HTLAB - Chapter 43

A/N : Hello po. Mag-i-explain lang ako nang mabilis. Some scenes are part of WYBHBM. Sa mga nakabasa na ng story kong 'yon, familiar na kayo sa ibang scenes at kering keri na i-predict ang mga susunod na pangyayari. But I'm telling you, guys, that you need to read this kahit same scene lang. Why? Because I used CYFER'S POV for you to understand it further. Ito ang talagang pinaka-explanation. Nasa POV ni Cy. Mas detalyado at klaro.

At do'n naman po sa mga hindi pa nakakapagbasa ng WYBHBM, mas maganda kung mababasa niyo rin po iyon para may guide kayo.

Hindi lahat ng parts ni Cyfer at Anne sa WYBHBM ay ilalagay ko rito. Hindi po. Hindi rin po ako nagbibiro na malapit na ito matapos.

Don't worry. I'll give you a story worth reading. Satisfaction niyo pa rin priority ko. Hihi.

Also, I'm glad to break this news - BALIK NA PO AKO SA DAILY UPDATES. STARTING NOW. PARTY NA!

Ito na ang umpisa ng bawi ko. Haba nito. Ngayon lang ulit naka-5k words.

Read before you vote!

Add me on fb : KHIRA WP

Enjoy reading!

-

CYFER POV

"Are you Cyfer?"

Tango lamang ang naisagot ko kay Alexandra de Vera. Hindi ko maibuka ang bibig ko para bumigkas ng ilang salita. Aaminin kong kinakain ako ng kaba. Hindi ko maiwasan.

Mas lumapit ang babaeng katabi niya. Siya kaya ang tinutukoy ni Attorney Delgado na isa ko pang kapatid na babae? Siguro nga dahil medyo magkamukha silang dalawa.

"Sabi ni Ate, magkaring-edad lang tayo, eh bakit hindi tayo magka-height?" kunot noong tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung dapat ba akong maiinis o matawa sa pambungad niya.

Tumikhim si Alexandra at nagsalitang muli. "B-bakit biglaan amg pagpunta mo?"

Napalunok ako. Hindi mawari kung anong dapat i-rason. "Do you know who I am?" balik tanong ko sa kanila.

Tumango silang pareho.

"Cyfer Madrigal, right?" aniya.

"Yeah."

"And you're our half brother?" dagdag ni Xandrea.

Nag-iwas ako ng tingin. "Kailan niyo pa nalaman?"

"Kahapon lang."

"Kanino?"

"Kay Attorney Delgado."

Ilang minutong katahimikan ang lumipas. Ramdam ko rin ang pagkailang nila. Gano'n din ang nararamdaman ko. Alam na kaya nila ang kabuuan ng kwento? Sinabi kaya ni Attorney Delgado lahat ng impormasyon tungkol sa akin. Alam kong nangako siya pero malay ko ba kung hindi niya napigilang sabihin sa magkakapatid ang istorya kung bakit nabuhay ako sa mundong 'to. Huminga ako ng malalim. Nakaiwas pa rin ng tingin sa kanila.

"Nakwento ba niya sayo lahat?" marahan kong tanong.

Umiling si Alexandra. "Ang sabi niya, ikaw lang daw ang may karapatang magkuwento n'on."

Pumailanlang muli ang saglit na katahimikan. Naghihintay ng tugon si Alexandra at ang katabi naman niyang babae ay nakikinig lang. Tumikhim ako.

"Ngayon ko na ba dapat sabihin?"

Imbis na sagutin ako ay hindi niya ginawa ni Alexandra. Nagsalita siya ngunit walang kinalaman sa tinatanong ko. Marahil ay umiiwas muna siyang maungkat ang istoryang iyon. Pinagpasalamat ko iyon dahil nangangapa pa ako sa salita hanggang ngayon. "May isa pa kaming kapatid. Lalaki. Twenty years old. Ikaw seventeen ka pa lang, di ba?"

Tumango-tango ako. "Nasaan siya ngayon?"

"Nasa Australia, may inaasikaso. B-bakit nga pala napasugod ka rito?"

Natahimik ako. Shit. Akala ko ba in-eexpect nila ako? Pinagloloko ba ako ni Attorney? Iritable akong huminga ng malalim. Didiretsuhin ko na sila.

"Wala na akong ibang mapupuntahan?" mahina lamang ang boses ko nang sabihin ko iyon sa harap nila. Tinamaan ako ng matinding hiya. Ang kapal naman ng mukha kong gawin 'to samantalang hindi pa nila ako kilala ng lubusan. Maaari nila akong akusahan ng abusado o oportunista. Damn it! Ngayon ko lang naisip 'to.

Pero hindi ko magawang magsinungaling. Isa naman talaga iyon sa pinunta ko rito. Wala akong matutuluyan. Kung sakaling malasin na naman ako ay sa hotel na naman ang bagsak ko. Kailangan ko ng pansamantalang sandalan. Gusto kong subukan kung matatanggap ba nila ako rito.

"W-what do you mean?" naguguluhang tanong ni Alexandra.

"Let me stay here. Kahit ilang araw lang." Sapat na mga araw para malaman ko kung anong klaseng pakikitungo ang kaya nilang ibigay sa isang tulad ko.

"B-bakit? I mean, hindi ko kasi alam kung. . .kung bakit biglaan ang lahat."

Damn it! Muntik na akong mapapikit sa sagot niya. Shit! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ngayon pa lang ay ramdam ko na ang pag-aalinlangan nila. Paano ako makakatagal? Ilang mura na ang lumabas sa isipan ko. Mukhang wala akong pag-asa rito.

"Ang sabi kasi ni Attorney ay pwede ko kayong. . ." Fuck. Tama na . Hindi na kailangan ng panibagong pangangatwiran. Kung hindi ako tanggap rito, kailangan ko na umalis ngayon din. "Hindi bale na."

Bibitbitin ko na sana ang mga bag ko nang bigla siyang lumapit at pinigilan ako. Nagulat ako sa ginawa niya. I tried so hard not to be obvious.

"Sandali! Hindi mo kailangang umalis."

Napatingin ako sa kanya. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng relief sa ginawa niyang pagpigil sa akin.

"Uhm, ako nga pala si Alexandra. You can call me Ate Xandra. " ngumiti siya sa akin na mas lalo kong ikinagulat. Nag-iwas ako ng tingin at tumango na lang.

Sa pangalawang pagkakataon ay nagsalita muli ang babaeng katabi ni Alexandra.

"And I'm Alexandrea. You can call me 'Ate Xandie.'"

Kumunot ang noo ko. What ? Did I hear her right? Is she older than me? Akala ko ba magka-edad lang kami ng bunso ng mga de Vera?

Nakita kong lumapit si Alexandra rito. Alexandrea hissed something I couldn't hear. Nag-aaway ba sila?

"Ate ka r'yan! Eh, mas matanda siya sa'yo!" rinig kong sabi ni Alexandra sa kapatid.

"Gusto ko lang maranasang maging ate tulad mo. Kill joy mo naman, Ate." nakangusong sagot ni Alexandra.

"Heh! Umayos ka nga. Puntahan mo si Yaya. Magpatimpla ka ng juice at magdala ka ng cake para may silbi ka rito."

"Eh? Ano nga uli? Hindi ko na-gets, eh."

Alexandrea rolled her eyes upward. "Nevermind."

Saka lang ulit siya lumingon sa akin nang matapos sila. Nahihiya siyang ngumiti sa akin at napakamot sa kilay. "Pasensya ka na, ha. Huwag mong tawaging ate 'tong si Xandie dahil mas matanda ka naman sa kanya."

Nilingon niya muli ang bunsong kapatid at binigyan ng warning look. Napilitan tumungo sa kusina.

Na-a-amuse ako pero hindi ko pinapahalata. Are they really like that?

"Bakit ka nga pala may pasa at sugat, ha? Nakipag-rambulan ka ba sa guard namin dahil hindi ka nila agad pinapasok o may nakaaway ka bago ka napunta rito?"

Hindi ako sumagot at tumingin muli sa ibang direksyon. Alanganan namang sabihin ko na pinabugbog ako ng sarili kong kapatid kaya may pasa at sugat ako. It was such an impolite act but what else can I do? I can't pretend. Mas maganda na ganito agad ang first impression niya sa akin para hindi siya mag-expect ng kung ano mula sa isang tulad ko.

Dinig ko ang pagbubuntong hininga niya. "Sige na nga! Kung ayaw mo sabihin, okay lang." nabigla ako ng hilahin niya ang braso ko. Muntik na akong mapamura dahil iyon ang injured arm ko na tinanggalan ko ng cast. Pigil na pigil akong mapangiwi sa sakit. Napansin ko na lamang na dinala niya ako sa kusina. "Upo ka r'yan."

Umupo naman ako. Nagtataka kung ano ang ginagawa niya at ba't niya ako hinila rito sa kusina.

"Ano ang gagawin?"

"Gagamutin 'yang sugat mo." kinuha niya ang medicine kit at ice pack sa wooden cabinet pagtapos ay tinungo niya ang ref at kumuha ng cube ice. Then, nilapitan niya ulit ako.

I was stunned. Hindi ko naisip ang balak niyang gawin. I thought I wasn't welcome here. O baka naman napipilitan lang? Pakitang-tao?

Damn. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nung inakala ko na hindi ako tanggap rito, pinagdudahan ko siya. Ngayon namang tanggap na ako at inaasikaso pa, nagdududa pa rin ako. You can't blame me. I had seen more than enough lies to last me a lifetime. Suyang-suya na ako sa pagpapanggap ng mga tao sa paligid ko. Hindi ko maiwasang isipin na isa sila sa mga taong 'yon.

Minumura ako ng isang parte ng utak ko. Can't you just be grateful to them? They are cool with you. That's enough!

Huminga ako ng malalim. Yeah. Hindi rin dapat ako mag-expect ng mataas sa kanila. Sapat na ang pagpapatuloy nila sa akin rito. Kahit pansamantala.

Tinitigan ko si Alexandra de Vera. Magaan ang loob ko sa kanya simula pa nung una naming pagkikita sa burol ni Frank de Vera. She talked to me and shared some of her memories with our deceased father. She even gave me a hanky. Namukhaan niya kaya ako?

Huminga ako ng malalim. Siguro hindi na dahil hindi naman niya nabanggit. Siguro nga nakalimutan niya na.

At ngayon, ginagamot niya ang sugat ko kahit hindi ko siya sinagot kanina. Hindi ko rin naman masabi na totoo o pakitang-tao ang mga ngiting binibigay niya sa akin. Maybe, her kindness is just natural.

Nang tignan niya ako ay bumagsak ang tingin ko sa ice pack. Hindi ko siya matignan ng diretso. I don't know why. Damn it. Dahan-dahn niyang inilapit ang ice pack sa mukha ko.

"Namamaga ang bandang kanan ng labi mo."

Hindi ako nagpakita ng kahit anong reaksyon. Naiilang pa rin ako. Siya mukhang nakaka-get over na.

Sumimangot siya. "Uy! Magsalita ka naman. Para kang si Xandrei, eh."

Doon ako napatingin sa kanya. Tumikhim akong muli. "Who is Xandrei?" tanong ko kahit alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya.

"Yung sinabi ko sayo na isa pa namingkapatid na nasa Australia."

Nanahimik ulit ako. Wala naman akong sasabihin o ikukwento sa kanya. On second thought, meron pero ayokong magkwento nang hindi naman niya ako tinatanong tungkol do'n.

"Uhmm, pwede ko bang malaman kung sino ang mama mo?"

Natigilan ako. Nag-tagis ang bigla ang bagang ko. Hindi ko pa ata kayang sabihin sa kanila. But fuck it! They have the rights to know. Parte iyon ng kwentong dapat kong ibahagi sa kaniya kapalit ng hospitality na ipinapakita niya sa akin.

"I-is there something wrong? Okay lang kung hindi mo trip sagutin ngayon."

Hindi pa rin ako sumasagot. Nakatiim lamang ang mukha ko habang nakatingin sa ice pack.

"Hi there!" biglang lumitaw si Alexandrea. Nawala ang atensyon sa akin ni Alexandra at nakahinga ako ng medyo maluwag.

"Saan ka galing? Hindi pa sabi ko magpatimpla ka ng-"

"Nagpa-deliver na lang ako ng pagkain." kita kong bumaling sa akin ang bunsong de Uera. "Hello, brother dear! Kwentuhan mo naman ako." Umupo pa siya sa sa tabi ko. "Paano ka namin naging kapatid? Oh, well, alam ko naman kung paano nabubuo ang baby, eh. Egg cell plus sperm cell equals miracle. Ang gusto kong malaman ay kung sino ang mama mo?"

Tss. Inulit lang niya ang tanong ng Ate niya. Huminga ako ng malalim. I have no other choice but to tell them.

"Gia Madrigal."

Kumunot ang noo ni Alexandrea ngunit narinig ko ang pagsinghap ni Alexandra. She knows my mom?

"You know his mom, Ate?"

"U-uhmm, I think so." bumaling siya sa akin. Mukhang hindi pa rin makapaniwala. "Si Tita Gia talaga ang mom mo?"

Tumango ako.

"Who is she , Ate? Kamag-anak ba natin? Family friend?" pangungulit ni Alexandrea sa ate niya.

Huminga si Alexandra ng malalim. "She was our mom's bestfriend. D-did you know that?"

Tumiim ang bagang ko at muling tumango. Alexandrea's turned to gasp. She threw a lot of question to her sister. Maski sa akin. Ngunit nanatili akong tahimik at hindi na muling umimik. I saw Alexandra staring at me. I could say that she's worried. Kung para saan ay hindi ko alam.

Lumipas ang ilang sandali at sinamahan nila ako sa guest room. Iyon daw ang magiging kwarto ko. Hindi ko maintindihan ngunit parang komportable na agad sila at hindi sila naiilang magsalita ng magsalita at kausapin ako. I can't do the same. Talagang ilang na ilang pa rin ako. Though, parang pinaparating talaga nila sa akin na welcome ako rito, lalo na si Alexandrea.

"Dyaran! This will be your room from now on! Gusto mo pa-design pa natin para feel at home ka talaga rito sa mansion namin." she clasped her hands. Tila natuwa sa sariling ideya. "Want me to be your designer?"

Marahang natawa si Alexandra sa tinuran ng kapatid. "Hala ,huwag! Magmumukhang barbie house ang kwarto mo. Err."

Alexandrea glared at her sister. "Shut up, Ate."

Pinanuod ko silang dalawa na nag-aasaran. Si Alexandra ay tawa ng tawa at inaasar-asar ang kapatid at si Alexandrea ay mukhang napipikon na. They looked. . .cute. Tinago ko ang ngiting pilit na sumisilay sa aking labi.

Umiwas ako ng tingin at inilapag ang mga bag na dala ko sa sahig. Nagulat ako nang kunin iyon ni Alexandrea at nilapag sa kama.

"Ito lang ba ang gamit mo? Ang konti naman. Gusto mo mag-shopping?" malaki ang ngiti sa kanyang labi na agad nabura nang barahin siya ng kanyang ate.

"Ginawa mo naman siyang babae, lil sis."

"Porke lalaki, hindi na pwede mag-shopping? Hmp!"

Napailing na lamang ako. Ganito ba talaga sila kaingay? Lumapit sa akin si Alexandrea na may ngiti na ulit sa labi. Ang weird niya sa paningin ko. Magka-edad kami pero mas matangkad ako sa kanya . Tingin ko 5'2 lang ang height niya. Pinagkaitan ng katangkaran ang isang 'to hindi tulad ni Alexandra na 5'7. How did I know? Magkasing-tangkad kami at 5'7 ang height ko.

"So, tatawagin mo na ba akong Ate?" tumaas-taas ang kilay ni Alexandrea habang nakatingin sa akin. Automatic akong napaka-kunot noo.

"No way. I'm older ,so why would I call you 'Ate?'"

Napanga-nga si Alexandrea at humagalpak naman ng tawa si Alexandra.

"Xandrei na Xandrei. Tsk tsk!" naiiling na bulong ni Alexandra. Matinis naman na sumigaw si Alexandra ng "Ang sungit!"

Tatawa-tawa pang hinila ng Ate niya si Alexandrea palabas ng kwarto habang naka-pout ito at masama ang tingin sa akin. Napailing na lang ako sa ka-weirdohan ng magkapatid. And yeah, kapatid ko na rin pala sila. I should start calling Alexandra as Ate Xandra, kapalit na rin ng kabaitan niya. Yung request naman nung maliit, well, pag-iisipan ko pa.

Inalis ko lahat ng alalahanin sa isip. Yung kaba lang ang hindi ko mapigilang maramdaman. Inayos ko ang kakarampot kong gamit sa cabinet na walang laman. Nang matapos ako ay ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Kailangan ko ng lakas. Nananakit pa rin ang katawan ko. Hindi pa ako lubusang magaling. And shit, may pasok na bukas. Napapikit ako. Papasok ba ako o hindi?

Napatingin ako sa phone ko na naka-off. Kating-kati akong buksan iyon pero todo pigil ako sa aking sarili.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Liman na oras akong tulog dala rin siguro ng puyat, stress at pagod. Ngayon lang ako nakabawi ng pahinga.

Lumabas ako ng kwaro dahil nakaramdam ako ng gutom. Iniisip ko kung lalabas pa ba ako para kumain o ano. Nasaan na kaya yung magkapatid?

Nagtungo ako sa sala at narinig kong nag-uusap ang mga ito.

"Tumigil ka nga dyan! Bakit ba tinatawag mong sungit ang new brother natin?"

"Hmp! Nagre-request lang naman ako na tawagin niya akong ate, eh."

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na mas matanda siya? Hindi pa ba halata sa height?"

"Kahit na. Saka , tingnan mo nga yung mukha, always poker-faced. Hindi man lang ngumingiti."

"Eh, ano naman? Guwapo pa rin naman siya, ah."

"My gosh, Ate! May gusto ka kay sunght , 'no?"

"You and your big mouth! Masyado ka naman mag-imagine, lil sis. Hello? He's our half brother. Kaya ko sinabing gwapo dahil wala namang pangit sa lahit natin."

"Ahh. Tama ka dyan, Ate. Tama ka dyan."

"Ay, mali pala. May isang meron."

"Huh? Sino?"

"Ikaw!" Dinig ko ang malakas na pagtawa ni Ate.

"You! Hindi ako pangit, 'no!" napangiwi ako sa lakas ng sigaw ni Alexandrea. Makabasag salamin ang boses. Masyadong matinis. Tss. Dinig ko pa ang mas pinatinding pang-aasar ni Ate kay Xandrea. Hindi ko mapigilang mapangiti ngunit agad namang napawi nang bumanga sa dibdib ko si Xandrea na tumatakbo.

"Argh. My nose. . ." dumaing siya habang nakahawak sa kanyang ilong.

"Stupid. Bakit hindi ka tumitingin sa tinatakbuhan mo?" malamig kong sabi.

Napamaang siya. "W-what? Did you just call me 'stupid?'"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Do you want me to repeat it."

Namula ang mukha niya sa inis. "You poker-faced alien! Ang sungit-sungit mo talaga! Argh! I hate you."

Nagkibit lang ako ng balikat. "Well, the feeling is mutual."

Hindi ko alam kung bakit natutuwa ako sa naiinis niyang mukha. Hindi nga lang maganda sa pandinig ang matinis niyang boses.

"Argh! Bakit ba ang sungit mo sa akin? Bakit kay Ate hindi ka ganyan?"

"Kasi ang ingay mo."

"At si Ate hindi? Sus. Pakitang-tao lang 'yan mas maingay pa nga 'yan sa akin, eh."

Nakita kong sinamaan ng tingin ni Ate si Xandrea. "Huwag kang maniwala dyan! Ang bait-bait ko, eh."

Tinalikuran ko na sila. Nawala ang gutom ko. Magpapahinga na lang siguro ako buong araw para makapasok ako bukas. Kailangan ko pumasok dahil siguradong magtataka ang mga ito. Baka isipin pa na hindi ako nag-aaral. Tss.

Pagbalik ko ng kwarto ay dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama. Kumikirot ang mga sugat ko.

Wala pang isang minuto ay halos sumabog ang pintuan ng kwarto ko sa pagpasok ni Alexandrea. Nakahalukipkip siya at nakanguso. Kumunot ang noo ko. Ano namang kailangan ng asungot na 'to?

Agad siyang tumalon sa kama at niyakap ang unan ko.

"Ba't ka nandyan?" iritable kong tanong.

"Bakit ang sungit mo sa akin?" inirapan niya ako. Inirapan ko rin siya.

"Ba't ka nang-iirap? Bakla ka, 'no?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Gusto mo mamatay?"

"Ayaw." binelatan pa niya ako. Tss. Seventeen na pero utak fetus pa rin ata ang isang 'to.

Hindi ko siya sinagot. Hinayaan ko siyang nakahiga sa kama. Ako naman ay kumuha ng gamot, pain killer at bandage saka nagtungo sa banyo. Walang mag-aasikaso sa akin rito unless magpapatawag ako ng doktor kaya kailangan kong gamutin ang sarili ko. Dahan-dahan kong inalis ang bandage na nakapulupot sa tiyan hanggang dibdib ko. Napapangiwi ako sa sakit at kirot. Napamura na ako nang maramdaman ang hapdi sa dibdib ko nang tuluyang matanggal ang bandage.

Tinignan ko ang katawan ko sa salamin. May maliit na cut ako sa may bandang ribs at ilang pasa sa dibdib at tiyan. Yung pinaka hindi ko maatim na tignan ay yung sa paso mula sa lighter. Burado ang tatoo.

Napapikit ako. Hindi ko kayang tignan ang sarili kong mga sugat. Buti sana kung ako ang may gawa nito sa sarili ko o dahil lang sa hindi sinasadyang pangyayari. Pero hindi. Sinadya ito. Pakiramdam ko ay nababoy ang katawan ko. Hayop na, Morris.

Tiniis ko ang sakit habang nilalagyan ko ng gamot ang mga sugat ko. Napapadaing ako ng mahina. Shit.

Pahirapan ang paglalagay ng bandage dahil hindi rin maayos ang lagay ng braso ko. Halos isang oras ata ako na nasa banyo. Nagpalit na rin ako ng t-shirt. Paglabas ko, nando'n pa rin si Alexandrea at nakahiga.

"Grabe ka naman jumebs! Isang oras. Eww!"

What the hell? Sinamaan ko siya ng tingin. "Labas na."

"Ayaw." umiling siya. "Aawayin pa kita."

Inirapan ko siya ulit. Ang kulit ng isang 'to. Ayaw magpatalo. Tinalikuran ko siya at nilagay ang mga gamot ko sa drawer.

Nagulat ako nang may tumamang unan sa ulo ko kasabay ng malakas na pagtawa ni Xandrea.

Fuck.

We end up throwing things to each other. Pinagbabato niya ako ng unan at kumot. Damn. Ginulo niya ang kama ko! Binabato ko rin sa kanya ang mga binabato niya sa akin. Ganito ba talaga siya kakulit? Tss. Nakakainis.

Nakita kong kinuha niya yung maliit na upuan kaya hinawakan ko ang lampshade at itinaas.

"Pag binato mo 'yan sa akin, lilipad 'to sa mukha mo. Sige lang!"

Napatingin ako sa lampshade. Mukhang mahal 'tong isang 'to. Di bale, mayaman naman sila. Isa pa, hindi naman akin 'to kaya masarap 'tong sirain.

Nagulat kaming dalawa ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Ate na may lalaki. Parehas silang napanga-nga nang makita ang ayos ng kwarto. Sobrang gulo at parang ni-ransack. Tss. This is not entirely my fault. The brat started the fight.

Sinugod agad ng yakap ni Xandrea ang lalaki at napag-alaman kong siya pala si Alexandrei.

Ah, yeah. Namukhaan ko na siya. Minsan ko na rin siyang nakita.

"Anong ginagawa niyo?" nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ng bunso niyang kapatid.

"Tss. Ikaw ang sumugod dito tapos sasabihin mo, ako ang nang-away sayo? Brat." pasaring ko.

Parang batang ngumawa si Alexandrea at nagsumbong sa kuya niya.

Tinitigan ko ng matiim ang lalaki.

"Are you Xandrei?"

"Yeah. And. . .you're Cyfer, right."

"It's nice to meet you. I'm glad na may kapatid akong lalaki. Sana hindi ka kasing ingay niya."

"You, alien! Hindi ako brat! At tawagin mong kuya si Kuya Xandrei. He's older than you!"

I snorted. "I want to call him Xandrei at wala akong pakialam sayo, brat."

Nagsagutan kami ni Alexandrea. Ang sarap talagang barahin dahil nakakainis ang kaingayan.Biglang tumawa si Ate at napatingin kaming lahat sa kanya. Silang dalawa naman ni brat ang nagsagutan hanggang sa hinila nito palabas si brat. Makakahinga na sana ako nang maluwag kung sinama niya si Alexandrei pero hindi. Nagpaiwan ito at dalawa na lang kami rito sa kwarto.

Ilang sandali na ang lumipas ay wala pa ring nagsasalita.

"I finally met you." sa wakas ay nahanap ko ang boses ko. Ayokong tumayo rito magdamag at makipagtitigan sa kanya.

"Kanina ko lang nalaman." He paused for a moment. "May gusto akong malaman."

"Ask away."

"Nasaan si Tita Gia? Xandra told me that she's your biological mother."

I shrugged my shoulders. "Nasa bahay niya."

Kumunot ang noo ni Alexandrei. "Ang sabi mo kay Ate, wala ka nang ibang mapupuntahan. Anong ibig mong sabihin do'n?"

Tumalikod ako sa kanya at dinampot ang mga nagkalat na unan sa sahig.

"They threw me out of my house like I was some kind of garbage."

Hindi ko mapigilang hindi maging bitter sa nangyari. Ipinilig ko ang aking ulo at tinanggal iyon sa utak ko .

"Sinong gumawa no'n sayo?"

"My own mother."

Napatanga ito sa naging sagot ko. "Bakit niya ginawa iyon. Anak ka niya-"

"I don't know. She hates me since the day I came in her life." I said bitterly. "Anyway, I don't need your sympathy. Sinasabi ko lang 'to dahil nagtatanong ka. Since, pinatuloy niyo ako rito, sa tingin ko kailangan kong sagutin lahat ng tanong niyo."

"Gano'n lang ba ang tingin mo? Na pinatuloy ka lang namin dito because we're just plain curious about you?"

Nakipag-tagisan ako ng tingin sa kanya.

"May iba pa bang dahilan?"

"Yeah."

"Like what?" tanong ko sa tila naghahamon na tono.

"We want you to stay hindi lang dahil sa curiousity namin sayo. To me, having a brother is a good thing."

"Will you treat me nicely?"

Hindi ako umaasa. Hindi dapat ako umasa sa kanila. Alam ko na ang cycle ng pagtitiwala ng sobra sa ibang tao. Darating ang araw na mababali iyon.

"Of couse." sagot niya.

Ngumiti ako ng mapakla. "Huwag kang masalita ng tapos. People change their minds. Hindi niyo kailangang magpakitang tao. Lalo ka na. Sanay na ako na walang paki ang mga tao sa paligid ko kung ano ang nangyayari sa akin. So, don't mind me. Sapat na yung pinapatuloy niyo ako rito. Ako na ang bahala sa iba pang kailangan ko.

Natahimik siya sandali. Patuloy ako sa pag-aayos ng mga kinalat ni Xandrea. Akala ko ay magkukusa na siyang aalis pero nagsalita pa siya ulit.

"Sa tingin ko, my karugtong pa ang kwento mong 'yan. Hindi ka namin minamadali. You can reveal it anytime. Walang mamimilit sa'yo. Kung gusto mong manahimik, okay. Pero don't expect us not to care about you. If some people threw you out of their lives, huwag mo kaming ikompara sa kanila. Hindi namin iniisip na kapatid ka lang namin sa labas. Nakakabigla, oo. Pero kaya naming makisama. We're giving you a chance. Sana gano'n ka rin sa amin, Cyfer. Goodnight."

Iyon ang huli niyang sinabi bago lumabas ng pintuan. Natigilan ako sa pag-aayos.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

This is all new to me. Strange. They have strange attitudes. Strange action. I didn't expect na ganito lang kadali ang lahat. Akala ko mahihirapan akong makiusap. No. Wala akong balak makiusap sa kanila. Kung hindi man nila ako tanggap - I don't care. Sanay na ako. Sanay na sanay na.

Ganito ba talaga dito o nagpapakitang-tao lang silang lahat sa akin? Kaya ko bang magtiwalas sa mga taong kadugo ko nga pero kakakilala ko pa lang.

Makisama? Sa kanila? Gano'n lang kadali para sa kanya? Tss. Hindi ako naniniwala. Marami akong natutunan sa buhay ko at hindi madali para sa akin ang makisama. Lalong lalo na ang magtiwala.

A chance?

Can I give them a chance? Can I give myself another chance? I sighed.

Mahirap. Parang hindi ko ata kaya. Unang araw palang ito at maraming araw pa ang darating. Sigurado akong mas mahihirapan ako.

Kailangan ko lang siguro mag-adjust. Umupo ako sa gilid ng kama at tumingala sa kisame. Walang kasiguraduhan ang mga desisyong pinipili ko. Gano'n pa man umaasa ako na magiging maayos rin ito. Sana.

I need to take one problem at once. Maaga akong nakatulog at hindi na nakakain ng dinner. Maaga rin ako nagising. Nakaramda ako ng uhaw at nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig. Mukhang tulog pa ang mga tao rito.

Nasa harap na ako ng ref nang biglang may yumakap sa akin mula sa likod. Muntik na akong mapatalon sa gulat.

"Morning, Xan."

Napasinghap ako. What the hell? Sino 'to?

"What do you thing you're doing? Get your hands off me." matigas kong sabi.

Agad nitong tinanggal ang pagkakayakap sa akin pagtapos ay humarap ako. Nanlaki ang mga mata ng taong 'yon nang makita ako.

"C-cyfer?" kumunot ang noo ko nang makilala ko kung sino ang nangahas yumakap sa akin.

"Stupid girl?"

Napatulala ito ng ilang sandali.

"Anong ginagawa mo rito?"

"What are you doing here?"

Magkasabay naming tanong sa isa't-isa.

"Dito ka nakatira?"

"Bisita ka ba?" sabay kaming muli kaya hindi kami magkaintindihan.

"Ikaw muna."

"You first."

Shit. Sabay rin kaming tumikhim at nag-iwas ng tingin.

"Bakht ka nandito?" una na siyang nagsalita.

"Dito ako nakatira pansamantala. Ikaw? Bakit ka nandito?" sabi ko naman.

"Dito rin ako nakatira. Pansamantala rin."

Parehas kaming napa-poker faced. Inulit lang niya ang sagot ko. Ginagago ba niya ako?

"Ginagaya mo ba ako?"

"Hindi, 'no!"

"Bakit mo ako niyakap?"

Napanga-nga siya at namula sa hiya. "A-akala ko kasi si Xandrei ka."

Medyo nagkaroon ako ng clue kung bakit siya nandito.

"So, you're my half brother's girlfriend."

Napamaang siya sa isinagot ko. "H-half brother?"

"Kailangan pa ulitin?" bingi ba siya o umiiral n naman ang katanghan niya?

"You aren't asking anything. You just keep on repeating everything I've said. Kasama ka ba niya sa Australia?"

Kita ko ang gulat sa mukha niya. Siguro ay hindi niya inaasahang alam ko ang bagay na iyon.

"Paano mo nalaman?"

Umiwas ako ng tingin. "Kahapon pa ako rito. Wala ka naman. Bakit ka dito nakatira kung girlfriend ka lang naman niya?"

Nagli-live in ba sila? Masyado pa siyang bata para do'n. Teka, ano bang pakialam ko sa kanila?

Tinaasan niya lang ako ng kilay . "Bakit kung makapagtanong ka para kang imbestigador."

"Tss. Whatever." nag-walk out ako dala ang isang bote ng mineral water.

Maaga kong inayos ang mga gamit ko at nagbihis na rin ng uniform. Natagalan ako sa paglilinis ng sugat ko na medyo humahapdi na naman dahil naligo ako.

Pagbaba ko ay agad akong binati ni Ate Xandra. Umangkla siya sa braso ko.

"Good morning , new bro! Tara sa dining room. Sure ako gutom na gutom ka na dahil hindi ka nakapag-dinner kagabi."

Inakay niya ako sa dining room kung saan nando'n na si Xandrea na tinutulungan ang mga katulong sa paghahanda ng mesa. Inirapan niya ako pero bumati pa rin.

"Good morning, alien."

Umupo na kami. Ilang sandali pa ay dumating na rin sina Xandrei at Heira. Bumati ang sila Ate at brat sa kanila.

"Oy ,sungit! Batiin mo rin sila ng 'good morning.' . Napaka nito. Mabulunan ka sana." Pasaring ni Xandrea sa akin.

"Mind your own food ,brat."

"Hey, new bro, meet our brother's ba-"

"She's my girlfriend." mabilis na sabi ni Xandrei at hindi na nito pinatapos asi Ate xandra sa pagsasalita.

Patamad ko silang tinignan. "I know her."

"Talaga ? Paano?" excited na tanong ni Ate Xandra.

"Classmate ko siya and she's a stupid girl."

Napasinghap silang lahat at napanga-nga sa sinabi ko.

"What?" bulalas ni Xandrei. Namula bigla si Heira sa hiya.

"Hindi stupid si Ate Heira!" pagtatanggol ni Xandrea rito.

Pinagpatuloy ko ang pagkain. "She is. She sprained her ankle dahil hindi niya tinitingnan ang dinadaanan niya."

"Sprained?" gagad ni Xandrei.

Hindi na ako nagsalita. Tumayo agad ako nang matapos akong kumain. "I'm going to be late. Mauna na ako."

"Ihahatid ko na kayo." biglang sabi ni Xandrei at binalingan ang girlfriend niya.

Nauna ako sa labas. Hindi ako namansin. Damn it. Pakiramdam ko ay hindi magiging maganda ang araw na 'to sa akin . Dapat ba ay hindi na lang ako pumasok?

Agad akong tumungo sa backseat. Hindi rin nag-iimikan ang dalawa sa harap kahit nung huminto na ang sasakyan sa tapat ng AAA. Hindi ko na sika pinansin. Wala naman akong pakialam sa kanilang dalawa.

Papasok pa lamang ako nang biglang may tumawag sa akin.

"Cyfer!"

Shit. That's Anne. Muntik na akong mapahinto pero hindi ko siya nilingon. Kumabog ng malakas ang dibdib ko at parang nanghina ang tuhod ko sa simpleng pagtawag niya ra aking pangalan.

"Cy!" napapikit ako pero hindi pa rin ako lumilingon. Masakit na umiwas pero ito na lang ang tangi kong magagawa. Kailangan kong panindigan ang desisyon ko. Kailangan kong pangatawanan ito. Kahit masakit para sa akin. Kahit alam kong masasaktan ko siya. No. Alam kong nasaktan at nasasaktan ko na siya ngayon palang. And I hate myself more for causing her so much pain.

"Cyfer, please. . ." muntik na talaga akong mapagnto. Yung boses niya ay basag at tila naiiyak. Napamura ako ng mahina. Hindi ko kaya 'to pero kailangan kong maging manhid at bumalik sa pagiging bato. Fuck. I'm so sorry, Anne.

Hinawakan niya ako sa braso at namalayan ko na lamang na nasa harap ko na siya. May namumuong luha sa kanyang mga mata.

"Cy, please. . ." Nagmamakaawa ang kanyang tinig. "Please talk to me."

Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang halikan. Gusto ko siyang i-comfort at patahanin. Gusto kong sabihin sa kanya yung mga mabibigat na dahilan pero hindi pwede. Hindi pwede. Bullshit! God knows how much I want her in my life. Kahit mga bata palang kami at kahit wala pa akong maipagmamalaki ay gusto kong mangako ng marami. Gusto kong bumuo ng buhay kasama siya. Damn. Alam kong mature akong mag-isip at baka hindi pa niya naisip iyon para sa amin. I want to tell her to wait for me. Gusto kong sabihin na maghintay siyang may mapatunayan ako sa sarili ko at sa mga tao sa paligid namin pero ayoko siyang paasahin. She doesn't deserve to wait for a long time. She deserve an instant and long lasting happiness. Not an endless suffering with me.

Masakit man ay pinakita ko sa kanya na wala akong pakialam. Wala akong sinabi pero tinignan ko siya nang napakalamig at tila hindi ko siya kilala.

Inalis ko ang kamay niya sa aking braso at naglakad palayo sa kanya.

>>next update

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112