HTLAB - Chapter 39

A/N : Read before you vote. Leave some comments if you want.

Malapit na matapos ito. Kapit lang, guys.

Enjoy reading!

-

ANNE POV

Nasa coffee shop kami na walang masyadong tao. Dito namin naisipan ni Cyfer na pumunta pagtapos ng dismissal. Pinagtakpan ulit ako ni Ren kaya nakatakas ako kay Rhea at sa driver ko. Hindi kami pwedeng magtagal ni Cy dahil tiyak na hahanapin na ako nila Daddy.

Nag-usap kami ni Cy at may isiniwalat siyang importanteng bagay na nangyari kanina sa rooftop.

"Heira saw us." nanlaki ang mga mata ko nang sabihin sa akin ni Cyfer na may nakakita sa amin kanina sa rooftop. Si Heira. . .

Bumangon lahat ng pangambang nararamdaman ko. Hindi ko inaasahang sa pangalawang araw ni Heira sa academy ay mahuhuli niya kami ni Cyfer sa gano'ng tagpo.

"What we'll gonna do?" bakas ang kaba sa aking boses. Hindi malaman kung ano ang una namin gagawin. Wala akong maisip na ibang paraan kung hindi ang kausapin si Heira bukas at makiusap. Iyon ang pinakamainam.

"She promise to keep our secret but I can't trust her, Anne." bakas sa mukha ni Cy ang pag-aalinlangan. I know him. Hindi talaga siya madaling magtiwala lalo na sa mga taong hindi pamilyar sa kanya. Hindi ko naman siya masisi. Pero para sa akin, mabait naman si Heira. Iyon nga lang, hindi pa namin siya lubos na kilala.

"Let's talk to her tomorrow. Mas magandang malinaw natin 'yon sa kanya. Tingin ko naman ay mabait siya. Sana nga lang ay tama ako. . ."

Cyfer squeezed my hands and kissed it. "I'm sorry. Mas nagiging komplikado ang lahat."

Nginitian ko siya. "Kasama naman 'yon sa relasyon, di ba? Hindi naman nawawala 'yon. What matters now is you're with me and I'm with you."

Bahagya siyang ngumiti at tumango.

Huminga ako ng malalim. Parang may mabigat sa pakiramdam ko na hindi ko matukoy kung ano. Hindi ko mawari kung para saan. Pakiramdam ko ay may masamang mangyayari.

Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi dapat ako maging negative. I'm sure, magiging maayos rin ang lahat. Simula't sapul, linya ko na 'to. Hindi kami aabot sa ganitong punto kung bumitaw agad ako.

Trials makes us stronger. Everytime we face challenges in this relationship , our only motivation to win is our love. Sometimes, we experienced defeat but we don't feel losers because we learned from it. Those learnings made us clever and it inspire us to keep on fighting.

Sa love, hindi paramihan ng tama ang kailangan. Patibayan ito. Yung tipong kahit talo na, hindi pa rin bumibitaw.

We should not seek for perfection because it doesn't exists. All we need to do is accept the imperfections and embrace it.

Cyfer is my imperfect devil who's worth fighting for.

CYFER POV

Inihatid ko si Anne sa park na malapit sa subdivision nila. Pinanuod ko siyang maglakad hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Napatingala ako sa langit. Ilang minuto na lang at sasakupin na ng dilim ang buong kalangitan. Mukhang uulan pa nga ata.

Napabuntong hininga ako. Hindi pa nga natatapos ang mga problemang kinakaharap ko, mayroon na namang dumating na panibago.

That stupid girl. Hindi talaga nawala sa aking isipan ang mga pinag-usapan naming dalawa matapos ko siyang mahuli na nakikinig sa amin ni Anne.

FLASHBACK

"Kanina ka pa ba nandyan?!" hindi siya makasagot agad. Bakas ang takot sa kanyang mukha. "Darn! I'm asking you!"

Humigpit ang pagkakahawa ko sa braso niya.

Nang tumango siya, nagtagis an bagang ko.

"Kanina mo pa kami pinakikinggan?" muli siyang tumango. Para akong sasabog na bomba anumang oras. "Anong narinig mo?"

"L-lahat. . ."

"Shit!" napangiwi si Heira. Nakita ko ang pangamba sa mga mata niya nang mataman ko siyang tinitigan. "Stalker ba kita?"

"Oy! Hindi, ah." mabilis niyang depensa.

"Hindi ako naniniwala sayo. Kunwari ka pang bumangga sa akin kanina, 'yon pala ay may motibo ka." nanggagalaiti kong sabi.

"Masamang magbintang, oy! Nauna akong dumating dito! H-hindi ko alam na pupunta ka rito." Aniya.

"Eh, bakit hindi ka umalis?" naghahamon kong tanong.

"D-dahil. . ." nauutal na sabi niya.

Napailing ako. "See?" pinanlakihan ko siya ng mata.

"See see ka dyan! Wala lang akong maisip na tamang term sa ginawa ko." depensa niyang muli.

"Dahil walang tama sa ginawa mo. You eavesdropped!"

"And so?" pinag-taasan niya ako ng kilay. "Narinig ko lahat ng pinag-usapan niyo ni Anne pero ano namang big deal do'n? Wala naman, ah!"

"Hindi mo alam ang sinasabi mo. . ." sabi ko sabay iling.

"Bakit ba nagagalit ka?"

"May gana ka pa talagang magtanong." Sa totoo lang, kung hindi siya babae ay baka nakwelyuhan ko na siya sa klase ng pagsagot niya sa akin.

Huminga siya ng malalim. "Okay. Ganito. Para mapanatag ka, I promise na hindi ko ipagsasabi ang mga narinig ko."

"I don't trust you." suplado kong sagot. Hindi ako nagtitiwala basta-basta lalo na sa isang tulad niyang bagong salta.

Sumimangot siya. "You need to trust me. Kung wala kang tiwala sa akin, asahan mong bukas na bukas din ay alam na ng lahat na boyfriend ka ni Anne."

Naningkit ang mga mata ko. "Tinatakot mo ba ako?"

Siya naman ang naghamon. "Natatakot ka ba?"

Ang lakas ng loob ng babaeng 'to. Palibhasa ay baguhan. Hindi pa niya ako kilala. Huwag niyang subukang galitin ako dahil hindi niya magugustuhan ang gagawin ko sa isang tulad niya.

Para siyang girl version ni Ren Delgado, madada at pakialamero.

"Hindi ba pumasok sa isip mo na maaapektuhan si Anne kung gagawin mo 'yan?" iratable kong wika.

Sandali siyang natahimik. "H-how? I. . .I mean, bakit nga ba kailangan niyong itago na kayo?"

Umismid ako. "It's none of your business."

"Sige. Bukas na bukas din alam na ng lahat ito. Gusto mo 'yon?" Aba't nagawa pa akong takutin ulit. Tss. Na parang madadaan niya ako sa gano'n.

"Are you trying to blackmail me?" tumalim ang tingin ko sa kanya.

"Obvious ba? Ang slow mo, ah." umirap siya.

"Bakit ba nakikilam ka?"

Inilagay niya ang kanyang kanang kamay sa bewang at tinuro ako. "First, galit ako sayo. Tinawag mo akong 'stupid' ng ilang beses."

"Eh di ba totoo naman?"

"Heh! Kutos gusto mo? Second, pinagbintangan mo akong sinadya ko yung nangyari kanina. Hello? Hindi nga kita gustong makasalubong sa daan, eh. Ang sungit-sungit mo po kaya. Pangatlo, pinagbintangan mo akong stalker. Ano ka? Chicks?"

Hinawakan kong muli ang braso niya. "Ano bang gusto mong isipin ko?"

"Na aksidente lang ang lahat. Yung pagkakabangga ko sayo, aksidente 'yon. Aksidente rin na narinig ko ang pinag-uusapan ninyo."

"Bakit mo ako binablackmail?"

"Eh, bakit hindi ka na lang magtiwala sa akin? Hindi naman ako madaldal. Bukod sa iilan lamang ang friends ko rito sa AAA. Isa pa, naniniwala ka ba talaga na gagawin ko 'yon kay Anne. Siya ang unang naging kaibigan ko rito kaya imposible na ipagkalat ko ang mga narinig ko."

Sandali akong natahimik. Pumasok sa isipan ko ang mga sinabi niya ngunit hindi ko talaga magawang magtiwala ng lubusan. Tinignan ko siya ng matiim at may kasamang pag-aalinlangan. I can't take all the risk. Ayokong mapahamak si Anne. Hindi bale na ako. Huwag lang siya.

I cleared my throat before I speak once again "Hindi mo talaga ipagsasabi."

Heira rolled her eyes upward. "Paulit-ulit lang? Ang hirap mong kausap. Alam mo ba 'yon?"

Binitawan ko na siya. Huminga ako ng malalim. Tinitigan ko siya sa huling pagkakataon bago ako tumalikod. Nasa pintuan na na ako nang magpahabol ako ng isa pang salita.

"Siguraduhan mo lang. Promise me na walang makakaalam. I don't want Anne to suffer because of me."

Bago ako lumabas ng tuluyan ay narinig ko pa siyang nasalita.

"I. . .I promise."

END OF FLASHBACK

Hindi ko na mabilang kung nakailang buntong hininga na ba ako.

Tama ang suggestion ni Anne. Mas magandang malinaw namin kay Heira ang lahat.

Bahala na bukas. Sana maging maganda ang kahihinatnan ng pakikipag-usap namin.

Sumakay na ako sa aking motor at pinaharurot iyon.

-

Napatingin ako sa aking wristwatch at napailing. Ang tagal na naming naghihintay ni Anne dito sa tagong bahagi ng corridor. Hanggang ngayon ay wala pa rin yung tatanga-tangang babaeng iyon. Napapadalas ang pagiging late. Tss. Kabago-bago pero pa-VIP.

Buti na lamang at nagsi-akyatan na ang mga estudyante dahil tumunog na ang bell. Pag last warning na at wala pa rin yung babaeng 'yon, ipagpapaliban na lamang namin ang plano.

"Wala pa rin ba siya, Cy?" tanong ni Anne na nasa likod ko at mukhang tensyonado. Kinakabahan siya. Ako rin naman. Pinili ko lamang na huwag ipahalata sa kanya para huwag madagdagan ang kaba niya. Sandali kong hinawakan ang kamay niya at pinisil iyon.

Ilang sandali pa ay nakita ko na si Heira na tumatakbo patungo sa elevator. Binitawan ko ang kamay ni Anne. Humanap ng tamang tyempo para hatakin si Heira. Hindi naman ako nabigo.

Tinakpan ko ang mata at bibig nito at hinila sa kinaroroonan ni Anne. Luminga-linga ako sa paligid at nang masigurong walang nakakita, pinagpatuloy ko ang paghila kay Heira.

Nagpumiglas ito kaya naman bumulong ako sa tainga niya. "Hey you, stupid. . ."

She gasped. "Cyfer?"

Saka ko lamang ito binitawan nang makilala nito ang boses ko. Nagulat pa ito ng makita si Anne sa harapan. Habang ako naman ay nagmamasid sa paligid.

"Heira." Anne paused for a second. Yumuko siya. "W-we want to talk to you. Kami ni Cyfer. Sinabi niya sa akin na nasa rooftop ka kahapon at. . .at nakita mo kaming-"

Hindi na pinatapos ni Heira si Anne at agad itong nagsalita.

"Promise, Anne. Hindi ko talaga sinasadya. Nabigla nga din ako sa nakita ko, eh." marahang paliwanag ni Heira.

Tumango-tango si Anne. "Naniniwala ako. K-kaya lang ay hindi namin maiwasang matakot na baka may makaalam pang iba." nagkatinginan kami ni Anne. Nanatili akong walang imik. "Maski kay Rhea ay tinago ko 'to. May mabigat na dahilan. H-hindi namin masasabi sa lahat pati. . .sayo."

Nakakaunawang tumango si Heira sa girlfriend ko . "Naiintindihan ko. Hindi naman din ako nanghihingi ng paliwanag. Nag-promise na ako sa boyfriend mo kahapon na hindi ko ipagsasabi ang nakita at narinig ko. There's no need for you to worry. I can keep a secret." ngumiti si Heira at gumanti ng ngiti si Anne. Medyo nakahinga na rin ako ng maluwag.

Kasabay no'n ay ang pagtunog ng last warning. Binalingan ko silang dalawa. "We need to hurry. Mauna na kayong umakyat. Susunod ako." agad silang tumango. Sabay nilang tinakbo ang unang elevator. Nagpaiwan ako. Hinintay kong magbukas ang isa pa.

"Mukhang may nakabuking sa inyo, ah."

Marahas akong napalingon at nakita ko si Ren Delgado na nakangisi. Agad akong napasimangot.

Pumwesto ito sa tabi ko at naghintay rin sa pagbukas ng elevator.

"Kamusta naman? Nabuking ba kayo nung transferee student?"

Naningkit ang aking ma mata. "Could you please shut your filthy mouth? I could punch you right now." nag-init na naman ang ulo ko. Marahang tumawa si Ren at tinapik-tapik ang balikat ko.

"Chill, dude! Sa susunod kasi maging mas maingat kayo." napapailing na sabi nito.

"Whatever, asshole."

Tumawa lamang si Delgado. Sumabay rin ito sa pagsakay ko sa elevator at walang ginawang matino kung hindi mameste. Kung hindi lang ito malaking tulong sa amin ni Anne, baka natuluyan ko na ang isang 'to.

Pagdating namin sa room, parang walang nangyari. Normal ang kinikilos ng lahat kaya nakahinga ako ng maluwag.

THIRD PERSON POV

"This way, Sir." sinundan ni Daniel ang direksyon ng  maître d  kung saan may naghihintay sa kanyang tao.

Huminga siya ng malalim. Napatingin siya sa kanyang relong pambisig. 10:25 am. Masyado pang maaga para mag-lunch ngunit pinaunlakan niya ang imbitasyon ng taong iyon.

Huminto ang  maître d  sa tapat ng isang binata na sa tingin niya'y nasa edad na early 20's.

Maaliwalas ang mukha nito at maamo. Ito ang lalaking nakausap niya nung nagbakasyon silang mag-anak sa isang hotel. Hindi niya ito hinihiwalayan ng tingin.

Tumayo ito at inabot ang kamay sa kanya. Malugod niya itong tinanggap.

"I'm pretty glad you accepted my invitation, Signore. My treat." may pambanyagang accent ito na sa palagay ni Daniel ay Italiano.

Tumango siya. Nang masabi sa waiter ang putahe ay muli niyang binalingan ang binata.

Tumikhim siya. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. You said you want to discuss something about my daughter."

Maamong ngumiti ang lalaki. "Hindi niyo pa ho ba tinatanong ang iyong anak. You should ask her first para hindi maging unfair ito sa kanya."

Daniel shrugged his shoulders. "I want to hear to first words to you. What do you know?" matiim niyang pinagmasdan ang ekspresyon ng lalaki. Hindi nagbabago ang maamo nitong mukha at hindi rin napapaalis ang ngiti sa labi nito. He looked so natural.

"I know everything about my brother."

Kumunot ang noo niya. Anong kinalaman ng kapatid nito sa anak niya? May koneksyon ba sila kagaya ng gusto nitong iparating nung una?

Yes, hindi ito ang unang pagkakataon na nagpahiwatig ang lalaking ito na may alam ito sa anak niyang si Anne.

Nang nasa hotel pa lamang silang mag-anak ay lumapit ito sa kanilang mag-asawa at nagtanong kung kamag-anak ba nila si Anne. Sinabi niyang anak anak niya ang babaeng tinuro nito at saka ito nagpasaring na nakita na nito si Anne kasama ang isang lalaki. Pagtapos no'n ay mabilis na umalis ito na parang walang nangyari.

Nasundan pa iyon nang magkaroon ng meeting ang board at nakasalubong ko siya sa CMMA. That time, kinumpirma niya nga na anak ko ang tinutukoy niya. The man even gave him his number number if he wants confirmation at ito nga, naimbitahan siyang mag-lunch para pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon.

"Anong kinalaman ng kapatid mo sa anak ko?" mahinahon niyang tanong kahit binabayo ng iba't-ibang emosyon ang kanyang dibdib. He has always been protective of Annielle. She's an only child. Their princess. Their sole heiress. Kaya naman gano'n na lamang siya kung maghigpit dito. Add the fact that he truly love his daughter. Hindi siya masisi kung masyado niyang binabakuran ang anak. Gusto lamang niyang maging masaya ito at malayo sa mga bagay na maaaring makasakit sa kanya.

Dumating ang Italian dishes na in-order nito. Sandali nitong tinignan ang mga pagkain bago bumaling sa akin.

"My brother is a bastard." Natigilan ako kahit hindi ko alam kung para saan ang ibig niyang sabihin. "His name is Lucifer Madrigal. He was named after a devil. Mom hates him so much just like how she hates the father of her bastard. Some called him Cyfer."

"Why are you telling me those facts? Hindi naman ata konektado-"

"No. Let me finish, Signore. Napaka importante nitong sinasabi ko at mapapakinabangan mo rin ang mga ito." ngumiti ito sa kanya. Huminga siya ng malalim at piniling manahimik at makinig sa idagdag ng lalaking ito.

"Everybody hates him. He's cold and heartless. We are never close. Not that I didn't try to come for him. He was the one who always keep his distance from me. Ilang taon na siyang wala sa poder namin. Dito siya namalagi sa Pilipinas and I could say that he got worse." napailing ang binata. "At the age of 17, he drinks a lot. He's a party animal. He also tried using drugs and even tried to kill himself. He's insane. Walang makapagsasabi kung anong disorder ang mayroon? Ang akin lamang ay hindi naman siya lumalapit sa akin. I could've helped him."

Kinuha nito ang champagne na nasa mesa at binuhos sa wine glass. "Back to your own question. Tinanong mo kanina kung ano ang koneksyon ng kapatid ko sa iyong anak."

Kumunot ang noo ni Daniel. May hinala na siya pero hindi niya gustong tanggapin iyon. Hindi niya matatanggap kung tama ang naiisip niya. Naikuyom niya ang kanyang kamay sa ibabawng mesa.

"What do you mean?" matigas kong tanong.

Umiling ang binata at may panghihinayang na nagbuntong hininga. "There's no easy way to tell you this. Your daughter is my brother's girlfriend. Kung hindi niyo mailalayo ang anak niyo sa kapatid ko, maaaring maging masamang impluwensya si Cyfer sa kanya. I believed that Anne is a decent girl. Pwede niyo pa siyang agapan. Hindi niyo alam ang kayang gawin ni Cyfer sa kanya. Kagaya nga ng sinabi ko kanina, he's heartless. Iiwan niya rin si Anne pag nakuha na niya ang gusto niyo. Who knows kung ano ang habol niya sa anak niyo. She's a Martin at inosente. Hindi mahirap hulaan kung anong gusto ni Cyfer sa kanya. I'm just concerned. . ."

Napatulala si Daniel rito. Hindi makaapuhap ng sasabihin.

"Kung hindi ka kumbinsido, here. Mabilis kumilos ang mga tauhan ko. Magkasama sila kahapon." inilapag nito sa mesa ang maliit na handy camera. "Some proof. Ikaw na ang humusga, Signore."

Halos manginig ang kamay ni Daniel habang sinisipat ang camera.

Hindi makapaniwala na naitago ni Anne ang bagay na ito sa kanilang mag-asawa.

-

"Dadalihin ko si Anne sa America." pahayag ni Daniel sa asawang si Anna.

"Nagpapadalos-dalos ka , Dan! You can't force Anne kung ayaw niya do'n at-"

"I don't care kung ayaw niya o hindi. Gusto ko siyang ilayo sa lalaking 'yon! Hindi makakabuti sa kanyang makipag-relasyon sa isang bastardong adik at may diperensya sa ulo!"

Napapikit si Anna. Hindi alam kung paano didipensahan ang anak. "Baka nagkakamali ka lang, Dan. Baka hindi naman talaga gano'n. B-baka-"

"Do you think hindi ko naisip iyan? I have doubts too! Inisip ko na hindi iyon magagawa ni Anne sa atin. She has been a good girl, a good daughter to us. Pero may ebidensya! You can't just set aside those evidence!" namumula sa galit ang mukha ni Daniel. Naluluha naman si Anna at hinahanap sa sarili kung saan sila nagkamali ni Daniel sa pagpapalaki kay Anne.

"Please, don't hurt our daughter, Dan. She's young. M-maybe, she's just in love and she doesn't know all the consequences." pakiusap ni Anna sa asawa. Napatingala naman si Daniel at hindi malaman kung ano ang gagawin.

He should face that bastard.

CYFER POV

"Cy, sorry." punung-puno ng panlulumo ang mukha ni Joey. Tumalikod ako at pinagpatuloy ang pag-iimpake.

"Kung may magagawa lang ako-"

"No need, Joey. I understand." malamig kong sagot. Basta ko na lamang ipinasok ang mga damit ko sa bag ko. Konti lang naman ang mga pinamili kong damit. Isiniksik ko na rin do'n ang mga bagong bili kong uniform.

Nang matapos ako ay hinarap kong muli si Rush. "Salamat sa pagpapatira sa akin dito." kinuha ko ang wallet sa bulsa ng slacks ko at naglabas ng ten thousand cash. "Bayad ko."

"H-hindi ko kailangan ng bayad-"

Inilapag ko na lamang sa side table ang pera. Binitbit ko ang mga bag ko at nilagpasan si Joey.

"Cyfer!"

Hindi ko siya nilingon. Tuloy-tuloy ako sa paglalakad ng mabilis.

"Sorry!"

Iyon ang huli kong narinig kay Joey. Nang makalabas ako ng condo building ay agad akong nagpara ng taxi.

"Sir, saan po tayo?"

Hindi ko masagot ang taxi driver. Saan na nga ba ako tutuloy ngayon. Gusto kong pagtawanan ang sarili ko. Para akong asong kalye na walang nagmamay-ari. Isang palaboy.

Gusto kong magmura ng malakas, manuntok ng maraming beses at maging marahas ngunit hindi ko iyon magagawa rito.

Tang***ng buhay 'to. Nakakasawa na. Tang*** talaga.

Pilit kong kinalma ang aking sarli.

Mapakla akong ngumiti. Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. Ito ang pinakaayaw ko s lahat. Kaya sobra kong iniwasan ang magtiwala na lamang basta-basta dahil wala rin namang patutunguhan iyon.

Sumandal ako sa upuan. Nanghihina ako. Parang namamanhid ang buong katawan ko, ang buong pagkatao ko. Nawalan ako bigla ng lakas.

Naisip ko si Rush at Joey. Isama na si Manager Jude. Akala ko okay na, eh. Akala ko wala ng problema sa akin. Ako lang pala ang nag-akala no'n. Damn!

Tumaas baba ang dibdib ko. Wala pala talaga akong pag-asa. Isang malutong na mura ang lumbas sa bibig ko.

Huminga ako ng malalim at nakita kong nakatingin ang driver . "Sa pinakamalapit na hotel."

May pagtataka sa mukha nito ngunit hindi na muling nagtanong. Ibinaba niya ako sa pinakamalapit na hotel. Agad akong kumuha ng kwarto. Pagod na pagod ako sa mga nangyayari . Gusto kong magpahinga ng maaga.

Nang makuha ko ang susi, agad akong umakyat sa 23rd floor. Nang lumapat ang katawan ko sa kama, do'n ko lang naramdaman lahat ng bigat sa loob na hindi ko magawang ilabas.

Wala na yung banda. Iyon ang pagkakasabi sa akin ni Joey. But I take it negatively. Inisip ko na ako lamang ang nawala, hindi yung banda. I'm replaceable. Madali silang makakahanap ng vocalist.

May mga hinalang nabubuo sa isipan ko kung ba't ako natanggal pero ayoko munang isipin iyon sa ngayon.

Dumapa ako sa kama at ibinaon ro'n ang mukha ko. Suot ko pa rin ang sapatos ko at hindi alintana kung madudumihan ko ang kama.

Nakakaidlip na ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Damn. . ." patamad kong kinuha ang phone ko sa bulsa ng aking slacks at nakita kong si Atty. Delgado ang tumatawag. What is it this time?

Patamad kong sinagot iyon.

"Hello."

"Good evening, Cyfer. Naistorbo ba kita?"

I rolled my eyes upward. Gumulong ako at inilapat ko ang aking likod sa kama. Pinigilan ko ang aking sarili na sumagot ng pabalang at maging sarkastiko. Pumikit na lamang ako.

"Not really." Maikli kong sagot habang hinihilot ang pagitan ng aking ilong gamit ang dalawang daliri.

"Mabilis lang ito. Tatanungin lamang kita. . ."

Hindi na ako sumagot at hinintay ang idadagdag nila.

"Makakausap ko na si Alexandra bukas. Ipapaalam ko na ang tungkol sayo. Gusto mo bang sumama?"

Napadilat ako at wala sa loob ng bumangon.

Shit.

>>next update

A/N : Pagbigyan po ang mga errors ko. Huhu. :(

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112