HTLAB - Chapter 21
CYFER POV
"Baka hinahanap ka na sa inyo."
Nag-aalala ako dahil gabi na. 9pm na at hindi pa rin umuuwi si Anne. Baka hanapin siya sa kanila.
"P-pero hindi ka pa okay." kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Napangiti ako at kinurot ang pisngi niya.
"I feel better now,girlfriend. Thanks to you. Nag-aalala lang ako na baka mapagalitan ka kapag hindi ka nakauwi. Isa pa, kaya ko naman na."
She pouts. "But you still look like you are not okay. You're pale and-"
"Swear,Anne. Okay na ako. Magaling ka mag-alaga,eh." hinalikan ko siya sa pisngi. Marahan naman siyang ngumiti.
Kakatapos lang naming mag-dinner at parehas kaming nakaupo sa sofa, nanunuod ng tv.
"Saka baka mahawa ka pa sa akin. Mamaya ,ikaw naman ang magkasakit niyan."
"Next time kasi huwag ka na magpapakapagod." pangaral niya. Isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ko. "Ang dali mo naman palang magkasakit."
"Ngayon lang 'to. Stress,eh. Next week naman, full time student na lang ako."
Napaangat ang ulo niya.
"Matatapos na ang contract mo sa Rioza?"
Tumango ako. "Tingin ko naman hindi na ako ire-renew ng manager. Maraming bagong banda na nag-audition. At wala naman talagang regular singer sa Rioza kaya madalang ang renewal."
"Gano'n ba? Sayang naman. Gusto pa sana kitang makitang magperform."
Ngumisi ako. "Kakantahan na lang kita ngayon."
Tinampal niya ng mahina ang dibdib ko. "Saka na. Pag malakas ka na."
"Hindi naman nakakapagod kumanta,eh."
"Sige na nga. Isang kanta lang. Anong kakantahin mo?" tumingala siyang muli. Napaisip ako sandali.
Walang partikular na kanta sa isip ko. Ano naman kayang magandang kantahin sa kanya. Wala naman kasi kaming themesong. . .
Wait. Themesong?
Napatitig ako ng matagal kay Anne. Marahan siyang tumawa. "Ano? Akala ko ba kakanta ka ngayon? Eh, nagtititigan lang kaya tayo!"
"May naisip lang ako. . ."
"Hmm, ano?"
"Anong themesong natin?"
Natigilan siya. Ako naman naghihintay lamang ng isasagot niya.
"T-themesong?"
Tumango ako.
"Para. . .sa ating dalawa?"
Tumango akong muli. Hindi ko maiwarang mapangiti. Parang hindi siya makapaniwalang naisip ko 'yon.
"W-wala. . ."
"May kanta bang wala?" biro ko.
"Ang ibig kong sabihin, wala pa. Wala pa tayong. . .themesong." umiwas siya ng tingin. Namumula na naman siya kaya natawa akong muli. Ang cute niya. "Uso pa ba 'yon?"
Napakamot ako sa batok. "Masyado ba akong old-fashion?" ngumisi ako.
"H-hindi ko kasi alam,eh. A-ano. . .Alam mo namam na ikaw lang ang naging boyfriend ko. . ."
My heart skipped a beat. Damn. Everytime na sinasabi niya na ako ang boyfriend niya, natutuwa ako ng sobra. Pero mas masaya pala kapag sinabi niyang 'ako lang ang boyfriend niya'.
"Wala kasi akong maisip na kanta para sayo tapos naisip ko yung themesong. " natawa ako ng marahan. "Masyado atang corny ang dating." lumingon ako sa kanya. Nakatitig siya sa akin. "Pero nung nakita kitang nag-blush,it felt so right."
I gave her a quick smack on the lips. Napasinghap siya.
Hindi inaasahan ang ginawa ko. Natawa na lamang ako.
Tapos bigla kaming napalingon sa tv ng may pumailanlang na kanta. Nasa MTV pala ang channel featuring ang Secondhand Serenade. Pinatugtog ang unang kantang nagpasikat ng todo sa one man band na 'yon.
Fall for you. . .
Nagkatinginan kami at sabay ngumiti.
"Yan na lang?" sabay pa talaga kaming nagsabi no'n.
Niyakap ko siya at sinabayan ko ang kanta.
-
Umalis na si Anne. Gusto ko pa sana siyang ihatid pero tumanggi siya. Baka raw mabinat pa ako. Nag-taxi na lamang siya. Tinawagan niya na rin ako at nakarating naman siya ng ligtas sa bahay. Sa sobrang paranoid ko, kinuha ko pa ang plate number ng taxi. Mahirap na. Baka kung ano pang mangyari sa kanya.
Medyo ayos na ang pakiramdam ko. Paminsan-minsang sumasakit ang aking ulo pero kaya ko naman. Iinuman ko na lamang ng gamot.
Humiga ako sa kama. Kailangan kong magpagaling.
May pupuntahan pa ako bukas. I can't miss it.
Ipinikit ko ang aking mata at kumuha ng sapat na tulog.
THIRD PERSON POV
Tahimik. Ang maririnig lamang ay ang mahinang paghikbi sa paligid.
Araw ng paglibing kay Frank de Vera.
Ang huling bulaklak ay inilaglag na. Mula 'yon sa dalawang anak nito. Mahinang humihikbi si Xandrea sa dibdib ng kapatid na si Xandrei. Hinahagod naman ng binata ang likod ng nakatatandang kapatid. Pinipigilan ang pag-alpas ng emosyon. They were both grieving. Hindi makapaniwala na sa isang iglap ay mawawala sa kanila ang ama.
Natapos ang seremonyas at umalis na ang mga dumalo sa libing ng kanilang ama. Ang iba ay marahan silang tinapik sa balikat katulad ni Atty.Delgado. Hanggang sa naiwan silang dalawa na nakatayo at nakatingin lamamg sa puntod ng ama.
"I can't believe he's gone,Xan. I can't believe it. . ." wika ni Xandra na pinipigilan ang sariling humagulgol ng malakas.
Hindi sumagot ang kapatid pero yumuko at tinanggal ang salaming nakatabing sa mata at pinunasan ang mga luha.
Parehas lamang silang nagdadalamhati.
Lalo na ang kapatid nilang si Xandrea na nasa ibang bansa at hindi lamang nakauwi para muling masilayan sa huling sandali ng kanilang ama. Alexandra and her youngest sister talked over the phone and Xandrea was crying. She was really sorry because she can't go home.
Huminga naman ng malalim si Xandrei. "We need to move on,Ate. We can't stay like this,grieving to his death. I'm pretty sure that father doesn't want us to prolong the agony. May mga bagay tayong dapat harapan. Mga kumpanyang dapat patakbuhin. . ." Xandre sighed once again. "All we have to do is to let it go."
Alexandra cried even more. She was equally shock when the board members called her the day his father had an heart attack. Naidala pa ito sa ospital at na-comatose ng pitong oras bago nabawian ng buhay. Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi man lamang siya nakapag-paalam. Wala man lamang sign na nakukunin na pala ang ama nila.
For her,Frank de Vera is not a perfect father. She used to hate him before.
Maraming beses siya nitong hinanapan ng mga pagkakamali. He undoubtedly pointed all her flaws that makes me ashame of herself. Napaka-istrikto. Lahat ng gusto ng ama nila ay nasusunod. He's a tyrant and a manipulative man.
But she learned to love him with all her heart and with no reservations, simply because she's a daughter and he's her father. They learned how to forget those shameful moments and made new precious memories. She forgave him for being inconsiderate father and he forgave her for being a rebel.
Kaya napakahirap para kay Xandra na tanggapin ang lahat ng ito ngayon.
Inakay na siya ng kanyang kapatid palabas ng cemetery.
And she said to herself, yes, they should let the pain go away.
"Miss?" Napalingon silang magkapatid sa matandang babaeng nasa likod nila. "May nagpapabigay."
Inabot nito ang isang pamilyar na panyo.
"Sa akin po?"
Tumango ang babae. "May binatang lalaki na nagpapaabot."
Nagkatinginan ang magkapatid. "Nasaan po siya?"
"Umalis na siya. Pinaabot lang niya itong panyo sayo."
Nag-aalangan man ay kinuha iyon ni Xandra sa kamay ng matanda. Ngumiti ang matandang babae at nagpaalam.
"You have an admirer?" tanong ni Xandrei sa kanya.
Umiling siya. Matagal niyang tinitigan ang panyo. Sa kanya 'yon pero natatandaan niyang ibinigay niya ito sa isang binatang lalaking umiiyak nang dumalaw ito sa burol ng ama niya. He was here?
Tumingin siya sa paligid. Wala ang kahit anong presensya ng binatang nakita niya sa burol.
"Bumalik tayo,Xan." hindi na niya hinintay ang kapatid at halos takbuhin ang puntod ng ama. Medyo malayo na sila pero ipinagdarasal niya na maabutan ito.
Magaan ang loob niya sa binata pero hindi niya alam kung bakit.
Humihingal siya nang marating ang puntod ng kaniyang ama. Walang tao.
"Sino bang hinahanap mo?" tanong ni Xandrei na nasa likod ko.
Wala akong naabutan.
Pero may nakita siyang isang papel na nakalagay sa puntod nito.
Isang eroplanong papel. . .
-
Matapos dumalaw ni Cyfer sa puntod ng tunay na ama ay agad siyang umalis.
Ipinagpasalamat na walang ibang nakakita sa kanya.
Nasa labas na siya ng cemetery nang may tumawag sa pangalan niya.
"Cyfer."
Napalingon siya sa kanang gawi. Ang abogado. Nakakunot ang noo nito.
"Attorney." nakipagkamay ito sa kanya at magalang niya iyong tinanggap.
"Umattend ka ng libing ni Frank?"
Umiling siya. "Hindi ko naabutan."
"Pumunta nga pala ako sa bahay mo kahapon. Wala ka ata roon nang dumating ako."
Nagsalubong ang kilay niya. Nagtaka siya dahil nasa bahay lamang siya kahapon.
Naalala niya ang sinabi ni Anne na may nag-doorbell pero walang tao.
He sighed. "Sorry,Attorney."
"Pwede na ba nating pag-usapan ang tungkol sa-"
"Dad." napalingon ang abogado nang tawagin siya nang kanyang anak na si Ren. Parehas na nagulat si Cyfer at Ren nang makita ang isa't-isa.
Nasa isipan ni Cyfer ang pagtataka. Delgado. . .Damn. Kaya pala pamilyar ang pangalan ng abogado. Loren Delgado.
He's so stupid, ani niya sa sarili. Paano nga ba niya nakaligtaan na Loren Delgado ang pangalan ng presedente ng academy na pinapasukan niya? Kung hindi pa niya nakita si Ren ay hindi niya mapapagtugma ang mga bagay. Damn it.
Samantalang si Ren ay manghang nakatitig sa kanya. Nasa isip ang katanungang 'ano ang ginagawa ni Cyfer Madrigal dito' at 'bakit nag-uusap ang Daddy niya at ang lalaking 'to?'
"Hijo." ang abogado ay nakaramdam ng tensyon. Mabilis itong na nagpaalam kay Cyfer. "Sige,hijo. Mauna na kami. Nice to meet you."
Nagtataka man ay hindi na nag-react pa si Cyfer. Pinanuod niya na lamang na umalis ang abogado at binalewala ang mga makabuluhang titig ni Ren.
Napabuntong hininga siya. Sandali lamang siyang umalis pero pagod na pagod siya.
Kailangan niya ulit magpahinga pero bago iyon ay didiretso muna siya sa Rioza. Magpapaalam siya sa manager na absent siyang muli ngayon.
Napahawak siya sa kanyang ulo. Sumasakit na naman. Kailangan niya ng uminom ulit ng gamot.
Na-i-stress siya sa sobrang pag-iisip.
-
Sa kotse ay walang imikan ang mag-ama. Hindi malaman ni Ren kung dapat ba niyang itanong sa ama ang dahilan kung bakit kinausap nito si Cyfer.
Nang mag-usap silang dalawa kahapon ay sinabi ng ama na wala raw siyang kilalang Cyfer Madrigal tapos makita-kita ko siya kanina na nakikipag-usap rito.
Pakiramdam niya ay may hindi tama .
Nang makarating sila sa harap mansion ay agad siyang nagsalita.
"I thought you don't know him?"
"Who?"
"Cyfer Madrigal."
Lumingon sa kanya ang Daddy niya. "Is that the boy you were talking about yesterday? I just accidentally bumped on him,hijo. I don't know him but since you already told me his name, I guess his not a total stranger to me now."
Ren rolled his eyes. Pinapaikot-ikot na naman ng Daddy niya ang usapan. Hindi niya tuloy alam kung dapat ba siyang maniwala o dapat siyang maghinala na may hindi ito sinasabi sa kanya.
Hindi na siya umimik o nagtangong pa. Siguro nga ay masyado lamang siyang paranoid.
ANNE POV
Sinamahan ko si Rhea na bumiling art materials para sa poster making contest bukas. Kanina ko pa tinatawagan si Cy pero hindi niya sinasagot. Itatanong ko sana kung may mga gagamitin na ba siya para bukas.
"Kanina ka pa nakatingin dyan sa cellphone mo,ah. May hinihintay ka bang tawag?" kunot noong tanong ni Rhea.
"Wala. Wala naman. Tinitignan ko lang yung oras. Gutom na kasi ako,eh." sinabayan ko ng tawa para maniwala siya.
"Ako rin. Bilisan na lang nating bumili. Sa Pizza hut tayo later. Nagki-crave ako sa pizza"
"Treat mo?" nananantsang tanong ko.
"Sure. Kahit magsama ka pa!"
Natawa na lamang ako. Hindi ko naman maisasama si Cy,eh.
"Wait. Sabi mo nagki-crave ka sa pizza. Are you pregnant?" biro ko pa.
Pinukpok niya ako ng color pastel sa ulo. Napaigik ako. Napakasadista talaga ng babaeng 'to! Parang binibiro lang,eh!
"Heh! Sino namang ama?"
"Hmm,ikaw rin?" natatawang pambara ko sa kanya. Akmang papaluin niya ako muli pero nakaiwas na ako.
Tatawa-tawa akong lumayo ako sa kanya.
"Tingin lang ako ng books."
Rhea rolled her eyes. "umiral na naman ang pagiging bookworm mo. Oo na. Doon lang ako sa kabilang shelf."
Tumango ako at tinungo ang mga fictional books. Agad kong kinuha ang Fallen In Love ni Kate Lauren. Isa siya sa pinakagusto kong authors along with Keira Cass.
Binabasa ko ang teaser ng book nang biglang tumunog ang phone ko.
Hindi ko na tinignan kung sino 'yon dahil alam ko namang si Cyfer iyon.
"Cy!"
"Who's Cy?"
Naestatwa ako nang marinig sa kabilang linya ang boses ni Daddy. Oh,my God!
Hindi si Cyfer ang tumawag!
"D-daddy?"
"Are you expecting someone's call?"
"O-opo. Ano po. . .tawag po ng. . .ng classmate ko. May activity kasi kami sa school,Dad." napilitan akong magsinungaling para hindi siya magalit. Gosh! Please, huwag naman sana akong mabuking.
"Nasaan ka?" nasa tono ni Dad ang pagkabahala.
"Nasa mall ako,Daddy."
"May kasama ka ba diyan?"
"Si Rhea po."
"Anong ginagawa niyo dyan?"
Daig ko pa ang ininterogate ng pulis. Gusto kong batukan ang sarili ko.
"Bumibili po siya ng mga kailangan niyang materials. She joined poster making contest. Bukas na po kas 'yon. Sinamahan ko po siya." mahabang paliwanag ko. Kahit papano nabawasan ang guilt dahil nagsabi rin naman ako ng totoo.
"Okay. Maaga kang umuwi. Your Mom wants to see you through videophone. Anyway, did you have your lunch?"
"Sige po,Dad. Uhm, hindi pa po kami nakakakain ni Rhea. Pagtapos po namin dito, we'll go to pizza hut. Don't worry about me."
"Okay. I'll call you again. Bye. I love you."
"I love you too,Daddy. Kiss me to Mom."
"I will." Dad disconnected the phone call. Saka lamang ako nakahinga ng maluwag. Muntik na ako do'n!
Napasigaw ako ng gulatin ako ni Rhea mula sa likod. Napatingin sa akin ang mga namimili. Tatawa-tawa namang lumitaw si Rhea sa harap ko. I gave her a deadly glare.
"You! Ba't ka ba nanggugulat?" inis na wika ko kay Rhea. Halos mamatay na siya kakatawa sa akin. Damn.
"Eh,ikaw? Uminom ka ba ng isang dam na kape kaya ang bilis mo magulat?" tumawa siya ng malakas. "Hanep yung burst out mo,ah."
Namula ako sa hiya. Ang dami pa namang tao! Ito naman kasing si Rhea ang daming trip,eh.
"Tigilan mo ako,Rhea Louisse Marval. Tapos ka na bang mamili?"
Napasimangot siya dahil tinawag ko ang buong pangalan niya. "Oo. Tara na nga. Ang sungit mo ngayon,ah. May dalaw ka siguro."
Napahawak na lamang ako sa noo ko. Hindi talaga nahihhiya 'tong si Rhea sa mga pinasasabi niya. Kulang na lang lumubog ako sa sahig ng NBS sa sobrang kahihiyan.
Medyo mahaba ang pila kaya natagalan na naman kami. Nag-aalburoto na si Rhea. Kahit kailan talaga napaka-impatient ng taong 'to.
"Ang tagal naman." pinadyak niya ang paa niya. Pinagtitinginan kami ng ibang nakapila.
"Umayos ka nga. Ikaw na nga ang sunod,eh." bulong ko sa kanya. Inirapan niya lang ako. So, sino ngayon sa amin ang mataray?
After 10 minutes , nakaalis rin kami sa mahabang pila. Patuloy sa pagrereklamo si Rhea.
"Napakadami naman kasing binili nung lola! Parang may balak siyang bilhin ang buong bookstore! Napakatagal tuloy natin sa pila! Nangalay pa ako kakatayo. Nakakainis talaga yung lolang 'yon. Pagdadasal ko na sana hindi na mag-krus ang landas namin." kulang na lang ay takpan ko ang tainga ko. Napakaingay naman kasi ng babaeng 'to. Wala naman na kami sa pila para mag-alburoto pa siya na tila bulkang sasabog at mas lalong walang ginawa ang matanda sa kanya para mainis siya ng ganya. Minsan talaga may pagkamakitid ang utak nitong bestfriend ko.
Imbis tuloy na siya ang manlibre, ako ang nagbayad ng kinain namin. Ayun, nawala ang badtrip. Ang weird niya minsan.
Pumunta muna ako ng restroom.
Saktong tumunog na naman ang cellphone ko nang nasa banyo na ako.
This time, tinignan ko na kung sino ang tumatawag. Mahirap na . Baka mapasubo na naman ako kay Daddy.
Nang makitang si Cyfer 'yon, nakahinga ako ng maluwag.
"Hello,Cy."
"Hi. Nasaan ka."
"Sa mall malapit sa Galation. Kasama ko si Rhea. Why?"
"Busy ka?"
"Hindi naman. Pauwi na rin kami ni Rhea."
"Makakadaan ka dito sa bahay? May dala akong desserts. Baka gusto mo." yaya niya sa akin. Kumunot naman ang noo ko.
"Wait, umalis ka?"
"Yep."
Pasaway! "Magaling ka na ba? Baka mabinat ka niyan. Did you take your meds? And what about lunch-"
Natawa siya ng marahan. "Hey, hinay lang. Huwag ka ma-alala. Masyado mo naman akong bini-baby,girlfriend."
Namula ako. Nakita ko ang repleksyon ko sa salaman. Damn,Cyfer. "Hindi kita bini-baby. . .I. . .I was just concern about you."
"I know. Are you blushing right now?"
I gasped. How did he knew that?! Lumingon pa ako sa loob ng banyo na parang tanga at nag-iisip na baka nakikita niya ako which impossible.
"Tama ako,no?" he chuckled.
"Shut up,Cy. Saan ka pumunta, you stubborn guy! Mamaya magkasakit ka na naman nyan."
He sighed. "Huwag kang mag-freak out,girlfriend. I'm fine. Punta ka pa dito sa bahay para check mo ako."
"Are you sure?" paninigurado ko pa.
"A hundred percent. Bumili lang ako ng dessert."
"Okay. Uhm, Cy, may gamit ka na ba sa contest bukas?"
Natigilan ito sa kabilang linya. "Damn, I forgot! Bukas na pala 'yon?"
"Yup. Itatanong ko sana kung may gamit ka na."
"Ahh,yeah. Meron naman akong materials na nakatago. Kaya lang wala pa akong naiisip na concept." paliwanag niya.
"I'll help you." prisinta ko.
"Sure. Sige na. Hihintayin na lang kita. Natatakam na ako sa desserts pero gusto ko kasama kang kumain kaya magtitiis na muna ako. I love you,girlfriend. Bye."
Natawa na lamang ako sa sinabi niya. I told him I love him more before he disconnected the call.
Pagbalik ko sa table namin, kinakain na ni Rhea ang huling slice ng pizza. "Ang tagal mo naman sa cr, jumebs ka ba?"
Binato ko siya ng tissue. "Rhea!" saway ko sa kanya.
"Ayan ka na naman ,Miss Prim and Proper. Sorry na. Nagjo-joke lang po ako."
"It's not funny,Rhea."
"Eh,ano nga kasing ginawa mo sa banyo? Ba't ang tagal mo?"
"Wala."
"Sungit ni bestfriend!"
Napabuntong hininga na lamang ako.
Pinanuod ko na lamang na kumain si Rhea. Kailan kaya magbabago ang bestfriend ko? Sabi ni Ren. . .ahh, nevermind. Hindi ako dapat makialam.
May issue pa pala kami. Ay. Ako lang pala. Siya nga pala ang walang alam.
Hindi pa rin namin nasasabi ni Cy. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ideya na may boyfriend na ako at si Cyfer Madrigal iyon.
Ano kayang dapat gawin? Ang dami kasing consequences kung sakaling sasabihin at aamin na ako sa relasyong matagal-tagal na rin naming itinatago. Gusto ko na sanang banggitin sa kanya ngayon kaya lang. . .paano? Natatakot pa rin ako.
Baka mawalan ako ng kaibigan.
Pero hanggang kailan ko naman magagawang itatago 'to sa kanya? Darating ang oras na malalaman niya rin ang sekreto ko. Ang ayoko lang mangyari ay sa iba pa niya malaman. . .
I should ask Cyfer first. Kung anong desisyon niya sa ngayon, 'yon na muna ang masusunod.
>>next update
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top