HTLAB - Chapter 27

CYFER POV

Pagtapos naming mag-usap ni Atty. Delgado ay inaya niya akong bisitahin ang mga properties na mapupunta sa akin. Ngunit magalang ko siyang tinanggihan. Hindi ko pa naihahanda ang sarili ko para doon. Sapat na sa akin na nakipag-kompromiso na ako kay Attorney Delgado. Saka ko na lamang bibisitahin ang mga tinutukoy niyang properties kapag nagawa niya na ang parte niya. Sa ngayon, kailangan ko ulit maghintay dahil hindi pa tapos ang trabaho niya bilang abogado ng pamilya. Naibahagi niya sa akin na ang iniwang testamento ni Daddy kay Alexandrei ay may kaakibat na responsibilidad. Na ang mana ni Alexandrei ay hindi pa maililipat sa pangalan nito hangga't hindi pa ito nagkakaanak sa loob ng labing walong buwan.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. May parte ko na nagtataka at nagsasabing 'unfair' iyon para sa isang legal na anak. Samantalang ako itong bastardo pero madaling naiproseso ang manang iniwan niya sa akin.

Gusto ko sanang itanong iyon sa abogado.

Na-curious ako kung bakit ganoon ang ginawa ni Daddy sa nag-iisang legal na anak niyang lalaki. Ngunit pinigilan ko ang aking sarili dahil ang kabilang parte naman ng utak ko ang sumisigaw ng 'ano bang pakialam mo?'

Yeah. Wala akong karapatang mag-usisa lalo na at hindi ko sila kilala at hindi rin ako malapit sa kanila.

Inisip ko na lamang na maaaring malaki ang manang iniwan kay Alexandrei kaya may kasama itong added will para matanggap ang parte sa kayamanan ng ama. At ang akin naman ay wala pa sa 1/8 ng kayamanan ni Daddy kaya hindi na ginawang komplikado ang transaksyon. Maaari ring ito ang paraang naisip ni Frank De Vera para makabawi sa akin.

Nalaman ko kay Attorney na ang DVI ay isang malaking kompanya na nag-top bilang pinakamalagong negosyo sa bansa. Marami itong natutulungang maliliit na negosyo. Aabot raw sa ilang libo ang empleyado ng DVI dito lamang sa bansa. Mayroon din itong maliliit na sanga sa iba't-ibang panig ng mundo.

Ang namamalakad ngayon sa DVI ay si Alexandra De Vera.

Dapat talaga ay si Alexandrei ang magiging Presidente ngunit dahil sa iniwang testamento ni Frank De Vera, hindi nito magagalaw ang kompanya. Kaya naman si Alexandra muna ang namamahala sa ngayon.

Mayroon pa akong isa pang kapatid na estudyante rin tulad ko. Sabi ni Attorney ay magka-edad lamang kami.

Gustuhin ko mang makilala sila ay mukhang malabong mangyari sa ngayon. May problema pa rin ang mga De Vera at wala akong balak na makisalo. Baka maging problema lamang nila ako.

Tungkol naman sa pagpapalit ko ng pangalan, sinabi ko kay Attorney na hindi kailangang madaliin ang proseso. Hindi rin naman ko nagmamadali. Hihintayin ko na lamang na umabot ako sa tamang edad. Next year pa ang birthday ko . Matagal-tagal pa pero ayos 'yon para sa akin. Malaya pa akong maging Madrigal sa loob ng ilang buwan.

Wala na akong poproblemahin sa mga De Vera. . .for now. Matatahimik na rin ang konsensya ko sa wakas.

Nang magpaalam si Attorney kanina ay nag-ayos ako ng bahay.

Ganito naman talaga ang routine ko every Sunday. Ang mag- general cleaning.

1:00 na tanghali nang matapos ako maglinis.

Napatingin ako sa cellphone ko. Maya't maya ko iyon ginagawa dahil nag-aabang ako ng text ni Anne. Kanina pa ako tumatawag at nagtetext sa kanya pero walang sumasagot. Hindi rin siya nagrereply sa mga text ko.

Naisip kong baka tulog pa siya dahil sa pagod at gabi na rin kaming nakauwi galing sa pamamasyal kahapon. Pero hindi naman nagigising ng ganito katanghali si Anne. Early riser iyon, eh.

Naisipan kong magluto. Hindi naman ako mangmang sa kusina kagaya ng akala ni Anne. Paborito ko lang talaga ang boiled egg dahil madaling iluto. Iyon ang madalas kong kinakain dahil madalas akong tamarin magluto. May mga recipe book dito sa bahay na nagagamit ko once in a blue moon - pag hindi ako tinatamad at nasa mood mag-experiment.

Tinext ko si Anne kung pwede siyang pumunta rito. Susunduin ko siya sa park na malapit sa kanila. Pero hanggang ngayon ay wala siyang reply.

Natapos na akong magluto at nakakain na rin ako. Wala pa rin siyang reply.

Anong nangyari do'n?

Hindi ako mapakali. Tinadtad ko na siya ng text. Damn! Nag-aalala na ako.

Pinasya kong manuod ng tv habang naghihintay ng reply niya. Bawat minuto ay tumitingin ako sa cellphone ko kahit hindi ko naramdamang nag-vibrate iyon at nagbabakasakaling nagreply na siya. Tinutok ko ang paningin ko sa tv pero wala akong naiintindihan sa palabas.

Bakit ba hindi siya nagrereply?!

Sinubukan kong tumawag. Nag-ri-ring pero walang sumasagot. Isa pa. Isa pa. At isa pa. Paulit-ulit akong nag-dial.

Okay, last na 'to. Pag di pa siya sumagot-

Muntik ko na mabitawan ang cellphone ko nang biglang mag-ring iyon. Nakita ko sa caller ID ang pangalan niya. Agad kong sinagot iyon. Bubulyawan ko sana siya pero natigilan ako nang marinig ang boses niyang tila bagong gising.

"Cyfer. . ." paos ang boses niya. Napalunok ako.

"Kagigising mo lang?" malumanay kong tanong. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kung ano na ang nangyari sa kanya.

"Hmm, sorry. . ."

Napalunok ulit ako. Napapikit ako ng mariin. Damn it. She has a very sexy voice in the morning.

Shit, devil, stop that polluted mind of yours!

Huminga ako ng malalim. Pinakinggan ko ang marahang paghinga niya sa kabilang linya. Mukhang naistorbo ko ang tulog niya.

"Antok ka pa?"

"Medyo. . ."

"Anong oras ka ba natulog?"

Hindi ito sumagot. Nakatulog na ba siya ulit? Gano'n kabilis?

"Anne? You still there?"

Walang sumagot. Napabuntong hininga na lamang ako. Mukhang nakatulog na ulit siya. "Sorry for disturbing your sleep, girlfriend. Sleep tight. I love you."

Then, I hang up. Atleast, nawala ang kaba at takot ko. Akala ko may masamang nangyari sa kanya. Tulog lang pala. Sobra sigurong siyang napagod kahapon. Anong oras na kaya siya natulog at hanggang ngayon ay tulog pa rin?

Napabuntong hininga akong muli. Sayang. Mukhang hindi siya makakapunta ngayon dito sa bahay.

Tatawagan ko na lamang siya ulit mamaya para hindi ko maistorbo ang tulog niya.

ANNE POV

"Sorry for disturbing, girlfriend. Sleep tight. I love you." iyon ang huli kong narinig sa linya bago pinutol ni Cyfer ang tawag.

Sinadya kong hindi sagutin ang mga text at tawag niya. Ayokong malaman niya na grounded ako. I know him, sisisihin niya ang sarili niya. I don't want him to blame himself dahil sa late na kaming nakauwi kagabi. Huhupa rin naman ang galit ni Daddy sa akin. Makakalimutan din niya 'yon kapag sinunod ko siya ng ilang araw.

Kanina pa ako gising. Wala nga akong sapat na tulog dahil sa kaiiyak ko kagabi. Hindi rin ako lumabas ng kwarto. Magang-maga ang mga mata. Magtataka sila yaya kapag nakita nila akong ganito. Ayokong makarating na naman ito kay Daddy dahil mas lalo itong maghihinala.

Sobrang pagpipigil ang ginawa ko para huwag sagutin ang mga text at tawag ni Cyfer sa akin. Baka umiyak lamang ako sa linya at magsumbong sa kanya. Nang mabasa ko yung text niya kanina na nagtatanong kung gusto ko raw bang pumunta sa bahay niya, gusto kong tumakas.

Gahibla na lamang ang pagpipiit kong huwag sabihin sa kanya ang sitwasyon ko.

Nang marinig ko ang boses niya sa linya, bigla ko siyang na-miss. Nagpanggap na lamang akong tulog para wala akong masabing masama. Kung hindi ko ginawa iyon, baka nagpatakas na ako sa kanya ngayon.

Ilang sandali pa ay nagpasya na akong bumangon. Pumunta ako sa banyo para maligo. Napangiwi ako nang makita ang sarili ko sa full length mirror. I looked like a witch. Gulo ang buhok na parang bruha. Maga ang mata. Namumula ang pisngi at dulo ng ilong . Gosh! Hindi ako 'to!

Nagbabad ako sa bathtub. Nananakit ang sintido ko. Marahil ay bunga ng magdamag na pag-iyak.

Mag-iisip ako ng paraan para mapahinudhod si Daddy. Hindi ako sanay na ganito kami. Malamang ay nakarating na rin ito kay Mommy. Napabuntong hininga na lamang ako ng malalim. Sana makalimutan na nila ang nangyari. Ayokong ma-grounded ng matagal.

Matapos kong maligo at magbihis ay pinasya kong bumaba para kumain. Suot ko ang reading glasses ko.

Tinanong ako ni yaya kung anong gusto kong kainin. Pinaghanda niya ako ng pagkain. Wala siyang ibang sinabi kahit na sandali siyang napatitig sa akin. Alam kong napansin niya na may mali sa akin. Ilang taon ko na siyang nakasama at imposibleng hindi niya mapansin kung may problema ako o wala.

Pagtapos kumain ay nagkulong muli ako sa kwarto.

Kumuha ako ng gamot sa medicine kit at ininom ang paracetamol para mabawasan ang pagsakit ng ulo ko.

Kinalikot kong muli ang cellphone ko. Binalikbalikan ko ang mga message ni Cyfer. Nami-miss ko na talaga siya.

Naalala ko yung message na nanggaling sa unknown number. May kutob ako na para kay Cyfer iyon. May kapatid siya?

Niyakap ko ng mahigpit ang unan ko. Ngayon ko lamang na-realize na hindi kami nakakapag-usap ni Cyfer tungkol sa pamilya niya. Ang mga nasasabi niya sa akin ay maliliit na detalyeng mahirap pagtagpi-tagpiin.

Nakakapagkwento naman ako tungkol sa mga magulang ko pero hindi ko natandaang nagkwento siya sa akin tungkol sa mga magulang niya.

Hanggang ngayon ay may bahagi ng pagkatao ni Cyfer na nananatiling misteryoso. Though, sometimes he's turning to a new person, may parte niya ng pagkatao niya na isang lihim.

I wonder kung may balak siyang ipakita ang natatagong parte ng pagkatao niya.

Sana makapag-usap kami sa academy bukas.

Tumunog ang cellphone ko. Si Rhea ang tumatawag. Hindi pa ako nakakapagsalita ay bumungad na agad siya ng tanong. "What happened to you? Grounded ka raw sabi ni Tito?"

Naisubsub ko ang mukha ko sa unan and made a muffled groan. See? I'm right. Tinawagan ni Daddy si Rhea. Wala akong kawala nito. For sure, katakot-takot na alibi ang kailangan kong pag-isipan para makalusot.

"Yeah." iyon lamang ang nasagot ko.

"Why? Saan ka ba galing? May ginawa ka bang milagro kaya grounded ka ngayon?" walang palya ang pagtatanong niya. Imbis na sagutin siya ay nagtanong rin ako.

"Nasaan ka?"

"Wala ako sa bahay. Teka nga, sagutin mo muna yung mga tanong ko pwede? Alam mo bang nag-alala ako sayo? Ano ba kasing ginawa mo, ha?"

"I wanna see you, Rhei. Wala akong makausap dito. . ." lumabas na ang frustration sa boses ko.

"Hindi kita mapupuntahan dyan ngayon, eh. May lakad ako ngayong araw. Gustuhin ko mang pumunta dyan, mukhang malabo." na-disappoint rin si Rhea. Mukhang magmumukmok akong mag-isa ngayong araw.

"Sleep over? Pwede?"

Narinig kong pumalakpak ito sa kabilang linya. "That's a good idea. Dyan ako didiretso pag-uwi ko."

Nakaramdam ako ng relief. At least, may chance na magkausap kami mamayang gabi. Kailangan ko talaga ng mapaglalabasan ng sama ng loob. "Thanks, Rhea. . ."

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim sa kabilang linya. "Okay. Mamaya na kita i-interrogate. I have to go now. Bye!"

Nagpaalam na rin ako at binaba ang linya. Ilang oras pa ang hihintayin ko.

-

Alas otso na ng gabi ngunit wala pa si Rhea. Pupunta pa kaya 'yon?

Napatingin ulit ako sa orasan. Nakakabagot. Ang bagal ng oras.

Nakatanggap ako ng tawag kina Mommy at Daddy kanina. Siniguro ni Dad kung umalis ba ako ng bahay.

Nag-alala raw ito kaya napagsabihan na naman ako.

Tango lamang ako ng tango sa mga sinasabi nila. Gustuhin ko mang umangal at depensahan ang sarili ko, maslala lamang ang sitwasyon ko. Papalipasan ko lamang ang mga araw at siguro'y hindi na nila ako ikukulong dito sa bahay.

Nakakapanibago. Dati naman ay hindi ako lumalabas. Madalang akong mamasyal. Lalabas lamang ako kapag kasama ko si Rhea o kaya naman ay may importante akong bibilhin.

Subalit ngayon ay iba na ang dating sa akin ng hindi paglabas ng bahay. Pakiramdam ko ay isa akong presong nakakulong at walang kalayaan. Nakakasakal.

My never punished me this way. Kapag napapagalitan ako nung bata pa ako, papangaralan lamang ako. Pero ngayon. . .

Parang hindi ako tatagal sa ganito.

Alam kong kasalanan ko rin naman pero sana hindi ganito ang parusa ni Dad. . .

Cyfer called me two hours ago. Sinagot ko iyon. Casual lamang ang pag-uusap namin. Normal. Hindi ko pinahalatang may problema ako. Ayokong mag-alala pa siya.Magtitiis muna ako sa text at tawag.

Lumipas ang isang oras at wala pa rin si Rhea. Hinahatak na ako ng antok. Humikab ako at pilit na idinidilat ang mata. Tumingin muli ako sa orasan. 9:12 pm.

Binuksan ko ang tv at naghanap ng magandang palabas. Hanggang sa nakatulugan ko na ang paghihintay kay Rhea.

-

"So, ano ngang nangyari at na-grounded ka? Ngayon lang ata nangyari 'to, ah. Mukhang napuno si Tito Daniel."

Magkasabay kaming pumasok ni Rhea. Sinundo niya ako ng maaga.

Nakalimutan niya raw ang usapan namin dahil marami siyang ginawa kahapon. May konting tampo ako. Ikaw ba naman, makalimutan ng bestfriend mong puntahan. Not to mention, kailangan ko talaga ng makakausap kahapon.

Humingi naman siya ng sorry at nagbigay pa ng chocolate bilang peace offering. Maaga siyang nagpunta sa bahay para sunduin ako at makapag-usap kami sa byahe.

Ngayon, hindi ko alam kung anong palusot ang sasabihin ko. Hindi ko napaghandaan. Nakalimutan ko rin.

Tumingin ako sa labas ng bintana ng kotse. Huminga ng malalim bago tuluyang sumagot sa tanong niya.

"Hindi ako nakapagpaalam sa kanila na aalis ako. Ginabi ako sa mall. Hindi ko pa tinawagan yung driver para samahan ako. Kaya ayun, nag-aalala sila. . ."

"Seriously? Na-grounded ka ng dahil do'n?" hindi makapaniwalang gagad ni Rhea.

Marahan na lamang akong tumango. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Mahirap na. Baka makita pa niya sa mata ko na hindi ako nagsasabi ng totoo.

"Bakit dati? Inaabot nga tayo ng madaling araw sa bahay bago kita iuwi, ah! Hindi ka naman pinapagalitan at pinaparusahan ng gano'n ni Tito."

"Kasama kita kaya hindi sila nag-aalala. Ewan ko ba." I shrugged my shoulders. "Maski ako, hindi ko nagustuhan ang sinabi ni Dad."

"Alam mo? Baka stress lang iyon si Tito. Makakalimutan rin nila 'yan. Though, nakakapagtaka talaga kung bakit grounded ka nang dahil lamang sa late na pag-uwi. Iwasan mo na lamang na maulit ang nangyari."

Agad akong sumang-ayon kay Anne. Sana nga makalimutan nila agad. Gusto ko na ulit makasama si Cy ng matagal at kaming dalawa lamang.

Gusto ko siyang makausap mamaya.

REN POV

"Manang Luz, si Papa gising na ba?" tanong ko sa katulong namin na namataan kong naglilinis sa may sala. Lumingon ito at ngumiti sa akin.

"Magandang umaga, hijo . Mukhang tulog pa si Sir Loren. Hindi ko pa ito nakitang bumaba."

Tumango-tango ako.

"Papasok ka na ba? Kumain ka muna sa komedor?"

"Hindi na ho. Nagmamadali na rin ako,eh. May kukunin lang ako sa library kaya ko natanong kung gising na si Papa. Magpapaalam sana ako sa kanya." kadalasan kasi ay naka-lock ang library dahil doon nakalagay ang mga importanteng dokumento ni Papa. Nakalimutan kong magpaalam kahapon.

"Bukas ang library, hijo. Naglinis ako roon kanina." sagot ng katulong.

"Salamat, Manang Luz."

Tinungo ko ang library. Pribadong silid ito ni Papa dahil ito na rin ang ginagawa niyang opisina kapag may pinag-aaralan itong kaso. Si Manang Luz lamang ang katulong na nakakapasok dito dahil matagal na siyang naninilbihan sa amin. Pinagkakatiwalaan siya ni Papa. Ganoon din ako.

Hinanap ko sa estante ang librong hinahanap ko.

Napadako ang tingin ko sa mahabang mesa. Patong-patong na folders ang nakalagay doon. Napailing na lamang ako. Mukhang maraming kasong hawak si Papa. Nitong nakaraang linggo ay lumipad ito patungong Spain dahil nagkaroon ng problema ang business namin doon.

Yes, my father is also a businessman. Hindi ko nga alam kung paano niya napagsasabahay ang pagma-manage ng business na pinamana sa kanya ni Lolo at ang trabaho niya bilang abogado. Minsan nga ay hindi lamang iisang kaso ang pinag-aaralan niya. Loren Delgado is one of the best lawyers in the country. Wala pang kasong pumapalya sa kanya.

Maraming nagtatanong sa akin kung susundan ko ba ang mga yapak niya. Hindi ako nagbibigay ng diretsahang sagot dahil wala pa rin naman akong nagugustuhang propesyon. Hindi ko trip ang maging isang abogado. Ang trabaho nila ay problemahin ang problema ng ibang tao.

Palabas na ako nang mahagilap ng mga mata ko ang isang brown envelope. Iyon lamang ang naiiba dahil lahat ng papeles ay naka-folder. Natukso akong buksan iyon.

Hindi ko alam pero nitong mga nakaraang araw ay nagiging curious ako sa mga kasong hinahawakan niya. Dati kasi ay nababagi niya sa akin ang ma kaso niya kahit hindi naman ako interesado doon. Pero ngayon, hindi niya na nasasabi kung ano ang kasong pinagkakaabalahan niya. Labis akong nagtataka.

Hindi ko gustong ipasok sa isip ko na may inililihim siya sa akin. Although, I could understand that. Baka napansin niyang hindi ako interesado sa propesyon niya. Pero hindi ko gusto ang pakiramdam na gano'n. Na parang may mali. May nangyayaring hindi ko alam.

Naging abala siya nang mamatay si Frank De Vera. Wala naman akong kinalaman doon kaya lamang ay nagiging interesado ako sa mga bagay na may kinalaman sa pamilyang iyon.

Mga kilalang tao sila pero masyadong pribado. Kaya nilang iwasan ang media gamit ang pera. Pati din ang ibang tao. Gano'n sila ka powerful.

Kinuha ko ang mga papel na nasa loob ng envelope.

Una kong nabasa ang pangalan ni Frank De Vera.

Private properties.

Share of stocks.

Inheritance.

Iyon ang mga nabasa ko. Damn. The old man was a multi- millionare.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko dapat pinapakialam ang mga ito. Sigurado akong mapagsasabihan ako ni Dad kung makikita niya akong pinapakialaman ang mga importanteng papeles niya.

Ibabalik ko na ulit sana iyon sa envelope. Ngunti may nahagip na pangalan ang mga mata ko. I blinked twice. Inilapit ko pa ang papel sa mukha ko.

Natigilan ako nang makitang tama ang nabasa kong pangalan.

Damn shit!

Mabilis kong ipinasok ang mga papel sa brown envelope.

Cyfer Madrigal is Frank De Vera's illegitimate son?!

What the hell is this?!

>>next update

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112