HTLAB - Chapter 40

A/N : Read before you vote. Don't mind my errors. It's a long update. I hope it's worth the wait.

And also, you can add my new fb account : KHIRA WP

Enjoy reading!

-

CYFER POV

I woke up late. Hindi na ako pumasok. Nawalan ako ng gana. After what happened last night, I don't think I face the world outside this boring room. Gusto kong manatalili na lamang dito buong araw. Kahit ngayong araw na lang.

Nananakit ang ulo ko. Iniwasan kong mag-isip ng kung ano. Mabigat pa rin ang loob ko at hindi ko alam kung paano ko pakikitunuhan ang damdaming 'to. Kung magmumukmok ako buong hapon dito sa kwarto ay hindi ko masiguro.

Tinanggihan ko si Attorney Delgado kagabi. He told me his plan about revealing my existence. Apart of me wants to see them, kung paano sila magre-react kung sakaling malaman nila na may isa pa silang kapatid. I don't know Alexandra de Vera personally. Bukod sa pag-abot niya sa akin ng panyo at pagkausap niya sa akin nung burol ni Frank de Vera ay wala na kaming iba pang engkwentro. Masasabi kong mabait siya sa unang tingin. Hindi ko lang alam pag nakilala ko na siyang mabuti. Baka ibasura lang ulit ako kagaya nung naranasan ko sa Italy. Tao lang rin ako at may bahagyang takot sa rejection. Although, sanay na pero nakakatakot pa ring paulit-ulit mong maranasan yung gano'n. Parang pauli-ulit ring sinasampal sa mukha mo na wala kang halaga. Para kang isang basura na pwedeng i-recycle pero sa basurahan pa rin ang bagsak. Nakakadurog ng puso. Siguro puro bubog na ang dibdib ko dahil sa daming beses kong inayos ang puso ko, paulit-ulit lang rin na nababasag sa iba't-ibang dahilan.

At ngayon, mukhang mababasag na naman.

Kung meron man maaari kong maging konsolasyon ay pagtanggap mula sa mga de Vera. That's more than enough.

All my life, I've been craving for a family. Kahit imposibleng mabuo, umaasa ako na may isang pamilyang kayang tanggapin ang isang tulad ko. Iyon lang ang mahihiling ko.

Hindi na ako pinilit ni Attorney na sumama. Hindi na siya humingi ng further explanation at naiintindihan naman niya ang gusto kong mangyayari. Susubuka niya raw na maging maayos ang lahat para sa mga de Vera. Sa ngayon ay si Alexandra de Vera muna ang kakausapin niya.

Pumikit ako saglit. Pumasok naman sa isipan ko ang banda. Mariin akong napapikit. Nanghihinayang ako. Sobrang nanghihinayang. Sayang na sayang. Yun na yung simula, eh. Akala ko magtutuloy-tuloy na. Hindi lang naman ako yung umasa. Sigurado akong pati si Rush at Joey. Hindi nga lang talaga nagtagal dahil may pilit na tumitibag. Unfortunately, wala akong laban, maski ang magpinsan ay dehado sa taong iyon. Kung tama nga ang hinala ko na siya ang may kagagawan nito. Nakakapanghina malaman na dahil lang sa isang tao, nasira yung pundasyon na binubuo naming tatlo para maitayo ng matatag ang banda.

Mabilis akong naligo at nagtungo sa banyo. Gusto kong makaramdam ng lamig dahil unti-unting kumukulo ang dugo ko at umiinit na rin ang dugo ko.

Natapos ako nang lumipas ang sampung minuto at nagbihis. Hindi ko pa rin mapagpasyahan kung lalabas ba ako o hindi.

Hinanap ko ang aking cellphone sa bag. Bumalandra agad sa akin ang mga text messages ni Anne mula pa kaninang umaga.

Girlfriend : Good morning, Cy. See you at school. Love you.

Girlfriend : Hindi ka pa gising? I'll wait for your text, boyfriend.

Girlfriend : Late ka ulit, baby. What happened?

Girlfriend : Cy, start na ng first sub. Parating ka na? Text ka kaagad, ha?

Girlfriend : Cy? Papasok ka pa ba? I miss you.

I was about to reply but something cauth my attention. I've got a message from an unknown number. Kagabi pa 'to.

091****2563 : Good evening. This is Anne's father.

Muntik ko na mabitawan ang cellphone. Kinabahan ako. Parang nanlamig ang buong paligid. If this is prank, I'm going to kill the person behind this. But if it's true, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Anne's father. Paano naman nito nalaman ang number ko?

Natigilan ako. May alam na ba siya? Alam na kaya niya ang tungkol sa amin ni Anne? Nabuking ba kami? Marahas akong napamura. This can't be.

Mabilis kong ni-replyan si Anne kahit medyo nanginginig pa ang kamay ko sa tensyon. Humingi ako ng sorry at sinabi kong hindi ako makakapasok ngayon dahil may dapat akong asikasuhin.

Hindi pa ako nakakasiguro kung totoo ba 'to pero bago pa ako makaisip ng irereply sa hindi makilalang numero, tumunog na ang cellphone ko.

091****2563 calling. . .

Napalunok ako. Sinagot ko iyon.

"Hello." boses lalaki ang nasa kabilang linya.

Nag-iba ang pakiramdam ko. Ito na yung simula. Alam kong maraming magbabago mula sa araw na 'to.

THIRD PERSON POV

"Saan ka pupunta, Dan?" nababahalang tanong ni Anna sa asawa nang makita niya itong nag-aayos.

"I'm going to face that bastard." tiim bagang nitong wika. Nanlaki ang mata ni Anna.

"Dan! I told you. Huwag kang padalos-dalos sa-"

Pinutol ni Daniel ang sasabihin ng asawa. "No, Anna. I'm not being impulsive. Haharapan ko siya dahil iyon ang tama."

Umiling-iling si Anna. "Hindi ba dapat sabihin o ipaalam mo muna 'to sa anak natin? Siya ang concern dito. She needs to know everything and we need some explanation from her. Hindi ba't iyon ang mas tama? Pinangungunahan mo siya sa ginagawa mong iyan. Bigyan mo naman ng konsiderasyon si Anne."

Mariing sabi nito sa asawa. Napatiim ang bagang ni Daniel sa narinig. Hindi akalaing sasalungatin siya ni Anna. They rarely do this, facing some arguments. Sa ilang taong pagsasama nila ay hindi sila umabot sa ganito. Anna is a submissive wife at nasanay siyang lagi itong umaayon sa kanya. Pero ngayon ay sinalungat siya nito at hindi niya matanggap iyon.

"Anna, can you hear yourself. Para mo na ring pinapili ang anak mo between us and that bastard. If her boyfriend is a good man, I'll give her a little consideration. But no! Hindi gano'n ang lalaking iyon. He's a bastard! Walang maipagmamalaki iyon. You're daughter deserves the best. Hindi ko siya bibigyan ng choice na may isang mali. I may sound so selfish pero gusto kong atin lang muna siya. Ipagdadamot ko siya ngayon dahil masyado pa siyang bata at wala pa siyang alam sa pakikipagrelasyon. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na pumatol siya sa gano'ng klaseng lalaki. A drinker. Drug addict. The guy also tried to commit suicide! Matino ba 'yon?" Napapikit si Anna. Hindi makaapuhap ng sasabihin. Nasasaktan para sa anak. Nakuha nito ang punto ng kanyang asawa ngunit hindi matanggap na pinangungunahan nito ang kaligayahan ng anak.

"What will you do? Anong gagawin mo pag nakausap mo na ang lalaking iyon? What is his name by the way?"

"His name is Lucifer. Damn it! Imagine that? I can't accept that our daughter is with someone who has a name like that!"

Nawindang si Anna sa nalaman. Natutop nito ang bibig. Who's parent in the world can give a devil's name for her child? Oh my, God.

"Ako na ang bahala sa lahat. Mauna na ako." pinigilan ni Anna ang braso ni Daniel.

"C-can I come with you?"

Umiling si Daniel sa kanyang asawa. Hinalikan ito sa noo. "Let me do this. Alone."

Iniwan na niya ang asawa na punung-puno ng pag-aalala ang mukha. Agad na inutusan ni Daniel ang driver.

"Sa Teherio." ang restaurant na nagsilbing meeting place nila ni Cyfer Madrigal. Kinakalma niya ang kanyang sarili. Para siyang sasabog sa sobrang sama ng loob. Pinigilan lamang niya ang sarili na komprontahin ang anak. Buti na lamang at nagmagandang loob si Morris na ibigay sa kanya ang numero ng kapatid nito.

Nang matawagan niya ito kanina ay wala siyang masyadong binigay na detalye. Agad niyang sinabi kung ano ang gusto niya. Mabilis rin namang pumayag ang Madrigal na iyon na makausap siya. Hindi pala ito pumasok ngayon samantalang nasa eskwelahan si Anne. Lalo niya itong inayawan para sa anak. Sa tingin niya ay masyado itong pabaya at walang patutunguhan sa buhay. Hindi niya mapapayagang mapunta ang anak niya sa gano'ng klaseng lalaki. Hindi siya karapat-dapat kay Anne.

Nang marating ko ang restaurant ay mabilis akong bumaba ng kotse at pumasok ro'n. Nag-assist ang manager.

"I reserved a seat for two. I'm with a certain Madrigal." Hinanap ng mata niya ang reserve seat kung saan naghihintay ang isang lalaki. Mukhang namataan nito ang pagdating niya.

Umupo siya sa tapat nito. Kumuha ng orders ang waiter. Hindi niya nilulubayan ng tingin ang lalaki. Matapang nitong sinasalubong ang matatalim niyang titig. It was like they have an imagiaary battle by darting deat glares to each other. Daniel instantly disapproved of him because of his rude and arrogant attitude.

Daniel cleared his throat. "Let me introduce myself properly. I bet you don't even know my name."

Tumiim ang mukha ni Cyfer ngunit hindi ito umimik. Tinitigan lang nito pabalik ang nakatatandang lalaki. Alarmang alarma na tila hinihintay ang pag-atake nito.

"I'm Daniel Martin. I've already told you that I'm Annielle's father."

Hindi pa rin umimik si Cyfer kaya naman nagpatuloy si Daniel sa pagsasalita.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I want an honest answer from you." mataman nitong tinitigan ang mata ng binata. "Anong meron sa inyo ng anak ko?"

Isang nakakabinging katahimikan ang pumailanlang bago binitiwan ni Cyfer ang isang katotohanan.

"I'm her boyfriend. I bet you already know it so why bother asking?" suplado nitong sagot. Hindi nagustuhan ni Daniel ang tono nito. Mas lalo itong nagngitngit dahil isang binatilyo lamang ang kaharap niya ngunit nagagawa siya nitong sagutin ng gano'n-gano'n na lang? Inayawan niya itong lalo. Kalmado ang lahat ng tao sa restaurant na 'yon maliban sa kanilang dalawa na unti-unting namumuo ang tensyon.

"Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo, bata." may warning niyang sabi. Naningkit ang mata ni Cyfer sa sinabi nito.

"I'm not a kid, Mr. Martin."

"Oh, yeah? But why are you acting like one?" tumaas ang isang sulok ng labi ni Daniel na nagpainis kay Cyfer.

Dumating ang orders at nilapag iyon ng waiter sa mesa nila. Nawalan silang pareho ng gana dahil hindi nila nagustuhan ang sinabi ng isa't-isa.

"Kung wala kayong sasabihing maganda, aalis na ako."

"Hiwalayan mo ang anak ko." mahina ngunit tila dagundong iyon kay Cyfer. "Hiwalayan mo si Anne. You don't deserve my daughter. Bastos ka, walang modo, masyadong arogante pero walang maipagmamalaki. Huwag kang mayabang dahil halata naman sayo na wala kang maipagmamayabang-"

"Wala kayong karapatang akusahan o husgahan ako. Wala akong pakialam sa sinasabi mo." nag-iigting ang panga ni Cyfer. Tumigas rin ang mukha ng ama ni Anne sa tinuran nito.

"I know all about your stinkin life. You're a bastard. Paano ka magiging karapat-dapat sa anak ko kung wala ka namang pangalan? Bullshit. I never want someone like you for my only daughter. Tell me, bakit sa kanya ka dumikit? Dahil sa pangalan niya? Dahil isa siyang Martin? O baka naman dahil alam mong inosente ang anak ko? O baka naman pareho?"

Kitang-kita ni Daniel ang pagkuyom ng kamay ni Cyfer na nakapatong sa mesa.

"Dadalhin ko siya sa America. Hindi ko hahayaang mahumaling lang sa isang katulad mo ang anak ko. You used drugs right? You drink, too. Alam ko ring muntik mo na mapatay ang sarili mo. You have a disorder. Isa kang baliw na kulang sa atensyon kaya gusto mong manggamit. You chose the right person, ako ang makakalaban mo kapag ipinilit mo ang sarili mo sa anak ko. You just have the looks but all the things concerning you are all trash. Get lost, Madrigal. Lumayo ka na kay Anne."

Akmang tatayo si Daniel at iiwan na ang natigagal na binata nang bigla namang itong magsalita.

"And what if I don't?"

Si Daniel naman ang natigilan. Hindi niya nilingon ang binata ngunit binigyan niya ito ng huling mga salita.

"I'll probably find some people to kill you. Anne is young ,and so are you but that doesn't mean you can't classify the right things to wrong doings. Don't ever push me to my limit . Anne will suffer more than you will. Wala ka pang maipagmamalaki. Walang espesyal sa isang tulad mo. You want attention na nakaligtaan mong makuha sa pamilya mo. Huwag mo na idawit ang anak ko sa plano mo. I don't want my daughter to suffer with you. Magdusa ka mag-isa pero hindi ako papayag na idamay mo ang anak ko."

Tuluyan nang iniwan ni Daniel si Cyfer ngunit may narinig pa siyang pahabol mula rito.

"Someday, I'll prove myself. . ."

Hindi alam ni daniel kung ba't tila bumigat ang kanyang pakiramdam. Maaaring guni-guni niya lamang iyon. Sana nga. Dahil ayaw niyang magkamali sa kanyang desisyon.

De Vera Industry

"A-ano pong sabi niyo, Attorney?" nanlalaki ang mata ni Alexandra de Vera matapos magsalita ni Atty. Delgado. "I-is it true? Baka po hindi naman. I don't think my father can do that." umiling-iling ang dalaga. Hindi pa rin makumbinsi sa isiniwalat ni Loren Delgado. Tumikhim ang abogado at huminga ng malalim.

"It's true, Xandra. I've seen him. Tinanong ko siya kung gusto ba niyang makita kayo ni Xandrei para makilala niya kayo ng personal subalit tumanggi ang bata. Hindi ko naman gustong pilitin. Mas maganda na rin siguro na sayo ko muna sabihin ngayong nataon na wala sa bansa si Xandrei. This is a great timing. I will leave the rest of it to you, hija. Ikaw naman ang pinakamatanda sa inyong magkakapatid."

Umiling iling si Xandra. "I can't believe this. Paano nangyari 'yon, Attorney? Kaninong babae? Parang imposible naman po."

Huminga ng malalim ang abogado bago nagpaliwanag kay Xandra. "His name is Cyfer. Same age as your younger sister." Napasinghap si Xandra.

"What?"

Tumago-tango ang abogado. "He's seventeen. Mas matanda lamang siya ng ilang buwan kay Alexandrea."

"Oh my gosh! Ba't ngayon niyo lang po pinaalam sa amin. Dati niyo pa po ba alam? Plano ba 'to ni Papa?" naiiyak na tanong ni Xandra. "All my life, naniwala ako na si Mama lang talaga ang babae sa buhay ni Papa. Now, another child is involve, meaning may other woman. God!" naituto ni Xandra ang bibig.

"Huminahon ka, hija. Isang pagkakamali lamang ang nangyari. But yes, dati ko pa 'to alam and I kept my loyalty to your deceased father. Wala akong karapatang makisawsaw. As his friend, I have to support his decision."

"A-alam ba 'to ni Mama?" natetensyong tanong ni Xandra. Malungkot na umiling si Loren.

"I believe that your mother had no idea hanggang sa siya'y mamatay."

Napapikit ng mariin ang dalaga. Hindi na niya gusto pang marinig ang sasabihin ni Atty. Delgado. Hindi niya matanggap na sa matagal na panahon ay nagawa nitong itago sa kanila ang tungkol sa kapatid nila sa labas. Hindi niya kayang tanggapin ng gano'n kadali.

"Your father left him a piece of his wealth. Hindi kasing laki ng inyo dahil mga legal kayong anak but that's included at his will. Cyfer inherited some of his properties na hindi masyadong napagtuunan ng pansin. Meron din siyang shares dito sa DVI na pasekreto pang binili ng Papa through lawyers sa isa sa mga board members. Naitago niya ito sa lahat at walang nakakaalam maliban sa akin at sa ilang corporate lawyer ng iyong ama. Wala pa iyon sa kalahati ng shares kumpara sa natanggap niyong magkakapatid but I consider Cyfer as one of the instant millionaires."

Huminga ng malalim si Xandra at pilit na kinakalma ang kanyang paghinga. Pilit niyang dinadigest ang mga paliwanag ng abogado. Nagpatuloy si Loren Delgado.

"I know this is too sudden pero ako na rin ang magsasabi sayo na mabuting tao si Cyfer. He's cold and distant. Ni ayaw niya ngang tanggapin ang mana niya dahil natatakot marahil ang binatang iyon na maakusahan siyang oportunista lalo na ninyong magkakapatid. He has so many insecurities. Lumaki siya na kulang sa atensyon. Walang ama at kinamumuhian ng ina at ng kapatid niya. He became independent in an early age. Two years ago , lumipad siya mula Italy hanggang dito sa Pilipinas kasama ang uncle niya para makapagsimula ulit. Maraming napagdaanan ang batang iyon sa murang edad. Hindi ko siya ibini-build up sa iyo. Ang gusto ko lang ay maintindihan mo siya. Kayo ng mga kapatid mo. Hindi biro ang kinasuungan ni Cyfer. Sana ay matanggap niyo siya kahit kapatid niyo lamang siya ama. He needs a family to turn to. Kailangan kayo ng batang iyon para hindi niya isipin na nag-iisa lamang siya sa mundo."

Natulala si Xandra. "Where is he now?"

"Nasa isang condo ng kaibigan. Hindi sila magkasundo ng kapatid niyang lalaki kaya lumayo siya."

Napalunok si Xandra. Kahit papano ay may naiintindihan na siya. Ngunit may isang tanong na naglalaro sa kanyang isipan.

"Kanino siyang anak, Attorney?"

Sandaling hindi umimik ang abogado. "Siya na lamang ang tanungin mo, hija. Siya ang mas may karapatang magkwento sayo tungkol sa nakaraan. Hindi naman siguro ipagkakait ni Cyfer sa inyo ang karapatan niyong malaman iyon. Siya na lamang ang iyong tanungin kapag nagkaharap na kayong dalawa." huminga ng malalim ang abogado at inayos ang salaming nasa mata. "Kailan ang uwi ni Xandrei? Nasaan ba siya ngayon?"

Xandra cleared her throat. "Nasa Australia, Attorney. May mahalaga siyang inaasikaso do'n. Kasama niya ang girlfriend niya. Baka bago mag-weekdays, nakabalik na sila."

"That's good. How about Xandrea?"

"She's with me. Nasa bahay." huminga ng malalim si Xandrea para alisin ang tila bara sa kanyang dibdib. Para pa rin siyang nakalutang sa ere. Sa isinawalat ng abogado sa kanya, hindi niya malaman kung paano niya sasabihin ang lahat ng 'yon sa dalawa niya pang kapatid.

Tumingin muli siya sa kanilang family lawyer. "I want to meet him soon, Attorney."

CYFER POV

Hindi halos ako makahinga sa sakit. Pakiramdam ko ay mapupugto ang hininga ko sa bugbog na natamo ko. Mahina akong napamura habang pinipilit kong idilat ang aking mga mata. Naramdaman ko ang pagsipa ng kung sino sa sikmura ko. Napadaing ako at namilipit sa sakit. Merong isang paulit-ulit na tumatadyak sa likod ,dibdib at braso ko. Shit.

Kahit maluha na ako sa sobrang sakit, hindi ako umimik. Patuloy sila sa pagtadyak at pagsipa.

"Times up." dinig kong sabi niya. Alam na alam ko ang boses niya. Kahit nakapaikit, alam ko kung gaano kasama ang presensya niya.

"Hubaran 'yan." utos pa niya. Nagtagis ang bagang ko. Marahas akon tinayo ng dalawang lalaki na bumubugbog sa akin kanina. Malalaki ang katawan nila at may mga tatoo sa braso. Nagpupumiglas ako ngunit hindi sapat ang lakas ko para manlaban.

"Huwag ka na lumaban, pre. Ikamamatay mo 'yan."

Ikakamamatay. Napangisi ako. Tangina. Mukhang masayang mamatay na lang. Total wala naman na lahat. Nagsisimula ng malagas ang lahat ng pag-asa ko. Kung mamamatay ako sa kamay nila, hindi ko na siguro kasalanan iyon sa Diyos. Matatanggap pa kaya ako sa langit kahit Lucifer ang pangalan ko? Napangisi na lamang ako.

Ngunit agad din 'yon napawi nang marahas nilang hilahin pahubad ang polo ko. Napamura ako.

"I've always thought you could play dirty but not as dirty as this, you little peace of shit." nanggagalaiting sabi ko.

He just laughed mecilessly. "I can play dirtier than this, brother."

"No wonder you're a trash." I hissed. Nagdilim ang aura niya at agad akong sinuntok ng malakas sa pisngi. Masakit pero tumawa ako ng malakas.

"Iyan lang ang kaya mo? Mas marunong pang sumuntok ang bakla sayo, eh."

Hinawakan niya ng mariin ang magkabilang panga ko na tila may balak siyang baliin iyon.

"Nasasaktan ka na pero tumatawa ka rin. You're one mad guy, Lucifer. I want you dead."

"Then, kill me. Akala mo natatakot ako? Hah! I own hell by name but I'm not like you. Heaven have no open gates for you kahit magpanggap ka pang anghel. Hell is ruled by me kaya wala ring pinto para sayo do'n. Mabubulok ang kaluluwa mo pag namatay ka na." tinawanan ko ng malakas ang mukha niya. He plays dirty, so am I. Walang kapatiran dito dahil kahit kailan ay hindi ko naramdamang kapatid ko si Morris Herrera.

Bumaba ang tingin niya sa dibdib ko kung saan naro'n ang pangalan ni Anne. Ngumisi siya.

"Lighter please."

Halos manlaki ang ulo ko sa hinihingi niya sa dalawang lalaki. Agad namang binigay iyon sa kanya.

"Annielle Martin, huh. Say your goodbye to your beloved girlfriend and to this tatoo. Parehas silang maubura sa buhay at katawan mo."

Idinikit niya sa dibdib ko ang apoy. Napasigaw ako sa hapdi. Tuluy-tuloy na mura ang lumabas sa bibig ko at labis na ikinatuwa iyon ni Morris.

"Magmakaawa ka, Cyfer. Huwag kang sumigaw sa sakit. Magmakaawa ka!" pagtapos ay tumawa siya na tila nababaliw. Halos mapugto ang hininga ko. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

"Anong pakiramdam na nasusunog ang balat mo? Impyerno ba? Ang sarap, di ba? Sayo ang impyerno pero wala kang laban sa akin."

Yes, wala akong laban sa kanya. I hate to admit it but it's true. I'm helpless but I won't give him so much satisfaction. I won't beg. Mamatay na lang pero kaysa magmakaawa sa kanya. This is my choice. Alam kong mali pero kung hanggang dito na lang talaga, ano pang magagawa ko?

The hardest part of choosing is when you only have two options. You can't decide to choose what is right because you felt it's wrong and you can't let go of what is wrong because you felt it's right.

Nawawalan ako ng ulirat. Naramdaman ko ang unti-unting pagbagsak ng talukap ng mata ko.

Annielle Martin.

I smile sadly.

I'm losing her. I'm losing myself. I'm losing everything. My nightmares came true and I don't know what to do. I'm going insane. Nababaliw ako sa sakit. Physically, mentally and emotionally - I felt drained. Wala na akong lakas para magsalita pa. Hindi na ako lalaban. Alam kong hindi ako mamamatay sa isang paso pero mananatili 'tong marka habang buhay. It will leave a permanent mark not only in my body but it will forever embed on my mind.

Iyon ang huli kong naramdaman before everything went black.

>>next update

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112