HTLAB - Chapter 32
ANNE POV
"Ren, thank you sa pagpapaalam mo sa akin kay papa saka sa pagsama." nginitian ko si Ren habang siya naman ay sumulyap sa akin at gumanti ng ngiti. Pauwi na kami galing coffee shop. Natuloy ang paglabas namin ni Cyfer. Iyon nga lang, kailangan naming isama si Ren dahil siya ang nagpaalam sa akin kay Daddy. Cyfer said he didn't mind. Natutuwa ako na kahit papaano ay nagtitiwala na rin ito kay Ren.
"You're welcome. Though, I feel a little out of place." napailing ito.
"Sorry."
"I understand, Anne. Don't worry. Alam ko naman kung ano kayo. I'm just an outsider. No hard feelings."
Ngunit hindi ako kumbinsido. Baka isipin niya ginagamit lamang namin siya. Ayokong isipin niya ang bagay na 'yon.
"Ren, hindi mo naman siguro iniisip na-"
"Sshh. . .wala akong iniisip na masama sa inyong dalawa ni Cyfer kaya huwag kang mag-alala dyan. Believe me, Anne." huminga ito ng malalim. "Hindi ko rin naman alam kung bakit gusto kong makialam at tumulong sa inyong dalawa."
"Hindi ko na alam kung paano ako makakabawi sayo. Simula pa nung na ospital si Cy, ang dami mo ng nagawa for us." Simula nung gabi na binugbog ni Geo at ng mga barkada nito si Cyfer, tumutulong na lagi sa amin si Ren. Nung una may pangamba pa kami na baka masira ang relasyon namin ng dahil sa kanya pero nung araw na 'yon, nagsimula kaming pagkatiwalaan siya. Lalo na ako dahil hindi ako makapunta kay Cy at siya lamang ang napagtatanungan ko ng balita.
And even now, tumutulong pa rin siya. Simple lang naman ang hinihiling niya sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay kulang pa 'yon. . .
"Huwag mo na isipin kung paano ka babawi. Ang mahalaga, yung deal natin. Madali lang naman 'yon, di ba? Kahit iyon lang." sumulyap siya sa akin ngunit agad ring nagfocus sa pagmamaneho.
Tumango ako at muling ngumiti sa kanya. "Okay."
Kung ano man ang deal na 'yon, sa aming dalawa na lang muna. Sa ngayon, thankful na ako sa tulong na ginagawa niya para sa amin ni Cyfer.
Malaking bagay na iyon para sa akin. . .sa aming dalawa ni Cy.
-
"Mapapaaga ang uwi namin, hija."
"P-po?"
"Nakahanda na ang tickets namin ng Daddy mo. Two days from now ang flight namin." excited na sabi ni Mommy.
"T-talaga, Mommy?" Hindi ko malaman kung ano ang dapat kong maramdaman. Dapat maging masaya ako dahil makikita ko na ulit ang mga magulang ko. Pero bakit ganito? Para akong kinakabahan. . .natatakot. . . Hindi ko alam kung bakit. Ang bigat sa pakiramdam.
Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakinggan ang sinasabi ni Mommy. Excited na itong umuwi at makita ako. Bigla akong nakaramdam ng guilt dahil hindi ako katulad nito na-eexcite sa pag-uwi nila. I miss my Mom and Dad pero pakiramdam ko, sa pag-uwi nila, maraming mababago. . .
"Hello? You still there, anak?"
"Ahh, yes, Mom. Ano po ulit iyon?"
"I'm asking you kung ano ang nangyari sa pag-invite sayo ni Ren?" tila nanunukso ang boses ni Mommy. Napakagat ako ng labi.
"O-okay naman po, Mom. Nag-coffee kami and nagkwentuhan. . ." pagpapalusot ko. Huminga muli ako ng malalim at pilit na inalis ang kaba.
Natetensyon ako. Nanginginig nga ang kamay ko habang hawak ang telephone. Buti na lamang at hindi kami nagkakausap sa videophone at baka kanina pa nila nalaman na nagsisinungaling ako.
"I like that boy." may nais iparating si Mommy. Napapikit ako. Huwag naman sana niyang isipin na may 'something' sa amin ni Ren Delgado.
"Mommy, w-we're just friends."
Maraha itong natawa sa kabilang linya. "I won't mind if he'll cross the bridge between-"
"Mom!" protesta ko. "M-magkaibigan lang po talaga kami ni Ren. No more, no less."
"Ang dalaga ko, masyadong defensive." tukso pa nito. Napapikit na ako sa sobrang frustration.
"Mommy, wala po talaga. . ."
"Bakit? Ayaw mo ba sa kanya, Anne? He's good looking naman, right? He is Loren's son. Galing rin sa kilalang pamilya. Kalebel natin. Responsable. Aren't you attracted to him?"
Nahigit ko ang aking paghinga. "N-no. I'm not."
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Mommy sa kabilang linya. "I'm sorry, hija. I guess I pushed it too far. I should have understand. Sorry."
"Ren and I, w-we just talked about our project. Yun lang po yung dahilan kung bakit niyaya niya akong lumabas." tugon ko. That's a big lie. Wala naman talaga kaming project na kami ang mag-partner. Ginawa lamang naming alibi iyon.
I need to tell it to my Mom because I don't want her to think that Ren and I can go deeper aside from being friends. The way she compliments him is a strange gesture to me. I don't want to be linked by anyone just because they are in the same level of our social circle.
Masakit tanggapin iyon para sa akin. Na ang makakasalamuha ko lamang ay ang mga katulad kong nakakaangat sa buhay. Sometimes, iniisip ko na pumayag sila na si Rhea ang maging bestfriend ko kahit minsan na nilang kinwestyon ang ugali nito ay dahil hindi nalalayo ang estado ng pamumuhay naming dalawa at dahil kilala rin nila ang mga magulang ni Rhea. Then, wala silang tutol.
For me, it's unfair. Kaya nga lagi kong hinahangad na sana simpleng tao na lang ako para kaya kong makisalamuha sa iba't-ibang klase ng tao.
Some people dream of being wealthy but they don't know the consenquence of being one. Yes, you can buy everything you wanted but you can never buy happiness and contentment. You can have all the attention but you can rarely meet people with good intentions. People will come to you just because of your status. That was the worst thing I've ever experienced. Kaya nga mas gusto kong maranasan yung simpleng pamumuhay lang. Gusto kong mabuhay bilang simpleng Anne. Dati humiling ako sa tooth fairy sa pag-aakalang magkakatotoo iyon. I wished people will forget me existing for one day and I will have a chance to live in a different world.
Hindi man iyon nagkatotoo. Gumawa ako ng paraan para maabot iyon. If the world can't forget my existence, I am the one who will forget the world where I belong.
Kaya natuto akong mabuhay bilang Anne. Hindi bilang isang Annielle Martin. Simple, masaya at hindi komplikado. Tinago ko ang sarili ko mula sa mayayamang tulad ng pamilya ko. Naging maingat sa pagpili ng kaibigan.
Ngayon, masasabing kong mas maraming nakakakilala sa akin bilang Anne.
Isang oras matapos naming mag-usap ni Mommy, si Daddy naman ang tumawag sa akin.
"Your Mom is a spoiler. Sorpresa dapat ang pagdating namin, Anne. I can't believe na binuking niya na naman agad sayo. By the way, kamusta nga pala ang school? When is your examination day?"
"The next day, Dad. Okay naman po. I'm starting to review."
"Tumawag sa akin si Dr.Florencio nung nakaraang araw. I forgot to mention this kahapon. Sino yung tinutukoy niyang kaibigan mo raw at na-ospital?"
"P-po?" muling umahon ang kaba sa dibdib ko.
"May na-confine raw na lalaki na pumapasok rin sa eskwelahan mo. Ang sabi niya sa akin you told him that the boy was your friend. Was that true?"
Akala ko pa naman ay hindi na dapat ako mangamba pagtapos naming mag-usap ni Mommy. Iyon pala ay masmalala ang pag-uusapan namin ni Daddy. I forgot! Si Dr. Florencio nga pala ang nakausap ko nang ayusin ko ang discharge papers ni Cyfer. Bakit ko nga ba iyon kinalimutan!
Sinabihan ko ang doctor na sa account ko ibawas ang bill ni Cy. Muntik pa kaming mag-away sa text ni Cyfer dahil gusto nitong bayaran ang bill niya sa ospital kahit ilang beses ko ng sinabi sa kanya na nabayaran ko na. Hanggang sa, nagpumilit talaga siya at pinalagay niya sa account ko ang halaga ng bill niya. Ayaw niya raw yung gano'n. Lalaki siya at hindi daw kaya ng pride niya na magkakaatraso siya sa babae lalo na at girlfriend pa niya. Hmp. Male chauvanist. Ayaw magpatalo sa ego. Ma-pride masyado si Cy. Wala rin akong nagawa. Hinayaan ko na siya para hindi na kami mag-away. Ayoko pa naman yung pakiramdam na may tampo siya sa akin.
Back to Dr. Florencio, nawaglit sa isip ko na ito ang doctor na nagrereport kay Dad tungkol sa lagay ng CMMC. May monthly report na dapat ipasa kay Dad habang wala sila ni Mommy dito sa Pilipinas at si Dr. Florencio ang naatasang gumawa no'n kasama ang iba pang resident doctor ng ospital namin.
Now, what? Ano aang palusot ang gagawin ko ngayon? Hindi ko napaghandaan ito.
"Y-yes, Dad. Actually, friend po iyon ni Ren. T-tinulungan ko lang po kasi nabugbog po siya ng anim na kapwa namin estudyante sa AAA. N-nakakaawa naman po kasi siya. . ."
Hindi ko mapigilang mapangiwi sa mga pinagsasabi ko. That was partly true but I'm too nervous to think if that sounds resonable enough to my Dad.
"Really? May kaibigan ka na rin palang lalaki aside from Ren?"
Napalunok ako. "We're not. . .that close b-but I already consider him as my friend, Dad."
"What about Ren?"
Here we go again. . .
"Magkaibigan lang din po kami, Daddy."
"Kamusta naman ang naging lakad niyo kanina?"
"It went well. Pumunta lang po kami ng coffee shop. Yun lang po."
Katulad ni Mommy, talagang tinutulak rin ako ni Daddy kay Ren. Mas pushy nga lang si Daddy. Ewan ko kung bakit.
Nakailang ulit ko ng sinabi na magkaibigan lang talaga kami ni Ren. Hanggang sa mukhang sumuko na si Dad.
"Hija, bago ko pa makalimutan ulit, may isang tanong pa pala ako tungkol do'n sa sinabi ni Dr. Florencio." dagdag pa nito .
"A-ano po 'yon?"
"Ikaw raw ang nagbayad ng bill nung pasyente?"
Namutla ako sa narinig. Pati 'yon nalaman ni Dad. Tila sasakit ang ulo ko sa mga tanong nito kaya napapikit ako.
"Yes, Dad. . ."
"Why? Ba't ikaw ang nagbayad?"
"Dad, binayaran rin naman po niya ako pabalik. H-huwag po sana kayong magalit."
"I just want some explanation, hija. Hindi ako galit sayo." marahang sabi ni Dad. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag.
"Sige. Iyon lang naman. I'll see you soon, hija. Goodnight."
"Goodnight, Dad."
Nang maibaba na nito ang kabilang linya ay huminga ng malalim. Salamat naman at hindi ako nabuking.
Daig ko pa ang may krimen na nagawa. This is one of the things I hate, being interrogated. Yung parang wala akong kalayaang gumalaw, palaging may mata sa paligi at may nakabantay sa bawat kilos.
Tinungo ko ang kama at dumapa roon.
Three or for days from now, nandito na ulit sila. Mas malilimitahan ang oras namin ni Cyfer. Sigurado ako doon.
Dinampot ko ang unan sa gilid at niyakap iyon ng mahigpit.
Maaayos rin ang lahat. Masasabi ko rin ang totoo kina Mommy at Daddy. . .
Mapapakilala ko rin sa kanila si Cyfer.
CYFER POV
"Good job, guys! Ang galing natin!" nakipag-apir si Rush kay Joey. Akmang makikipag-apir rin ito sa akin pero mas pinagtuunan ko ng pansin ang pagtotono sa gitara ko. Ibinaba na lamang ni Rush ang kanyang kamay at alanganing ngiti ang ibinigay sa akin.
"Cy, thank you. Pumayag ka kaagad na ma-gig tayo tonight. Sorry kung biglaan. Naimbitahan kasi kami rito sa The Blitz ng biglaan din kaya gano'n ang nangyari. Buti na lang pumayag kang maging vocalist for tonight." sabi naman ni Joey sa akin. Tango lamang ang isinagot ko sa kanya habang nag-i-strum ng gitara.
Kunot noo namang napatitig si Rush sa kanyang pinsan. "For tonight lang?"
Napakamot naman si Joey sa kanyang ulo. "Ahh. . .ehh. . .wala pa naman kasing sagot si Cyfer, eh. Di ba, Cy?"
Doon ako napalingon sa kanilang dalawa. Maganda naman ang kinalabasan ng gig namin kahit biglaan at wala pa kaming praktis man lang. Sabak agad.
Masyado ko silang in-underestimate. Magaling si Joey. Mas magaling siyang mag-gitara kaysa sa akin. He knew some tricks and techniques sa chords at strumming na hindi ko pa napag-aaralan. Yung iba nga master niya na.
Si Rush naman may pagkamayabang talaga pero masasabi kong magaling rin ang isang 'to. Nasa beat siya lagi at walang sablay . Nagkataon na lang rin na acoustic ang genre nila at alam ko na yung mga kantang natugtog namin kanina kaya naging maganda ang performance namin sa The Blitz.
Pagtapos ng performance namin, agad na may lumapit sa amin sa back stage. Nag-offer ng panibagong gig. Hindi ko alam kung tinanggap ba ni Joey. Siya kasi ang nakipag-usap doon sa lalaki.
"Tol naman, tanggapin mo na kasi yung inaalok namin. Ayos naman yung performance natin kanina, ah! Mag-i-improve pa tayo lalo kapag nakapagpractice tayo palagi." pangungulit na naman ni Rush. Napabuntong hininga si Joey. Humawak sa balikat ng pinsan niya.
"Huwag mong i-pressure si Cyfer, Rush. Siya ang madedecide. Hindi ikaw."
"Pero sayang naman yung offer na tinanggihan mo kanina." sabi naman ni Rush kay Joey.
Kumunot ang noo ko sa narinig. Tinanggihan niya? "Why?" tanong ko.
Kinuha ni Joey ang kanyang gitara at ibinigay kay Rush. "Pasok mo na 'to sa sasakyan." Alanganing sumunod si Rush. Nang makaalis ito ay saka ako nilingon ni Joey. "Hindi pa kasi tayo opisyal na banda. Medyo malabo kasing makipag-kompromiso sa mga bar lalo na at hindi naman talaga tayo grupo at wala rin tayong pangalan. Tumakas nga lang kami kay manager ngayong gabi para makapa-gig lang. Nakakamiss na rin kasi." malungkot nitong paliwanag sa akin. "Hihintayin na lang namin yung isasagot mo. Kung hindi ka talaga papayag, well. . .wala na kaming choice kundi maghanap ulit ng panibagong may potensyal maging bokalista. Pero alam mo? Okay ka na,eh. Magaling ka saka swak ka sa genre namin. Nag-click na tayo kanina. Nagandahan nga ako sa performance natin, eh. Kaya lang hindi ka naman namin mapipilit kung ayaw mong maging bokalista ng banda. Irerespeto ko 'yon."
Inilapag ko sa tabi ang gitara. Huminga ng malalim saka sumagot.
"Sige na. Payag na ako." patamad kong sagot.
Natigagal si Joey nang ilang sandali. Tila hindi makapaniwala sa narinig. "T-talaga? Payag ka na pumasok sa banda namin?"
"Paulit-ulit ba ang kailangang sagot?" inis na banat sa kanya.
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong akbayan at magtatalon siya sa tuwa. "Whoo! Thank you! Thank you!"
"What did I miss here?" muling sumulpot si Rush na tila takang taka kung bakit nagtatalon ang pinsan niya sa tuwa. "Uhm, bromance?" alanganing sabat nito. I glared at him.
"Gago! Bromance ka dyan! Ikaw lang ang bakla dito!" sigaw ni Joey sa kanyang pinsan.
"Eh, ba't nakaakbay ka sa kanya? Ikaw ata ang bakla, eh."
"Lol! Sasali na kasi siya sa banda. Pumayag na siya!" masayang masayang ipingalandakan ni Joey ang balita. I rolled my upward. Tss.
Nanlaki ang mata ni Rush. "Talaga 'tol? Woah~! Salamat!"
Sinugod naman ako ng yakap ni Rush. Shit naman. Hindi ako makahinga sa kanila.
"Let's celebrate! Whooo!"
-
Dumiretso kami sa Rioza. May kotseng dala si Rush at Joey at ako naman ay sa motor ko. Mapilit ang dalawa. Gusto talagang mag-celebrate kahit hindi naman kailanang i-celebrate ang pag-oo ko sa banda. Wala lang 'yon sa akin. Pumayag ako dahil mukhang nalugi sa negosyo si Joey kanina habang nagpapaliwanag sa akin. Hindi maipinta ang mukha. Malungkot at parang isang pitik ko lang, iiyak na. Best actor. Nagdrama ang loko, ako namang si tanga masyadong nagpadala kaya heto, pumayag na lang basta-basta. Napailing na lamang ako.
Buti na lang maganda ang mood ko nang tawagan nila ako para sumama sa gig ngayong gabi. Kakatapos lang namin magkape ni Anne no'n. Medyo nailang lang ako dahil kasama namin si Ren.
Napabuntong hininga na lamang ako. Balewala naman ang pagkailang ko kumpara sa pabor na ginawa ni Ren para kay Anne. Pinaalam pa nito ang girlfriend ko para lamang hindi magtaka at mag-alala ang magulang nito. Dahil do'n, hindi ako dapat magreklamo sa pagkailang. Isa pa,hindi namin siya kasama sa isang mesa.
Nasa kabilang mesa siya at nagkakapeng mag-isa. May nakasalpak na earphone sa magkabilang tainga kaya hindi naman siguro niya kami naririnig.
Hindi pa ako nakapagpasalamat sa kanya kanina.
Nang makaalis sila Ren at Anne kanina, sakto namang tumawag si Joey. The rest is history.
Nang marating namin ang Rioza, abot langit ang ngiti ni Joey at Rush. Tss. Parang mga bata lang ang mga ito na nabigyan ng kendi.
Agad nila akong hinila papunta sa manager at pinakilala bilang bagong bokalista nila. Nagulat ang manager ngunit halata ang tuwa sa mukha dahil nakahanap na ng kapalit sa dating bokalista.
Agad na nagpalapag ng mga inumin sa mesang ipina-reserve ni Rush nang tumawag ito sa Rioza bago kami makaalis sa The Blitz.
"Whoo! For our new vocalist! Cheers!" ani ni Rush.
Tinaas rin ni Joey ang kanyang bote. "Cheers!"
Wala na akong nagawa kundi makipag-cheers rin. Magiging KJ pa ba ako ngayon? Enjoy na enjoy ang magpinsan. Ako, chill lang habang umiinom ng light drink. Ayokong malasing. Maaga pa ang pasok ko.
Nang matapos ang turn ng bandang kumakanta sa stage. Nag-request ang manager ng isang kanta mula sa amin
Agad namang um-oo ang dalawa. Tss. Hindi man lang ako tinanong kung gusto ko bang kumanta.
Wala na akong nagawa ng umakyat sila sa stage. Sumunod na lang rin ako. Inabot ni Joey sa akin ang isang gitara. Habang si Rush ay inabot ang mic at nilagay sa stand pagtapos ay nagsalita.
"Good evening, people! Tonight is a special night for us 'coz me and Joey finally found a new talend guy who is willing to reborn a band with us . And for the second time, kakanta ulit siya dito sa Rioza. But this time , he will not sing as a single performer. Kakanta siya as one of the band. Our band. Please, give us your loudest clap. Wala ba kayong mga kamay?" agad na nagpalakpakan ang mga costumer pati na rin ang nakatokang waiters at bartender. Maski ang manager ay nasa gilid at pumapalakpak. Nakakairita talaga 'tong si Rush. Kailangan pa bang ipangalandakan iyon? Badtrip. Nagpasikat at nagyabang na naman 'tong bakla dito.
Nang matapos siyang magsalita ay lumingon siya sa amin.
"Anong tutugtugin natin?"
Ayan, pa-bida bida pero hindi pa alam ang tutugtugin.
Nagkatinginan kaming tatlo. Si Joey na ang nagsabi ng kanta.
"The One That Got Away." lumingon siya sa akin. "Alam mo 'yon?"
Tumango ako. Pumunta kami sa kanya kanya naming pwesto. Nang mapatingin ako sa harap, lahat ng tao nakatingin sa akin. Damn it. Naramdaman ko ulit yung unang kong naramdaman nung una akong sumalpak sa stage na ito at kumanta. Yung kaba. . .yung takot na baka magkamali ako at mapahiya. . . Bumalik lahat.
At nang marinig ko ang hudyat ni Rush, kasabay ng pag-strum ni Joey ng gitara ay ang pagsimula ko sa kanta.
(The One That Got Away - Boyce Avenue Version)
[ Summer after high school when we first met
We make out in my Mustang to Radiohead
And on your 18th Birthday
We got matching tattoos
Used to steal your parents’ liquor
And climb to the roof
Talk about our future
Like we had a clue
Never planned that one day
I’d be losing you
In another life
You would be my girl
We’d keep all our promises
Be us against the world
In another life
I would make you stay
So I don’t have to say
You were the one that got away
The one that got away
You were June and I was your Johnny Cash
Never one without the other we made a pact
Sometimes when I miss you
I put those records on
Someone said you had your tattoo removed
Saw you downtown singing the Blues
It’s time to face the music
I’m no longer your muse
But in another life
You would be my girl
We’d keep all our promises
Be us against the world
In another life
I would make you stay
So I don’t have to say
You were the one that got away
The one that got away
The o-o-o-o-o-one
The o-o-o-o-o-one
The o-o-o-o-o-one
The one that got away
All this money can’t buy me a time machine (Nooooo)
It can’t replace you with a million rings (Nooooo)
I shoulda told you what you meant to me (Woooooow)
‘Cause now I paid the price
In another life
You would be my girl
We’d keep all our promises
Be us against the world
In another life
I would make you stay
So I don’t have to say
You were the one that got away
The one that got away
The o-o-o-o-o-one
The o-o-o-o-o-one
The o-o-o-o-o-one
In another life
I would make you stay
So I don’t have to say
You were the one that got away. . .
The one that got away. . . ]
Nang matapos na ang tugtog, agad na nagtayuan ang ilang costumers at pumalapakpak . Ang ilan ay naghiyawan pa.
Naramdaman ko si Joey na ginulo-gulo ang buhok ko.
Damn. Hindi ko namalayang ngumingiti na ako sa bawat taong madaraanan ng mga mata ko.
So, this is the feeling of acceptance.
It feels great.
I feel great.
-
Nang magising ako kinabukasan ay sakit ng ulo at hangover ang una kong naramdaman.
Shit.
Naparami ang nainom namin nila Rush at Joey kagabi. Halos madaling araw na ako nakauwi dahil maraming nakipag-usap sa amin at may pahabol pang bilin ang manager ng banda.
Napatingin ako sa orasan at napamura ako ng makitang late na ako para pumasok. Pinilit kong bumangon kahit tila umiikot ang paningin ko. Damn! Inabot ko ang cellphone ko at nag-compose ng message para kay Anne.
Me : Good morning , girlfriend. Malelate ako sa pagpasok. I love you!
Basta ko na lamang nilapag ang cellphone ko sa kama at nagtungo sa banyo para maligo.
Matapos ang lamang ang ilang minuto ay bihis na ako. Inaayos ko na ang mga gamit kong nakakalat ng may kumatok.
Shit! Baka si Joey 'to. Napatingin ako sa buong unit. Ang kalat! Napahawak ako sa aking noo. Mabilis akong nagtungo sa pintuan at binuksan iyon.
Naestatwa ako nang makita kung sino ang hindi inaasahang panauhin.
"Nice to see you again, brother."
>>next update
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top