HTLAB - Chapter 29

 

ANNE POV

"Miss Anne, may bisita po kayo sa baba." sabi ni Marjories, ang pinakabatang katulong namin dito sa bahay.

Natigil ako sa pagbabasa ng libro. Napatingin ako sa orasan. 8:30 ng umaga. Sino namang magiging bisita kayo sa ganito kaagang oras?

"Si Rhea ba, Marj?"

"Hindi po. Lalaki. Hindi ko po kilala, eh."

Lalaki. . .

Ang unang pumasok sa isip ko ay Cyfer kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Itinago ko ang excitement ko at muling humarap sa katulong. "Salamat. Pakisabi baba na ako."

"Sige po." Ngumiti ang katulong at yumuko.

Agad akong bumangon sa pagkakasalampak sa kama at nag-ayos. Maaga akong nagising ngayong araw pero pinili kong huwag bumangon sa kama at magbasa na lamang. Lalabas lamang ako ng kwarto kapag nakaramdam ako ng gutom o kapag tumawag na sila Daddy sa videophone.

Hindi nawala sa isip ko kung sino ang bisita. I keep on guessing.

Sana siya. . . Sana siya. . .

Kinuha ko ang aking cellphone sa ilalim ng unan. Walang text galing kay Cy. Wala ring tawag.

I sighed.

Hindi siya nagtetext sa akin mula kahapon matapos kong ibigay ang scrapbook sa kanya. Nung tinawagan ko siya, nagri-ring naman ang phone niya. Wala nga lang sumasagot.

Ano kayang nangyari ro'n?

Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin bago nagpasyang bumaba.

"Nasa sala po siya, ma'am." bulong ni Marj nang makababa na ako ng hagdan. Agad akong nagtungo ro'n.

Nakaramdam ako ng disappointment nang makitang hindi si Cyfer ang bisita ko.

It's Ren.

"Hi. Good morning."

Nginitian ko siya kahit naiilang ako. Hindi ko na kasi pinapansin si Ren matapos ang engkwentro nila ni Cyfer. Maski sa academy ay madalang ko na siyang kibuin. At hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin ang mga sinabi niya sa akin. Kung bakit nandito siya ngayon ay wala akong katiting na ideya. Umupo ako sa sofa na malapit sa kanya.

"Ba't ka bumisita?" agad kong tanong.

"Sorry sa abala kung masyado akong maaga. Gusto ko sanang ayain ka lumabas."

Kumunot ang noo ko. Ayain na akong lumabas? "H-huh?"

Akma siyang sasagot ngunit natigil nang dumating ang katulong na max dalang tray na may lamang cookies, sandwiches at orange juice.

Nang makaalis na ang katulong ay ibinalik ko kay Ren ang atensyon ko. He cleared his throat and sighed heavily.

Bakit naman niya ako aayaing lumabas? Nagpunta siya dito ng ganito kaaga para lamang doon?

"You have to come with me."

Labis akong nagtaka ng mahimigan ko ang desperasyon sa boses niya. Is there something with him?

"Ren, sorry. I can't." I bit my lower lip. "My parents won't allow me to go anywhere at this moment."

Hindi ko masabing grounded ako. Huminga na lamang ako ng malalim at sumandal sa sofa. Natahimik naman ito at tila nag-iisip ng susunod na sasabihin.

"May problema ka ba, Ren?"

Nakuha kong muli ang atensyon niya. Lumingon siya sa akin. Tila gulong gulo ang pag-iisip nito. Hindi maipinta ang mukha at magkadikit ang mga kilay.

"Hindi ka talaga pwedeng umalis ngayong araw?" tanong pa niya.

Marahan akong umiling.

"Can I talk to Tito Daniel? Baka pwede kitang ipagpaalam." sabi pa nito. Nanlaki ang mata ko nang ma-realize ang gagawin niya.

"B-but ,Ren. . .You don't have to-"

"Please, Anne. This is really important. You have to come with me. Para sayo din 'to." putol nito sa aking sasabihin.

Bumalik ang pagtataka ko nang marinig ang huli nhyang sinabi.

"Teka, saan ba tayo pupunta?"

Nagbuntong hininga ito bago sumagot. "Saka ko na sasabihin sayo. Ang mahalaga, sumama ka."

"Look, Ren. . .Mukhang malabo kasi akong makasama, eh. The guards won't let me out. Utos ni Papa."

Sandali itong natigilan bago na-realize ang sitwasyon ko. "You are grounded?"

Nahihiya man ay tumango ako.

He muttered 'shit' under his breath. That made me winced. Why is he cursing?

"I'm sorry. Kung ano man ang pupuntahan natin, mukhang makalabong makasama ako sayo kahit gustuhin ko mang sumama."

"Wala bang ibang paraan? I-try nating magpaalam. Baka sakaling payagan ka."

Bakit ba masyadong ipinipilit ni Ren ang gusto niya. Nakaramdam ako ng inis at pagkairita ngunit hindi ko ipinahalata sa kanya. I don't want to act rudely.

"If you want to see him, you'll come with me." bulong nito. Ako naman ang natigilan. He became serious. Dead serious. "Call your parents ako na ang kakausap sa kanila."

Bumangon ang kaba sa dibdib ko. Si Cyfer ba ang pupuntahan namin?

"Did something happen, Ren?" tanong ko na pabulong rin. Lumingon lingon ako sa paligid. Wala mga katulong pero ayokong magbakasakali. Knowing our maids, they have triple ears.

"I'll tell you later. For now, lets call your parents para maipagpaalam kita."

Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na tumatango sa kanya. Agad kong kinuha ang phone ko at nag-overseas call kay Dad.

Please, pick it up. . .

Please. . . please. . . please. . .

I prayed silently na sana ay sagutin nila ang phone at payagan nila akong sumama kay Ren para makita ko na ulit si Cy.

Hindi na estranghero si Ren sa kanila because he used to be my childhood friend.

Magkakasabay kaming lumaki kasama si Rhea at dalawa pang kababata na sina Coby at Artemis Ramirez. Hindi nga lamang tumagal ang closeness namin. Isa pa, magkaibigan ang magulang niya at ang mga magulang ko.

Paniguradong magtataka sila Daddy at Mommy. Bahala na si Ren sa pag-a-alibi.

Pang-pitong ring na nang may nag-angat ng linya. Muntik na akong mapatalon sa tuwa.

"Anne?" boses ni Mommyy ang narinig ko sa kabilang linya.

"Yes, Mom. It's Anne."

"Ba't ka napatawag , hija?"

Sinulyapan ko si Ren na nakamasid sa akin at nakikinig.

"Uhm, Mom. Ren is here. . ." napakagat ako sa aking labi. Hindi ko alam kung paano magpapalusot. Hinihinga ni Ren ang phone pero sinenyasan ko siya na ako muna.

"Ren who?"

"Ren Delgado, Mommy. Do you still remember him?"

"Oh. Loren's only son. Of course, sweetie. Why is he there?"

"H-he. . .uhm. . .a-ano po-" agad na hinablot ni Ren ang phone sa kamay ko nang walang sabi-sabi.

Nabigla man ay hindi na ako nagprotesta.

"Tita, this is Ren."

Hinayaan ko siyang kausapin si Mommy. I crossed my fingers. I hope Mom is in the mood. Gusto kong makalabas ng bahay. Gusto kong makita si Cyfer.

Pinapakinggan ko ang mga sinasabi ni Ren. He said something about going to museum for our research. That we're partners and we should work on it together. Napapangiwi ako sa mga sinasabi niya. Is this really going to work?

"Yes, tita. Just for today. Kailangan lang po talaga. Hindi po kasi pwede bukas. Opo. I'll make sure bago sumapit ang hapon, naiuwi ko na siya."

Tumindi ang kaba na nararamdaman ko. Pinayagan ba ako o hindi? Sana, oo.

Nang i-abot ni Ren pabalik ang phone ko ay agad ko siyang tinanong.

"P-pumayag ba si Mommy?"

Tumango si Ren. "Yup. Pero ilang oras lang tayo ro'n. Siya na lang daw ang magpapaalam sayo kay tito."

"Thank you so much, Ren." sincere kong sabi. Ngumiti lamang siya.

Agad akong pumanhik sa kwarto ko para magpalit ng damit. Mabilis rin akong bumaba.

Pinatawag ko ang guard kay Mommy for confirmation. Nang masigurong pwede na kaming umalis, nagprisinta pa ang driver na ihatid kami. Buti na lamang at may dalang kotse si Ren kaya hindi kami nahirapang tumanggi.

Sa byahe, wala kaming imikan. Nakatingin lamang ako sa daan at si Ren naman ay naka-focus sa pagda-drive.

Nang mainip na ako ay saka ko lamang naitanong kung saan kami pupunta.

"Saan ko makikita si Cyfer?"

Matagal itong sumagot. "You'll see."

"May nangyari ba, Ren? Bakit mo nga pala ako tinutulungan para makita siya?"

"Because he needs you."

Cyfer needs me? Hindi malinaw ang mga sagot na ibinibigay ni Ren. Walang direct to the point. I'm starting to hate this. Parang masyadong pabitin. Ayoko ng masyadong pa-suspense.

Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita. "I want to know why are you doing this. We both know that Cy is not even your friend. Hindi rin kayo magkasundo. Di ba, nagpang-abot pa kayo last time? So, tell me. Ba't mo ginagawa ito?"

Punung-puno ng pagtataka ang utak ko. Wala kasi akong ideya o ni katiting na sagot mula sa kanya.

"Do you know Geo Eliste and his troups?"

Tumango ako. Mga taga-section 1 ang mga iyon. "What about him?"

"Binugbog nila si Cyfer kagabi."

"W-what?"

Pakiramdam ko ay may bombang sumabog sa paligid. Nabingi ako. Yung kabang

naramdaman ko kanina ay nauwi sa takot at sindak.

Binugbog nila Geo si Cyfer. . .

Bumalik ang isipan ko sa nakaraan. Naalala yung araw na nakita kong mag-isang binubugbog ni Geo at ang mga kabarkada nito si Cyfer. Apat laban sa isa. Pero nung araw na 'yon ay nakaya ni Cy na labanan silang lahat. Naipagtanggol niya ang sarili niya laban kina Geo.

But now, parang natatakot ako na malaman kung anong nangyari.

Napatingin ako sa daan. Pamilyar ang daan na ito. . .

"N-nasaan si Cyfer ngayon."

Please. Don't tell me na nandoon siya. Huwag dito. . .

"Nasa ospital niyo. Napuruhan siya kagabi." tiim-bagang na sagot ni Ren.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Kusang bumagsak ang luha ko.

Cyfer. . .

-

"Tahan na. Kanina ka pa umiiyak. Okay naman siya, eh." hinahagod ni Ren ang likod ko. Nasa kwarto na kami kung saan naka-confine si Cy. Tulog pa ito.

Napapikit ako ng mariin. Hindi ko kayang makita siya na ganito. Na walang malay at puro pasa ang mukha.

Halo-halo ang emosyon na nararamdaman. Awa at concern para kay Cyfer. Galit para kay Geo at sa mga kabarkada nito.

God. I can't bear to see him like this. Sa limang araw na hindi namin pagkikita, na-miss ko siya ng sobra. Pagtapos, ito pa ang bubungad sa akin ngayon.

Madayang kalaban si Geo. He didn't fight fair. Ba't kailangang bugbugin nila si Cy ng ganito kalala? That jerk!

"Alam mo ba ang dahilan kung bakit ginawa 'yan sa kanya ni Geo?" tanong ni Ren.

Naningkit ang mga mata ko. Pangalan palang ni Geo, nakakairita na pakinggan. Kung nasa harap ko lamang siya ngayon, I will slap him hard a hundred times. Hindi ko talaga

matanggap na dahil sa kababawan nito ay gagantihan ni Geo sa ganitong paraan si Cyfer.

"Nangyari na 'to dati. Nakita ko siyang binubugbog ng apat na lalaki kasama si Geo. But that time, lumaban si Cyfer. Napatumba niya yung apat. He's a good fighter. . ."

But seeing him now, na-realize ko na may kahinaan pa rin si Cyfer. Napuruhan siya. Hindi lahat ng makakalaban niya ay magagawa niyang patumbahan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mananalo siya. Gaano man siya kagaling sa pakikipaglaban sa suntukan, kung madaya ang mga kaharap niya, matatalo at matatalo siya.

"Nakita ko sila kagabi. Anim silang lahat. That bastard is a coward. Anim laban sa isa? Shit. Ba't kailangang magsama pa siya ng mga alipores niya?"

I smiled drily. "Because he can never beat Cy kung mag-isa siyang lalaban. And yes, that jerk is a coward. Hindi ko akalain na uulitin pa nila ulit ang pambubugbog kay Cyfer. I thought nadala na sila. Hindi pala."

"Saan ba nagsimula ang away nila? Hindi ko nabalitaang may alitan si Eliste at Madrigal. Ilag ang lahat kay Cyfer, di ba? Ba't pumalag si Geo?"

Napabuntong hininga ako. "Cyfer bumped into him. Iyon lang."

"Dahil lang doon?" inis na gagad ni Ren. Tumango ako.

"Mababaw lang pero pilit na pinapalaki nila Geo ang issue. Ang masama pa, binabaliktad nila si Cyfer. Nung unang engkwentro nila, sila pa ang nagsumbong sa admin. Na-suspend si Cyfer ng tatlong araw. Imagine, kung sino pa ang nabugbog, iyon pa ang naparusahan."

Doon ako nagsimulang lumapit kay Cyfer. Binigyan ko siya ng panyo ng mabugbog siya. Pinahiram ko siya ng notes nang ma-suspend siya ng tatlong araw. I almost thank Geo dahil unti-unti akong napalapait kay Cyfer pagtapos no'n.

Pero iba na ngayon, hindi ko mapapalampas ito.

Lumingon ako kay Ren. "Can you do me a favor?"

"Fire away."

"Please punish them."

I was never harsh. Hindi rin ako humihingi ng pabor para makaganti. Wala namang ginawa sila Geo sa akin pero ayokong palampasin ang ginawa nila kay Cyfer. Ayoko na maulit ito.

Ren smirked at me. May ipinaparating ang ngiting iyon. Creepy.

Nakakatakot rin pala si Ren.

"You don't need to ask. Hindi ko rin mapapalampas ito. We own the academy. Hindi ako papayag na may nag-aastang hari sa teritoryo ko."

"Thanks, Ren." I told him sincerely.

Tumango ito. "I'll give you time to stay with him." tumingin ito sa wristwatch nito. "Aalis ako. I'll be back in two hours time."

Muli akong tumango at nagpasalamat.

"The doctor said he'll wake up any minute. Nagising na raw si Cyfer kanina. Nakatulog lamang muli nang turukan nila ng pain killer. So, paano? Balik na lang ako mamaya."

Nang makaalis na si Ren ay pinagmasdan kong mabuti ang mukha ni Cyfer. May bandage ito sa ulo. Halata ang pasa sa pisngi at labi.

Namumuo na naman ang mga luha sa mata ko.

Calm down, Anne. He'll be okay. . .sabi ko sa sarili ko.

Cyfer is a good guy. He doesn't deserve any maltreatment from others. He's cold and distant but he also needs respect. Ba't hindi na lamang nila pabayaan si Cyfer? Mahirap bang gawin 'yon?

Hinawakan ko ang kamay niya at marahang pinisil iyon.

Wake up, Cy. . .

CYFER POV

Gising ang diwa ko pero hindi ko magawang buksan ang mga mata ko. Nananakit ang iba't-ibang parte ng katawan ko.

Unti-unting bumalik sa isipan ko ang nangyari.

I was about to go home nang may humila sa akin sa motor ko. Pumalag ako pero hindi ako nakalaban dahil masyado silang marami. I recognized their faces. Pero isa lamang ang tumatak sa isipan ko. Geo Eliste.

Hinila nila ako sa second floor at doon binugbog. Nagawa nila iyon ng walang sabit dahil walang nakakita sa kanila.

Lumaban ako pero masyado silang marami. Ilan ba sila? Lima? Anim? Damn. Kahit kailan, hindi talaga patas lumaban si Eliste. At mas marami sila ngayon kumpara doon sa unang engkwentro namin. Dehado ako.

Nagawa nila akong pagtulungan hanggang sa hindi na ako nakalaban pa.

Hanggang ngayon ay ramdam ko ang sakit ng dibdib, tiyan at panga ko sa mga sipa at suntok na natamo ko sa kanila. Idagdag pa ang pagkirot ng ulo ko. Damn. It's hurts like hell!

Pilit kong iminulat ang mga mata. Bumungad sa akin ang puting kisame.

May nakaturok na IV-Fluid sa kamay ko. I already assumed na nasa ospital ako.

Pilit kong inaalala ang eksena bago ako mawalan ng malay. Bago ko pa ma-recall ang huling nangyari ay may nagsalita sa gilid ko.

"Cyfer?"

I glanced at my right side. I saw Anne's face full of concern.

What is she doing here?

"Anong nararamdaman mo? Nagugutom ka ba? T-teka, tatawag ako ng doktor-"

Pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang kamay. Hindi ko agad namalayan ang presensya niya. I tried to smile at her but I grimaced.

Damn shit! I have a cut on my lower lip.

Napatingin muli ako kay Anne. She raised her teary-eyes on me and manage to smile. "I'm glad you're awake."

"How. . ." iyon lamang ang nasabi ko dahil naramdaman ko na naman ang sakit. Pati paghinga, masakit para sa akin. Damn that Eliste! I'll make him pay. Hintayin niya lang na maka-recover ako.

"Naaalala mo ba ang nangyari sayo?"

Tumango na lamang ako. Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya.

I missed her.

And I'm glad na siya ang unang nakita ko pag gising ko. That means a lot.

Kahit papaano ay kumalma ako.

"Si Ren ang nagdala sayo dito sa ospital."

Ren? Ren Delgado?

Saka ko lamang naalala ang sumunod na nangyari kagabi pagtapos umalis nila Geo. Sumulpot si Ren.

Iyon lamang ang naaalala ko.

"I. . .I was worried. Hindi ka tumawag kagabi. Hindi ka rin nag-text. Akala ko busy ka lang. Hindi ko alam na. . ." hindi niya na natuloy ang kanyang sasabihin. Nakita ko na lamang siya na umiiyak.

Umiiyak siya para sa akin.

"Don't cry. . ." I said in a hoarse voice. Ayoko na nakikita siyang ganito. But I'm glad to see how concern she is for me. "I'm fine."

"No, you are not."

"I will be fine. Gagaling ako. I promise."

Inangat ko ang kamay niya and bring it to my lips. "Thank you. For being here."

Pinunasan nito ang luha at ngumiti sa akin. "Do you want anything? Food? Are you hungry?" sunud-sunod nitong tanong.

"I only want you, Anne. You're more than enough."

Namula ito. "Nabugbog ka na nga nakukuha mo pang bumanat."

I chuckled. Napangiwi ako ng makaramdam ng sakit sa dibdib. Pati ba naman pagtawa masakit?!

"W-what happened? May masakit ba?"

"Don't call a doctor. They will give me pain killers at makakatulog na naman ako. I don't want to sleep again. I want to be with you."

Wala itong nagawa kung hindi tumango. Halata pa rin ang pag-aalala sa maganda niyang mukha.

"Tell me what happened, Cy. I want to hear the whole story. Ren told me Geo did this to you."

Kumunot ang noo ko. "Paano niya nalaman?"

"Nakita niya raw na palabas sila Geo. He heared them talking about what they did to you. That coward doesn't know how to fight fair, does he?"

"Hindi niya matanggap na nabugbog ko siya dati. Nagtawag pa sila ng mga dagdag kaya nadehado nila ako kagabi." I said grimly. Kung one on one, hindi mananalo sa akin si Geo. Malamya ang isang iyon pero punung-puno ng kayabangan ang katawan.

Ni hindi nga marunong sumuntok ng tama ang isang iyon. Mas nakapuro pa ang mga kaibigan niya sa akin. Tss.

"We must thank Ren for helping you. Kung hindi ka niya nakita. . ." she shivered at the thought.

I sighed. Yeah right, I should thank him. May puso naman pala ang isang iyon. Pero isa lamang ang masasabi ko, likas siyang pakialamero.

Pwede naman niya akong iwan doon tutal naman ay nakaaway ko rin siya nung nakaraang linggo. Pero hindi niya ginawa.

Tinulungan pa rin niya ako.

That's enough reason for me to be grateful.

Hindi naman niya ako ginulo pagtapos ng huling pag-uusap namin. Ewan ko kung may nalaman na siya kaya niya ako tinatanan.

Ibinalik ko ang atensyon ko kay Anne. Nakatitig lamang siya sa akin.

"Hindi mo na ako gusto?"

Mukhang hindi niya inaasahan ang tanong ko. "Bakit mo naman naitanong 'yan?"

"Hindi na ako gwapo sayo?"

Marahan siyang natawa. Kunwa'y nag-isip. "Nabawasan lang. Mga 20% ang nawala."

"Tss. Sinakyan mo naman." kunwari ay naiinis ako.

Ngumiti siya ng matamis. "Mahal pa rin kita kahit puro pasa ang mukha mo."

That's the exact words I wanted to hear.

I sighed in contentment. Just one smile from her, all the anger and hatred I'm feeling right now drained instantly. It's like a miracle. My healer. Nawawala sa isip ko na gumanti. Napapalitan ng pagpapatawad. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa iyon pero habang tumatagal napapansin kong nagiging emotionally and mentally dependent ako sa kanya. Sa kanya ako kumukuha ng lakas. She's one of the reasons why I find life worth living.

Lumipas ang bawat minuto at nawala ang lahat ng bigat na nararamdaman ko. Kahit nahihirapan akong magsalita at masakit sa akin ang ngumiti at tumawa, hindi ko iyon ininda.

She's laughing with me. As long as I could bring smile on her lips, I won't mind enduring the pain.

Madali akong gagaling kung mananatili siya sa tabi ko.

She leaned closer to me and kissed the bandage in my forehead. "Get well soon. I love you, Cy."

Of course, I will. And I love her more.

>>next update

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112