HTLAB - Chapter 42
CYFER POV
Sobrang tagal ko nang nakatayo rito sa likod ng puno. Ilang oras na rin. Nahamugan at nalipasan na ako ng gutom pero ininda ko na lamang iyon. Ramdam ko ang lamig na dala ng hangin kahit naka-jacket ako. Nangangalay na rin ako pero wala akong balak umalis dito hangga't nandito pa 'siya.'
Napatingin ako sa aking writswatch. Hindi ko napansin na ilang minuto na lang at magmamadaling araw na.
Napatingin ako sa taong nakaupo sa bench malapit sa playground. Nakatungo siya at nakatingin sa kanyang cellphone habang umiiyak.
Nag-iwas ako ng tingin at pumikit ng mariin. That was Anne. Alas kwarto ng hapon nang itext niya ako na maghihintay siya rito sa park. Hindi ako nagreply ngunit hindi ko napigilan ang sarili ko na pumunta. Nagulat pa nga ako dahil maggagabi na kanina nung nakarating ako pero nandito pa rin siya at naghihintay. Sobrang pagpipigil ang ginawa ko sa aking sarili para huwag lumapit sa kanya. Nandito lamang ako sa malayo at nakatanaw sa kanya. Pinapanuod ang bawat galaw niya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niyang pinahid ang luha niya. Hanggang ngayon umiiyak pa rin siya.
Sa bawat segundong lumilipas, tumitindi ang galit ko sa sarili. Oo, kailangan kong gawin ito pero hindi ko maatim na makita siyang umiiyak ng dahil sa akin. I know she love me so damn much. Ilang beses niyang pinakita iyon. Ilang beses niya na ring sinabi pero yung ginagawa niya ngayon ang nagpapatunay kung gaano niya ako kamahal. Naghihintay siya kahit hindi ko sinabing pupunta ako. Naghihintay siya kahit alanganin na ang oras at sobrang labo na makarating pa ako.
Wala sa loob na pinukpok ko ang punong sinasandalan ko. Nakakapanghinang makita siyang ganito. It gives me an additional reason to hate myself even more.
Sorry, Anne. For the pain I caused you. For the love I'm going to waste. For the chance I'm throwing away. I just couldn't let you be with me at this moment. You may hate me for doing this but I'm going to risk it. I couldn't let you fight with me. It's us against the world, Anne. Wala tayong panlaban. . .
Tumingala ako sa mabituing langit. We had a right love at the wrong fucking time. Other people might say na mababaw lang 'to, puppy love, teenage affair pero tang ina, siya yung una at siya rin ang gusto kong huli. Hiniling ko na sana siya ang hantungan ko pero iba ang nangyari.
Sana magkaroon ulit kami ng pagkakataon. Yung wala ng hahadlang, yung maayos na ang buhay ko, yung masisiguro ko na sa kanya ako babagsak at gano'n rin siya sa akin.
Pero sa pagkakataong 'to, mukhang malabo na 'yon mangyari. . .
Lumipas pa ang ilang oras, nakayakap na siya sa kanyang sarili. Sana kaya kong lumapit sa kanya at ibigay itong jacket ko. Umiiyak na naman siya. Sana kaya ko siyang yakapin at patahanin. God knows how much I wanted to do that. Naninikip ang dibdib ko habang pinapanuod ko siya.
Nang tumayo siya sa bench ay agad akong nagkubli. Uuwi na siya. Napalunok ako. Tanda na ba 'to ng pagsuko? Hanggang dito na lang ba talaga kami?
Gusto kong humabol pero parang nakadikit na ang mga paa ko sa lupa. Nanatili akong nakabuntot sa kanyang likuran at palihim siyang sinusundan. Nang makapasok na siya sa kanilang malaking gate at nasiguro kong nasa loob na siya ng kanilang bahay ay do'n ako napanatag. Napanatag ngunit hindi pa rin ako makahinga ng maluwag. Naninikip pa rin ang dibdib ko. Parang may pinipiga sa kaloob looban ko. Mas lalo akong nanghina. Napaupo ako sa gutter dahil nawalan na talaga ako ng lakas. Itinukod ko ang aking siko at tuhod ko. Napasabunot ako sa aking buhok.
"Sorry, Anne. Sorry. . .Sorry. . ." nabasag ang tinig ko. Alam kong hindi niya ako naririnig pero sana kahit sa panaginip, matandaan niya na minahal ko siya ng sobra.
Nagsisisi lang ako na yung pagmamahal na 'yon ang naging dahilan ng pag-iyak niya.
Someday, if fate will be kind enough to me, I'll get you in any way I can. Someday, Anne. . .Someday. . .
Hindi ko na maalala kung paano ako nakauwi sa hotel na tinutuluyan ko. Lutang ang pakiramdam ko. Umaga na nang makatulog ako kakaisip kay Anne.
Nagising ako sa maingay na tunog ng aking cellphone. Tanghali na pero ilang oras lang ang tulog ko. Nananakit pa rin ang katawan ko. Hindi pa rin ako nakaka-recover sa mga natamo kong pasa at sugat. Nang pinilit kong bumangon ay napangiwi ako. Binagsak kong muli ang aking katawan sa kama. Sandaling tumigil sa pagtunog ang cellphone ko. Inabot ko iyon at nakitang si Attorney Delgado pala ang tumawag. Huminga ako ng malalim. Kailangan ko nga pala makipagkita sa kanya ngayon.
Hindi ko na hinntay ang muli niyang pagtawag. Ako na mismo ang tumawag sa kanya. Dalawang ring lamang at nasagot na nito.
"I thought you're busy, hijo. Hindi mo nasagot ang unang tawag ko."
"I'm sorry. May ginagawa ako kanina, Attorney." tugon ko.
"I see. Pwede ka ba ngayong araw? Kung maaga kang makakapunta, mas mabuti."
"Saan ang meeting place?"
Sinabi nitong sa coffee shop na lamang ulit kami magkita bago pumunta sa mga de Vera. Nang ibinaba na niya ang tawag, napatingin ako sa kakaunting gamit ko. Hindi ko alam kung tama ba 'tong naiisip ko. Paano pag hindi naman ako tanggap do'n? Shit. Kailangan kong magbaka-sakali. I have to take risk. Kung hindi talaga, wala akong balak ipagsiksikan ang sarili ko sa kanila.
Huminga ako ng malalim. Pinilit kong kumilos para maayos ko ang kakaunting gamit ko. Naisipan kong umuwi ng bahay at kunin ang natitira kong gamit ro'n. Yeah, total naman aalis na ako , kukunin ko rin ang akin. Kahit yung mga damit at uniform ko.
Sa bahay muna ako dumiretso bago tumungo sa coffee shop. Wala ang kotse ni Morris kaya natitiyak kong wala rin siya rito.
Magulo ang bahay pagpasok ko. Hindi ko na lamang pinansin. Hindi na rin ako nagtaka nang madatnan kong magulo ang aking kwarto. Kinuha ko ang iilang damit at gamit ko. Yung pwede kong isiksik sa malaking duffel bag. Hindi nagkasya lahat kaya naman iniwan ko na ang iba. Papaalis na ako ng mahagip ko sa sahig ang picture frame ni Anne. Mabilis kong dinampot iyon. Basag na ang frame. Fuck, Morris. I know he was the one who did this. Isiniksik ko ang frame sa bag pack ko kahit punung puno na iyon.
Pababa na ako ng hagdan nang makitang hindi pala ako nag-iisa sa bahay na 'to. Gia Madrigal is also here. Nagulat pa siya ng makita niya ako.
"N-nakalabas ka na agad ng ospital?" napatingin siya sa mga bag na dala ko.
Umiwas ako ng tingin at hindi siya sinagot. Nagpatuloy ako sa pagbaba.
"Lalayas ka?" malamig niyang sabi. Napahinto ako sa paglalakad.
"Good. This house is not yours anymore. You better find a place where you can stay. Hindi nararapat ang isang bastos sa pamamahay ko." Muli akong naglakad palayo. Wala nang epekto sa akin ang mga masasakit niyang salita. Hindi niya na ako kailangang sabihan. Hindi ba niya nakikita na nagkusa na akong umalis? Tss.
Nilisan ko ang bahay na mayroong bigat ng loob. Not because of my mother's words against me but because of the memories I had inside that house. Yung ilang taong pagtira ko ro'n hanggang sa mga alaalang binuo namin ni Anne sa bahay na 'yon. Nakakapanlumo na kailangan ko ring iwan ang mga iyon para matahimik na silang lahat.
Narating ko ang coffee shop. Naagaw ko ang pansin ng ilang costumer. Makaagaw pansin naman talaga ang mga pasa sa aking mukha. Binalewala ko sila. Wala silang pake at wala rin akon pakialam sa kanila.
Nagulat rin si Attorney sa ayos ko nang matanaw niya ako. Napatayo siya at kumunot ang kanyang noo. Agad akong umupo sa silyang katapat niya at nilapag ang mga gamit ko sa sahig.
"What happened to you?" nagugulumihang tanong ng abogado. Umiling na lamang ako.
"I don't want to talk about it." malamig kong tugon. Muling bumukas ang bibig niya ngunit agad ring tinikhom. Mukhang hindi naman ako pipiliting magsalita ni Loren Delgado. Ilang sandaling katahimikan ang namayani.
"Wala akong matutuluyan." diretsahan kong sabi. Punung-puno ng pagtataka ang mga mata ng abogado kaya dinugtungan ko ang nauna kong sinabi. "My mom is here. Hindi na ako uuwi ng bahay."
"Nabugbog ka ba ulit-"
"Hindi sila Geo Eliste ang may gawa nito sa akin." huminga ako ng malalim. "Ibang tao."
"You're on bad shape, hijo. Naglalakad ka palang palapit ay halata na may iniinda ka. Who did this? I can do something-"
"No, thanks. I can manage. It's too late to take an action. I have no proof sa kung sino man ang dapat na akusahan."
"Hindi pa ba sapat ang mga pasa mong 'yan? That's a clear evidence." naiiling na sabi nito.
Umiling akong muli. Hindi sapat iyon. Tuso si Morris. Maaaring baliktarin niya lamang ang kwento tulad ng sinabi niya sa aming ina. Magbabackfire lang ang akusasyon sa akin. Wala ring kwenta.
"Don't mind my issues, Attorney. And as far as I know, you're a corporate one not a criminal lawyer." I said drily. Natigilan ang abogado. I hate to be rude to him but I can't help it. Mainit ang ulo ko ngayon.
Bumuntong hininga ang abogado at mukhang sumuko na rin.
"Fine. Pero kung sakaling magbago ang isip mo, don't hesitate to call me. I will help you."
Para matapos na ang issue tungkol ro'n ay tumango na lamang ako.
Nakakailang na katahimikan ulit ang pumailanlang. The lawyer cleared his throat. Pinatong ang dalawang siko sa table at tinignan ako ng matiim.
"So, saan ka nakatira ngayon?"
Umiling ako bilang sagot. Lalong lumalim ang gatla sa noo nito.
"Wala kang tinutuluyan ngayon?"
"Na permanente? Wala. Lagi akong nag-chi-check in sa mga hotel."
Napailing ang abogado na tila hindi makapaniwala.
"What now? Anong balak mo?"
I shrugged my shoulders.
"I don't have plans." mahina kong tugon. Iyon ang totoo. Biglaan lamang ito at wala akong kahit anong plano. Bahala na.
"You can stay in my house." offer pa nito na agad kong tinanggihan.
"Kung nahihiya ka ay pwede rin namang sabihin ko 'to kay Xandra."
Napapikit ako. Nakakababa ng pride, oo, pero wala na rin naman akong mapupuntahan. Last na 'to.
"Ako na ho ang magsasabi. Gusto ko rin siyang makaharap at makausap." sabi ko. Mukhang kumbinsido naman ang abogdo.
"Let's go, hijo. It's time to face your siblings, hijo. They are good people. Wala kang dapat ipangamba." Aniya.
Ngumiti ako ng mapait. Ilang beses ko na narinig ang mga salitang iyan. Minsan hindi naman totoo. Minsan yung mga inaakala mong mabuting tao, iyon pa ang nananakit sayo.
"Tatawagan ko na lang muna si Alexandra."
Saglit na tumayo ang abogado. May katawagan siya at mukhang si Alexandra de Vera iyon. Bumalik ang abogado pagkalipas ng ilang minuto. "Hijo, she wants to see . . .alone. Ihahatid kita sa de Vera mansion."
Para akong pinanlamigan ng katawan sa aking narinig. Ano kayang kahihinatnan ng paghaharap namin? Shit.
Wala akong ibang choice kundi tumango.
ANNE POV
Maghahapon na nang magising ako. Nanakit ang mata ko sa pagdilat ko pa lang no'n. Alam kong magang-maga iyon dahil sa sobrang pag-iyak kagabi. No. Kaninang madaling araw.
Mahaba-haba pala ang naitulog ko. Pero parang ang daming masakit sa akin. My head was aching, my eyes we swollen, my body was in pain and my heart was shattered - durog na durog na parang hindi na muli maibabalik sa dati.
Barado rin ang ilong ko dahil siguro s sobrang pag-iyak.
Tumingin ako sa full length mirror. Gosh. Hindi ako ito. Para akong zombie na magang-maga ang mga mata at nangingitim ang ilalim dahil sa eye bags. My hair was messed up. I looked pathetic. Hinanap ko ang cell phone ko. May isang message.
Galing kay Cyfer! Agad kong binuksan at binasa iyon.
Boyfriend : Find someone who will love you too, Anne. I don't deserve you. I don't need to give you the details or any reason. I want this. I need this. Let's break up. Good-bye. Thanks for the memories.
My hands started to trembre. My tears were falling again.
No. No. It can't be.
I thought he loved me ,too? He told me so! I used to see it in his eyes, in his little gestures, in his simple smile, in his kisses - sa lahat ng pinapakita niya.
Na-deceive lang ba ako? Pinagtripan? Pinaglaruan? Ano ba? Ano ba ang dahilan?
Hindi ko napigilang mapahagulgol. Alam kong hindi gano'n si Cyfer. Hindi niya magagawa sa akin 'yon. Pero sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon parang ang hirap tanggapin ng mga rason at nakakapag-isip ako ng kung anu-ano.
I know he loves me. Or is it a past tense right now? I don't know. Parang nung nakaraang araw lang ay magkasama kami. Ba't bigla-bigla? May nagawa ba akong mali? Hindi ko talaga alam. . .
Ang tagal ko siyang hinintay kahapon. Buong araw akong naghintay. Pumunta ako sa unit niya at ilang oras na naghintay sa labas no'n pero nagulat na lamang ako nang makita ko si Joey at sinabing wala na ro'n si Cyfer. Nagpunta ako sa park at nagtext ako sa kanya na maghihintay ako ro'n pero ni anino niya ay hindi ko nakita. Magmamadaling araw na nang umuwi ako at alam kong mapapagalitan ako ng mga magulang ko paglabas ko ng kwarto. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Gusto kong malaman ang mga dahilan. Hindi ako matatahimik ng basta-basta lamang.
I know Cyfer. Hindi iyon makikipaghiwalay ng walang dahilan.
I felt so alone. Thd pain, ache and confusion were killing me. It was too sudden. I couldn't even think straight. Nalilito ako. Bakit ganito ang nangyayari. We seemed so happy toether. And I thought that my happy moments with him would last forever. I guess, I was wrong. O ganoon nga lang ba talaga iyon? Ganoon ba kadali para sa kanya na bitawan lahat? Na bitawan ako?
Nag-ayos ako ng aking sarili. Nagtext muli ako kay Cy. Halos magmakaawa na ako na sana makapag-usap kami ng personal.
Pinagsisihan ko na wala akong pinagsabihan ng relasyon namin. Wala akong makausap . Wala akong mapaglabasan ng sama ng loob. Naiiyak na naman ako. Hindi ko mapigilan.
Natigilan lamang ako nang maalala kong meron nga palang ilang nakakaalam. There was Ren. . .and Heira.
May pasok na bukas. Pumikit ako ng mariin. Pipilitin kong makausap si Cy. Pipilitin kong humanap ng sagot.
Bumaba ako. Sumalubong sa akin ang katulong at tinanong kung nagugutom na raw ba ako. Umiling ako at sinabing busog pa ako kahit wala naman akong nakain kahapon. Yeah, kumakalam na ang sikmura ko pero wala talaga akong ganang kumain.
Nakita ako ni Mommy at agad siyang napatayo sa sofa. I bit my lower lip. Kailangan ko na ihanda ang sarili ko kung mapapagalitan ako ngayon.
Matamang nakatitig sa akin si Mommy. Umiwas ako ng tingin dahil nanghina ako at parang mamamatay sa kaba.
"Have you been crying, Annielle?" she used her motherly tone. Yung malambing at marahan niyang pagtatanong ang nagpalala sa sitwasyon ko. Nag-aambang muling bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko napigilang yumakap sa kanya at tuluyan akong napahagulgol .
"Is there any problem, baby?" marahan niya pa ring tanong habang hinahaplos ang likod ko. "You can share it with me. I will listen. And I will not tell anyone." mahina niyang sabi.
Umiling na lamang ako. Hindi ko kayang magkwento ngayon. Gusto ko lamang ay umiyak ng umiyak hanggang sa maubos ang mga luha ko.
"Don't ask , My. Please. . ." I beg.
Hindi sumagot si mommy pero naramdaman ko ang pagtango niya. Mahigpit niya akong niyakap habang patuloy siya sa paghaplos ng likod ko.
Hindi ko talaga matanggap. Cy, akala ko ba parehas tayonglalaban? Akala ko ba walang iwanan? Those promises, wala na ba iyon sayo? Wala na lang ba ako sayo?
Mas lalong lumakas ang iyak ko. Hagulgol. Sana nananaginip lang ako. Sana hindi 'to totoo. Sana. . .Sana. . .
Mas humigpit pang lalo ang yakap sa akin ni Mommy. Hinalikan niya ang noo ko saka siya bumulong.
"It's going to be okay , darling. Belive me. Whatever you're going through right now, you'll be fine ,too. Soon. Pain will just take its own time for healing. You're going to be fine. I promise."
CYFER POV
Nang huminto kami sa isang gate house, tanaw ko na ang napakalaking bahay sa loob no'n. Tumingin sa akin si Attorney Delgado .
"It's going to be alright, hijo. Hindi mo pa makikita si Alexandrei dahil nasa ibang bansa siya ngayon. Baka mamayang gabi pa ang balik galing Australia. Si Alexandra at Xandrea lamang ang nandyan. Ipanatag mo ang loob mo."
Tumango na lamang ako kahit hindi pumapasok sa aking isipan ang mga sinasabi ni Attorney. Ang hirap pala ng ganito. Yung manghuhula ka ng kahihinatnan ng isang pangyayari.
May parte ng pagkatao ko na umaasang sana matanggap nga nila ako. Pero may parte pa rin na tila naka-reserve na para sa aking sarili. Hindi ako pwedeng paasahin ang sarili ko ng isang daang porsyento. Kailangan kong magtira para sa sarili ko para hindi ko indahin kung sakaling hindi nila ako tanggapin. Inihinto ni Attorney sa tapat ng mansion. Hindi na ako nagulat sa laki ng bahay ng mga de Vera. They're one of the wealthiest family in the countriy, not to mention DVI is a big success in business circle. Huminga ako ng malalim. Kailangan ko bang makibagay sa ganitong uri ng pamumuhay?
Kinausap ni Attorney ang isang guard at isang matandang babae na mukhang mayordama rito. Hinintay kong matapos ang pakikipag-usap niya sa mga ito.
"Cyfer, ihahatid ka nila sa loob." marahan niyang tinapik ang balikat ko. "Kinakabahan ka ba?"
Dumb question. Of couse. Sinong hindi kakabahan sa ganitong sitwasyon? Hindi makapal ang mukha ko para hindi makaramdam ng hiya.
Sumunod ako sa matandang babae. Ngumiti ito sa akin pero hindi ko magawang ngumiti pabalik. Nagpaalam na si Attorney Delgado at sinabing babalik na lamang siya kapag nagkaproblema.
Napabuntong hininga akong muli. Napahinto ako nang makapasok ako sa loob. Alam kong maganda at malaki ito kung titignan sa labas ngunit mas maganda pala ito sa loob. Malawak at magara. Napalunok ako. Nakakaasiwa. Hindi ako sanay sa ganitong klaseng bahay.
Nasa salas na kami nang biglang magsalita ang katulong.
"Sir, tatawagin ko lang po si ma'am Xandra. Upo ho muna kayo." sabi ng katulong. Tumango ako at sinunod siya.
Nang makaalis ang katulong ay saka ko iginala ang paningin ko. Tumigil ang paningin ko sa frame na nakadisplay sa gilid. Silang magkakapatid kasama si Frank de Vera. Meron ding picture yung mama nila na nakangiti. Sobrang ganda nito. Meron ding mag-isang litrato ang ama nila. . .namin. Napaiwas ako ng tingin at yumuko na lamang. Paano pag hindi nila ako matanggap? Malamang, sa hotel na naman ang bagsak ko. Kailangan ko ng pansamantalang tirahan. . .at pansamantalang sandalan.
Nahinto ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng yabag. Napatayo ako ng wala sa oras. May dalawang babaeng pababa ng hagdan. Mabilis na binayo ng kaba ang aking dibdib. Bumangon na naman ang mga agam-agam ko. Hindi ako makaapuhap ng sasabihin.
Paano ko maipapaliwanag sa kanila lahat? Paano ko masasabi sa kanila kung ano ang sadya ko rito.
Mataman silang nakatingin sa akin at gano'n rin ako sa kanila. Sinusubukan kong maging malamig ang aura ko kahit gustong mangatog ng binti ko sa kaba.
Hindi ko mabasa ang mga mukha nila. Damn it.
Lumunok ako at saka nagsalita. "I'm . . ."
"Are you Cyfer?" naunahan niya ako. Siya yung babaeng nag-abot sa akin ng panyo nung burol ni Frank de Vera.
Alexandra de Vera is now in front of me. Naaalala niya pa kaya ako?
>>next update
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top