pansamantala lamang lahat dahil sa pagsapit ng gabi. Pag nagpapahinga na kaming lahat, babalik ulit sa isipan ko lahat ng bagay na pilit kong kinakalimutan. Pati na rin yung taong hindi ko maalis-alis sa aking sistema. Nakatatak pa rin siya sa akin at hindi ko alam kung paano siya tatanggalin.

Nakakamove on na kaya siya? Ayos lang kaya siya ngayon? Umaasa pa rin kaya siya sa akin. Ang dami kong tanong na hindi naman masagot-sagot.

Last day na namin ngayon dito at muli akong tinanong ni Ate tungkol sa pagpunta sa Italy.

"Samama ka ba, Cy?"

Nagdadalawang-isip pa rin ako pero hindi ko kayang iimagine na pupunta ro'n si Ate mag-isa. Makakaharap niya ang ina ko na naging bestfriend ng namayapa niyang ina pero nagkaroon ng affair kay Frank de Vera. Isa pang kinakabahala ko ay si Morris.

Sa huli ay sinagot ko siya ng , "Yes, I'm going."

Tuwang-tuwa siya. Nagulat pa ako nang sinabi niyang ma-i-extend ang bakasyon namin rito at apat na araw pa kami aalis papuntang Italy para ayusin ang passport at ticket namin. Pero sila Xandrea, Xandrei at Heira ay sabay-sabay na raw na uuwi bukas. Ibig sabihin ay baka one week ang absent.

Sumapit ang gabi at nagkukwentuhan sila Xandrea at Ate. Ako naman ay abala ulit sa paglalaro sa laptop. Wala na naman yung mag-shota . Bahala sila sa buhay nila.

"Tara kayo, dali! May papanuorin tayo!"

Muntik na akong mapamura dahil namatay bigla ang character sa paghila sa akin ni Ate. Tss. Ba't hindi na lang sila ni Xandrea ang manuod.

Nagpunta kami ng baybayin. Nung una ay nagtataka pa ako kung ano ba ang papanuorin namin dito pero nang makita ko si Xandrei na nakaluhod sa harap ni Heira, alam ko na agad ang ibig sabihin ni Ate.

Kilig na kilig ang dalawang kasama ko habang nagkukubli kami rito malalaking puno ng niyog.

I should feel happy for them pero bakit iba ang pakiramdam ko?

Napangiti ako ng mapait. Yeah. I must admit that I'm bitter with their sweet scene. Naiinggit ako sa kanila at sa lahat ng taong nagmamahal ng walang hadlang. Naiinggit ako dahil tila madali para sa kanila na sumaya pero bakit pagdating sa akin, kung hindi imposible ay tila napakalabong mangyari?

"So, sweet!" komento ni Xandrea.

"Tss. Sweet?"

Hindi ko maiwasang manghinayang para sa sarili ko. Para sa aming dalawa ni Anne. Our kind of love deserves a happy ending. Not a bullshit ending.

Una akong tumalikod kahit pinapasaringan na naman ako ni Xandrea ng pagiging KJ. Masisisi niyo ba ako? Isa lang naman ang gusto kong makasama pero ang hirap hirap niyang abutin.

I wish I could write a better ending than this. . .

>>next update

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112