HTLAB - Chapter 17
CYFER POV
Tahimik sa hallway nang dumaan ako. Namataan kong marami na ring estudyante sa paligid. Hindi ko alam kung tahimik ba sila bago pa ako dumating o natahimik lamang sila dahil daraan ako. Well, I don't give a damn. Wala naman akong pakialam kung maingay sila o tahimik. Ang ayoko lamang ay naiistorbo o pinapakialaman ako. As long as they won't bother me, everything will be normal.
Paliko na ako nang may marinig akong mga babaeng nagtatawanan. Naghaharutan pa ata ang barkada nila dahil aksidenteng nabangga ako ng isa sa mga babae. Hindi niya napansin ang pagdaan ko. Nalaglag ang mga dala niyang gamit at muntik na siyang bumagsak sa lupa. Pinanuod ko lamang siya.
What do you expect? Siya ang bumangga sa akin kaya hindi ako hihingi ng tawad at mas lalong hindi ko siya tutulungan.
Agad na yumuko ang babae para pulutin ang mga gamit niya. Mukhang hindi niya pa rin alam na ako ang nabangga niya. Liningon ko ang kanyang mga kaibigan. Namumutla ang mga ito.
Mukhang natatakot. I gritted my teeth. Kailan pa naging lugar ng harutan ang hallway?
"Ano ba 'yan! Hindi mo man lang ba ako tutulunga-" nabitin ang pagsasalita ng babae nang makita niya akong nakatunghay sa kanya. I look at her grimly and with coldness.
Natahimik ang lahat. Ramdam ko ang tensyon ng iba. Napayuko ang isa sa mga kaibigan ng babae sa akin habang ang isa naman ay tinulungang tumayo ang babaeng nakabunggo ko na ngayo'y nakatulala na sa akin at namumutla na rin sa kaba.
"S-sorry. Hindi ka nakita ng kaibigan ko k-kaya nabangga ka-" wika ng babaeng nakayuko na agad kong sinabat. Ang aga-aga pa para masira ang araw ko.
"Hindi lang kayo ang nag-aaral dito. You better act as normal as the other students here. Hindi yung ginagawa niyong playground ang hallway." liningon ko ang babaeng nakabunggo ko. "And you, tumingin ka sa dinadaanan mo."
Iyon lamang at linagpasan ko na sila. Hindi ko na hinintay pang makapagsalita sila isa-isa.
Narinig ko ang bulung-bulungan sa paligid.
"He's so damn cold."
"What do you expect from him? Bato nga,di ba?"
"Damn. Kawawa naman yung babae. Hindi man lang nag-sorry."
"Kung makapagsalita siya parang normal din siyang umasta. Hello? Ang creepy kaya niya!"
"Shut up, everyone! Baka marinig kayo. Baka tayo pa ang mapag-initan niyan. Kayo rin. . ." saway ng isang boses lalaki.
Binalewala ko ang aking mga narinig. Ba't ko pa sila pag-aaksayahan ng panahon? Sanay na ako sa mga opinyon nila. They will only waste my time. They surely don't deserve a good treatment from me. Hindi rin naman nila ako trinato ng tama.
I smile lazily. Nawalan na ako ng gana pumasok sa klase. Imbis na dumiretso sa classroom ay sa rooftop ako nagtungo.
Dito lamang ako nakakaramdam ng katahimikan. Walang bulungan, walang ingay at mas lalong wala akong maririnig na opinyon at panghuhusga.
Basta ko na lamang inilapag ang aking gamit sa kung saan at dumiretso sa bench na lagi kong hinihigaan.
Siguradong ipapatawag na naman ako sa SDO at madadagdagan ang offense ko.
Oh,come on. Kailan pa ako nag-alala sa offenses na naitatala sa handbook ko? Wala rin naman akong pakialam kung puro deductions na ang grade ko at mapasama na naman ako sa community service.
Tumingala ako at hinayaang matamaan ng sinag ng araw ang aking mukha. Ipinikit ko ang aking mata. Wala akong ibang naririnig kundi huni ng mga ibon at malakas na hangin.
Isa pang rason kung bakit hindi ko gustong pumasok ngayon ay ang kadahilanang wala akong sapat na tulog.Madaling araw na nang ihatid ko si Anne at dalawang oras na idlip lamang ang pahinga ko bago maghanda sa pagpasok.
Matutulugan ko lamang ang first subject namin.
Medyo nasira rin ang mood ko kanina dahil sa nangyari doon sa hallway.
Nakakasawa rin ang ganoong eksena. Unti-unti kong kinababagutan ang routine ko dito sa academy. Mas gugustuhin ko pang weekend na lang parati.
They only knew how to open their mouths without connecting their brain on it.They only knew how to judge the mistake of others without checking out themselves.
They are pathetic, stupid and jugdemental freaks.
Ano pa bang aasahan ko sa mga tulad nila? Wala akong mapapala sa mga kagaya nilang may opinyon lamang kapag may maling nakikita at sobrang gagaling pumuna ng mga mali ng iba. Mga laitero, pintasero at pakialamero ng buhay ng may buhay.
Damn.
I knew better. They are the type of people who refuse to see the good in me but they are pleasured to see my flaws. Ang iba sa kanila ay tahimik at kabado kapag nakakaharap ako ngunit pag nakatalikod na ako ay marami silang nasasabi tungkol sa akin.
Kagaya na lamang kanina.
I smile drily. Fools. I could accuse them of being blind by their pointless opinions.
They don't know the real me. They don't know who is the real Cyfer Madrigal.
They don't even know my real name pero kung makapagsalita sila ay parang alam nila ang buong istorya ng pagkatao ko.
Isang tao lamang ang nakaisip na baka may dahilan kung bakit ganito ang ugali ko.
Iisang tao lamang ang nag-dare sa kanyang sarili na lapitang ang isang tulad ko.
Ibinukod niya ang kanyang opinyon sa iba para lamang patunayan na tama ang hinala niya.
Hindi niya pinatulan ang mga tsismis tungkol sa akin bagkus ay siya pa mismo ang
naghanap ng mga bagay na totoo sa buhay ko.
Wala akong ibang tinutukoy kundi si Annielle Martin.
I remember the very first time I laid my eyes on her. She was sitting on a bench when I walked pass on her. I was checking her features when she turn on my direction on saw me staring. Her eyes went wide and I knew it was too late to look away but I did just to emphasize the word 'I don't care.'
She's nothing special. Hindi ko dapat pinag-aksayahan ng panahon na titigan ang babaeng 'yon. Wala naman akong mapapala sa isang tulad niya. Hindi ko siya kilala at wala akong balak na kilalanin siya. Bakit pa?
That time I wonder why the hell am I thinking of that girl who is a total stranger to me.
I told myself that there was no extraordinary thing on her. I admit that she's pretty enough to get anyone's attention but not mine. She's innocent looking too but I won't be decieved by her looks. She was just like others. Days will pass and I'm pretty sure that she'll judge me with pleasure.
Then, nalaman kong kaklase ko pa pala siya. Hindi lamang 'yon, naging katabi ko pa siya for this quarter.
Hindi ko siya pinapansin. Wala akong balak na magpakilala sa kanya at mas lalong wala akong balak na kilalanin ang isang tulad niya. Wala naman espesyal sa kanya kaya bakit ko siya pag-aaksayahan ng panahon?
Akala ko noon ay tama ang kutob ko tungkol sa kanya.
Nagawa ko naman siyang balewalain. Linalagpas-lagpasan ko lamang siya sa tuwing magkakasalubong kami. May pagkakataon pa nga na kumaway siya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Bakit? Sino ba siya? Hindi kami close kaya huwag siyang mag-feeling.
Nagulat na lamang ako na sa paglipas ng mga araw, napapadalas ang pagkakakita ko sa kanya.
Nakita ko siya sa iba't-bang lugar dito sa loob ng academy. Kadalasan ay nagugulat ako sa tuwing mapapagawi ang tingin ko sa direksyon niya at titig na titig siya sa akin.
Pakiramdam ko nga no'n ay para siyang stalker.
Hanggang sa dumating ang araw na labis kong ikinawindang.
She confessed.
Lumapit siya sa akin at sinabing mahal niya ako.
Napatulala ako nung oras na 'yon hanggang sa natauhan ako. Muntik ko pa nga siyang matawanan ng malakas.
Mahal daw? That was bullshit! Hindi niya ako kilala. Hindi ko siya kinakausap. Wala kaming koneksyon sa isa't-isa pagtapos ay bigla siyang lalapit sa akin at sasabihin an mga salitang 'yon?
Kalokohan. Paano mo mamahalin ang isang tao kung isa siyang istranghero?
Isa lamang ang tumatak sa aking isipan noong araw na 'yon.
Hindi siya dapat pagkatiwalaan.
Linapitan niya lamang ako para malaman niya ang baho ko. Pagtapos no'n ay ano?
Ipagkakalat rin niya tulad sa iba?
Isang pangungusap laman ang sinabi ko sa kanya.
Maghanap siya ng taong mamahalin siya pabalik.
Pero hindi ako ang taong 'yon.
Pagtapos no'n ay tinalikuran ko siya. Iniwan ko siyang umiiyak. Hindi ko alam kung bakit sinundot ako ng aking konsensya nang makia ko ang pagbuhos ng kanyang mga luha. Siguro, dahil wala pang nagtangkang gumawa no'n sa akin. Only her.
Sinubukan ko siyang iwasan. Akala ko na-discourage na siya pero nagkamali na naman ako.
Kung nasaan ako ay nandoon rin siya though she kept her distance. Hindi siya lumalapit kapag hindi kailangan. Ngunit madalas ko siyang nakikita sa paligid. Nagtatama ang aming paningin at kahit sa malayo ay nakikita ko ang malalalim niyang titig. She looked shy but she would never look away unless I'll ignore her first.
Gano'n palagi ang nangyayari hanggang sa in-approach niya na naman ako. Lagi pa rin siyang nakamasid at ikinaiinis ko 'yon. Kung bakit ay hindi ko alam. Hindi lang naman siya ang tumititig sa akin na parang napakasama kong tao. Siguro dahik may laman ang bawat tingin niya sa akin.
Sa bawat pagkakataong nasa alanganin akong sitwasyon, nandoon siya.
Nagulat pa nga ako nang makita ko siya pagtapos kong makipagbugbugan sa barkada ni Geo. Inabutan pa niya ako ng panyo.
I never thought that she's thoughtful. I refuse to accept her good deeds and I also refuse to accept that she's too kind for me. Ang itinatak ko sa isip ko ay isa siyang sawsawera.
Pero nung araw na 'yon, nabaon siya sa isip ko. Hindi ko alam kung paano pero huli na nang malaman kong nakakapasok na siya sa sistema ko. Hanggang sa na-realize kong nahulog ako sa patibong niya.
Hindi ko napagilan. Bumulusok ako pababa. Sa bawat paglipas ng araw ay lumalambot ako sa kanya. Nanghihina ako sa tuwing magkakatitigan kaming dalawa. Namura ko pa nga ang sarili ko.Para akong baliw na tanong ng tanong kung bakit siya? Ano ba siya? Sino ba talaga ang babaeng 'yon maliban sa pangalan niyang Annielle Martin.
I have doubts.I don't easily trust someone.I have my own dark secrets to keep and I want to keep it as a mystery for a long time.
Ngunit sobrang bilis ng mga pangyayari at hindi ko namalayang nahulog na pala ako. Hindi ko agad inamin . Sinubukan kong bumangon pero may malakas na pwersang humihila sa akin pababa. Ang resulta, imbis na makaahon ay lalo akong nahulog pailalim.
Hanggang sa nag-confess ulit siya. Sinabi ko sa sarili ko na last na 'to. Pagbibigyan ko lang ang katangahan ko pero pagtapos nito babalik na ako sa normal. Balewala na ulit siya sa buhay ko.
Ipinakilala ko ang sarili ko. Sinabi ko ang mga bagay na hindi ko kailanman naibahagi sa iba. I told her things about me that could turn her off. But to my surprise, she chose to stay. Kabaliktaran ng inaasahan ko ang nangyari. My untold story gave her enough courage to stick with me.
Pinatunayan niya sa akin na hindi siya tulad ng iba na agad akong hinusgahan. She listened to my story patiently, trying to understand what my point is.
Kakaiba siya. Mali lahat ng hinala ko tungkol sa kanya. Mali ang mga assumptions ko at kinain ko lamang lahat ng mga nasabi ko.
Everything about her is special. She's simple and yet extraordinary. I'm quiet amazed.
Hanggang sa tinanggap ko na ang sitwasyon ko. Inamin ko na sa sarili ko na wala akong mapapala sa pagiging in-denial ko. Minsan ko lamang maramdaman 'to kaya nararapat lang na pahalagahan. Saka ko na iisipin ang mga kapalit. Ang mahalaga ay hindi ito palampasin.
At yung pakiramdam ko nung umamin ako, para akong nabunutan ng tinik.
I grab my chance to have Anne.
Hindi ko pa masabing mahal ko siya dahil gusto kong masiguro. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kaya hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin.
Ang alam ko lang ay masaya ako sa kanya. Hangga't nararamdaman kong masaya siya sa isang tulad ko, hindi ako magsasawang manatili kasama siya.
Malabo man ang relasyon sa pagitan naming dalawa, ramdam ko naman ang pagmamahal niya. Nasabi ko na rin na mahal ko siya.
Ang tanging problema na lamang ay ang pagsesekreto nito sa lahat. Hindi madali at hindi magiging madali.
We know that there will come a time na marereveal din ang lahat ng ito.
Gusto ko lamang siyang pansamantalang ingatan sa mga bagay na makakasakit sa kanya. Kung ako lang, makakaya ko. Pero si Anne? I don't think so. Masyado siyang malambot. Hindi ko nga alam kung kaya ba niyang magalit. She's too good to be true. She's too fragile and innocent. Baka hindi niya kayaning indahin ang sakit na hindi niya inakala.
Maaraming masasabi ang mga tao sa paligid. Kahit pa na ba opinyon lamang 'yon o kaya naman ay tsismis, masasaktan pa rin si Anne. Ayokong isipin na nasasaktan siya nang dahil sa akin. Na imbis na ako ang matamaan, sinasalag niya at siya ang nasasaktan.
Keeping our realationship a secret is a little sacrifice to avoid another set of complications.
Idinilat ko ang aking mata. Malilim na. Tumingin ako sa kalangitan. Mukhang uulan pa ata.
Napatingin ako sa wristwatch ko. Mag-iisang oras na pala akong nakapikit.
Isang oras pa bago ang breaktime.
Inabot ko ang aking bag na nasa lapag at kinuha doon ang cellphone ko. May mga text si Anne.
Anne : Ba't di ka pumasok?
Anne : Absent ka ba talaga?
Anne : Tulog ka pa ba?
Anne : Please magreply ka kapag wala kang ginagawa. I love you. I'm missing you already.
Anne : Busy or still asleep?
Nangingiti akong parang buang. Nag-compose ako ng mahabang reply.
Me : I'm not absent. Nasa rooftop lang ako. Tinamad ako pumasok sa first and second sub natin. Punta ka dito pag breaktime na. I love you,too. And I'm missing you more. . .
Sent.
Napailing na lamang ako. I never thought I could be that cheesy. Hindi ko alam kung paanong kusang nawawala ang pagiging misteryoso, seryoso at masungit ko kapag siya na ang aking kaharap. Para siyang may invisible shield at immune na siya sa paguugali ko.
Nagbabago ako kapag siya ang kasama ko.
No.
Mali pala.
Nagiging totoo lamang ako kapag siya na ang nasa tabi ko. Wala na akong pakialam sa iba basta siya ang nandyan.
Ibang-iba talaga si Anne.
She has her own way to express her concern. She's has her own mindset at hindi nagpapadala sa sinasabi ng iba. She's humble and almost perfect.
Hindi ko alam kung anong nagawa kong maganda sa buhay ko para mapunta siya sa akin.
Dahil kung ako ang tatanungin, I don't even deserve someone like her. She deserves a guy who is better than me.
Ano kayang mangyayari sa akin kapag nawala siya?
Natigilan ako.
Ba't naisip kong mawawala si Anne?
Biglang pumatak ang ulan at hindi nagtagal ay bumuhos ito ng malakas. Buti na lamang at covered ang kalahati ng rooftop.
I sighed. Mahaba-haba pa ang oras na natitira. Iidlip muna ako sandali. Hindi na maganda ang takbo ng isip ko. Kailangan ko na talaga ng pahinga.
-
"Cy. . ."
Napaungol ako nang marinig ang malambing na boses ni Anne. I know si Anne ang tumatapik sa aking mukha. I moaned at tinakpan ang mga mata ko.
She giggled. "Ang cute mo talaga matulog." kinurot pa niya ang pisngi ko.
Ilang segundo ang pinalipas ko bago ako bumangon.
"Kanina ka pa ba dyan?" kinusot ko ang aking mga mata.
"Hindi naman gano'n katagal. Wala pang five minutes. Here." inabot niya ang isang styro ng pagkain at bottled water. "Kumain ka muna. Teka, ba't nga pala hindi ka pumasok sa first and second subjects natin?" binuksan niya ang styro at inabot sa akin ang kutsara at tinidor.
"Thank you." nginitian ko siya. Parang bulang nawala ang pagkabadtrip ko kanina.
"May nangyari ba,Cy?"
Sandali akong napatitig sa kanya bago ako sumagot sa tanong. "May nangyari lang kanina."
Pahapyaw kong ipinaliwanag ang nangyari sa hallway. "Hayaan mo na sila." hinaplos niya ang braso ko. "They opinions don't matter."
Tumango ako. "You're right."
"May balita ako sayo."
Napatingin akong muli sa kanya. "Ano 'yon?"
"Hmm, di ba kinuwento ko sayo kagabi yung nangyari sa welcome party ng kuya ni Rhea?"
Tumango ako at hinintay ang susunod niyang sasabihin.
"Hindi naman galit sa akin si Rhea."
"Nag-usap na kayo?"
She nod. Sumandal siya sa balikat ko.
"Masyado lang daw siyang stress kagabi. May nangyari daw kasi. Hindi niya sinabi kung ano pero wala raw akong kinalaman do'n." paliwanag ni Anne.
"So, wala pa rin siyang alam tungkol sa atin?"
"I think so. Hindi naman siya galit nang kausapin niya ako kanina. Nag-sorry pa nga siya sa akin ng paulit-ulit dahil hindi raw tama ang ginawa niyang pagbubunton sa akin ng inis. Wala naman daw akong kasalanan. Nagkataon lamang na nasa kalagitnaan siya ng pag-e-emote at naistorbo ko siya." she chuckled softly.
"That's good. Ibig sabihin, wala naman pala tayong dapat problemahin." tinapos ko kaagad ang pagkain ko pagtapos ay uminom ako ng tubig.
"Mukhang gutom na gutom ka,ah. Hindi ka ba nakakain ng agahan?"
Umiling ako. "Gahol sa oras. Salamat ulit do'n. Babayaran ko na lang-"
Nabitin ang pagsasalita ko nang higitin niya ang aking batok at hinalikan ako.
Sa tuwing nangyayari 'to, pakiramdam ko ay nawawala ako sa aking sarili.
Nakakabaliw ang halik niya. She has the softest and sweetest lips. At sa tuwing maglalapat ang labi namin, nasa todo ang pagpipigil ko.
When the kiss ended, agad akong yumakap sa kanya.
"You're sweet." I whispered in her ears. I swear I felt her shiver. Marahan akong natawa.
"H-hindi mo na ko kailangang bayaran. Para sayo 'yon at gusto ko ang ginagawa ko." sumandal siya sa dibdib ko.
Napakaswerte ko.
Darating yung panagon na mapapatunayan ko ang sarili ko sa kanya.
Everytime I hold her in my arms, nagkakaroon ako ng matinding motivation na itama ang lahat.
I was named after Lucifer but this bastard devil can turn the world just to prove his worth to his angel. My heart,body and sould was already taken.
"I love you, my angel."
-
Pumasok na ako sa mga sumunod kong subjects after breaktime. Hindi na kami nakapag-usap ni Anne dahil inaya daw siya ni Rhea na sumama sa gallery ng kuya nito. Hindi raw siya makatanggi dahil kakatapos lamang nilang mag-ayos. Hindi rin naman ako umangal.
Ayos lang 'yon sa akin. Si Rhea naman ang kasama niya at hindi kung sinu-sino lang.
Umuwi na lamang ako agad.
Magkatext kami ni Anne hanggang ngayon .
Inihahanda ko ang aking gitara. Minsan ko lang 'to ilalabas. Inaasahan ko kasi na walang available na guitar instrument sa Rioza dahil apat na banda ang nakaline-up mag-gig ngayong araw.
Pagtapos no'n ay ako naman ang kakanta sa stage sa loob ng tatlumpung minuto.
Chineck ko ang mga kantang kakantahin ko. Konting practice para wala na akong poproblemahin mamaya. Walong kanta ang nasa plano pero may back-up akong dalawa. Hindi naman ako nahirapang magkabisado ng chords dahil minsan ko na ring natugtog ang mga ito.
Ang bilin lang naman sa akin ng manager ay hindi dapat maulit ang isang kanta sa isang linggo. Lahat naman ng pagkanta ko sa Rioza ay sariling acoustic version ko. Nakapag-try na rin ako na kantahin ang kantang sarili kong gawa. Naging okay naman.
Sa totoo lang ay dalawang linggo lang dapat ang part-time job ko sa Rioza.
Pinakiusapan lamang ako ng manager na gawing isang buwan ang kontrata dahil nag-i-insist ang ilang regular costumer nila. Wala akong nagawa. Untang na loob ko na rin 'yon sa manager dahil agad niya akong inaprubahan sa labing apat na nag-audition para maging part time singer sa Rioza.
Wala naman talaga akong balak na magperform sa maraming tao. Kailangan ko lang ng extra income dahil nagbalak akong bilhan ng regalo si Anne. Hindi murang halaga si Crein kaya napasubo ako. Pero ayos lang. Nagustuhan ko naman ang pagkanta sa Rioza. Experience na rin. Hindi ko akalaing mapapakinabangan ko ang boses ko.
Tapos na akong magpractice ng marinig kong tumunog ang doorbell.
Agad kong binuksan ang gate.
Kumunot ang noo ko ng makita ang isang matandang lalaki sa labas.
"Good evening,hijo." bati ng matanda. Naka-formal attire ito at may hawak na suit case.
"Ano hong kailangan niyo?"
"Are you Cyfer Madrigal?" tanong pa ng matanda.
Agad akong tumango. "Bakit ho?"
Parang pinag-aralan niya muna ang mukha ko bago siya muling nagsalita.
"I have to talk to you,hijo. Pasensya na kung naistorbo kita ngayong hapon."
"Pumasok ho muna kayo."
The old man mumured his thanks. Sumunod siya sa akin sa sala.
Pinagmasdan ko siyang mabuti. Kung pagbabasehan ang suot at itsura niya, mukha siyang business man o kaya naman ay pulitiko. Ano namang gagawin ng isang tulad niya sa pamamahay ko? At ano ring kailangan niya sa akin?
I offered him drinks pero tumanggi siya.
Umupo ako sa sofa na kaharap ng kinauupuan niya.
"Ano pong ipinunta niyo dito?"
"Something about personal matters." inilapag nito ang suit case sa wooden table.
"I don't think I have met you,Sir."
"Me too, young man. But it is a pleasure meeting you in person." tinitigan ko lamang siya ng matiim. "Mag-isa ka lamang ba sa bahay na 'to?"
Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong niya o hindi.
I don't trust strangers.
Mukhang nakita ng lalaki ang pag-aalinlangan sa mukha ko.
Agad niyang dinugtungan ang kanyang sinabi. "Pasensya na,hijo. Hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa'yo. I'm Attorney Loren Delgado."
Isa pala siyang abogado. Pamilyar ang pangalan niya at parang narinig ko na kung saan pero hindi ko maalala. Kaya pala ganyan ang ayos niya.
Inextend niya ang kanyang kamay at may pag-aalinlangang inabot ko 'yon. Nakipag-kamay ako sa kanya.
Pero ba't abogado ang kaharap ko ngayon? Wala akong natatandaang gumawa ako ng krimen.
"Anong kailangan niyo sa akin,Atty.?" I hate formalities. Kung may kailangan siya ay agad niyang sabihin sa akin.
The lawyer cleared his throat. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ipinadala ako dito ng isang tao."
"Isang tao?" napaisip ako. Imposibleng ang mama. Wala naman itong pakialam. At mas malabo kung ang kapatid kong lalaki. Si Morris? Napailing na lamang ako.
"Sino?" agad kong tanong.
"Do you know Frank de Vera?"
Natigilan ako. De Vera.
Agad na nagtagis ang bagang ko.
"Your biological father died yesterday."
>>next update
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top