HTLAB - Chapter 3
ANNE POV
3 days ko na syang di nakikita.
Nakakamiss ang presensya nya.
Ang bagal ng paglipas ng mga araw kapag wala sya. Ang boring.
Sana pumasok na sya ngayon.
Narinig ko na ang pagtunog ng bell. Last warning na pero nanatili akong nakatayo sa gate.
. . .please, dumating sana sya. . .
Then, I saw him.
Gulo-gulo pa ang buhok at kusot pa ang polo. Hindi pa nga nya nasusuot ang coat nya.
Nag-iba na naman ang pakiramdam ko.
Yung puso ko, ayun na. Parang nakikipaghabulan, nagpapaunahan sa pagtibok.
Sya lang ang nakakagawa nito.
Kapag nakakaramdam ako ng gantong feeling,sumasaya ako.
Kumunot ang noo nya ng makita ako.
Huminto sya ilang pulgada mula sa kinaroroonan ko.
Time stops as our eyes locked staring to each other. It was magical.
"bakit andito ka pa?" the magic moment was gone as I feel the coldness in his voice.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Inabot ang ilang notebooks na hawak ko.
"ano yan?"
"n-notes. May long quiz sa physics mamaya. Pati sa Eco. Madami kang na-miss na lesson. A-andyan lahat."
Naisipan kong ipahiram ang notes ko sa kanya para kahit papano, may maisagot sya sa quiz mamaya. Isa yon sa mga dahilan kung bakit hinintay ko sya.
Nangangalay na ang kamay ko pero hindi nya pa din kinukuha ang notebook. He sighed iritatedly pagtapos kinuha na nya ang mga iyon.
Lihim akong napangiti.
Nauna syang naglakad sa akin. Sumusunod lang ako sa kanya.
Ang saya. . .
Hindi ko maipalawanag kung bakit pero alam kong masaya ako ngayon.
"aww!" bumangga ako sa likod nya. Hindi ko namalayang huminto pala sya. "s-sorry."
"Mr.Madrigal and Ms.Martin,go to my office now." nasa harap na pala namin ang disciplinarin officer.
Napatingin ako kay Cyfer. Parang wala lang sa kanya. Samantalang ako, kinakabahan na.
Medyo malas pa din ata ako. Ayos lang,kasama ko naman si Cy.
-
Na-hold kami ni Cy sa detention area kasama ng mga late comers.
First time kong mapunta dito. I mean, hindi naman kasi ako nalelate.
Karamihan ng estudyante na nalate, lalaki. Tatlo nga lang babae, kasama na ako don.
Magkatabi kami ni Cyfer. Prenteng-prente pa ang upo nya habang binabasa ang mga notes na pinahiram ko. Hindi naman ako mapakali dahil kung makatingin saken ang ibang estudyante, para akong notorious criminal.
I bet iniisip nila kung bakit ako nandito ngayon o kaya naman bakit magkatabi kami ni Cyfer.
"bouyancy force. Kulang ang formula." nagulat ang lahat ng magsalita si Cy.
"h-ha?"
"kulang ang notes mo." pinakita nya saken ang notebook. Kulang nga ang formula na nalagay ko.
"i-di-dictate ko na lang,pwede?"
"go ahead."
"bouyant force is equal to the density of fluid multiplied by the volume of the fluid displaced and to the acceleration due to gravity. Also equals to the loss weight of object in air or immersed in fluid. . ."
Parang naging instant tutor ako ni Cy. Alam kong madaming nakatingin samen pero pinipilit kong wag bigyan pansin.
Natutuwa naman ako dahil nakikinig sya. Hindi sya yung tipong madaming tanong. Sana nga lang naintindihan nya ang mga pinagsasasabi ko.
Lumipas ang isang oras. Makakaalis na kami sa detention area.
Ibinalik nya na din saken ang notes ko.
"tapos ka na?"
Hindi sya sumagot at naunang maglakad. Nasasanay naman na ako na hindi talaga sya umiimik.
"close kayo?"
Nagulat pa ako ng biglang sumabay sa paglalakad ko. Isa sa mga babaeng na-late din.
"h-hindi."
"bakit kayo nag-uusap?"
"masama ba?"
"di ba ikaw si Annielle Martin? "
Tumango ako.
"bakit mo sya kinakausap?"
Naiirita na ako sa babae pero hindi ko ipinahahalata.
"classmate ko sya."
"hindi mo ba alam ang tsismis tungkol sa kanya? Druglord daw ang tatay nya. Ang balita ko pa, bastardo sya. May ibang nagsasabi na ampon lang daw sya. Hindi ko alam kung alin don ang totoo."
"excuse me. Malelate na ako sa second subject ko." malamig na sabi ko sa babae. Hindi ko na sya nilingon at tuluy-tuloy na lang sa paglalakad.
Matagal ko ng naririnig ang mga usapan tungkol kay Cy. Ang laging gumugulo lang sa isip ko,bakit kailangang maging basehan yon para tratuhin nila ng maayos si Cyfer?
Hindi naman nila alam ang totoo. Pareparehas lang kaming walang alam.
Kung totoo man yon, dapat nirerespeto pa din nila ang tao. Kasalanan ba ni Cy ang mga bagay na yon? Hindi naman di ba? Wala syang kasalanan.
Pagpasok ko sa room, ibinigay ko ang slip ko kay Ma'am Gomez. Maski sya nagtaka kung bakit ako late.
Pagkaupo ko palang, tinadtad na ako ng tanong ni Rei.
"bakit ka late?"
"na-late ako ng gising." pagsisinungaling ko.
Tumitig sya saken na may kasamang pagdududa pero hindi na nagsalita pa.
Ilang sandali pa, nagsimula na ang quiz namin sa physics.
-
"yung totoo,Anne. Bakit ka-late kanina?"
"ang kulit naman ni Rei,oh."
"ikaw malelate?! Simula ng makilala kita,hindi ka pa nalelate eh!"
"wag ka ngang OA. Nagreview ako, madaling-araw na ako natulog. Hindi ka pa din ba maniniwala?"
"tigilan mo nga ako ha. Ilang araw ka ng weird."
"hayaan mo na nga ako sa kaweirdohan ko."
"so,may tinatago ka nga saken?"
"wala ah!"
"wee? Share mo na!"
"wala akong ise-share sayo dahil wala naman akong tinatago."
"sure?"
"tara na. Malelate na tayo sa P.E."
Sinara ko ang locker ko pagtapos kong magpalit.
May basketball game ang girls ng section namin kalaban ang girls ng section 1. Ganun din naman ang mga lalaki.
Pagdating namin sa court nag-wa-warm up na sila. Sumabay na kami ni Rei.
After a few minutes, nag-start na ang game.
Hindi naman ako kasali sa first five kaya nanunuod lang muna ako. Hindi ako magaling sa sports. Masgusto ko pa ngang magkaroon ng sangkaterbang quiz kesa mag-PE. Lampa kasi ako pagdating sa physical games.
Nanunuod lang din ang mga lalaki. Nag-chi-cheer ang iba. Sa pinakadulo ng bench, nag-iisang nakaupo si Cyfer.
Pag naglaro sya mamaya, i-chi-cheer ko sya.
Nang ipasok ako sa game, nakakahiya mang sabihin, natambakan kami. Minsan na nga lang tumira ng bola,puro sablay pa. Naaagawan din ako. Masyadong pisikal ang section 1, di ako magtataka kung puro pasa ako pagtapos ng game.
Bumalik ako ng bench na laglag ang balikat. Hayst. Sana written quiz o essay na lang ang PE, baka sakaling makabawi ako.
Ang resulta : Talo kami.
"sorry,coach. Kasalanan ko po."
"it's just a game, Ms.Martin."
"oo nga,Anne."
Sunud-sunod na nagsitango ang mga classmate namin.
Mga lalaki na ang susunod na maglalaro.
Pumasok na ang first five ng section 1. Si Geo at ang mga kabarkada nya! Napaungol ako ng lihim. Matatalo na naman ata kami. Mga varsity player ang mga yan,eh.
"Legazpi, de Jesus, Agustin , Velasco at Madrigal. Kayo ang first five." sabi ng coach namin .
Natahimik ang lahat ng mabanggit ang surname ni Cyfer.
Tumayo mula sa bench si Cyfer at nauna sa court.
Lalo akong natakot. Sila Geo ang kalaban nya. Baka magkaroon ng part 2 ang suntukan nila.
Pansin kong naiilang din ang mga kaklase kong lalaki.
Bakit ba kailangang maging ganyan sila kay Cyfer?
Nagsimula ang game. Pisikalan na agad.
Sa amin ang bola, pero mabilis na naagaw ni Geo. Sa section 1 napunta ang unang puntos.
Lumalamang ng lumalamang ang section 1.Okay lang sana saken pero nung nakita kong sadyang siniko ni Geo si Cy sa mukha at muntik ng matumba si Cy, napatayo ako at napasinghap, ganun din ang reaksyon ng mga classmates ko.
Ramdam namin ang pagtaas ng tensyon.
Tumayo si Cyfer at tinapunan ng masamang tingin si Geo. Nakangisi lang ito ng nakakaloko.
Nagpatuloy ang laban.
Hindi ko na napigilang sumigaw.
"Madrigal! Galingan mo naman!" napatingin silang lahat.
. . .go,Anne. Wag kang mahiya. . .
Napatingin din sya saken.
"Go Cyfer! Go Sean! Go Ryan! Go Chris! Go Mike! Go Section 2!" kinalimutan ko na ang hiya. Kahit ito man lang ang pambawi ko sa pagkatalo namin kanina.
Hanggang sa naki-cheer na din ang iba kong classmates.
They are cheering for him too!
Sana manalo kami.
Naging agressive ang team namin. Cyfer got the ball and shoot in perimeter. Then, he steal the ball from the opponent team and shoot in three point area. Napanga-nga ang lahat sa ginawa nya. Nag-time out ng wala sa oras ang kabilang section. Tuwang-tuwa naman kami. Konting points na lang ang hahabulin namin.
Nakita kong lumapit ang mga kakampi ni Cy at tinapik sya sa balikat.Natutuwa ako para sa kanya.
Tapos nagkatinginan na naman kaming dalawa. I smiled at him. He didn't smile back but there is something in his eyes , a flicker of emotion? I don't know. Siguro guni-guni ko lang.
Laban na ulit. Geo and his team are playing dirty. Napapansin kong sinasadya nila ang saktan ang team namin.
After some minutes, kami na ang lamang. Thanks to Cyfer. Tinadtad nya ng tres ang kalaban namin.
Tumunog ang buzzer, nagsitakbuhan kami sa court ng manalo kami. Nagkaroon ng group hug.
Pakapalan na 'to ng mukha. Si Cy ang nilapitan ko at niyakap. Hindi naman siguro mapapansin di ba? Madami naman kami,eh.
Pero may naramdaman akong yumakap din saken. Napatingala ako. I saw him looking down at me.
Yung mga braso nya nasa bewang ko.
Gosh.
He hugged me back!
Naging abnormal na naman ang pagtibok ng puso ko.
Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nya.
Kaninong tibok ba ng puso ang naririnig ko?
Akin ba 'to o kay Cyfer?
>>next update
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top