HTLAB - Chapter 41
CYFER POV
Pain. That was the first thing I felt, first thing registered on my dull brain. Hindi ko pa nga namumulat ang mga mata ko ay iyon na agad ang nasa isip ko. Hindi ko mapigilang umungol. My whole body was aching. Masakit lalo na sa parteng dibdib. Fuck.
Hindi ko pa maidilat ang mga mata ko. Pinilit kong itaas ang mga kamay ko ngunit yung kanan lang ang malaya kong naigalaw. Yung kaliwa ay naka-cast. Doon ako napamulat.
Puting kisame ang una kong nabungaran. Nasilaw ako sa sinag ng araw kaya napapikit akong muli. Ibinaling ko sa kaliwa ang aking ulo. Napamura ako nang maramdaman ang pangangalay ng leeg ko.
I know where I am. Hospital, right? Tss. Alam kong hindi pa ako patay dahil nakakaramdam pa ako ng sakit.
Huminga ako ng malalim at napangiwi. Fucking shit! Pati ba naman paghinga ay masakit?
Muli kong binuksan ang aking mga mata. Bumaba ang tingin ko sa aking kanang kamay. May nakatusok do'n na dextrose.
Mariin kong ipinikit muli ang aking mga mata. Binalik-balikan sa aking isipan ang mga nangyari kagabi. Hindi naman ako nabigong alalahanin ang lahat ng iyon. Malinaw pa iyon sa aking isipan. Tumiim ang aking bagang nang rumehistro ang mukha ni Morris sa eksena kagabi.
Kung kanina ay pisikal na sakit lamang ang aking iniinda, ngayon ay mas nangingibabaw na ang galit.
I've always known him as te most decieving person in the world and a dirty player pero yung ginawa niya sa akin kagabi, kulang na lang ay isumpa ko siya sa sobrang galit. Fucking coward! Kahit kailan ay hindi talaga siya lumaban ng patas. Marumi lagi. Pinakamalala na ang nangyari kagabi. Naninikip ang dibdib ko sa sobrang pagkamuhi sa taong 'yon. Hindi ko matanggap na sarili kong kapatid ang gagawa sa akin ng gano'ng katarantaduhan.
Napangiwi akong muli nang maramdaman ang sakit sa aking dibdib. Sa tingin ko ay ito talaga ako napuruhan. Nararamdaman ko pa rin ang sipa at suntok nila sa sikmura at dibdib ko. Idagdag pa ang pasong natamo ko.
"Shit!" wala sa loob na naitaas ko ang aking kamay patungo sa aking kaliwang dibdib. Gusto kong makita kung nabura ba yung tattoo. Damn it! Alam kong may paso ako ro'n dahil ramdam na ramdam ko ang hapdi kahit may bandage na nakaikot sa katawan ko. Nanggigil ako ng sobra. Dati ay hawak ko lahat ng kontrol sa sarili ko. I know how to control my emotions, my feelings including my rage. Alam ko kung ano ang limitasyon ko at hangga't kaya kong habaan ang aking pasensya at umaktong walang pakialam ay mas maganda. Ngunit ngayon, pagtapos nang mga nangyari, tingin ko ay malabong makapagpigil ako kapag nagkita na ulit kami ni Morris. I swear. I'm gonna break that motherfucker's face! He pushed me to the edge . And I know I couldn't handle myself anymore. Pasensyahan na lang pag naka-recover na ako. I'm going to give him a piece of his shit. His own medicine.
Pinakalma ko ang aking sarili. Ilang beses akong nagbuntong hininga. What now? Sobrang gulo na naman ng buhay ko. Mapapamura na lang ba ako buong araw?
Hindi ko alam kung ilang araw na ba akong nandito sa ospital. Sariwa pa rin ang mga sugat ko kaya hindi naman siguro ako matagal na nawalan ng malay. Sino ang nagdala sa akin rito?
Bago pa mabuo ang sari-saring tanong sa aking isipan, pumasok na sa kwarto ang isang doktor at may kasama itong nurse.
"You're finally awake." nakangiting sabi ng doktor. Agad akong dinaluhan ng nurse at chineck-up.
"Did you remember what happened before you passed out?" tanong ng doktor habang inaayos ng nurse ang dextrose na nakakabit sa kanang kamay ko. Tango lamang ang sinagot ko sa kanya.
"You have a broken arm. Yung ribs mo rin ay may tama. May mga pasa ka ring natamo at meron ring paso sa kaliwang dibdib mo. For now, we're going to give you some pain killers para maibsan ang sakit. . ."
Hindi ko na inintindi pa ang mga sumunod niyang sinabi. Nakatingin ako sa kisame at hinahayaan silang i-check ako.
Umalis ang doktor at nurse matapos ang pagtingin sa kalagayan ko. Gustuhin ko mang tumayo ay mukhang malabo. Paghinga pa nga lang masakit na, pagtayo pa kaya?
Huminga ako ng malalim. Pilit na isinisiksik sa aking isipan na kailangan kong gumaling sa lalong madaling panahon. Hindi ako pwedeng magtagal rito. Sana pwede na akong lumabas ngayong araw. Ayoko na ulit makulong sa ospital kagaya nung nabugbog ako nila Geo kahit alam kong mas malala ang lagay ko ngayon. Mapakla akong ngumiti. Parang dumadalas ang pagsabak ko sa mga ganitong sitwasyon. Bugbugan na ako ang napagkakaisahan. Mga duwag. Marami sila kaya kinakaya-kaya lang nila ako.
Muling bumukas ang pintuan at inakala kong bumalik lang ang doktor at nurse. Hindi pala. Nagulat ako nang makita ko kung sino ang iniluwa ng pintuan. Bumilis ang pagtahip ng dibdib ko. Anong ginagawa niya rito? Shit!
Gia Madrigal fixed her eyes on me. Walang emosyon ang mukha. Matiim lang siyang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay biglang lumamig ang paligid at walang kinalaman ro'n ang aircon rito sa kwarto . Ngunit nakakapagtakang pinagpapawisan yata ako. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya kahit alam kong tumataas na ang tensyon sa pagitan naming dalawa.
Humakbang siya palapit sa akin. Wala pa siyang sinasabi ngunit ramdam ko na ang lamig sa aura. She's cold and intimidating. Just like the way I usually act. Ngayon, malinaw pa sa araw kung kanino ako nagmana.
She's my mom. Yung ina na hindi ko naman naramdaman.
Umiwas ako ng tingin at tinitigan na lang muli ang kisame. Hindi ko pinaniwalaan ang sinabi ni Morris na nakauwi na ito galing Italy. O siguro'y wala na rin akong pakialam. Naubusan na akong ng rason para makialam. If they want me gone, bakit pa ako makikisawsaw sa mga desisyon nila? I'm already giving them a huge favor by living far away from their wrath , so I don't understand why they keep on standing against my way. Napaka-ironic na gusto nilang mawala ka pero sila ang habol ng habol sayo. Anong klaseng kalokohan ba ito?
Huminga ako ng malalim at naramdaman ko ang bahagyang kirot sa dibdib ko. Shit. Imbis na umungol ay pumikit na lang ako at ininda ang sakit.
Naramdaman ko ang pag-upo niya sa stool na nasa tabi lamang ng kama ko.
Sana umalis na lang siya. Sana hindi na siya nagpakita. Ayokong umasa na nandito siya dahil sa pag-aalala. Imposible. Wala siyang pagmamahal para sa isang bastardo kahit pa galing ako sa kanya. Hindi totoo yung kasabihang 'walang ina ang gustong mapasama ang anak' dahil si Gia Madrigal ang nagtulak sa akin pababa. No, siguro nga hindi siya yung direktang nagpabagsak sa pagkatao ko. Ginawa ko iyon sa sarili ko. Oo, nasa akin yung pinakamalaking parte ng sisi pero kasama siya sa rason kung bakit naging ganito ang takbo ng buhay ko. Binigyan niya ako ng napakaraming rason para sumukong mangarap ng mataas para sa sarili ko. Imagine, sarili kong ina. . .
Nag-iinit ang sulok ng mata ko kaya nanatili akong nakapikit. Binata na ako pero pakiramdam ko ay isa pa rin akong batang paslit na kulang sa atensyon at pinagkaitan ng pagmamahal. Kinaiinggitan ko yung mga batang may normal na buhay at masaya sa piling ng kanilang mga magulang. Kinaiinggitan ko yung mga batang tulad ko na kahit anak sa labas ay hindi nagkulang sa atensyon. Tang ina. Sana naging gano'n na lang din ako. Mas madali ko siguron natanggap ang tunay kong pagkatao kung naging gano'n ang takbo ng buhay ko.
Pero hindi. Simula palang ay hindi na ako normal. Buti pa yung mga may kapansanan, napagtutuunan ng pansin. Pero ako? Oo, buo ang katawan ko pero kulang kulang ang pagkatao ko. Para akong salaming nabasag , durog na durog at kailanman ay hindi na mabubuo.
Sa loob ng ilang minuto ay wala pa ring nagsasalita sa amin. Nang kumalma na ang pakiramdam ko ay muli akong dumilat. Ramdam ko ang titig niya sa akin.
Naninibago ako. Dati , ayaw na ayaw niya ang makita ang presensya ko. Naisigaw pa nga niya dati na hindi niya raw maatim ang pagmumukha ko dahil kumukulo ang dugo niya. Kaya naman hindi ko maiwasang magtaka ngayon kung ba't nakakaya niyang pagmasdan ang mukha ko.
Muntik na akong ngumiti ng mapait. Oo nga pala. Bugbog sarado nga pala ako. Siguro tuwang-tuwa siya, ano? Masaya siguro siya sa nangyari sa akin.
"Wala ka na bang mabuting magagawa sa buhay mo, Lucifer?"
Sa unang pagkakataon ay nagsalita siya. Muli ay nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Gusto kong tumawa ng malakas. Nakakabaliw. Ang sakit sa pandinig pero mas masakit damdamin yung mga salita mula sa kanya.
Yung taong ginagalang ko ng sobra noon, hindi pa rin nagbabago hanggang ngayon. Unti-unting nalalagas ang respeto ko. Alam ko sa sarili ko na hindi ko na mababago na siya ang naging ina ko. Hindi ko na mababago na isa akong bastardo. Kahit galit ako, kahit unti-unti akong namumuhi sa kanya at sa mundo, alam ko sa sarili ko na hindi mawawala yung pagmamahal ko sa kanya. Tang ina talaga. Ina ko siya. Meron pa rin siyang halaga kahit parang hindi niya nakikita kung ano ang kahalagahan ko.
Paano nga ba niya makikita? Kung simula't sapul ay wala na talaga akong halaga. Nagbabakasakali akong sana nabulag lang siya ng galit niya. Mas maluwag na tanggapin iyon kaysa sa naunang dahilan.
Lucifer. Siya ang nagpangalan sa akin niyan at gano'n rin siguro ang tingin niya sa akin. Hindi niya ako nakikita bilang anak. Nakikita niya ako bilang isang inosenteng demonyo na sumira sa buhay niya.
Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa kisame. Hindi ko na muli siyang tinignan kahit ramdam ko pa rin ang malalamig niyang titig na unti-unting nagiging matalim.
"Morris told me na hinamon mo siya at nag-away na naman kayong dalawa. Really? Hanggang ngayon ba naman, Lucifer?" bahagya siyang nagtaas ng tinig.
Haha! Fucking shit! Did you hear what she said? That's bullshit! Haha! Fuck! Gusto kong tumawa ng malakas ngunit wala akong sapat na lakas para gawin iyon kaya ngumisi na lamang ako.
Hanggang ngayon. . .hanggang ngayon ay nasa panig pa rin siya ni Morris. Kailan ba siya pumanig sa akin? Wala rin akong natatandaang naging patas siya. Siguro ay iyon ang namana sa kanya ni Morris. Ang pagiging unfair. Bias. Ang saya talagang magkaroon ng ganitong ina at kapatid. Nakakatuwa. Sa sobrang tuwa ko, mas nanaisin ko na sigurong matuluyan na lang.
Ako ang bugbog sarado pero mukhang ako pa rin ang may kasalanan. Ano kaya ang itsura ni Morris habang nagsusumbong siya? Haha! Damn it! Magsama silang dalawa. Wala na akong pakialam. Naubos na lahat ng pagpapasensya ko.
Hindi ako sumagot. Mukhang ikinainis niya iyon.
"Aren't you going to say something?" malamig niyang wika at may halong pagkainis.
Mas lalong lumaki ang ngisi ko. Call me rude, impolite or any bad adjective for treating my mother this way but I've had enough of their bullshit. Silang dalawa ni Morris. Bakit pa ako magsasalita. Magsasayang lang ako ng laway dahil alam kong sa huli ay ako pa rin hindi paniniwalaan. Kabisadong kabisado ko na ang eksenang ito at alam na alam ko na ang kahahantungan ng maraming pagpapasikot-sikot niya.
"Huwag mo akong daanin sa ngisi. Explain why did you do that to your brother. Wala ka na ba talagang respeto-"
"Leave." matigas kong sabi. Isang salita na maraming kahulugan. Isang salita na nagtatago ng maraming emosyon. Isang salita na kayang ipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Kung pwede ay ayoko na siyang makita. Silang dalawa. Kaya ko na mag-isa. I get their point. They hate me to the core. Tagos at maaaring hindi ko na iyon mabago. Mas mabuti pang itaboy ko na lamang sila para hindi na sila mahirapang ipamukha sa akin ang pag-ayaw nila sa isang tulad ko. If they despise me, I'll accept it. Basta pagtapos no'n ay hindi ko na sila makikita pa.
"Iyan ba ang natutunan mo rito? Ang maging bastos at mawalan ng modo-"
"Hold it, mother. I don't need your insult right at this moment. If you believe what Morris had told you, I have no further say to that. Believe what you want to believe. I don't fucking care anymore. Now, leave me alone."
I heard her gasped after what say those words. Nakita ko rin ang panggigil niya.
"You ,son of a bitch!" nanggagalaiti niyang bulong.
I smirked. Well, I am your son, bitch. . .
"You deserve this. You deserve to be here. You're being ungrateful and impolite to your own mother!" she added. I chuckled. Natigilan siya. "Have you gone mad?"
Binalingan ko siya. Gamit ang naniningkit kong mga mata ay hinayaan kong makita niya yung sakit at pait na nararamdaman ko. Isama pa ang galit na may halong sarkasmo.
"You called yourself a mother, huh? You never act like one to me. You never did." halos pabulong kong sabi. I never cried in front of her. Nung bata ako, lagi akong tumatakbo palayo sa kanya para umiyak mag-isa kapag nasisigawan at napapagalitan niya ako. But now I'm letting her see what she had done to me. The damages she made. The bitterness she caused me. A tear fell from my eye and she got stunned.
"You were never fair. You never show care. You never tell me you love me. You never gave me importance. Now, tell me, karapat-dapat ba kitang tawaging ina?"
She froze. Natulala siya sa akin. I smile at her.
"I'm a bastard who came from you." umiwas ako ng tingin at muling tumitig sa dingding. "But you never treat me as your own. Pinamukha mo sa akin na wala akong halaga. Na wala lang ako sayo."
Narinig ko siyang prantikong tumayo.
"I know how much you hate me but that doesn't change the fact that I'm your son."
Bumaling ako sa kabilang direksyon. Hindi ko na siya kayang tignan.
"And I'm telling you now, I'm beginning to feel the same." Mas lalong hindi ako makahinga ngayon. Pumikit ako para pigilan ang emosyon ko. Hindi ko na alam kung ano ang nananaig sa damdamin ko. Narinig ko siyang suminghap at ang mabibilis niyang mga yabag na tila nagmamadali lumabas.
Pagtapos nito, paano? Ano nang mangyayari sa akin? Patong patong na naman ang mga problema ko at hindi ko na malaman kung anong uunahin.
Nang masigurong nakalabas na siya ay doon ko lang nasabi ang mga salitang tinabunan ko ng galit.
"Yet I still need you. . ."
Hindi ko na napigilang umiyak. Fuck. I hate this. I fucking hate my life! I'm beginning to hate myself again.
I let myself be weak. Ibinuhos ko na lahat. Pagtapos nito ay kailangan ko na ulit maging matigas sa mga desisyong gagawin ko. Pinilit kong tumayo at napangiwi ako sa sakit. Still, pinilit ko at nagawa ko naman. Muling bumukas ang pinto at pumasok ang nurse na kasama ng doktor kanina. Nagulat pa ito nang makitang nakaupo na ako sa gilid ng kama .
"Sir, bakit po kayo-"
"I'm going home." matigas kong sabi.
Muli itong natigilan. "But, sir, you're still under observa-"
Tinignan ko ito ng masama. "Tell that damn doctors to give me my discharge papers. Now." malamig kong sabi.
Hindi ko gustong manatili pa rito. Ayokong malaman pa ito ng kahit na sino. May mga kailangan pa akong gawin at hindi na dapat iyon patagalin. Nagsisimula na akong magplanong muli. Kailangan ko iyon pag-isipan. At panindigan.
Wala nang nagawa ang mga doktor at nurse sa desisyon ko. Hindi na nila ako napigilan pa. Hindi rin ako nagpagpigil. Nakauwi ako kahit hindi pa ako makalakad ng mabuti. Nagtaxi ako at nagtungo sa hotel na aking tinuluyan nung nakaraang araw.
Nalaman ko sa mga doktor na si Morris rin ang nagdala sa akin sa ospital. Nakalagay sa records. Nababaliw na ang isang iyon. Hindi ko talaga siya maintindihan. Kung gusto niya talaga akong mapuruhan, sana hinayaan nalang nila ako sa abandonadong building na 'yon.
Sometimes, I couldn't predict what his plans are. Ang alam ko laman ay walang mabuting maidudulot iyon sa akin. Ibinigay ng mga doktor sa akin ang bag pack ko at wala namang nawala ro'n. Nando'n pa rin ang mga gamit ko. Pati ang cellphone ko.
Nasa hotel na ako nang makitang punung-puno ng messages iyon. Meron ding missed calls. Karamihan doon ay kay Anne. Lagpas bente ang mga text niya at may mga messages rin mula sa mag-amang Delgado, kay Rush at Joey. Isa-isa kong binuksan ang mga iyon. Inuna ko yung kay Anne.
Girlfriend :Bakit hindi ka nagtetext, Cy?
Girlfriend : Busy ka?
Girlfriend : I'm worried. Please text me back, Cy.
Girlfriend :Cyfer, are you alright?
Iilan lamang iyan sa mga text niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-reply.
Binuksan ko ang iba pang mensahe.
Ren Delgado :Hey dude, where art thou? Hinahanap ka ng buong mundo.
Dinelete ko agad ang message niya. Wala ako sa mood makipaglokohan sa kanya ngayon. Wala rin akong balak replyan siya.
Attorney Delgado : Nasabi ko na kay Alexandra ang tungkol sayo. She wants to see you in person. Call me if you're interested. We need to set another date for a meeting.
Natigilan ako saglit. Shit. Isa pa 'to. Binalewala ko muna ang mensahe at pinasyang mamaya na lamang magrereply sa abogado.
Binuksan ko ang mga text ni Rush at Joey na parehas humihingi ng paumanhin. Hindi ko rin sila nireplyan at agad na binura ang mga text nila.
Meron pang isang text na unknown number. Alam ko na agad kung sino ito.
09********* :Do what I said or you'll regret it.
Daniel Martin. Itinapon ko ang aking cellphone sa kama. Napahawak ako sa aking ulo.
Do it, Cyfer. You have no other choice. Magulo ang buhay mo . Sobrang gulo. Huwag mo nang dagdagan pa. Do something.
Kinakapos ako sa aking paghinga. I need to do this even if it kills me. I have to. Wala na akong ibang mapupuntahan. I have no other options. Ang choices lang rito ay magmatigas at walang matatapos na problema o bumitaw para mabawasan ang bigat na aking dinadala. Konti na lang at mababaliw na ako sa kakaisip ng solusyon sa sangkaterbang problemang kinakaharap ko ngayon. This not just about me. It's about the things I need to consider. Yung mga taong dapat kong protektahan. Too bad I'm going to hurt them in the process.
Posible pala iyon. Nasasaktan mo yung mga taong pinapahalagahan mo ng sobra para maprotektahan sila. Nakakagago pero totoo. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat iyon.
Napatingin ako sa orasan. One forty five PM. About time .
Nanginginig ang aking mga kamay nang kunin kong muli ang aking cellphone. Nag-type ako ng message at sinend iyon kay Anne. Maaaring pagsisihan ko 'to. No, I'm pretty sure na pagsisisihan ko 'to. Kailangan ko lang na ihanda ang sarili para doon. Nakakapanghina. Nakakapanghinayang pero mukhang ito yung pinakamabisang paraan. Sobrang gulo ng buhay ko at hindi ko siya pwede idamay. Mga bata pa naman kami. . .Shit!
Nanlabo ang paningin ko sa luha. I hissed and cursed under my breath. Tumingala ako at umiling. I bit my lower lip to stop myself from screaming. Sobrang frustrated na ako sa sarili ko. Ganito. Ganito yung naramdaman ko nung naisip kong mag-suicide noon. Mas malala pa yata ngayon pero sumalungat na ang isip ko. Hindi iyon solusyon. I need to prove them wrong. Killing myself is like another act of proving them right. May mas mabuting gawin kaysa kitilin ko ang sarili kong buhay.
Huminga ako ng malalim. Napatingin muli ako sa screen. Basa iyon dahil natuluan ng luha. Pinunasan ko iyon. Nag-vibrate na ang cellphone ko sa sunod-sunod na reply ni Anne. Hindi ko agad iyon binasa.
Nasa screen pa rin yung text ko sa kanya. Five words to end our bond. Five words of pain, regrets and suffering.
Me : We need to break up.
I'm sorry, Anne. . .I love you but I will just fail you. I don't want you to see me wreck. I don't want you to see me suffer and you'll end up suffering with me. No. I can't let that happen. I love you this much. Believe me. I can let you go even if it's killing me. I love you so damn much but it's not enough. I don't deserve you. Not yet.
Sobrang sakit. Hindi ko na mainda pa. Wala ng ibang paraan kundi umiyak. Ibinagsak ko ang aking sarili sa kama. Namamanhid na ata ang buong pagkatao ko sa sakit. Maski yung pisikal na sakit ay hindi ko na maramdaman.
Nagising ako na maghahapon na . Nakatulog pala ako kanina. Napatingin ako sa aking cellphone. Punung puno na naman iyon ng text ni Anne.
Nasa labas raw siya ng unit ko. Damn it. Hindi niya alam na wala na ako ro'n.
Isang salita lamang ang ni-reply ko sa kanya.
No.
Kailangan kong magmatigas kahit sobrang nanghihina ako ngayon. Nanghihinayang talaga ako. Nakangiwi akong bumangon at nagpalit ng damit. Patapos na ako nang mag-ring ang aking phone. I-e-end ko sana ang tawag ngunit nakita kong si Attorney iyon. Napabuntong hininga ako bago sinagot ang tawag.
"Attorney. . ." bungad ko.
"Thank goodness. Sinagot mo ang tawag ko." usal nito. "Nasaan ka? I'm trying to contact you kahapon pa pero hindi ka nagrereply. Is there something wrong? Any problem."
Huminga ako ng malalim at mariing pinikit ang aking mga mata. "None. What is it this time?"
"Did you recieve my message? Kilala ka na ni Alexandra. Gusto niyang makita ka. Papayag ka ba?"
Sandali akong natigilan. De Vera. Matatanggap pa ba nila ako? May puwang pa ba ang isang tulad ko sa pamilyang tulad nila?
There's only one way to find out. . .
"Yes, Attorney. I also want to meet them." mahina kong sagot.
Kung anuman ang kahahantungan ng mga desisyon ko, bahala na. This is not going to be easy, I know.
But I'm hoping, that someday, one day, in God's time. . .everything will fall into place. In my favor.
But this time , I have to endure all this pain. . .
Let go of the things I care the most. That's the best thing to do for now.
>>next update
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top