HTLAB - Chapter 26
CYFER POV
Lumipas ang isang linggo at wala akong naging problema. Normal na araw. Sa umaga ay papasok ako at sa gabi ay pupunta sa Rioza para magtrabaho. Ang huling araw ko roon ay kahapon. Tapos na ang kontrata ko. Tinanggihan ko ang manager ng resto-bar nang alukin niya akong mag-renew. Dinahilan ko na lamang na kailangan kong mag-focus sa pag-aaral ko which is true. Naging abala ang lahat ng estudyante dahil sunod-sunod ang mga activities na ginanap sa academy.
Tungkol naman sa amin ni Anne, masasabi kong mas okay kami kaysa noong nakaraang linggo. Hindi na kami nag-uusap dito sa school pero nagagawa na naming umalis kapag tapos ang klase namin. Every weekeend, nasa bahay lamang kami. Nagkukwentuhan tungkol sa kung anu-ano. Nasabi niya sa akin na may pinagkakaabalahan si Rhea ngunit hindi niya alam kung ano. Kaya naging mas malaya kaming makapagkita.
Nakakasalubong ko pa rin si Ren Delgado. Nararamdaman ko pa rin ang tensyon sa pagitan namin ngunit hindi na kasing tindi nung una.
Nilalagpasan lamang namin ang isa't-isa sa tuwing magkakasalubong kami. Hindi niya ako kinomprontang muli. Wala akong ideya sa kung ano ang iniisip niya. Sa tingin ko ay hindi pa rin niya alam ang koneksyon ko sa mga De Vera.
Tungkol naman sa usapan namin ni Atty. Loren Delgado, napagdesisyunan ko na ang lahat. I've already signed the papers. Ang hinihintay ko na lamang ay ang pagbabalik ng abogado mula sa Spain. I recieved a call from him two days ago. Bukas na ang balik niya. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na napirmahan ko na ang mga dokumento dahil hindi naman siya nagtatanong. Marahil ay ayaw guluhin ang pag-iisip ko o kaya naman ay sigurado na siya na hindi ko matatanggihan pa ito.
Kung mayroon man akong kinatatakutang mangyari ngayon at sa susunod na mga araw ay ang paglitaw ng kapatid ko.
Hanggang ngayon ay hindi matanggal ang pangamba sa dibdib ko dahil malakas ang kutob ko na isa sa mga araw na ito ay magpapakita siyang muli sa akin.
Siguro ay masyado lamang akong paranoid para isipin iyon.
You can't blame me. Hindi maganda ang naging karanasan ko kay Morris. Simula pagkabata ay lagi siyang nakikipagkumpetensiya sa akin. Pinapamukha niya sa akin na wala akong kwenta. Ang gusto niya ay siya lagi ang tama, ang magaling. Gusto niya na nasa kanya lamang ang atensyon ng lahat. Ayaw niya ng may kaagaw lalo na kapag ako ang magiging karibal niya sa agawan. He did everything para mahalin siya ng lahat. Kahit magsinungaling at magpakitang tao ay gagawin niya basta makakuha ng atensyon. Sinisiguro niya na walang matitira para sa akin. Na matatabunan niya ako sa lahat ng achievements niya. Maraming beses niya akong pinahiya. Ilang beses niya akong tinapak-tapakan. Nang dumating sa punto na lumaban ako, hindi niya iyon nagustuhan. Pinabugbog niya ako sa mga kabarkada niya na halos ikamatay ko pa.
Sa madaling salita, hindi ko naramdaman na kapatid ko si Morris.
I tried to be close to him noong bata pa ako. Lumalapit ako sa kanya ngunit tinataboy niya lamang ako. Noon pa man ay galit na siya sa akin.
Hindi ko alam kung anong pinagmulan ng galit na iyon.
Well, I knew only one reason. Tito Steven likes me more than him.
Steven Madrigal is our uncle. Nakatatandang kapatid ni Mommy. He's rich. Nagmamay-ari ng malaking farm sa Italy na gumagawa ng mga classic wines. Ang pinakatanyag na restaurant sa Florence, Italy ay pag-aari rin niya. Sa pamilya, si Uncle Steven lamang ang naging concern sa akin. I've met my grandparents but they were not that nice to me. Ramdam ko yung reservation at disappointment kapag sinasama ako noon ni Uncle Steven sa ancestral house ng mga Madrigal sa Bologna. They adore Morris.
Si Uncle Steven ang nagdala sa akin dito sa Pilipinas apat na taon na ang nakalipas. He took a one year rest from his businesses. Ako ang isinama niya kahit na kini-claim ni Morris na ito ang aayain ni Uncle. Nasorpesa na lamang ako nang sabihan niya akong mag-empake.
Maraming nangyari sa loob ng isang taon na bakasyon ko rito na nagtulak sa akin magdesisyon na magpaiwan na lamang.
Hindi ko na ginustong bumalik ng Italy. Naintindihn naman ako ni Uncle Steven sa naging desisyon ko. In fact, he supported me all the way. He left me a huge amount of money para sa pag-aaral ko rito at para mabili ko ang mga kailangan ko.
Ipinangalan niya sa akin ang mga properties na binibili niya nang magbakasyon kami rito. Isa na roon yung lugar na pinagdalhan ko kay Anne dati. He called the place 'Paraiso' dahil tila paraiso ang lugar na iyon.
Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginawa.
Though, we rarely talked nowadays, hindi naman lilipas ang isang taon na hindi ito tumatawag at nangungumusta.
Six months ago nung huling tawag niya sa akin. He told me that he's expanding the farm kaya sobra na naman itong abala. Naiintindihan ko. Malaking bagay na sa akin na naaalala niya pa akong tawagan.
Binalita ni Uncle sa akin na nagtatrabaho na si Morris sa kanya. Maliban doon ay wala na itong idinagdag.
Alam ko naman na gagawa ng paraan si Morris para mapalapit kay Uncle.Maybe he's planning to brainwash him.
Ganoon naman ang kadalasang ginagawa niya para mapalayo sa akin ang mga taong importante sa kanya. He'll make lies and untruthful stories.
Kung magkikita man kaming muli ni Morris, kailangan kong mag-ingat.
"Boyfriend. You are miles away." Anne pinched my left cheek. It made me back to reality.
Nandito nga pala kami sa isang tower na may one hundred floors. Nasa 93rd floor kami at nakatingin sa glass wall habang kumakain. Dito namin naisipang tumambay at magpalipas ng oras. Kaming dalawa lamang ang tao rito sa floor na ito dahil ang karamihan ay nasa mas mataas na floor. Naisip namin na masyadong crowded doon sa pinakahuling floor kaya dito na lamang kami tumigil.
May mga ilan kaming namamataan na paakyat. Yung iba naman ay bumababa na.
Bukas ang tower na ito tuwing weekends para sa mga gustong mag-take ng view. Medyo mahal ang entrance pero sulit naman dahil maganda ang tanawing makikita mo. Karamihan ng dumadayo rito ay mga photographers at foreigners.
Nakita namin ni Anne ang lugar na ito sa internet at naisipang puntahan.
Mas maganda raw dito pag gabi. Sayang nga dahil hindi kami pwedeng magpagabi ni Anne. Malayo pa ang byahe namin.
"Anong iniisip mo?" sinandal ni Anne ang ulo niya sa balikat ko. I searched for her hands to hold it tightly.
"Sana lagi tayong ganito, 'no? Walang inaalala. Walang problema. Nakakapunta kung saan-saan. . ." I squeezed her hand. Naramdaman ko ang pagtango niya.
"I like that too." mahinang sagot niya. "But we don't have many chances."
Ako naman ang tumango. Tama siya. Wala kaming pagkakataon dahil marami kaming iniiwasang mangyari.
"Pero sana madalas tayong makaalis. Visit different places, have a new experience, what else?"
"And take a photo." itinaas niya ang handy cam na bitbit niya. "Ang tagal na nating magkasama tapos wala pa rin tayong picture." she pouts.
Natawa naman ako. Oo nga. Wala pa kaming kahit isang picture na magkasama. Hindi ko naisip iyon.
We took a few pictures together. Naiilang pa ako nung una dahil hindi ako marunong ngumiti sa camera. Si Anne naman ay tuwang-tuwa sa mga pictures namin.
Natigil kami nang makarinig kami nang hiyawan sa taas. Isang malakas na 'happy monthsary.' Nagkatinginan kami ni Anne. Monthsary?
At doon ko lamang na-realize na wala rin pala kaming monthsary.
Damn.
Is it necessary?
Mukhang iyon rin ang naiisip ni Anne ngayon dahil natigilan rin siya pagtapos ay umiwas siya ng tingin sa akin.
Shit. Kailan nga ba naging kami?
I remember the details but I can't recall what is the exact date.
Anne cleared her throat and smiled at me. "Uhm, n-naalala mo ba?"
Namutla ako bigla. Monthsary ba namin ngayon? Hindi ko alam! Shit.
Napailing ako. "Sorry."
Kumunot ang noo niya. "Ba't ka nag-so-sorry?"
"Kasi hindi ko natandaan na monthsary natin ngayon."
Nang laki ang mata niya. "Monthsary rin natin ngayon?!"
Nagdikit ang kilay ko. "Akala ko alam mo ang date ng monthsary natin?"
Marahan siyang umiling.
"Kaya nga kita tinatanong kasi hindi ko matandaan yung date?" napakamot siya kanyang ulo. "I mean, hindi ko rin kasi alam kung kailan nga ba tayo naging official na mag-boyfriend girlfriend." napakagat siya sa kanyang labi.
May tama siya roon. Magulo ang relasyon namin nung una. Parang M.U. lamang. Hanggang sa naramdaman namin na hindi na 'to basta mutual understanding.
Love is really unpredictable. You don't know when will it hit you. You won't have a single idea who will be your partner until cupid hits his arrow to you. And even you don't want to fall into it, you'll end up loving the feeling of being in love.
Natawa ako nang marahan sa naisip ko. Isa akong classic example ng taong ayaw ma-in love pero baliw na baliw ngayon. Nginitian ko si Anne na nakatitig rin sa akin. "Akala ko pa naman, alam mo. Na-guilty tuloy ako kanina kasi akala ko monthsary rin natin. Iyon pala nakalimutan mo rin."
"Does it matter, Cy? Kung may monthsary tayo o wala?"
Sandali akong nag-isip. "I don't know. Parang hindi ko trip." nilingon ko siya. "Ikaw ba?"
She shrugged her shoulders. "For me, our feeling matters most. Not the time, not the date. Just us and love."
She's right. So damn right. Akala ko magtatampo siya sa akin kapag sinabi kong hindi mahalaga ang monthsary. Girls are hopeless romantic. They do expect for the best. They think that fairytales do exists. They want their ideal men than men in reality.
Anne is not like them. She stand-out.
I want to grab this opportunity para itanong ang mga gusto niya sa akin. I want to know her more, love her more. . .
"Do you have an ideal man before? Nung hindi mo pa ako nakikilala?" tanong ko. I brushed my finger on her soft hair. Inipit ko sa tainga niya ang mga hiblang tumatabing sa maganda niyang mukha.
"Hmm, I have. Syempre, lahat naman ng babae may ideal man. Hindi lang ako nag-iisip na magkakatotoo."
"Ano bang klaseng lalaki 'yang ideal man mo? Gwapo, matalino, mabait, mayaman?"
Umiling siya at yumakap sa akin. "Ayoko ng gwapo. Babaero daw kasi pag ganoon."
Napalingon ako sa kanya. "Hindi lahat. Ba't ako? Loyal ako, ah! Hindi ako babaero. Hindi ako two-timer. Wala akong ibang girlfriend maliban sayo. I have no record on cheating." nginisihan ko siya. Tinampal niya ng mahina ang dibdib ko.
"Nilahat ko ba?" natatawang wika niya.
"Dumepensa lamang ako. Kawawa naman ang mga gwapong loyal tulad ko." patamad kong sagot. Naningkit ang mga mata ko. "O baka naman hindi ako gwapo sayo?"
Natawa siya at ako naman ay napasimangot. Minsan na nga lang ako magyabang, napagtatawanan pa. "Okay. Laugh 'til you get satisfied." napa-poker face tuloy ng wala sa oras.
"Oo na, gwapo ka na. Yummy pa nga,eh." humagikgik siya. Nanlaki ang mga mata ko
"Anne." I warned her. Heto na namam kami. Baka saan mauwi 'to.
Iniiwasan namin ang intimacy. By act man o by words. Si Anne lamang ang pasaway. Palibhasa ako ang mas natutukso pag binibiro niya ako ng ganoon.
Kaya madalas ay ako ang nagsasaway.
"Okay. Enough of the pogi feature." humigpit ang yakap niya sa akin. "I'm not really into physical features, Cy. Mas gusto ko yung bad boy image. Totoo kasi yung kasabihan na 'bad boys attracts good girls.' Kasi they let other people see their flaws. Hindi katulad ng mga lalaking pa-good shot muna bago magpakita ng bad traits. Nakaka-disappoint yung mga lalaking ganoon."
Napatango ako. May ngiting sumisilay sa aking labi. I have this feeling na kilala ko ang tinutukoy niya.
"Tungkol naman do'n sa matalino, ayos lang din. Pero mas gusto ko yung responsable. Yung masipag, gano'n. . ."
"Hmm, parang ang mature ng ideal man mo."
"Ayoko sa immature, eh. Ayoko ng childish. Gusto ko serious but mysterious." ramdam ko ang pagngisi niya. I chuckled. Alam ko na talaga kung sino 'to.
"And what about rich guys?"
"Money attracts materialistic girls. I'm not one of them."
"And maybe because you have enough money to spend for a lifetime." I smirked.
Tumingala siya sa akin . Walang kangiti-ngiti sa mukha niya. "I want people to see me as Anne not as Martin's sole heiress. That's why I chose to be simple, I remain simple kahit na hindi simple ang mundong ginagalawan ko. Maraming taong lumalapit sa akin dahil isa akong Martin pero mabibilang ko sa dalawang kamay ko ang mga taong lumalapit sa akin dahil ako si Anne. And I want a guy who loves me as me. Not because I'm a heiress." tugon niya.
The disadvantage of being rich. I could undestand what she's pointing out. Sa mundong 'to, maraming manggagamit. Ang unang titignan sayo ay kung ano ang mapapakinabang nila sa isang tulad mo.
Kung lalapitan ka lamang dahil sa pera, mas mabuti pang mag-isa.
"I think you finally met him." bulong ko.
Bumalik ang ngiti sa labi niya. "Gusto ko rin yung lalaking masipag pero hindi marunong magluto maliban sa boiled egg. Gusto ko yung magaling sa arts, marunong tumugtog ng gitara at maganda ang boses. Gusto ko rin yung bibilhan ako ng aso." she giggled.
I gaze at her with tenderness and love. I pressed my lips to her temple and close my eyes. Dinugtungan ko ang sinabi niya.
"And I know gusto mo rin yung lalaking suplado sa lahat maliban sayo. Yung lalaking ini-snob lahat ng babae maliban sayo. Yung lalaking sayo lang sweet. Ikaw lang ang niyayakap at hinahalikan. Lagi kang na-mi-miss. Cute mag-selos. Ikaw ang unang naging girlfriend at magiging huli. Huhulaan ko pa ba kung anong pangalan niya?"
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Napadilat ako nang maradaman ko ang mga kamay niya sa magkabilang pisngi ko. I saw her eyes glistening but she managed to smile brightly.
"May kulang pa. . ."
"What did I miss?" I wrapped my arm on her waist and pulled her into me.
Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy. "He was a cold guy, aloof and distant. Some even think he is as hard as a stone. Emotionless and unreadable. And he's a bastard named after a devil."
Tila huminto sa pag-ikot ang mundo. Bumagal ang oras. Pakiramdam ko kami na lamang ang tao rito.
One minute, I was joking around. Another minute passed, I turned to be emotional. Only Anne can do this me. Only her. My throat was constricting. Wala akong magawa kung hindi ang titigan siya. I was too overwhelmed by what she said. Oh, how I love this girl.
"It's me?" I asked her though I already know the answer.
I never knew that one girl would want someone love me. I'd never imagine myself being qualified to be a girl's ideal man.
I guess, I've found the right one.
"Yes, it's you." she smiled before leaning closer and give a quick kiss. "I love you, bastard."
-
Gabi na nang maihatid ko si Anne. Nakakapagod ang byahe pero sulit naman. This is one of the best days I have with her.
Binagsak ko ang sarili ko sa couch. Hinubad ko ang jacket ko at kinuha ang litratong nasa bulsa.
Bago kami umuwi kanina, pumunta kami ng mall para ipa-develop ang mga pictures namin. Isa lamang ang hiningi kong kopya. Hinayaan ko siyang itago yung iba.
Isang tingin pa lamang sa litrato, napapangiti na ako.
Our first picture together.
I have Anne's photo. Kinuha ko iyon palihim gamit ang cellphone ko. Pina-frame ko iyon at nilagay sa kwarto ko. That's something I love to see before I sleep. Her pretty smiling face.
I'll buy her a gift tomorrow. Pag-iisipan ko ng mabuti.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Agad kong kinuha iyon at sinagot. It's the lawyer.
"Cyfer."
"Yes, Attorney?"
"Kakababa lamang ng eroplano ko. Kailan mo gustong makipagkita? I'll set the meeting."
"Okay sa akin kung bukas na, Attorney. I'll be busy on school pag weekdays." tugon ko.
"It's settled then. Where?"
"Here in my house."
Natawa ang abogado. Tila naalala ang pagkairita ko nung huli naming pag-uusap.
"Okay. That's all. Baka naistorbo ko na ang pamamahinga mo."
"Not at all. Goodnight, Attorney."
"Goodnight, hijo." then he disconnects the phone call.
Napatingin ako sa orasan. 11 pm.
Kailangan ko na magpahinga para may lakas ako bukas.
I took a shower first bago tuluyang nagpahinga.
ANNE POV
"Where did you go, Annielle? Bakit ka ginagabi ng ganito? Napapadalas ang mga pag-uwi mo ng alanganing oras." Kitang-kita ko ang pagtitimpi ni Daddy ng galit niya sa akin habang magkaharap kami video phone. Halos mangiyak ako sa sobrang kaba. Nawala sa isip ko na minomonitor ng mga katulong ang pag-uwi ko at sinasabi sa Daddy ko.
Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko. Hindi ko pwedeng sabihin na si Rhea ang kasama ko dahil maaari nila itong tawagan. Lalo akong magigisa.
Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilin ang luhang nagbabadyang bumagsak.
"Sorry, Daddy. Hindi na po mauulit. Sorry po. . ." paulit-ulit na paghingi ko ng paumanhin.
Akala ko ay mababawasan ang galit ni Dad pero nakita ko ang pagbagsik ng aura niya. Tila dagundong ang bawat salitang sunod na binitawan niya.
"Saan ka galing? May ginagawa ka bang hindi maganda habang wala kami dyan ng Mommy mo?!"
"D-dad. . ." naiyak na ako ng tuluyan. "Wala po. . .wala po talaga. . ."
"At kailan ka pa natutong magsinungaling?!"
Mariin akong napapikit. Never. Never kong nakitang magalit si Daddy ng ganito kalala. Napagalitan na ako noon pero hindi kasing lupit nito. Natatakot ako sa maaaring gawing parusa ni Dad. Pipilitin kong lusutan ito.
"Dad, believe me. Wala po akong ginagawang mali. . ." humihikbing depensa ko kay Dad.
"You better be good, Anne-"
"Dad, I swear! Wala po talaga. I. . .I went to the mall. Rhea can't come with me because she's busy-"
"I'm not convinced. You can't fool me, Annielle. I'm your father and I know you. Huwag ko lamang malalaman may ginagawa kang kalokohan. Pag nalaman kong nagsisinungaling ka, dadalhin kita sa America. You better be good."
Namutla ako nang marinig ang sinabi ni Dad. Ayoko sa America! I don't belong there. Gusto kong magprotesta ngunit walang ibang lumabas na salita sa bibig ko. Pilit kong pinipigilan ang pag-alpas ng hikbi at pag-iyak ng malakas. Gusto kong humagulgol.
Naiinis ako sa sarili ko. Napaka-careless ko. Hindi ako nag-ingat. Ngayon ay naghihinala na si Daddy.
Hindi ko malaman kung anong gagawin ko.
Tumango na lamang ako kahit labag sa loob ko.
Gusto ko mang ipagtanggol ang sarili ko ay hindi ko naman alam kung paano.
"I want to tell you na mapapaaga ang uwi namin ng Mommy mo. Pag naayos agad ang mga papeles namin, makakaalis na agad kami ng Texas. . ."
Kunwari ay nakikinig ako sa mga sinasabi niya ngunit lumalabas lamang iyon sa kabila kong tainga. Hindi ko magawang intindihin ang mga pinapaliwanag niya sa akin. Tango lamang ako ng tango kahi hindi ko alam ang ibig niyang sabihin.
Akala ko ay magpapaalam na siya pagtapos ng mahabang paalala ngunit hindi pa pala siya tapos sa akin.
"You're grounded. You need to be home before five. Pagtapos ng klase, wala kang ibang puntahan at hindi ka rin makakaalis sa weekends. And I'm warning you, Annielle. Once you defy me, you'll regret it." iyon lamang at nawala na si Daddy sa screen. Pinatay ko kaagad iyon at mabilis na nagtungo sa kwarto ko. Doon ko binuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigil.
Hindi ko matanggap ang parusa ni Dad sa akin. Never pa niya itong ginawa noon. Bakit ngayon?
Nakakainis. Akala ko matatapos ang araw na 'to na masaya at maganda. Parang kanina lamang ay sobra ang kaligayahan ko pero ngayon nanlulumo ako.
In seventeen years, ngayon ko lamang maranasan ang ma-grounded. Hindi na ako bata para parusahan ako ng ganito.
Ngayon pa lamang ay nararamdaman ko na ang pagiging preso. Gusto kong tumakas at tumakbo palayo but that's foolishness.
Now what?
Naisip kong tawagan si Cyfer para gumaan pakiramdam ko.
Kinuha ko ang phone ko sa purse.
Nakita kong may dalawang text doon. Isa galing kay Cyfer at isang unknown number.
Una kong binasa ang kay Cy.
Cyfer : Gotta sleep now. Tired but I enjoyed today. Thank you. I love you. Sweet dreams. Please, dream of me.
Sandaling nawala sa isip ko ang problema ko ngayon at napangiti.
Sunod kong binasa ang isa pang text message.
****963** : Tell Lucifer I'll be home soon. Brother.
Nawala ang ngiti sa labi ko.
I gasped.
W-who is this?
>>next update
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top