HTLAB - Chapter 15
ANNE POV
"Ingat kasi next time." hinihilot hilot ni Cyfer ang tuhod kong nasaktan sa pagbagsak ko kanina.
Hindi ako makatingin ng maayos sa kanya. Pasulyap-sulyap lamang ako. Kapag nakatingin siya sa akin, iiwas ako ng tingin.
Epic talaga ang nangyari kanina. Sa lahat ng pagkakataon, bakit doon pa ako naging tanga? As in yung literal na pagkatanga.
Dapat pala hindi ko na hinabol si Crein. Grabe talaga! Hindi ko makalimutan.
Kasi naman nag-confess na siya tapos imbis na sumigaw ako sa kilig, napaaray ako sa sakit. Ang sakit kaya ng pagkabagsak ko!
Napabuntong hininga na lamang ako. Paano na ngayon? Ulitin pa kaya niya? Paano pag inatake na naman siya ng pride at hindi na naman niya masabi?
Tahimik kong hinihiling na sana ay mangyari ulit 'yon. Yung seryoso na. Yung kaya kong maappreciate ang mga katagang lalabas sa bibig niya. Less katangahan effect.
Kung bakit naman kasi lagi na lamang nauudlot! Napakamalas naman ata naming dalawa.
Tumahol si Crein na nasa tabi ko at nakaupo na tila nagpapaawa. Mukhang alam niyang may kasalanan siya.
Nang matapos si Cy ay umupo siya sa tabi ko. Kinuha niya si Crein at itinaas sa ere. "Don't do it again. I'll throw in the nearest creek kapag naulit 'to." umungot si Crein na tila naiintindihan ang sinabi ni Cyfer.
"Hey, huwag mong pagalitan si Crein." sabi ko.
Hindi siya umimik. Napabuntong hininga na lamang ulit ako.
Katahimikan.
Ang awkward.
Anong dapat kong sabihin sa kanya? Nakakafrustrate naman ang ganitong feeling. Parang mas gusto ko pa yung pervert side niya kaysa sa Cyfer na tahimik.
Gusto ko yung lagi siyang nanunukso, nakangisi at nangungulit. Kapag kasi tahimik siya , hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya.
Kinuha ko si Crein at nilaro-laro. Ang cute niya. White ang kulay niya at brown ang mga mata.
Naramdaman ko ang pagdantay ng ulo ni Cy sa balikat ko. He cleared his throat.
"Nagustuhan mo ba?"
"Oo naman. Salamat,ha. Binili mo ba siya?"
Naramdaman ko ang pagtango niya.
"Gumastos ka para sa akin?" liningon ko siya. Hindi biro ang halaga ng mga ganitong aso. Saan niya kinuha ang ipinambili niya kay Crein? Sa magulang ba niya?
Tumingala siya. Isang dangkal na lamang ang pagitan ng aming mukha. Nabitin na naman ang paghinga ko. Matutuloy na ba?
"Just for you." he said huskily.
Namula ako. Napatingin ako sa labi niya. Manipis pero mapula. Parang masarap halikan.
Okay lang naman siguro maging manyak kung siya ang dahilan.
Huminto na naman ang oras naming dalawa.
"Say it again." bulong ko.
Tinignan niya ako sa ng diretso sa mata. Hindi ko maipaliwanag ang nakikita ko sa kanya. Ayokong hulaan. Ayokong umasam. Ayokong mag-assume dahil kahit totoong mahal ko siya, takot pa rin akong masaktan. Natatakot akong maramdaman muli yung sakit na naramdaman ko nung mga panahon na iniiwasan niya ako. Ayokong maulit pa 'yon.
Hangga't maaari, gusto kong umiwas sa sakit. Ngunit alam ko rin namang hindi kami magiging masaya lagi. Ang nais ko lang mangyari ay kung sakaling may darating na problema sa aming dalawa, mahaharap namin nang magkasama ang sakit . Sana hindi kami magkahiwalay.
Hinihintay ko ang sagot niya at hindi ko gustong kumurap man lang.
"Mahal kita,Anne."
Naiiyak ako. Ang tagal kong hinintay nito. Ang saya. Sa sobrang saya, tumulo ang mga luha ko.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sari-saring emosyon ang naglalaro sa puso ko.
Hinihiling ko na sana hindi matapos 'to.
Sa wakas, nagbunga ang effort ko. Naniwala siya sa akin at sa nararamdaman ko para sa kanya. Pinagkatiwalaan niya ako sa mga sekreto niya. Ipinakita niya ang totoong siya. Dinala niya ako sa lugar na kaming dalawa lamang ang nakakaalam. Pasekreto at malabo man ang relasyon naming dalawa, mahal ko siya at ngayon nagawa na rin niya akong mahalin.
Lumapat ang labi niya sa labi ko. Ibinaon ko na ang mga masasakit na alaala na naranasan ko sa kanya. Natabunan na nang saya.
Hindi ko alam kung gaano katagal kami sa ganitong posisyon. Tahol ni Crein ang nakapagpahiwalay sa aming dalawa. Agad kaming napatingin kay Crein na nakatingala sa aming dalawa. Natawa na lamang kami.
Hinalikan niya ang sentido ko at pinagsalikop niya ang aming mga kamay.
"Thank you,Cy. I love you,too."
-
"Boo! Mukha ka na namang timang dyan! Ano? Nabaliw ka na kakagawa ng projects natin?" nasa byahe kami ni Rhea papuntang airport. 8 ng gabi nang makauwi ako galing sa bahay ni Cy. Agad akong dumiretso sa bahay ni Rhea pagktapos.
Hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa labi ko. Wala akong pakialam kung mapagkakamalan na akong baliw dito. Masaya ako,eh.
Kanina pa nga ako inaasar ni Rhea. Nginingitian ko na lamang siya which she find weird daw. Bumabalik na naman daw ang pagiging weird ko.
Hinayaan ko na lamang siya na mag-isip ng gano'n. Wala namang makakasira ng araw ko,eh. Narinig ko na ang magic word kay Cy.
Inaamin kong hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako.
"Uuy! Paano na yung regalo natin kay Kuya bukas? Sasabihan na naman ako ng mokong na 'yon na kuripot ako."
Gosh. Nawala na naman sa isip ko ang bagay na 'yon! Ang dami ko talagang nakakaligtaan kapag kasama ko si Cyfer. Okupado niya kasi ang isipin ko at hindi ko na magawang mag-isip pa ng ibang bagay kapag nasa tabi ko lamang siya.
"Ako na lang ang bibili bukas para hindi makahalata si Kuya Rex. May naisip ka na ba?" tanong ko kay Rhea.
Umasim ang mukha niya. "Ikaw na ang bahala . Hindi ako magaling sa ganyan."
Bahala na nga bukas.
-
"Kuya Rex!" sinalubong ng yakap ni Rhea ang kanyang nakatatandang kapatid. Ginulo-gulo naman ni Kuya Rex ang buhok ni Rhea. "Haha! Maliit ka pa rin,bunso!"
Pinalo ni Rhea ang braso ng kuya niya. "Tse! Nasaan na ang mga pasulubong ko?"
"May pinatago ka ba?"
"Hoy! Nagbilin ako sayo,ah? Pag hindi mo binigay ang pasalubong ko, isusumbong kita kay Dad!" parang batang ngumuso si Rhea. Natawa na lamang ako sa eksena nilang magkapatid.
"Sumbungera ka talaga." naiiling na wika ni Kuya Rex. Dumako ang tingin niya sa direksyon ko. Saka lang niya ang presensya ko.
"Anne! Blooming ka ngayon,ah!" agad na lumapit sa akin si Kuya Rex at niyakap ako.
"Mas lalo kang gumwapo ,Kuya! Kumusta naman ang byahe mo?"
"Buti ka pa kinukumusta ako. Itong magaling kong kapatid, pasalubong ang agad na tanong sa akin." natatawang sabi ni Kuya Rex at nilingon si Rhea na nakabusangot.
"Tama na nga 'yang bolahan niyong dalawa! Umuwi na tayo. Anne, sa amin ka na mag-dinner. Masasarap ang putahe na niluto ni yaya!"
"Mukha pa rin siyang pagkain,ano?" bulong ni Kuya Rex sa akin. Natawa na lamang ako.
Si Kuya Rex ay parang nakatatandang kapatid ko na rin. Siya ang tagapagtanggol namin ni Rhea noong mga batang paslit pa lamang kami.
Handang makipagsuntukan si Kuya Rex kahit ang kapalit no'n ay ang suspension at sermon ng ama.
Makisig rin si Kuya Rex. Nung nag-aaral pa ito sa AAA at elementary pa lamang kami ni Rhea, maraming nagkaka-crush rito. May iilan ding naging girlfriend pero hindi nagtatagal. May lahing babaero rin ang loko.
Sa lahat ng Kuya ni Rhea, siya ang gusto ko dahil hindi siya masyadong istrikto. Hinahayaan niya kaming mamasyal ni Rhea sa kung saan-saan basta wala kaming gagawin kalokohan at uuwi kami sa tamang oras.
Isa siyang Landscape Architect sa ibang bansa. Nasa lahi talaga nila Rhea ang pagiging creative at artistic. Ang ibang kuya kasi ni Rhea ay professional photographer, graphic artist at painter. Si Rhea rin ay may talent sa arts. Nakita ko na dati ang mga sketches niya.
Sa pagkakaalam ko, 24 na si Kuya Rex bukas. May party na gaganapin sa hardin ng mga Marval para sa okasyon na 'yon. Six ang umpisa ng party at sigurado akong madaling araw na 'yon matatapos.
Pagtapos ng dinner sa bahay ng mga Marval, umuwi pa rin ako kahit pinipilit ako ni Rhea na doon na matulog.
Idinahilan ko naman sa kanya na aabangan ko ang pagbukas ng mall para bumili ng regalo kay Kuya Rex. Naintindihan na niya kung bakit hindi ako pwedeng magpalipas ng gabi doon.
11 na ako nakauwi. Pagod na pagod ako. Naglinis ako ng katawan pagtapos ay humilata na sa kama.
Kinalikot ko muna ang cellphone ko. May ilang text si Cyfer sa akin.
Cyfer : Thanks for today. I love u.
Cyfer : Text me kapag nakauwi ka na. I love u.
Cyfer : Namimiss na kita. I love u.
Napangiti ako ng mabasa ang mga messages niya. May 'I love u' talaga lahat? Sobrang sweet naman niya ngayong araw. Hindi pa nga ako nakakaget-over sa magic words and kisses niya,eh.
Niyakap ko ang aking unan at isinubsob ang namumula kong mukha doon. Gosh. Yung kilig ko mula sa talampakan hanggang ulo na.
Naalala ko yung pinagagagawa namin sa bahay niya.
Ilang beses kaming naglaro. Mind games like chess and scrabble. Hindi man lamang ako nanalo ni isa! Nung una, confident ako na mas lamang ako sa kanya. Nag-e-excell ako sa klase at mataas ang mental ability ko. Natalo ko nga si Rhea sa chess game championship.
But I underestimated him! Napapanga-nga na lamang ako sa mga moves niya sa chess at hindi ko mabasa ang mga strategy niya. At ang points niya sa scrabble, malayo sa score ko. Ang epic talaga. Tinatawanan niya na lamang ako.
Pinasyal rin namin si Crein sa labas ng subdivision nila. Nakaakbay siya sa akin habang hawak-hawak ko ang tali ni Crein.
Hinayaan niya rin akong magluto ng matinong dinner. Natatawa kaming dalawa kapag nakikita namin ang itlog sa ref.
Iniwan ko muna sa kanya si Crein. Kukunin ko na lang bukas.
Hinatid niya ako sa park na malapit sa subdivision namin. Then, he kissed me goodbye.
Sandali lamang 'yon pero masarap sa pakiramdam.
Magrereply pa na ako ng mag-pop out ang isa pang message mula sa kanya.
Cyfer : Are you free tomorrow night? Let's meet at Rioza. 9pm. I love u.
Rioza? Alam ko isang bar 'yon na malapit sa academy.
We'll go into public place? Level up na kami?
Pero paano ang party ni kuya Rex?
Ito na naman ako sa sitwasyong gipit na gipit.
I need to do something para makapunta sa Rioza.
>>next update
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top