HTLAB - Chapter 30

ANNE POV

Usap-usapan ang pagkaka-expell nila Geo Eliste at ng mga kaibigan nito.

Maski ako ay hindi makapaniwala.

"Tingin mo, ba't na-expell sila Geo?" tanong ni Rhea habang nasa elevator kami paakyat ng fourth floor. Hindi lamang kami ang nag-uusap tungkol doon. Kalat na kalat sa campus ang balitang iyon. May mga haka-haka ang ibang estudyante. Na baka raw nahuli ang mga ito na nag-da-drugs. Napangiwi ako. Hindi naman siguro gumagamit ng bawal na gamot sila si Geo. Kasama sila sa varsity at sinisiguro ng academy na healthy ang mga players namin. Speaking of varsity, nalagas ang myembro ng Regular Department Basketball Team. Lima kasi sa anim na na-expell ay kasama sa team. Agad tuloy nag-announce ng try out ang coach ng departmenet namin.

Walang nakahula ng tamang nangyari. Malamang, itinago ng admin ang totoong rason kung bakit.

Mamaya ay kakausapin ko si Ren. Hindi ko akalain na expulsion ang magiging parusa nila Geo. Akala ko suspension lang. Mas malala pala.

"Saka alam mo ba, usap-usapan din na na-expell si Cyfer Madrigal? Eh di ba, hindi naman iyon kasama sa barkada ni Geo. Puro taga-section one ang na-expell. Siya lamang ang taga-section two." dagdag pa ni Rhea.

Napabuntong hininga ako. Limang araw na ang nakalipas matapos bugbugin nila Geo si Cyfer. Tatlong araw na absent si Cy. Marami tuloy ang nagtataka. Ang iba ay nag-assume na baka kasama si Cyfer sa nabigyan ng expulsion dahil sa tatong araw na absence nito. Kahit wala naman sa official list ang pangalan ni Cy, may ibang nagko-conclude. Kagaya na lang ni Rhea. Hindi ko naman sila masisi dahil wala silang kaalam-alam sa nangyari.

At ako, wala akong balak magsalita. Ayokong mahusgahan na naman si Cyfer. Baka mabaliktad na naman ang kwento. Imbis na siya ang biktima, siya pa ang magiging masama.

Tama na yung dalawa lang kami ni Ren na nakakaalam. Isama na pati ang admin.

Dumalaw ang admin sa ospital dahil na rin sa request ni Ren. Pinagsalaysay nito si Cyfer at Ren sa nangyari.

Guilty ang grupo nila Geo matapos silang ipatawag ng admin. Nang mag-desisyon ang admin na i-expell sila ay sinubukan pa ng mga magulang nila Geo na makiusap pero buo na ang pasya nito. Ngayong araw ay hindi na muling makakapasok sila Geo at ang mga barkada nito sa academy. Hindi lamang sila expelled. They were banned in the school premises.

"Hoy, hindi mo na ako inimik." siniko ako ni Rhea.

"Huh? Ano ba 'yon?"

"Ang sabi ko, tingin mo ba na-expell din si Madrigal?"

Umiwas ako ng tingin. Sumagot ako na parang walang pakialam. "Ewan ko. Alam mo naman 'yon. Madalas naman siyang absent, di ba?"

"Sabagay."

Nang tumigil si Rhea sa pagtatanon ay nakahinga ako ng maluwag.

Pang-limang araw na ni Cy sa ospital. Ang sabi ng doktor nito ay makakalabas na ito bukas.

Hindi ako madalas na nakakadalaw sa kanya pero laging dumadalaw roon si Ren. Binabalitaan ako tungkol sa kalagayan ni Cyfer. Malaki ang pasasalamat ko na hanggang ngayon ay tumutulong pa rin siya. Pagtapos ng school hours, pumupunta siya roon.

Naibibigay ko ang mga gusto kong ibigay kay Cyfer through him. Hanggang ngayon ay hindi ko pinaalam kay Cy na grounded ako. Though, medyo lumuwag sa akin si Daddy at si Mommy. Konting tiis na lamang at makakawala rin ako. Sinabi ko kay Ren na huwag niyang sabihin kay Cy ang tungkol doon. Hindi naman ito umangal.

Pagpasok namin sa room, marami-rami na kami. Namataan ko rin si Ren na nakaupo na sa pwesto niya at tila bored na bored. Ilang sandali pa at nagsimula na silang mag-asaran ni Rhea. Ganyan naman sila lagi. Hindi normal ang araw nila kapag hindi nag-aasaran.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung pang-ilan ko na 'to. Napatingin ako sa bakanteng upuan ni Cyfer.

Miss ko na siya.

Nag-simula na ang klase. Marami ng lessons na na-missed si Cyfer. In my own ways, gumagawa ako ng paraan. Pinadadala ko kay Ren ang mga notes na para kay Cyfer para hindi siya mahuli sa lesson. Malapit na rin ang examination day namin. Sana bago sumapit ang araw na iyon ay makapasok na siya.

-

"Bakit expulsion ang parusa kina Geo?" tanong ko kay Ren. Palihim kaming nagkita sa library. Pinahintay ko si Rhea sa parking lot. Sabay kasi kaming uuwi.

"Hindi ba dapat matuwa ka? Wala ng threat sa boyfriend mo." mahinang sagot nito.

"Pero kawawa naman kasi sila-"

Ren tapped my shoulders. "You know what? Masyado kang mabait. Hindi ko maintindigan kung paano kayo naging compatible ng masungit mong boyfriend. Parang laging may dalaw tuwing bibisita ako. Buti nga binibisita ko pa siya, eh. Tss."

Napatingin ako sa paligid. Walang masyadong tao rito sa library. Mahina din naman ang mga boses namin pero hindi kasi ako sanay na pag-usapan si Cyfer sa publikong lugar.

Nginitian ko na lamang si Ren. "Salamat talaga, Ren. Sa lahat ng tulong mo."

"May bayad 'yon." ngumisi itong muli. "Wala ng libre sa panahon ngayon."

"Alam ko." mahina kong tugon. "I'm keeping my word. Keep yours."

"No problem. As long as you stick with our plan."

At kung ano yung planong sinasabi niya, saming dalawa na lang 'yon.

"Pakibigay naman 'to sa kanya." ibinigay ko kay Ren ang tatlong notebook ko. "Malapit na ang exam. Notes iyan para makahabol siya sa mga lessons."

Napapailing si Ren. "Grabe. Ang swerte naman nung batong iyon."

I chuckled. "Sige na. Mauuna na akong bumaba. Naghihintay na si Rhea sa akin."

Tumango ito at nag-salute. Tinungo ko na ang pinto palabas ng library.

CYFER POV

"Kawawa ka naman, dude. Parang kailan lang nag-uusap tayo tungkol sa banda. Tapos biglang nandito ka na sa ospital." sabi ni Joey.

"And you look hell. Mas pogi na ako sayo." si Rush naman ang bumanat.

Hindi ko alam kung paano nalaman ng dalawang 'to na nandito ako sa ospital. Stalker ko ata sila. Tss.

Tinatapunan ko lamang sila ng matalas na tingin para manahimik na sila. Si Joey nakakahalatang hindi ko gusto ang presensya nila dahil agad itong tumahimik. Pero si Rush ay parang inahing putak ng putak. Walang tigil. Nakakairita. Kung wala lang dextrose na nakatusok sa akin, ako mismo ang magtatapon sa kanila palabas ng kwarto ko.

"Anong ginagawa niyo dito?" malamig kong tanong sa dalawa. Hindi ko sila tinatapunan ng tingin. Joey cleared his throat. Bago pa makapagsalita ito ay nauna na si Rush.

"Ano pa? Eh, di dinadalaw ka! Obvious naman , di ba?" sarcastic nitong sagot. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Naghahanap ng isasalpak sa bunganga ni Rush.

"Tumawag kami sayo kahapon pero iba ang sumagot. Lalaki. Sabi tulog ka raw at nagpapahinga-"

"Muntik na kaming mawalan ng tiwala sayo, 'tol. Akala namin bading ka- aray!" binatukan ni Joey si Rush.

"Manahimik ka nga!" sigaw ni Joey sa pinsan.

Ibinaling ko aking ang tingin kay Rush. Pinapatay ko siya gamit ang tingin. Napalunok ito.

"Gusto mong mamatay? Idederetso na kita sa morgue tutal naman nasa ospital tayo."

Namutla ito at biglang napatayo. Hindi malaman kung naiihi o ano.

"A-ahm. . .J-joey, hintay na lang kita sa labas, ah? G-ge! Bye!"

Kumaripas ito palabas ng kwarto.

Tss. Salamat at umalis na rin. Sindak lang pala ang gusto. Lumingon ako kay Joey.

Mukhang nasindak din dahil namutla rin ito at nakanga-nga.

"Ahm, b-babalik na lang kami-"

"Sinong nakausap mo? Kailan 'yon?" wala sa loob kong tanong.

"H-hindi ko alam, eh. Hindi naman nagsabi ng pangalan. Baka kuya mo? Teka, m-may kuya ka ba?"

"Wala kang pakialam." I snapped at him.

Napayuko naman si Joey. "S-sorry, dude. Natanong ko lang. Lalaki kasi nakasagot ng tawag namin kahapon."

Kahapon?

"Anong oras?"

"Six? Seven pm? Hindi ko na matandaan. Basta gabi 'yon."

Napamura ako. Tulog nga ako ng ganoong oras kagabi. Alam ko na kung sino. Pakialamero talaga yung Delgado na 'yon kahit kailan!

Pati ba naman tawag ng iba, sinasagot!

"Itatanong lang sana namin kung kailan ang libreng oras mo para makapag-gig tayo. Pero tingin ko, sa lagay mo ngayon, wala ka sa kondisyon para tumugtog at kumanta."

Buti pa 'tong si Joey may pang-unawa at marunong makaintindi ng sitwasyon. Si Rush nakakasira lang ng araw,eh.

"So, ahm, babalik na lang kami."

"Uuwi na ako bukas." patamad kong sinabi.

"Hindi niyo na ako kailangang dalawin ulit."

Saglit na natigilan si Joey ngunit agad namang ngumiti. "That's good. Ibig sabihin hindi malala ang lagay mo. Ang OA kasi ni Rush. Akala mamamatay ka na nung nalamang nasa ospital ka." napangiwi ito ng mabanggit ang pinsan. "Pagpasensyahan mo na lang ang isang iyon. May pagka-saltik talaga pero normal naman yun minsan."

Yeah, minsan. Once in a blue moon. Tss.

Nang magpaalam si Joey ay nakahinga ako ng maluwag. Makakapagpahinga na rin ako sa wakas.

Pero mali na naman ako.

Dahil bumukas ulit ang pinto at sumungaw si Ren.

Agad na nag-init ang ulo. Hindi ba matatapos ang eksena ng mga peste? Nakakabwisit na talaga, eh.

"Sinong nagsabi sayo na pwede mong pakialaman ang cellphone ko?" hindi pa siya tuluyang nakakapasok, nagsalita na ako.

Nang isarado niya ang pinto at lumapit ay lalo akong nainis. Manhid ba 'tong isang 'to o makapal lang talaga ang mukha?

"Maingay kaya ko sinagot. Bakit? Dinalaw ka na ba ng mga kaibigan mo?"

"Likas ka talagang pakialamero."

Sumandal ako sa headboard at humalukipkip.

"Well, that's me."

Tss. Proud pa siya sa ugali niyang iyon? Pathetic.

"Ano na namang kailangan mo?"

"Can't you just be thankful na may dumadalaw pa sayo?" patamad nitong sabi.

"I don't need a company."

"Who says it's fun being with you anyway?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Sinasalubong niya lamang iyon at tila balewala sa kanya. Kakaiba ang isang 'to. Hindi kagaya ni Rush at Joey na madaling sindakin. Si Rush nakakainis ang kaingayan pero si Ren walang ginagawa pero nakakainis ang presensya.

"Pwede ka na lumabas bukas." umupo ito sa stool. Kinuha ang apple na nasa side table at kinagatan. That's my freaking apple!

"Where's the bill? And who gave you the permission to eat my apple?"

"I don't need your permission. I'm hungry and you have nothing to with it." kumagat ulit ito sa mansanas na tila nang-aasar pa. Kinuha ko ang isa pang mansanas sa side table. Ibabato ko 'to sa pagmumukha niya pag napikon na ako.

"Anne handles your discharge papers. So, siya ang nagbayad ng bill."

What the fudge.

"She said you're one of her closest friend. Sa kanila namang ospital 'to kaya no problemo. Isang pitik niya, ayos na ang papeles mo."

Tila sasakit ang ulo ko sa pinagsasabi ng lalaking 'to. Unang-una, I can pay my hospital bills. Hindi ako dukha for goodness sake! At ayokong magmukhang charity. Pangalawa, hindi kaya ng pride ko na girlfriend ko ang magbabayad ng bills ko. Damn it! Pangatlo, one of the main reasons kung bakit ayoko na magtagal dito ay dahil alam kong kila Anne ang ospital na 'to. Sa dinami-dami naman kasi ng ospital sa Pilipinas, dito ako dinala ng pakialamerong 'to.

"Kung ano man ang iniisip mo, huwag mong gawing big deal. Anne wants to help you. Hayaan mo siya kung iyon ang gusto niyang gawin. She thinks na doon siya makakabawi dahil hindi ka niya magawang dalawin dito ng madalas. Alam naman natin pareho kung bakit."

Umiwas ako ng tingin. Malaking risk kung dadalaw dito si Anne.

Maraming nakakakilala sa kanya rito. Isang tawag lamang at ma-iinform agad ang ama niya.

Iyon ang iniiwasan naming mangyari sa ngayon.

"Hindi ka pa ba pwedeng umalis?"

"Pinapaalis mo na ako?"

"Isn't obvious? You're a pest." inis kong wika.

"Well, this pest likes pissing you off. I won't leave unless I find you boring enough. For now, I'm entertaining myself and I'm not done eating my apple."

"That's my fucking apple. Inagaw mo lang."

He shook his head. "Cursing is bad. Anghel pa naman ang girlfriend mo. Old habits is hard to die, eh?"

"I want you to die first." asik ko.

Natawa ito ng malas. "Sorry, masamang damo ako."

"Buti alam mo."

Katahimikan. Akala ko ay aalis na siya pero nagsalita siyang muli.

At hindi ko inaasahan ang kanyang sinabi.

"So, you're a De Vera."

Marahas akong napalingon sa kanya. Bakas sa mukha ko ang pagkagulat.

"How did you-" I stopped in mid sentence. Did Attorney Delgado tell him? Pero nangako ito na hindi nito sasabihin. . .

"He did not tell me."

Naputol ang mga hinala ko. Nagpatuloy siya. "My father would never tell me anything about you."

Tumiim ang bagang ko. So, how did he found out? Hinulaan niya lang? Tss.

"I saw the papers you've signed. Hindi ko alam kung para saan 'yon at hindi ko na inalam kung ano pero nabasa ko yung pinakaimportanteng detalye."

"Sagad sa buto ang pagiging pakialamero mo."

"Aksidente ko lang na nabuksan ang envelope. Hindi ko alam na sayo 'yon." paliwanag niya pa. Umismid ako.

"Talaga lang, ha? Sigurado naman akong bubuksan mo pa din kung alam mong sa akin ang mga papeles na 'yon."

He shrugged his shoulders. "I won't deny it."

"Umalis ka na." malamig kong sabi. Hindi ko na siya muling nilingon.

Narinig ko ang pagtayo niya mula sa upuan. "Don't worry. Your secret is safe with me."

Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya pero nakahinga ako ng maluwag pagtapos niyang sabihin iyon.

"And here." hinagis niya sa akin ang tatlong notebook. May pangalan iyon ni Anne.

"Pinapabigay ng girlfriend mo. Malapit na raw kasi ang exam. Tsk. You are one lucky bastard."

Iyon lamang ang sinabi niya at tuluyan ng umalis.

Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na ngumingiti.

Anne will always be Anne. Thoughtful masyado.

Ren is right. I'm one lucky bastard.

-

Nakalabas na ako ng ospital. Na-miss ko ang bahay ko. Finally.

Dahan-dahan akong nahiga sa kama ko.

Gumagaling na ang mga pasa ko at hindi na rin masyadong halata ang mga iyon. Paminsan-minsan na lamang kumikirot.

Nagtaxi lamang ako. May klase pa rin sila Anne ngayon dahil hindi pa naman hapon.

Sinusubukan kong habulin ang mga lessons na na-missed ko. Medyo marami iyon. Inumpisahan kong magbasa-basa kagabi. Kung ako lamang ang masusunod ay wala akong pakialam sa grade na makuha ko. Pero ayokong sayangin ang effort ni Anne sa pagkopya ng mga notes para sa akin kaya nag-aaral ako.

Gusto ko na pumasok. Hinihintay ko lang mawala ang pasa ko sa bibig. Hindi na masyadong kita yung sa pisngi. Tatapusin ko lamang ang linggong ito.

Next monday ay papasok na rin ako.

I don't miss school. I just want to see Anne.

Tingin ko naman hindi na threat si Ren Delgado sa relasyon namin.

Binalita sa akin ni Anne na na-expell sila Geo. Nung una, hindi pa ako naniniwala. Hindi ko akalain na aabot sa ganoong desisyon ang admin.

Nakadalaw ang admin sa ospital sa pangatlong araw ko roon. Si Ren ang nagsabi sa admin. Pakialamero nga. Lahat na lang.

Pinagpaliwanag ako ng admin. Konti lamang ang nasabi ko. Ayaw kong magdetalye nung araw na 'yon. Si Ren naman ang nagsilbing witness. Napaisip ako. Sa tingin ko may ginawa si Ren par umabot sa expulsion ang parusa nila Geo. Knowing that guy, hindi malabong nakialam iyon sa pagdedesisyon.

Konting araw na lang. Magkikita na ulit kami ni Anne. Wala namang palya ang komunikasyon namin sa tawag at text. Sa tingin ko pwede na ulit kami magkita sa rooftop.

Kaya lamang kami natigil sa pagpunta doon ay dahil kay Ren. Ngayong wala na kaming problema sa kanya, I guess hindi na masyadong risky.

Lalo na at mukhang kakampi na namin siya. Not that I really wanted him to support us anyway. Ayoko lamang ng sagabal.

Nakatanggap ako ng tawag mula kay Attorney. Hindi niya alam na naospital ako. Ilang beses raw niya akong pinuntahan sa bahay ko pero laging walang tao. Wala akong balak sabihin sa kanya kung ano ang nangyari. Pinagpapasalamat ko na lang rin na hindi nagkwento si Ren sa kanyang ama.

I guess I have to trust that guy. Tutal naman ay marami siyang naitulong sa akin. . .sa amin ni Anne.

Hindi ko akalain na darating ako sa ganitong punto. Yung tipong mararamdaman ko na may mga taong concern sa akin. Handang tumulong ng walang kapalit.

Anne is always there for me.

Ren is keeping my secret.

Isama pa si Joey at Rush na kahit panggulo lamang ay nag-aabala pa ring puntahan ako at kamustahin.

Ito yung atensyon na dati ko pa gustong makuha. Yung hindi na kailangan pang hingiin. Yung isang tingin lamang, isang tawag, kusang lalapit.

I failed to get this attention to my family.

Yung mga taong inakala kong tutulong sa akin pag nadapa ako ay yung mga taong nagtulak sa akin sa putik.

Don't go there, Cyfer. . .

Bumalik na lamang ako sa pagbabasa ng notes kaysa sa pag-iisip ng kung anu-ano.

-

Halata sa ang pagkagulat sa mukha ng mga kapwa ko estudyante nang makita nila akong naglalakad sa corridor ng academy. Kung bakit ganyan ang reaksyon nila, hindi ko alam at wala akong balak alamin.

Tuloy-tuloy lamang akong naglakad patungo sa elevator. Hindi ko pinansin ang bulungan ng mga taong nakasabay ko. Ngunit rinig ko ang sinabi ng ilan sa kanila.

"Akala ko ba na-expell rin siya?"

"Oo nga. Akala ko rin. Baka talagang absent lang siya?"

"Siguro. Saka hindi naman siya kasali sa grupo nila Geo, right?"

"Ah, basta! Nakakapagtaka ang mga nangyayari sa academy."

Iyon ang mga narinig ko bago bumukas ang pintuan ng elevator at lumabas na sila. Ako na lamang ang natira. Pinindot ko ang button papuntang fourth floor.

Napabuntong hininga ako. Trending topic pa rin pala ang expulsion kina Geo.

Mukhang walang alam ang mga kapwa ko estudyante sa totong nangyari. Marahil iyon ang pasya ng admin.

Hindi nga naman ikakaganda sa imahe ng AAA ang nangyari. Pero sa tingin ko ay mabubulgar rin ang katotohanan. Hindi nila matatago ng matagal ang totoong dahilan ng expulsion nila Geo lalo na at maraming kapit ang barkada nito.

Pagpasok ko sa room, natigilan ang lahat ng tao sa loob naman. Kagaya nung nangyari sa corridor, tila hindi sila makapaniwala na nasa harap nila ako ngayon. Para silang nakakita ng multo. Muli na naman akong nakarinig ng bulungan. I want to roll my eyes. Bulungan pero naririnig ko naman. Nakita ko si Anne na nakatingin sa akin. Gustuhin ko man natitigan siya ng matagal ay hindi ko magawa. Pero bago ako nagbawi ng tingin ay nakita ko na ang saya sa mga mata niya. Muntik na akong mapangiti. Nakita ko rin si Ren Delgado ngunit hindi kagaya ng ibang kaklase namin, wala siyang pakialam sa presensya ko. Nagbabasa siya ng Divergent at nakataas pa ang paa sa upuan ko.

Balewala akong pumunta sa upuan ko at hinila iyon. Nalaglag ang paa niya ngunit mukhang inaasahan na niya ang ginawa ko.

Narinig ko ang pagsinghap ng ilan. Mukhang big deal na naman ang bawat kilos ko sa kanila.

Ren glanced at me. I thought he would be pissed but he was not. He even smirked at me devilishly. Ako tuloy ang nakaramdam ng inis. Nang-aasar na naman si gago.

Nagbawi ako n tingin at umupo. Pinapakiramdam ko si Anne na nasa tabi ko lamang. Kinakausap siya ni Rhea.

Ngayon ko lang ulit siya nakita. Hindi na kasi siya nakakapunta ng bahay kahit inaaya ko siya. Mukhang busy pa rin siya hanggang ngayon. Pero kahit gano'n, hindi naman niya ako kinakaligtaang i-text o tawagan.

May usapan kami ngayon. Break time, pupunta kami sa rooftop. Pero bago iyon ay may long quiz kami sa dalawang magkasunod na subject.

Hay, monday. Nakakairita.

Kinuha ko ang notebook ko sa bag at nagsimulang magbasa. Hindi ko na binigyang pansin ang wirdong tingin ng mga kaklase ko.

-

Tatawa-tawa si Anne habang hinahabol ko siya. Nandito kami sa rooftop. Breaktime na. Hindi na kami kumain. Mas pinili naming maglaro. Para kaming mga batang paslit na naghahabulan.

Ideya niya 'to. Ang makipaglaro sa akin. Syempre, pumayag ako. Sino ba namang lalaki ang makakatanggi kung mahal niya ang girlfriend niya?

Natatawa ako dahil ang bilis niyang tumakbo at nakakatakas siya agad pag nahahablot ko na siya. Nag-e-enjoy ako. Ba't kaya hindi namin 'to naisipang gawin noon pa?

"Ang bagal mo naman, eh!" sigaw ni Anne na nasa kabilang dulo at marahang tumatawa.

Napahawak ako sandali sa magkabilang tuhod ko. Humihingal pero nakangiti pa rin sa kanya. "Wait. Pagod na ako, eh!"

Lalo siyang natawa. "Come on, keep going!"

"Sabi mo, eh." ngumisi ako at matuling tumakbo para habulin siya. Napasigaw siya at tumakbo palayo. Agad kong hinablot ang bewang niya nang makalapit ako. She shrieked. Pumiglas ulit siya ngunit hinigpitan ko ang yakap ko sa bewang niya.

Parehas kami napaupo sa semento habang tatawa-tawa.

"Napagod ako do'n, ah! Ang bilis mo tumakbo." reklamo ko ngunit nanatili ang ngiti sa aking labi. I kissed her nape. "Sa payat mong 'yan, matulin ka pa sa akin."

Humarap siya sa akin na malawak rin pang pagkakangiti. Pinagmasdan niya sandali ang mukha ko pagtapos ay may kinuha sa siya sa kanyang bulsa.

Panyo.

Pinunasan niya ang pawis sa mukha at leeg ko.

Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha rin ang aking panyo pagtapos ay siya naman ang pinunasan ko.

"Ang baho na natin. Amoy pawis na tayo." nakangusong sabi niya.

I smirked. "Hindi kaya." hinablot ko siyang muli at mahigpit na niyakap. Ibinaon ko ang mukha ko sa leeg niya at pinanggigilan siya. "Amoy baby ka nga, eh!"

Natawa siya. Hinampas niya ang braso ko. "Baby ka dyan!"

Totoo naman, eh. Amoy baby siya. Mabango pa rin kahit pinagpapawisan.

"Congrats kanina." sabi niya. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya sa mata

.

"Congrats saan?"

"Na-perfect mo yung dalawang long quiz natin. Dinaig mo pa kami samantalang one week kang absent."

"Anong magagawa ko? I'm inspired because of you." inipit ko ang ilang hibla ng buhok na sumasaboy sa mukha niya. Mahangin kasi dito sa rooftop.

Hindi nakatali ang buhok niya ngayon kaya naman hinahangin iyon. Maganda talaga siya. Nakakabighani. Hindi nakakasawang tignan. Nakakaadik pagmasdan. Habang patagal ng patagal ang pagtitig ko sa kanya, pakiramdam ko nalulunod ako at hindi na makakawala sa mga inosenteng mata niya.

At pag ngumiti pa siya, damn. Wala na. Baon na baon na ako sa kanya.

"Matutunaw na ako sa titig mo." tumayo na siya. Hinila niya ang kamay ko. Agad rin akong tumango. "Gawin natin yung assignment na hindi mo alam. Tutulungan kita."

"Huwag na. Okay lang na ma-zero ako-"

"No." she said with conviction. "Sayang yung points. Tutulungan naman kita, eh."

"Hindi ako kokopya sayo-"

Pinitik niya ng mahina ang ilong ko. "Sino namang nagsabi na papakopyahin kita? Ang sabi ko, tuturuan kita kung paano gawin pero hindi kita papakopyahin. Magkaiba iyon, okay?" natatawang paliwanag niya. Hindi na ako makatanggi. She's the boss here. Okay lang naman talaga sa akin na walang maipasa. Hindi naman ako yung tipong masipag gumawa ng assignment.

Inaamin ko, tamad akong mag-aral pero hindi ako bobo o mangmang. May utak ako pero hindi ko ginagamit. Hindi sa pagmamayabang pero nung nag-e-excell ako nung bata ako. Akala ko kasi pag nag-aral ako ng mabuti, bibigyan ako ng atensyon ng mga taong mahalaga sa akin. Hanggang sa nagsawa akong mag-effort dahil wala rin namang nangyayari. Nagsasayang lang ako ng oras sa pagbabasa, pagrereview at pag-a-advance ng lesson. So, ito ang kinalabasan. Katamaran.

Sa dalawang taon kong pag-aaral rito sa AAA, marami akong line of 7 dahil sa pag-absent. Ngayong 4th year lamang ako tumino-tino. Alam na kung bakit at kung sino ang dahilan.

Natapos ko ang paggawa ng homework. Sakto, tapos na rin ang breaktime. Kakatunog lamang ng bell.

Narinig namin ang pagkatok sa pintuan na ini-lock ko kanina. Ako ang nagbukas no'n. Si Ren.

"Hindi pa ba kayo tapos maglandian?"

Narinig iyon ni Anne at nakita ko siyang namula. Nangati bigla ang kamao ko. Parang gustong lumipad sa pagmumukha ni Delgado.

Agad na lumapit si Anne kay Ren.

Ito kasi ang usapan. Sila ang sabay na pupunta sa room. Susunod na lamang ako.

Hindi maipinta ang mukha ni Ren. Tss. Buti nga sayo.

Pwede naman itong tumanggi nang pakiusapan ito ni Anne kanina pero hindi nito ginawa. Infairness, he's trying to support us in the best way he can.

Bago pa sila makababa ay bumulong ako ng "thank you" kay Ren.

Natigilan silang dalawa ni Anne. Unang nakabawi si Anne at nginitian kaming dalawa ni Ren. Tumango si Ren at nagsalita.

"You owe me big time, devil."

Ngumisi na lamang ako.

Nakababa na sila pero hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko. Nilibot ko ng tingin ang rooftop. Inaalala ang mga ginawa namin ni Anne kanina. Masaya. Nag-enjoy ako ng sobra dahil hindi ko nagawang makipaghabulan dati noong bata pa lamang ako. Pinaranas sa akin ni Anne ang mga nakalitaan kong maranasan nung bata ako.

Maybe it's not really too late for me.

Marahan akong natawa.

Para akong baliw. I don't mind being crazy right now.

As long as I'm happy with her, I wouldn't mind.

-

Agad na nag-text sa akin si Anne na nasa bahay na siya. Sinabihan ako na umuwi agad pagtapos naming mag-usap ng admin tungkol sa kaso nila Geo. Case closed na iyon pero kung may aksyon pa akong gustong gawin, susuportahan raw nila ako. Ngunit wala na akong balak na sumabak sa gulo. Na-expell na sila. Hindi ko na sila hahabulin pa.

Paalis pa lamang ako ng academy. Nag-reply muna ako kay Anne bago sumakay sa motor ko at pinaandar iyon.

Mabilis akong nakarating ng bahay. Nagtaka ako nang makitang bukas na naman ang gate ko. Napansin ko rin ang kotseng nakaparada sa tapat no'n.

Agad na binundol ng kaba ang dibdib ko.

Shit. Nag-alangan akong pumasok. Parang itinulos ako sa kinatatayuan ko.

Don't tell me. . .

Nakita kong bumukas ang pintuan at sumungaw ang taong hindi ko gustong makita. Not in a million years.

Damn it!

What is he doing here?!

>>next update

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112