HTLAB - Chapter 22

CYFER POV

Kakatapos lang ng turn ko sa stage. Inaayos ko na ang mga gamit ko para makauwi na at makapagpahinga nang bigla namang sumulpot si Rush sa likod ko at inakbayan ako.

"Tol! Welcome back! Dalawang araw kang wala,ah?"

Nairita ako kaagad. Minsan iniisip ko na bakla 'tong si Rush. Kung makapag-ingay parang hindi lalaki at dinaig pa ang babae. Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko pero binalik niya ulit. Tinanggal ko,binalik niya ulit. Nakatatlong beses kami na gano'n ang eksena. Nang mapuno ako, tinignan ko siya ng masama. Ngumisi ang tarantado at siya na ang nagtanggal ng kamay niya. "Huwag ka muna umuwi. May party pa ang staff."

"Hindi ako sa staff." malamig kong sagot. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy ako sa pag-aayos ng gitara ko.

"Paano ba 'yan? Bawal tumanggi,'tol. Bawal umuwi ng maaga." umakbay siyang muli sa akin. "Kaya kung ako sayo? Makiparty ka na lang muna sa amin. Minsan lang 'to,tol! At. . ." ngumisi ito ng nakakaloko.

"Maraming bebot do'n."

Tinignan ko siyang muli ng matalim. "Bibitawan mo ako o sasapakin kita?"

Tinanggal niyang muli ang kamay niya. Napakamot na lamang siya sa kanyang batok. "Ang harsh mo naman,tol! Masyado ka ring pa-hard-to-get ka naman! Papagalitan ako ni Manager nito. Kailangan kita isama sa party or else ako ang tatanggalin niya."

Kumunot ang noo ko. "Si manager?"

Sunud-sunod itong tumango. "Oo, guso kasi niya na kompleto. Pero ewan ko ba do'n. Dalawa lang ang inimbitahan niyang singer at parehas pa kayong soloist." paliwanag ni Rush. "Kaya pumayag ka na! Hindi ka ba maaawa sa akin? Sige na,tol! Ngayon lang naman,eh."

Ba't naman ako isasama sa party? Damn. Wala ako sa mood. Pagod na rin kasi ako. Maraming naging activity sa school kanina. Isa na doon ang poster making contest. Napagod ako ng husto. Magagaling ang mga kalaban ko at unique ang ibang concept kaya naman na-challenge ako. Bukas pa malalaman kung sino ang mananalo.

Pagtapos ng dismissal, dumiretso muna ako sa mall para ipaayos ang gitara ko. Nasira kasi 'yon sa pagpapractice ko kagabi. May pinag-aralan kasi akong bagong chords.

Sakto lang ang oras para makauwi ako sa bahay at magbihis. Hindi ko na nagawang magpahinga.

Pagdating ko sa Rioza, patapos na ang bandang susundan ko. Hindi na ulit ang pag-papractice ko dahil sinalang agad ako sa stage. Pagtapos ng anim na kanta, tapos na ang turn ko.

Nais ko sana na makauwi ng maaga pero mapupurnada pa ata.

Tumango na lamang ako. Todo ngisi naman si Rush.

-

Ang party na 'to ay exclusive sa mga nagtatrabaho dito sa Rioza. Mukhang kompleto nga sila. Pamilyar ang mukha ng mga bartenders at waiters. Nandito rin ang manager.

Ngayon na lang ulit ako nakadalo sa party. Sa totoo lang,nabo-bore na ako. Gusto ko na umuwi kaya lang binantaan ako ni manager. Isa pa, nakakahiyang tumanggi. Minsan lamang daw siya humingi ng pabor. Bayad ko na daw 'to sa pag-absent ko ng dalawang araw.

Inabutan ako ng whiskey ni Joey.

"Kamusta? Ngayon na lang ulit kita nakita,ah." umupo siya sa katapat kong upuan. "Ang balita namin dito nag-quit ka na." napailing ito at sumimsim ng whiskey. "Kung sino man ang nagkalat ng balitang 'yon, madapa sana."

Totoo 'yon. Nagulat ang ilang bandang kasabayan ko nang makita nila akong dumating kanina. Ang akala raw nila ay nag-quit na ako. Agad namang pinabulaan ni manager ang tsismis na 'yon. May isang tao sigurong walang magawa at nagkakalat ng kung anu-ano tungkol sa akin.

Hindi ko na lamang pinansin. Nagpaalam naman ako kay manager kahapon at in-accept niya ang dahilan ko. I told him the truth, nagkasakit ako.

"Ngumiti ka naman,pre. Para kang namatayan dyan,eh." biro ni Joey. He didn't know that he already hit the point. Yes, namatayan nga ako. "Mag-enjoy ka naman. Look at those guys." tinuro niya ang dancefloor. May mga lalaking nando'n at nakikipagsayaw sa mga babaeng halos wala ng suot. Isa sa mga lalaki si Rush. Napakamanyak talaga. Napailing na lamang ako.

Hindi na nagsalita pa si Joey. Maya-maya ay may lumapit na ring babae sa kanyang tabi.

Damn. Gusto ko na umuwi.

-

Nanatili ako ng tatlong oras sa nakakabagot na party. Nagsayang lamang ako ng oras. Pinagbigyan ko lamang ang manager.

I feel drained. Agad ko na lamang binagsak ang katawan ko sa kama. Madaling araw na. Sana naman makakuha pa ako ng sapat na tulog which is near to impossible.

Buti na lamang ay natawagan ko si Anne kanina kaya natagalan ko ng kaunting oras pa ang party sa Rioza.

Medyo malakas ang tama ng whiskey. Drat. Magising kaya ako ng maaga bukas?

Bahala na.

-

As expected, I was late. Muntik na nga akong hindi makapasok dahil almost 9 na ako dumating sa academy. Kailangan ko tuloy mag-community service after school.

Wala ring kwenta. Halos tulugan ko lamang ang mga klaseng napasukan ko. Nakakaantok! Pinasya kong umakyat na lamang sa rooftop.

Napapatingin ako sa direksyon ni Anne. Alam kong nagtataka siya pero kagaya ng dati ,dinidedma ko siya sa harap ng ibang tao.

Pinilit kong kalimutan ang presensya niya. Sana makapag-usap kami mamaya.

Breaktime. Sa unang pagkakataon ngayong araw, nakaramdam ako ng gutom.

Paliko na ako papuntang cafeteria nang mamataan ko ang mga estudayante na nakatingin sa bulletin board.

I saw the top 3 posters. Naka-post na pala ang mga nanalo.

And saw my own work, top 2.

Not bad. Atleast, nakapasok pa rin ako sa top 3. Infairness, nakakalamang nga talaga ang nag-top. May sariling style at unique ang concept. That was Rhea's work. Magaling talaga siya sa arts.

Iyon lamang ang tinignan kong result. Iyon lang naman ang sinalihan ko.

Well, speaking of Rhea, my girlfriend is with her. They're eating a blueberry cake. Nag-crave na naman ako sa matamis. Naalala ko tuloy kahapon. Nang kainin namin ni Anne ang brownies and icecream cake na binili ko. Parehas kaming naumay sa tamis.

Pero ngayon nagki-crave na naman ako. Damn it! What's wrong with me? Daig ko pa babaeng buntis,ah. Tss.

Nag-order ako at umupo sa mesang medyo malayo ngunit tanaw pa rin sila.

Hindi ko gustong bigyan ng hinala ang mga estudyante sa paligid namin.

Para rin naman 'to sa ikakabuti ng sitwasyon.

Pinipigilan ko ang sarili kong lumingon sa gawi niya. Kapag napapasulyap kasi ako sa kanya, it became so hard for me to look away.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko.

Anne texted me.

Anne : Why are you late?

Palihim akong nagreply. Patay malisya.

Me : Got up late. I'll have CS later,girlfriend. Much as I want to talk to you, I think we can't talk later. I'll call you when I got home.

Sent.

Pasulyap akong tumingin sa kanya. She was talking to Rhea but her right hand is under the table, tapping the keys secretly. Muntik na akong matawa. Napaka multi-talented naman ng girlfriend ko.

Inalis ko ang tingin ko sa kanya at pinagtuunan ng pansin ang choco roll na order ko.

A minute later. I recieved a reply from her.

Anne : Congratulations! Your work of art placed top 2! We should celebrate.

Napasulya muli ako sa kanilang dalawa ni Rhea. I saw her bestfriend laughing out loud. Mukhang good mood ito.

I sighed. Much as I want to have a moment with Anne right now, seeing her with her bestfriend sets a bunch ofguilty feeling inside me. Pakiramdam ko ay nagiging hadlang ako sa kanila.

Nag-reply akong muli kay Anne.

Me : But Rhea got the top spot. You should celebrate with your bestfriend first. We can do it after.

After I sent my reply, mabilis kong inubos ang choco roll at umalis na ng cafeteria.

Nasa corridor na ako nang mapansin kong mayroong isang taong nakamasid sa akin. Not that I mind but I feel strange. Sanay naman ako na napapansin at napupuna. Pero hindi marahil sa pagkakataong ito. Dahil ang taong nakatingin sa akin ay si Ren Delgado.

Nilagpasan ko lamang siya kahit lubos akong nagtataka kung bakit ganoon siya makatingin. Dinedma ko na lamang kahit may nabubuong hinala na sa isipan ko.

Imbis na sa classroom dumiretso ay nagtungo ako sa rooftop.

Ilang araw na rin ang nakalipas. Matagal-tagal rin akong hindi nakapunta rito.

Umupo ako sa paborito kong bench. Ninanamnam ang malamig na hangin.

Ilang minuto na akong nakaupo nang biglang bumukas ang pintuan. Agad akong napalingon.

Natigilan ako.

Si Ren Delgado.

He closed the door and walked towards me. His face was unreadable while he placed his hands in his coat's pocket.

Inalis kong muli ang aking tingin sa kanya. Tingin ko ay may pakay siya sa akin.

Pumunta siya sa railings. Likod lamang niya ang nakikita ko.

Ilang segundong katahimikan ang lumipas bago siya magsalita.

"Why are you here?" tanong niya. Hindi pa rin siya lumilingon. Natigilan ako.

"Hindi ba dapat ako magtanong niyan?" May pakiramdam akong sinundan niya ako rito. Bakit hindi na lamang niya diretsuhin kung ano ang sadya niya sa akin? "What do you want?"

Hindi siya sumagot agad. I heared him sigh before he speaks.

"Hindi kita kilala maliban sa pangalan mo. Marami akong naririnig tungkol sayo." panimula niya.

"Hindi rin kita kilala maliban sa pangalan mo. At wala akong balak kilalanin ka kaya huwag mong papakialaman ang buhay ko." malamig kong tugon.

Lumingon siya sa akin. "Wala akong balak pakialaman ka. I just want to know kung anong koneksyon mo sa mga de Vera."

Hindi na ako nagulat. Alam kong ito ang pangay niya. May pakiramdam ako na naghihinala na siya dahil nakita niya ako sa araw ng libing ni Frank de Vera at kausap ang ama niya.

Tinaliman ko lamang ang tinging ipinupukol ko sa kanya. Ano namang pakialam niya kung anong koneksyon ko sa mga de Vera? Bakit kailangan pa niyang kausapin ako na parang isa siyang pulis na nang-i-interrogate? Damn.

"Kung ano man 'yon, wala ka na doon." tumayo ako mula sa pagkakaupo. Tiim bagang na nakatunghay sa kanya. "Hindi ko alam na pakialamero ang isang taong tulad mo."

Akmang tatalikod na ako nang magsalita siyang muli.

"Alam kong may relasyon kayo ni Anne."

Natigilan ako. Pakiramdam ko ay nanlamig ang paligid. Marahas akong napalingon sa kanya.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Hindi niyo magagawang maitago ang relasyon niyo ng matagal. Sa tingin mo ba, hindi kayo mapapansin ng kahit na sino? Nasa academy kayo. Maraming matang nakamasid at-" mabilis akong naglakad papunta sa kanya. I grabbed his collar and punched his jaw. Wala akong nakita na kahit bakas na pagkabigla sa mukha niya. Mukhang inaasahan niya na gagawin ko 'yon. Halos madurog ang mga ipin ko sa sobrang gigil. Hindi ko binitawan ang kwelyo niya at itinaas iyon.

"Ano bang kailangan mo?" matalim kong tanong na halos bulong na lamang. Naniningkit ang aking mga mata sa galit. "Ano bang gusto mong mangyari?"

Ngayon ay nangangamba ako. Natatakot sa maaaring gawin ng lalaking 'to. Hindi siya basta-bastang tao lamang. May magagawa siya para sirain ako.

At ngayon nararamdaman kong maraming alam si Lawren Delgado. Pasensyahan na lang kapag nawalan ako ng kontrol sa sarili ko, wawasakin ko ang pagmumukha ng tarantadong 'to.

Ngunit wala rin akong nakitang bakas ng takot sa mukha niya. Mukhang handa siyang labanan ako kung saka-sakali. Matalim rin siyang nakatitig sa akin.

"Malilinlang niyo lahat pero hindi ako." mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at malakas na kinampas para mapabitiw ako sa kanya. "Masyado kang misteryoso pero alam kong gulo lang ang dala mo."

I smirked. "Hindi mo ako kilala."

"Hindi mo rin ako kilala. Wala kang ideya sa kung anong kaya kong gawin sayo." he encountered.

Nagtagis muli ang bagang ko. Gusto ko siyang paulanan ng maraming suntok. Gusto ko siyang saktan ng todo.

"Binabantaan mo ako?" tinaasan ko pa siya ng kilay. Hindi ako magpapadala sa mga sinasabi niya. Hindi ako magpapaagrabyado sa taong may masamang intensyon.

"Hindi ako nagbabanta. Gusto ko lamang na paalalahanan ka sa problemang pinasok mo. Hindi mo kilala ang angkan ng mga Martin. Hindi mo kilala ang mga magulang ni Anne. They can destroy you once they knew your relationship with Anne."

"And so? Ano naman sayo? Anong mapapala mo sa pakikialam? Anong mapapala mo kung makikisawsaw ka? Kung mayroon mang dapat mamroblema dito, ako at si Anne 'yon. Huwag kang makialam!" I hissed. Todo na ang pagpipigil ko na huwag siyang suguring muli.

Ngunit nakakainis mang aminin ay may tama sa mga sinabi sinabi niya. Hindi ko kilala ang mga Martin at mas lalong hindi ko kilala ang mga magulang ni Anne. Ang alam ko lamang ay isa sila sa pinakamayayamang tao sa bansa kung hindi man sa buong mundo. Tanyag sila sa kani-kanilang propesyon at isa rin ang mga CMMC sa pinakapinagkakatiwalaang ospital dito sa bansa. Maliban doon ay hindi ko na sila kilala.

"Kung gano'n, mag-ingat ka na lang. Hindi mo gugustuhing makaharap ang mga taong 'yon. Hindi sila tulad ni Anne." nilagpasan niya ako at nagtungo sa pinto. "Malalaman ko din kung sino ka. Hindi mo matatago ang tunay mong pagkatao lalo na kung may koneksyon ka sa mga de Vera." pahabol pa niya.

Iyon lamang at lumabas na siya.

Naiwan akong mag-isa na nagngingitngit sa galit.

Paano nalaman ni Ren? Nakita niya ba kami ni Anne?

Damn. That's a big possibility. Anne and I need to talk.

-

Pero sa malas ay hindi ko na naabutan si Anne. Hindi ko siya na-text dahil nakalimutan kong mag-charge kagabi at na-drain na kanina ang battery ng cellphone ko.

Hindi rin naman agad ako nakaalis ng academy dahil na-sched na ang community service ko pagtapos ng dismissal.

Agad akong nagtungo sa office para alamin kung ano ang iuutos ng disciplinarian officer. Na-assign ako sa paglilinis sa clinic.

Napabuntong hininga na lamang ako. Mukhang maya-maya pa ako makakauwi.

ANNE POV

Wala pang text si Cyfer. Napatingin ako sa orasan. Six pm na, ah.

Nasa bahay ako ni Rhea. As usual, bonding. Good mood siya kanina pa. Ayoko namang sirain ang mood niya kaya pumayag akong pumunta sa bahay niya.

I sighed. Bakit ang tagal mag-reply ni Cy? Tawagan ko na kaya? Baka kung ano na nangyari do'n. Nag-aalala na naman ako.

May tumunog na cellphone. Sabay pa kaming napatingin ni Rhea phone namin.

Pero hindi pala 'yon akin. Sa kanya pala.

Muli akong napabuntong hininga.

"Wait lang,bestfriend." saglit na nagpaalam si Rhea para sagutin ang tawag. Nilaro-laro ko ang aking phone. Anong oras kaya siya tatawag sa akin?

"Anne." napalingon ako sa likod. Si Rhea, inaabot sa akin ang cellphone niya. "Si bakulaw. Gusto ka makausap."

Bakulaw? Si Ren ba ang tinutukoy niya? [Note : ang tawag ni Rhea kay Ren ay bakulaw]

"Bakit raw?"

Rhea shrugged her shoulders. "Hindi ko alam."

Inilapat ko ang aking tainga sa phone. "Hello, Ren? Bakit?"

"I talked to him." iyon agad ang bungad niya sa akin.

Agad na bumundol ang kaba sa dibdib ko. Napatingin ako kay Rhea na magkadikit ang kilay at nakatunghay rin sa akin.

"W-who?"

"Your boyfriend." Nawalan ng kulay ang mukha ko. Hindi ako makasagot sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Ren gayong nasa harap ko lang si Rhea ang nakatingin sa akin.

"I just warned him,Anne. Nagkaroon kami ng iringan. He punched me." kwento niya sa kabilang linya.

Muntik na akong mapasinghap. Nagkasakitan sila? Gosh. Nasaktan rin ba niya si Cy? Napapikit ako. Gusto kong magtanong ngunit walang lumalabas na salita sa bibig ko. Ang mahirap pa ay maririnig ako ni Rhea.

"Are you okay,Anne?" tanong ni Rhea na nag-aalala na. Akmang aagawin niya ang phone pero itinaas ko na lamang ang kamay ko para isenyas na huminto siya. Nagpatuloy sa pagsasalita si Ren.

"Anne, gaano mo kakilala ang taong 'yon?" nanunukat na tanong ni Ren. Nag-excuse muna ako kay Rhea para saglit na lumabas. Nalilito man ang kaibigan ko ay tunango na lamang siya.

Nang makalabas ako ay agad kong sinagot si Ren. "Ren, bakit gano'n naman ang nangyari? D-dapat hindi mo na lang siya kinausap."

"Ako na ang nagsasabi sayo,Anne. Hindi mo siya lubos na kilala. Alam ko na may sekreto ng taong 'yon at-"

"Please,Ren! Huwag ka na makialam. Hindi mo rin naman siya kilala. Pwede bang pabayaan mo na lang siya?"

Ito ang unang pagkakataon ipinagtanggol ko si Cyfer sa ibang tao. Naiinis ako ng sobra kay Ren. Ba't kailangang pakiharapan niya pa si Cyfer? Bakit hindi na lamang niya magawang manahimik? Wala namang ginagawa masama sa kanya si Cyfer.

Akmang magsasalita akong muli nang unahan niya ako ng isang tanong. "Hindi ka ba natatakot sa ginagawa mo,Anne? Paano na lang pag nalaman ito ng magulang mo? Kaya mo bang iharap sa kanila si Cyfer? That's suicide!"

"Hindi ganyan kasama ang-"

"Wala akong sinasabi o tinutukoy kung sino ang masama pero sana nag-isip muna kayo ng kahihinatnan. Kilala mo ang magulang mo,Anne. Si Cyfer ay may ibang mundo. Sigurado akong tututol ang mga magulang mo."

"Huwag mong pangunahan ang mga bagay na hindi pa nangyayari. Huwag mong ipilit ang gusto mo,Ren."

"Wala akong pinipilit. Pero sana maisip mo na ang ginagawa niyo ay mali." walang sabi-sabing binaba ni Ren ang phone. Napatitig ako ng ilang segundo sa screen ng cellphone ni Rhea.

Laglag ang balikat na bumalik ako sa entertainment room. Ibinigay ko kay Rhea ang phone niya.

"Anong sabi niya?"

Apologetic akong tumingin kay Rhea. "Sorry. Kay Ren mo na lamang itanong."

Ang akala ko ay mangungulit pa muna si Rhea sa akin pero nagulat ako nang i-dial niya ang number ni Ren. Ilang sandali pa ay binubungangaan na niya ito.

"Anong sinabi mo sa bestfriend ko?!" sigaw ni Rhea.

I sighed. Hinayaan ko siyang gisahin si Ren. Serves him right. Sa naririnig kong mga sagot ni Rhea, mukhang hindi naman nito ipinaalam ang pinag-usapan namin kanina.

Ngayon. Mas lalo akong nangamba. Iniisip ko ang mga sinabi ni Ren sa akin.

Gosh.

May pakiramdam akong hindi magiging madali 'to.

>>next update

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112