HTLAB - Chapter 2
ANNE POV
Kinabukasan, nabalitaan kong pinatawag ng Admin si Cyfer at ang barkada ni Geo.
Three days suspension ang ipinataw kay Cyfer habang community service ang kanila Geo.
Gusto kong magprotesta.
Binaliktad nila Geo ang nangyari. Sinabi nila sa admin na si Cyfer ang nagsimula ng away at napilitan lang silang lumaban. Wala namang reaksyon si Cyfer. Ang akala tuloy ng lahat guilty ito sa nangyari.
Bakit hindi nya ipinagtanggol ang sarili nya sa admin?
Three days suspension? Madami syang mamimiss na lesson. Ilang araw na lang magsisimula na ang examination.
"bakit nakabusangot ka na naman ha,Anne?" andito kami ni Rei sa library.
"wag kang maingay. Nagrereview ako."
"o talaga? Kailan pa naging reviewer ang table of contents ng Trigo natin?"
Napatingin ako sa libro. Nasa table of contents nga!
Napa-facepalm ako bigla.
"yung totoo,Anne? Bangag ka ba?"
"h-hindi." mahinang sagot ko.
"e ba't abnormal ka na naman? Nakakaloka ka na ha."
"Rei naman ,eh."
"ano ba yang iniisip mo? Share mo nga yan saken! Baka sakaling maintindihan ko yang kabaliwan mo."
"wala 'to. Ano lang. . .hindi lang siguro ako nakatulog ng maayos kagabi."
"so,bangag ka nga?"
"magreview na nga lang tayo. Ang dami mong tanong,eh."
"saan magrereview? Sa table of contents?" sarkastikong sabi ni Rei. Sinamaan ko sya ng tingin. She rolled her eyes upward.
"okay. Fine! Mananahimik na ako."
I sigh. Imbis na quiz sa trigo ang inaalala ko, si Cyfer ang nasa isip ko.
Speaking of Cyfer, pagtapos ng lunch break hindi ko na sya nakitang pumasok sa klase. Apat na subjects lang ang pinasukan nya. Nasaan na kaya sya ngayon?
"Rei, wait lang ha. May kukunin lang akong libro."
"sige."
May quiz din pala kami sa Foreign Language. Kailangan ko na talagang mag-review. Hirap na hirap pa naman ako don.
Nakita ko si Geo na naglalagay ng libro sa bookshelves. Ngayon na pala ang simula ng CS nila?
Nakaramdam ako ng inis.
Kung di nila binaliktad si Cyfer, e di sana sila ang napatawan ng suspension. Lumapit ako kay Geo. Nagulat pa sya ng akong papalapit.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.
"nakita ko yung nangyari sa parking lot kahapon."
I saw a flicker of surprise in his eyes.
"hindi nyo dapat binugbog si Cyfer." I hissed.
He smirked. "easy,Miss Martin. Hindi ko inaasahang kakausapin mo ako dahil lang sa bagay na yan."
"dapat sinabi nyo sa admin ang totoo. Kayo ang nagpasimula ng away, hindi si Cyfer."
"Cyfer didn't defend himself-"
"and you take advantage!"
"anong masama don? Wait. Bakit ba galit na galit ka? Si Cyfer nga walang sinabi tapos ikaw para kang tigre jan. Ano ka ba nya?"
Natigilan ako.
Ano nga ba nya ako?
Sino ba si Annielle Martin sa isang Cyfer Madrigal?
Wala. . .
"may gusto ka ba sa taong iyon?" nakangising tanong ni Geo.
Nawalan ng kulay ang mukha ko. Hindi ako makasagot.
"kung ako sayo, hahanap na lang ako ng iba. Pick me instead of that bastard. I'm a better guy than him. Bato yon. Hindi sya magkakagusto sayo." linapit nya ang mukha nya saken.
Sa sobrang inis ko sa mga pinagsasabi nya,tinuhod ko sya.
Napasigaw sya sa sakit.
Agad akong umalis at pinuntahan ang table namin ni Rei.
"tara na,Rei."
"wait? Anong nangyari?"
"sa room na tayo magreview."
Bagama't nagtataka, sumunod na din si Rei.
. . .pick me instead of that bastard. . .
. . .bato yon. Hindi sya magkakagusto sayo. . .
That jerk! And he has the nerve to say that he is a better man than Cy. Dapat lang syang tuhurin, hindi na dapat masundan ang lahi ni Geo. He's a pest.
"hey,Anne. Galit ka ba? Para kang sasabog jan ,eh. Ano bang nangyari?"
Napahinto ako sa paglalakad.
Ngayon lang ako nainis ng ganto. Mahaba ang pasensya ko pagdating sa mga away pero bakit pag si Cyfer na ang pinaguusapan, masyado akong sensitive?
Umiling na lang ako at naunang maglakad kay Rei.
Imbis na sa classroom ako pumunta, umakyat ako papuntang rooftop.
Kailangan ko ng hangin,baka sakaling mawala ang inis na nararamdaman ko at mahimasmasan ako.Kasalanan 'to ni Geo.
Pagdating ko don,binagsak ko lahat ng gamit ko.Sumandal ako sa pinto at umupo.
Malamig ang hangin.Medyo makulimlim. Maya-maya, siguradong uulan.
Nakaramdam ako ng pagod. Parang na-drain ang lahat ng lakas ko.
Nag-e-echo sa isip ko ang mga sinabi ni Geo.
. . .hindi sya magkakagusto sayo. . .
. . .hindi sya magkakagusto sayo. . .
. . .hindi sya magkakagusto sayo. . .
Alam ko naman yon,eh. Pero bakit ba patuloy pa din akong umaasa?
Ang sakit pa din pala pag pinamumukha na sayo na ang bagay na pinakaaasam-asam mo ay imposibleng mangyari.
Niyakap ko ang mga tuhod ko at umiyak.
Ngayon lang naman ako nagkagusto sa isang lalaki. Bakit ba kasi sya pa?
Naririnig ko na ang unti-unting pagpatak ng ulan. Kasabay non ang pagpatak ng mga luha ko.
Meron namang ibang lalaki jan, madaming nga sila pero iba pa din si Cyfer.
Iba sya sa lahat.
Pero bakit ang hirap hirap nya abutin?
Nilabas ko na lahat ng disappointment at frustration ko.
Yung sakit na tinago ko sa sarili ko. Sana pala sinabi ko na kay Rei, noon palang para maiiyakan ko sya. Para may taong yayakap saken.Para mabatukan nya ako at magising ako sa kabaliwan ko. Baka sakaling pagtapos non,matauhan na ako.
"bakit ka umiiyak?"
Nagitla ako may nagsalita sa harap ko.
My eyes went wide as I saw who is the person in front of me.
Yung taong siyang dahilan ng pag-iyak ko.
Yung taong dahilan kung bakit nagmumukmok ako ngayon dito.
Yung taong mahal ko.
Si Cyfer. Nasa harap ko sya ngayon. Nakaupo din sya tulad ko. Anong ginagawa nya dito?
"ang pangit mo umiyak."
I gasp.
Pinunasan ko kaagad ang mga luha ko gamit ang kamay ko.
Inawat nya ako.
Nagulat ako sa ginawa nya.
Pero mas nagulat ako sa sumunod na ginawa nya.
May hawak syang panyo. Yung panyo na binigay ko sa kanya kahapon.
Dinampi nya yon sa pisngi ko.
Yung puso ko mababasag na sa sobrang pagtibok nito.
"huminga ka. Baka mamatay ka jan, magpagbintangan pa ko na pinatay kita." sabi pa nya.
Grabe.
Pinipigilan ko na pala ang paghinga ko.
Bakit ba gumugulo ang sistema ko kapag sya ang kaharap ko?
"mukha ba akong multo?"
"h-ha?"
"kung manlaki kasi yang mga mata mo para kang nakakita ng multo."
"a-ano bang ginagawa mo dito? Ba't ka biglang sumulpot jan?"
Nagtaasan ang kilay nya.
"di ba dapat ako ang magtanong nyan? Nauna ako sayo dito. Hindi mo lang napansin dahil bigla kang nagdrama jan."
Hindi ako makaimik.
Hindi ko talaga akalain na makakausap ko sya ng ganto.
"bakit ka umiiyak?"
"h-ha?"
"wala kang kwentang kausap." bigla syang tumayo at umupo sa bench na nandoon.
Napatayo din ako bigla at nataranta.
Nainis na naman ba sya saken?
"bumalik ka na sa room. Magsisimula na ang klase."
"i-ikaw?"
"dito lang ako."
"magka-cutting ka na naman?"
"suspended na ko kaya walang mawawala saken."
"s-sayang naman. May quiz tayo sa trigo at foreign language."
Hindi na sya umimik.
Ang dami ng gusto kong sabihin, sa dami hindi ko na alam ang uunahin. Minsanan ko lang sya makausap ng ganto. Sasamantalahin ko na.
"b-bakit hindi mo ipinagtanggol ang sarili mo sa admin? Bakit pumayag kang ma-suspend?"
Lumingon sya saken. Nagyeyelo na naman ang tingin nya. Akala ko hindi nya ako sasagutin ng maayos.
"para ano? Hindi naman maniniwala ang admin saken."
Alam ko ang ibig nyang iparating.
Sa dami ng masasamang issue sa kanya na pawang mga kasinungalingan lamang, hindi magdadalawang isip ang admin na maniwala kina Geo. Isa pa, mga kilalang tao ang mga magulang ng mga ito. Samantalang si Cy. . .
"a-ako ang magpapaliwanag sa admin."
Naningkit ang mata nya. "hwag mong idadamay ang sarili mo dito."
"but I witness their-"
"that's enough. Atleast may isang taong may alam ng totoo. Wag mo ng ipilit ang gusto mo. Nagdesisyon na sila."
Wala na akong nagawa. Napaiwas na lang din ako ng tingin. Sya na mismo ang nagsabi na di dapat ako makialam.
"bumaba ka na." malamig na naman ang tono nya.
Kinuha ko na ang mga gamit ko sa lapag.
Sinulyapan ko syang muli.
Nararamdaman ko na tinataboy na naman nya ako.
Malungkot ang napangiti.
Atleast, nakausap ko sya.
Di ba dapat makuntento na ako don?
Huminga ako ng malalim bago tuluyang lumabas.
"salamat sa panyo."
Napahinto ako. Guni-guni ko lang ba yon?
>>next update
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top