HTLAB - Chapter 20
CYFER POV
"Go to your room! Now!" tumakbo ako papasok sa room ko at nagkulong. I hugged my pillow. Natatakot ako kay Mommy. Galit na galit na naman siya. Mamaya, she'll hurt me again.
Napatingin ako sa paper plane na aking hawak. Si Daddy. . .Sana nandito siya para ipagtanggol ako kay Mommy. Ayoko na mapalo ulit.
Isinubsob ko ang aking mukha sa unan. Ilang sandali pa, nakarinig ako ng mga sigaw.
"Stop this,Gia!"
"Go away,Frank! Why are you here?! Umalis ka na!"
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nakukuha ang anak ko!"
Napatayo ako sa kama. That's my Daddy's voice! I'm sure that's him! He came!
Binuksan ko ang pintuan sa kwarto ko. Mas narinig ko ang sigawan nila ni Mommy.
"Ang kapal naman ng mukha mong sabihin 'yan! It has been fucking six long years,Frank! Six long years! Why only now?! Dahil napatunayan mo na anak mo nga ang bastardong 'yon? O dahil kaya na ng konsensya mong umamin dahil patay na ang asawa mo at wala ka ng masasaktan?!"
Mabilis akong sumungaw sa hagdan sa bahaging hindi masyadong nakikita. And there, I saw my angry Mom crying in front of my Daddy.
"O ano? Ba't hindi ka makaimik? Because it's true! Are you guilty now? You fucked your wife's bestfriend six years ago and made her pregnant! Pinagtaksilan mo si Lexa at hanggang sa mamatay siya hindi mo inamin! At ako? Ako ang pinalayo mo! You used your fucking money to me para lang manahimik ako,di ba? Di ba?" I saw Mom slapped my Daddy hard. Napaigtad ako dahil sa lakas ng tunog na nilikha no'n. "Ang kapal ng mukha mo,Frank! Ang kapal ng mukha mo!" pinagpupukpok ni Mom ang dibdib ni Daddy at patuloy siyang umiiyak.
"Gia,I'm sorry. . .Please,calm down. . ." pilit na niyayakap ni Dad ang Mommy pero marahas itong pumipiglas.
"No!" iwinasiwas ni Mommy ang kamay niya para lumayo si Daddy sa kanya. "Fuck you,Frank! Sana hindi ka na lang nagpakita!"
"Gia, you knew that it was just an accident! I was drunk! We were both drunk and-"
"At ano? Aksidente lang din na sinuhulan mo ako ng pera para huwag kong guluhin ang pamilya mo? Aksidente lang din na hindi ka pumayag na ipalaglag ang bastardong anak mo? At aksidente lang din na sirain mo ang buhay ko sa isang iglap?" umiling si Mommy at pagak na tumawa. "And when Lexa died giving birth to your youngest daughter the same year, nagmakaawa pa ako sayo,di ba? Nagmakaawa pa ako sayo na pakasalan mo ako kahit para lang sa anak mo! Pero ano? Hinayaan mo akong maging kahiya-hiya sa lahat! Sa pamilya ko! Sa lahat ng tao! Habang ikaw nagpapakasubsob sa paghiling na mabuhay ang taong patay na!"
"Enough!" hinawakan ni Daddy ang balikat ni Mommy at niyugyog 'yon. "Huwag mo na idamay si Lexa dito! Oo na. Isisi mo na lahat sa akin! Pero huwag mo nang idamay kay Lexa ang galit mo. She's dead! And let make it up to my son-"
Malakas na tinulak ni Mommy si Daddy at sinampal itong muli. "Damn you! Pagtapos kong maghirap ng maraming taon, susulpot ka at sasabihin mo 'yan?!"
Sunud-sunod na sampal ang natanggap ni Daddy kay Mommy. Napasiksik ako sa dulo. Why are they hurting each other? Dahil ba. . .sa akin?
Napapikit ako nang marinig muli ang sigaw ni Mommy. "Tingin mo ganoon kadali? Tingin mo pagbibigyan kita?! I make you suffer,Frank, like the I suffered in that six years!" then, Mom laughed like a mad woman. Tinakpan ko ang tainga ko at patakbong bumalik sa kwarto ngunit narinig ko pa ang mga sumunod nilang pag-uusap.
"Huwag mo na idamay ang bata,Gia. . ." nagsusumamong ang tinig ni Daddy.
"Wala kang karapatan sa kanya,Frank. He's just your bastard anyway. Hindi mo siya makukuha sa akin dahil hindi ko siya ibibigay sayo. Walang tatanggap sa kanya at walang magmamahal sa anak mo. Tandaan mo 'yan"
Nakakatakot si Mommy. Natatakot ako sa kanya. Why is she like that? Did Daddy hurt her so much that she wants me to suffer too?
With that, I cry in instant.
What a six year old kid like me can do?
Nothing. I'm just. . .nothing.
"Oh,by the way, I named him after you,devil. I named him Lucifer Madrigal." Mom laughed hysterically.
Nagpatuloy ako sa pagtakbo pabalik sa aking kwarto.
"You'll pay for this,Gia."
That was the last thing I heard after I closed the door. Humiga ako sa kama at nagtalukbong sa kumot at umiyak.
That was the first time realized that my fake Daddy is my real father, my Mommy hates me so much that she even named me after Lucifer and I'm just nothing to them.
I'm just nothing. . .
Nothing. . .
Nothing. . .
Nagising akong humihingal at punung-puno ng pawis. Pawis ako pero pakiramdam ko napakalamig ng paligid.
Napahawak ako sa aking ulo. Hindi naman marami ang nainom ko kagabi pero bakit pakiramdam ko minamartilyo ang ulo ko?
Sandali akong sumilip sa orasan. Alas syete ng umaga. Naalala kong magkausap pa kami ni Anne sa cellphone kagabi. We had a fight pero nagkabati rin naman.
Then, the dream. . .
Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko.
Napangiti ako ng mapakla. Dapat talaga ay hindi na ako uminom.
It was not an ordinary dream. It's my own nightmare which hunts me everytime I drink too much alcohol.
Pinilit kong tumayo kahit nanghihina ako.
Damn it.
Mukhang magkakasakit pa ata ako.
Muli akong nahiga nang matantiya na hindi ko talaga kayang tumayo man lamang.
This is so frustrating. . .
ANNE POV
I rushed to Cyfer's house nang tawagan niya ako at sinabing may sakit siya.
Masyado siguro siyang napagod sa paglilinis kahapon ng bahay niya.
Nadatnan ko siyang nakahiga sa kama. Tulog. Lumapit ako at sinipat ang noo at leeg niya. He has a high fever!
"Anne?" pilit niyang ibinuka ang kanyang mga mata.
"Yes,I'm here. Ang init mo,Cy. Mataas ang lagnat mo. Do you wanna go to hospital?"
Umiling siya. "Lagnat lang 'to. Isa pa, ayokong magpaalaga sa ibang nurse. Pwede mo naman akong i-nurse,right?" talagang ngumisi pa siya sa akin.
"Nagawa mo pa talagang magbiro,huh. Wait. May kukunin lang ako."
Inilapag ko sa side table ang aking body bag bago nagpunta sa kusina.
May dala na akong maliit na timba at may laman 'yon na maligamgam na tubig.
Nakapikit pa rin si Cyfer. Namumula ang kanyang magkabilang pisngi sanhi ng init sa kanyang katawan. Inilapag ko muna ang aking hawak sa side table at pinatay ang aircon gamit ang remote.
"Pasaway. May sakit na nga naka-aircon pa." naiiling kong wika.
"Mainit."
"May lagnat ka kasi kaya ganyan ang pakiramdam mo. Teka, kumain ka na ba ng almusal?"
Umiling siya. That's a stupid question. Malamang hindi pa siya nakakabangon sa kama niya kaya imposibleng nakapaghanda siya ng sarili niyang pagkain.
Napabuntong hininga na lamang ako. Kinuha kong muli ang aking body bag.
"Cy,lalabas lang muna ako. I'll buy you some fruits and meds. Bibili na rin ako ng makakain mo. Iwan lang muna kita dito sandali."
Tumango lamang siya at nanatiling nakapikit. Hinalikan ko muna siya sa noo bago ako lumabas.
Dumiretso muna ako sa isang botika at bumili ng gamot niya. Pagtapos ay bumili ako ng ilang prutas na nasa fruit stand.
Ang huli kong tinungo ay isang sikat na foodchain. Mahaba ang pila kaya natagalan ako. Binilhan ko si Cy ng soup at mango pie. Nag-order na rin ako ng para sa akin. Doon ako medyo nagtagal. Kailangan ko pa kasing maghintay ng ilang minuto para makuha ang mga in-order ko.
Nagmamadali akong bumalik sa bahay ni Cyfer pagtapos no'n. Gano'n pa rin ang ayos niya. Nakahiga at nakapikit.
I sighed. Naalala ko yung away namin kahapon. Hindi pa masyadong nalilinaw ang tungkol do'n pero nagkaayos naman kami kagabi. Parehas kaming hindi nakatiis.
When I reached home, I couldn't stop thinking about him. Trying to think of ways to make peace with him. I was about to call him when my phone rang as he called me. Parehas lang pala kami ng gustong gawin.
Kakalimutan ko muna 'yon. Marami pa naman kaming oras para maayos 'yon. Aalagaan ko muna siya.
-
Nakatulog pala ako sa pagbabantay kay Cy. Pagtingin ko sa orasan, 1pm na. Tanghali na pala.
Tulog pa rin siya. Nang sipatin ko ang noo niya, mainit pa rin pero hindi ka na kasing init nung kanina.
Pinunasan ko ng bimpo ang braso at leeg niya. Buti na lang naka-sando lang siya. Hindi ako nahirapan.
Nag-inat ako at tumayo. I'll cook his lunch para naman magkaroon ng laman ang tiyan niya. Konti lang kasi ang kinain niya kanina. Hindi naman niya inubos ang soup at kinalahati lamang niya ang mango pie.
Nag-iisip ako ng lulutuin. Ano kayang masarap?
Napaigtad ako ng marinig ang pagtunog ng doorbell.
Agad akong sumilip sa bintana para makita kung sino 'yon. Tulog pa si Cy at ayoko namang istorbohin ang pamamahinga niya. Isa pa, nanghihina pa rin siya. Ni hindi nga siya makakilos ng maayos.
Tinanaw ko ang gate. May nakita akong matandang lalaking nakatayo doon.
Napasinghap ako ng makilala kung sino ang bisita ni Cyfer.
Si Tito Loren!
Oh,God! Anong ginagawa ng ama ni Ren dito?
May kailangan ba siya kay Cyfer?
Para akong itinulos sa kinatatayuan ko. Parang anumang oras ay sasabog ang dibdib ko sa kaba. Hindi ko siya kayang pagbuksan dahil paniguradong magtataka siya kung ano ang ginagawa ko sa bahay ni Cyfer. Sigurado akong maghihinala siya.
Hinintay ko na lamang siyang umalis. Nainip marahil o inakala niya siguro na walang tao sa bahay na 'to.
Napaupo ako sa sofa. Hindi pa rin natatanggal sa dibdib ko ang kaba ngunit nagsusumiksik sa isip ko ang mga tanong kung bakit pumunta rito sa Tito Loren. Si Cyfer ba talaga ang sadya niya?
"Anne. . ." napalingon ako sa direksyon ng kwarto ni Cy. Nakatayo siya sa pinto at nakasandal doon na tila hinang-hina. "Sinong nag-doorbell?"
Napatayo ako bigla at lumapit sa kanya. "Cyfer, dapat hindi ka tumayo. . ." inalalayan ko siya pabalik sa kanyang silid. "Sige na. Magpahinga ka lang. We'll have lunch. I'll just cook."
"May dumating bang bisita?"
Natigilan ako. "W-wala. May nag-doorbell lang pero pagtingin ko ay wala namang tao."
Inalalayan ko siyang makahiga bago lumabas ng kanyang kwarto. Hindi na siya nagtanong pa. Napasandal ako sa pinto at mariing ipinikit ang mata.
Gusto kong malaman kung anong koneksyon ni Cyfer kay Tito Loren.
THIRD PERSON POV
Napatingin sa kanyang relo si Atty.Loren Delgado. Halos limang minuto na siyang nakatayo sa bahay ni Cyfer Madrigal at nagdo-doorbell ngunit walang nagbubukas ng pinto. Inakala nito na wala ang taong pakay niya sa bahay na 'yon kaya naman pinasya niyang umalis na at bumalik na lamang sa ibang araw.
Bumuntong hininga na lamang ang abogado bago sumukay sa kanyang kotse at nagmanaho pabalik sa mansion ng mga Delgado.
Hanggang ngayon ay palaisipan sa kanya ang pagkatao ni Cyfer Madrigal. Masyado itong mailap at tahimik. Misteryoso. Maliban sa anak ito ng kliyente at namayapang kaibigan niya na si Frank de Vera ay wala na siyang alam sa bata na 'yon.
Ang huling pag-uusap nila ay tatlong araw na ang nakalipas. Nangako siyang babalikan niya ito sa mga susunod na araw.
He can't believed he declined his inheritance from Frank. It's a huge amount of money. Hindi rin birong properties ang ipinangalan sa batang 'yon. Pati ang shares na palihim pang binili ni Frank sa isa sa mga board members nito ay tinanggihan din ng batang 'yon. Napailing na lamang siya.
Naalala niya ang huling pag-uusap nilang dalawa ni Cyfer.
FLASHBACK
Cyfeq was stunned for a moment when the lawyer told him that his biological father, Frank de Vera, was already dead.
Ilang minutong katahimikan ang pumailanlang sa pagitan nilang dalawa. Pinapanuod lamang ng abogado ang reaksyon ng kanyang kaharap.
Nakita niya ang pagkabigla sa mukha nito ng ilang saglit ngunit agad rin namang naging blankong muli ang mukha ng binata.
"Anong. . .kinamatay niya?" Cyfer asked the lawyer in a casual way. Na parang hindi big deal dito ang natanggap na balita.
"Cardiac Arrest." marahang sagot ng abogado. "Biglaan. Hindi inaasahan ng sinuman ang nangyari sa kanya. Even him."
Matagal na hindi nagsalita ang binata. At nang mahalata ng abogado na walang balak na magbukha ng bibig si Cyfer ay diniretso niya na ang nais niya rito.
"Naghihinala ka naman siguro kung bakit ako naririto, hindi ba?" inilapag ng abogado ang kanyang attache case sa wooden table. Pinagsalikod niya ang kanyang mga kamay. "Your father made a seperate will for his youngest son."
Tumalim ang mata ng binata at nagtagis ang bagang. "Hindi ako interesado."
Hindi nagpatinag si Atty.Delgado. "Interesado ka man o hindi, walang ibang tatanggap nito kundi ikaw lamang. He state it strictly. Hindi mo maaaring tanggihan. Kung magmamatigas ka man, wala pa ring makakagalaw ng mana mo."
Cyfer smiled bitterly. "Hindi niya ako madadaan sa pera. Wala akong pakialam sa mga naiwan niya." matigas nitong sagot. Mataman naman itong tinitigan ni Atty. Delgado.
Nakita ng abogado ang pait sa mukha ng binata. Na kahit ibigay pa ng buo ni Frank de Vera ang lahat ng kanyang kayamanan dito ay hindi no'n mababago na isa itong bastardo.
"He wants you to be a de Vera." natigilan muli si Cyfer sa sinabi ng abogado. "He wants you to have his name and legacy."
Hindi nakapag-react ang binata hanggang sa tumayo at nagpaalam ang abogado.
"Babalik ako sa susunod na araw. I hope you'll think about it and change your mind."
END OF FLASHBACK
He was equally shock the day when Frank told him that he has a son outside his marriage. Isang anak na lalaki na kasing tanda ng bunso nitong babae.
Frank also shared to him the whole story. The mistake he did eleven years ago. The youngest son he badly wanted to have. Frank felt sorry to the boy lalo na at hindi minahal ni Gia ang bata. He used the boy against him, to make him suffer, to make him regret. Naipit ang bata sa pagitan ng mga magulang nito. Lumaki na kulang sa pag-aaruga at pagmamahal. Gustuhin man ni Frank na maayos ang lahat sa pagitan nila ng ina ni Cyfer, wala itong magawa lalo na at hindi ito mapatad ni Gia. Hanggang sa dumating ang panahon na namuhi sa rito ang sarili nitong anak.
Tinanggihan ito sa unang pagkakataong inalok nito kay Cyfer ang pagiging de Vera.
Tinalikuran ito ng kanyang anak at kinalimutan.
Kaya gano'n na lamang ang desperasyon ni Frank na ibigay ang mga bagay na hindi naranasan ng anak nito sa labas.
Pero mukhang hanggang sa kamatayan nito ay dala ng kanyang bastardo ang galit at pagkamuhi rito.
At mukhang kailangan ng matinding pangungumbinsi bago niya mapilit ang anak ni Frank na tanggapin ang mana nito.
Nakarating siya sa mansion at nadatnan niya ang anak na si Ren na nagtatanghalian.
"Join me,Dad." aya sa kanya ng anak.
"No thanks,hijo. I'm still full. I had a lunch meeting with a new client."
"How's work?"
"Stressful." napailing na lamang siya. "I have so many things to do. Inuuna ko ang kaso ni Frank."
Uminom ng tubig si Ren at mataman na nakinig sa ama. "Kailan nga pala ang libing ni Tito Frank,Dad?"
Bumuntong hininga ang abogado at humingi ng maiinom sa katulong. "Bukas na."
"How's the de Veras? Umuwi na ba si Xandrea?" tanong pa ng anak.
Umiling siya. "Hindi maaaring umalis si Xandrea sa Finishing school lalo na't magtatapos na siya."
Tumango-tango si Ren. "Sayang naman. She won't have the chance to see her father for the last time. Ba't nga pala may kaso pa si Tito Frank sayo? Unfinished business?"
"Sort of. He have his last will for his children. Lately, may mga kumpanyang gustong lamunin ng buhay ang DVI nang malamang pumanaw na ang CEO. Good thing, Xandrei keep the foundation at its strongest state. Hindi nagpapatinag ang batang 'yon. Halatang susunod sa yapak ng ama."
"Yeah. I agree. He's too young but he works well."
"And I'm counting on you too,Ren. Maybe, you could help me manage the some of our businesses once you graduate in high school."
Ren smirked. "No sweat,Dad. Pero sana yung academy muna ang ipaubaya mo sa akin bago yung malalaki." natawa na lamang siya sa sinabi ng anak. He trust his son. He knows his son can do everything once he set it as his goal.
"Aattend ba tayo sa libing,Dad?"
"Of course,hijo. Pumunta ka na ba sa Minerva?" ang Minerva ay ang chapel kung saan nakaburol si Frank de Vera.
"Yes,Dad. Kakapunta ko lang po do'n kahapon." Ren snapped his fingers nang may maalala. "May itatanong nga pala ako. May nakita kasi akong isang tao sa chapel kahapon na hindi ko inaasahang makita doon."
Kumunot ang noo ni Loren at napatitig ng husto sa anak. "Sino?"
Sandaling nag-isip ang binata. "Just wanna know,Dad, if Cyfer Madrigal has any connections to that family. Well,baka lang naman kilala mo siya. Cyfer is my classmate and he was such a mysterious guy. I'm kinda curious what was he doing at Tito Frank's wake?"
Muntik na siyang mapaubo sa tanong ng kanyang anak. Damn. The world is getting smaller every day. This was a surprise. My son knew Frank's youngest son. If he is Ren's classmate, sa AAA rin siya nag-aaral.
What a coincidence.
And now, I was thorn between telling the truth and keeping white lies.
>>next update
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top