HTLAB - Chapter 14
Plug ko po ang : Revenge Of A Bitter Man at 10 Steps To Be Lady . :D
ANNE POV
"Hey,Anne. Hindi ka talaga pwede today? Birthday kasi ni kuya Rex sa Sunday,eh. Baka pwede mo akong tulungan bumili ng regalo? Nakalimutan ko kasi na malapit na ang birthday ng mokong."
I'm talking to Rhea over the phone. Napahinto ako sa pagbibihis.
Gosh! Birthday pala ni Kuya Rex! Rexter Marval is like a brother to me. Not to add, he is one of my favorite person in the world.
"Nakauwi na si Kuya Rex sa New Zealand?"
"Yeah. Nagulat nga ako kasi tumawag si Kuya sa akin. Nagpapasundo sa airport mamayang gabi. Ang gusto ko sana bago siya makauwi nakabili na tayo ng regalo. Hindi na ako makakabili ng gift sa mismong birthday niya. At isa pa, ang hirap regaluhan no'n. Mas maarte pa sa babae!"
Hindi ko masyadong naiintindihan ang pinagsasabi ni Rhea. Ang nasa isip ko ngayon ay kung paano ko maisisingit ang oras ng pagdating ni Kuya Rex sa araw na 'to. Akala ko pa naman si Cyfer lang ang aalalahanin ko.
Gusto ko kasing bawiin yung two weeks na halos hindi na kami magkita maliban sa klase. It has been ages since we had our last date kaya sobrang excited ako sa date namin today.
Kagabi nagawa kong tanggihan si Rhea. Sinabi kong maaga akong magpapasa ng mga projects kaya 'yon muna ang gagwin ko this weekend. That's partially true dahil maraming projects ang ipinapagwa sa amin at binalak ko talagang gawin agad 'yon kung hindi ako inaya ni Cyfer kagabi.
Now, hindi ko alam kung paano ko hahatiin ang katawan ko ngayong araw.
"Rei, hindi kita masasamahan na bumili ng gift. Sorry. Pero sasama ako sa pagsundo kay Kuya Rex mamayang gabi."
"Sobrang busy ka ba talaga? Pwede mo naman kasing ipagpaliban 'yang mga projects natin. Next week pa ang pasahan,di ba?"
"A-alam mo namang lagi akong advance magpasa."
Napatingin ako sa orasan. I have twenty minutes remaining bago ang napagkasunduang oras ng pagkikita namin ni Cy sa park.
Halos isang oras na akong nag-aayos at hanggang ngayon hindi pa rin ako tapos. Simple lang naman ang ayos ko. Napakakupad ko lang talagang kumilos.
"Sige na nga. Hindi na kita kukulitin. Paano yung regalo kay Kuya Rex?"
"Ako na ang bahala do'n,okay? Gagawa ako ng paraan. Kaya 'yan." I assured her. Wala pa akong maisip na maipangreregalo kay Kuya pero sa tingin ko naman makakahanap agad ako sa mall.
Pagkatapos ng tawag, pinagpatuloy ko ang pag-aayos.
Hanggang ngayon ay palaisipan sa akin kung ano ang gagawin namin ni Cy at kung ano 'yung ibibigay niya sa akin.
-
Ilang minuto pa lamang mula ng dumating ako dito sa park. Wala pa si Cy. Kahit kailan talaga, late ang isang 'yon.
Biglang may tumakip sa mata ko. Agad akong napangiti. Naamoy ko ang pamilyar na pabango.
"Miss you." he whispered in my ears. Hinawakan ko ang mga kamay na nakatakip sa mata ko at tinanggal 'yon. Bago ko pa siya makita, naramdaman ko na ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.
Napaharap agad ako sa kanya, nanlalaki ang mata at halos matanggal ang panga ko sa pagkagulat. Namula ako ng sobra.
"You blush like it's our first time." nakangising sabi niya. Tinampal ko ang braso niya at agad akong umiwas ng tingin.
"Y-you are late."
"Five minutes lang,ah. Kaya nga may kiss ka,eh." tatawa-tawa niyang sabi.
Lalong nag-init ang mukha ko. Anong nakain niya at parang ang saya-saya niya ngayong araw?
Sabagay,kahit ako naman ay masaya rin. Basta kasama ko siya nag-iiba ang kulay ng paligid.
"Tara na?" hinawakan niya ang kamay ko.
Sweet. Iba talaga siya sa Cyfer na kilala bilang 'bato'. Nginitian ko siya. He smiled back. Ang gwapo niya.
Bagay pala sa kanya ang naka-sando at boxer lamang.
Nanlaki ang mata ko ng marealize kong 'yon lang ang suot niya.
"Lumabas ka ng ganyan lang ang suot mo?"
Napatingin siya sa akin at tumango. "Bakit?"
Namula ako. Ibig sabihin may iba pang nakakita sa kanya na ganyan ang suot?!
Hindi na ako nakapag-react. Umangkas siya sa motor niya at sinusian 'yon. Nagmotor siya ng naka-boxer at shorts. Parang gusto kong magngitngit.
Lumingon siya sa akin at hinila niya ako. "Come here."
Inilagay niya sa ulo ko ang helmet.
"Paano ka?"
"Okay lang ako. Hop in."
Agad naman akong umangkas sa kanya at humawak sa bewang niya.
"Ayoko ng ganyan." sabi niya at bahagya niyang ibinaling ang ulo sa akin.
"Ha?" hindi ko siya maintidihan.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at hinila 'yon. Napasubsob ang katawan at mukha ko sa likod niya. "Cy! What are you-"
Ipinulupot niya ang braso ko sa bewang niya. Halos magwala ang puso ko sa eksena naming dalawa.
"That's better." wika niya. "But you can hug me tighter. I won't mind."
Napanga-nga talaga ako sa sinabi niya. Pinaharurot niya agad ang motor niya kaya naman kusang humigpit ang yakap ko sa bewang niya. "Cy, slow down! Baka maaksidente tayo!"
"Nah. I just missed this." sabi niya.
Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya. "But you're driving is too fast. Slow down."
Binagalan niya. Napahinga ako ng maluwag. Ibang side naman ang pinapakita niya ngayon. Ang kanyang pagiging care-free. Napangiti na lamang ako at hinigpitan ang pagyakap ko sa kanya. Sinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya.
"I love you." sabi ko. Hindi ko alam kung narinig ba niya ako dahil mas malakas ang tunog ng motor.
Hindi ako magsasawang sabihin 'yon sa kanya kahit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin masagot pabalik ang mga salitang 'yon sa akin. Masaya pa rin ako dahil alam kong sa akin lang siya ganito.
Malabo man ang estado namin dalawa, alam ko sa sarili ko na hangga't nandyan siya sa tabi ko, may ugnayan kaming dalawa.
Pumikit ako at ninamnam ang sandali.
Malamig ang hanging humahampas sa mukha ko pero ramdam ko ang init ng katawan ni Cy.
"I love you."
Napadilat ako at napatingin kay Cy.
D-did he say something?
Hindi siya nagsasalita at mukhang ang focus ay sa pagmamaneho.
Pero may narinig akong. . .
I sighed. Nevermind.
Baka guni-guni ko lang. Sa sobrang pag-momoment ko, iba na ang naririnig ko.
Huminto ang motor niya sa tapat ng bahay. Gusto ko sanang banggitin ang narinig ko pero umuron ang dila ko. Paano kung wala naman? Paano kung ilusyon lang?
Ipinasok niya ang motor niya sa garahe.
"Cy?"
"hmm?"
"Anong gagawin natin?"
Ngumiti siya. Inakbayan niya ako. "Wala. Mag-uusap."
Tumingala ako sa kanya. "Anong pag-uusapan natin?"
"Kung anu-ano."
Pumasok kami ng bahay. Parang nag-iba ang itsura ng bahay niya. "You did this? Nag-ayos ka?"
"Yeah."
"Ang sipag,ah."
Umupo ako sa sofa.
"Darating ka,eh." lumiko siya sa isang kwarto. Paglabas, may dala siyang unan.
"Para saan 'yan?"
Hindi siya sumagot. Nagulat na lang ako ng humiga siya sa lap ko, yakap yakap ang unan na dala niya.
"O? A-akala ko ba mag-uusap tayo? Mukhang tutulugan mo lang ako,ah?" natatawang wika ko.
He chuckled. "Medyo bitin kasi ang tulog ko. Hindi nga ako nakapag-ayos ng sarili ko dahil late na naman akon nagising. And I just want to experience this. Yung nakahiga ako sa lap mo habang nag-uusap tayo."
Namula ako."Ang adik mo."
"Adik sayo?" tinampal ko ang mukha niya. Napa-aray siya. Nataranta ako. "Sorry!"
"Argh! Ang bigat talaga ng kamay mo." reklamo niya pero nanatili siyang nakangisi.
"Ikaw kasi! Kung anu-ano lumalabas dyan sa bibig mo? May nakain ka ba at mukhang sobrang saya mo ngayon?"
Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa dibdib niya. "Masaya lang ako. Magkasama na uli tayo." tinitigan niya ako sa mata.
"Bakit ka nga pala naging busy ?"
Umiwas siya ng tingin. "May inaasikaso lang ako." Itatanong ko sana kung ano 'yon pero bumangon siya at tumayo. "Nagugutom ka na ba?"
Umiling ako. "Nagbreakfast na ako sa bahay."
"Ako kasi nagugutom na. Tara. Samahan mo ako sa kusina." inakay niya ako sa kusina ng bahay niya. Naalala ko tuloy yung gabi na pinagluto ko siya.
"Wala ka pa bang nakahandang pagkain?" tanong ko. Binuksan ko ang ref niya at frozen food lang ang nandoon.
"Maghahanda pa lang." kinuha niya sa rack ang itlog. Hindi ko maiwasang matawa.
"Itlog na naman?!"
"Favorite ko 'to. Huwag kang umangal."
Lalo akong natawa. Inagaw ko sa kamay niya ang itlog. "Ako na magluluto."
Inagaw naman niya ulit sa akin 'yon. "Ilalaga ko lang 'to. Solb na."
"Wala ka bang matinong pagkain?"
"Matino naman 'to,ah!"
"What I mean is mas matino sa itlog."
"Wala ng mas titino sa itlog ko. The best 'to."
Parehas kaming natigilan. Hindi ko inaasahang maririnig ko 'yon sa kanya at mukhang hindi niya rin inaasahang lalabas 'yon sa bibig niya.
What the heck,Anne! Kailan ka pa naging green-minded?!
"Sayo na nga 'yang itlog mo."
"Akin naman talaga 'to." sagot niya. Hindi kami makatingin sa isa't-isa. Pambihirang itlog 'yan!
Binuksan ko ang mga cabinet na nandoon at naghanap ng mga pagkain. Meron naman palang canned foods,eh! Loyal siya sa itlog,huh.
Tumingin ako sa kanya. Nakatalikod siya sa akin at hinahanda ang kaldero. Seryoso? Itlog lang talaga ang makapagpapabusog sa kanya?
Kinuha ko ang corned beef at tumabi sa kanya.
"Akin 'to. Nagugutom din ako,eh."
Hindi pa rin siya makatingin sa akin. Tumango lamang siya.
Tinitigan ko ng matagal ang lata. Napabuntong hininga na lamang ako dahil hindi ko alam kung paano ko bubuksan 'yon.
Inagaw ni Cy ang lata sa kamay ko. "Ako na dito. Tatawagin na lang kita."
"pero-"
"Hahalikan kita kapag umangal ka pa." 'yon lang at tinalikuran na naman niya ako.
Nang mag-sink in sa utak ko ang sinabi niya, mabilis akong lumabas ng kusina.
Kahit pa gusto ko ng kiss ang kapal naman ng mukha ko kung papayag ako,di ba? Kaya hindi ako umangal. Umupo ulit ako sa sofa. Inilibot ko ang mata ko sa buong kabahayan. Malaki ito pero mag-isa lamang si Cy na nakatira. Mukhang malungkot tumira mag-isa sa ganitong klase ng bagay.
Dahil wala akong magawa, binuksan-buksan ko ang mga drawers sa side table. May nakita akong album.
Tumingin ako sa pintuan papunta sa kusina. Mukhang matatagalan pa naman si Cy sa pagluluto.
Kinuha ko ang album at inilagay sa lap ko. Binuksan ko ang album. Bumungad sa akin ay ang mga baby pictures.
Si Cyfer ba 'to? Hindi ko mamukhaan. Ang mga litratong nakalagay dito ay isang sanggol na buwan pa lamang ang edad.
Pero habang palaki ng palaki ang sanggol sa mga litrato, mas lalong tumining ang hinala ko na si Cyfer nga 'to.
Kahit sa picture, hindi siya nakangiti.
Bakit puro solo pictures 'to? Wala ba siyang picture kasama ang mga magulang niya? Wala masyadong naikukwento si Cy tungkol sa magulang niya. Maliban nung unang araw ko dito sa bahay na 'to. Yung araw na sinabi niya sa akin ang tunay na pangalan niya.
Ang usap-usapan dati sa academy, druglord ang ama ni Cy. Isa 'yon sa mga naging dahilan kung bakit ilag ang mga estudyante sa kanya.
I don't rely my judgements in rumors. Hindi ako naniniwala na isang druglord ang ama niya. Kung totoo man 'yon, hindi na 'yon kasalanan ni Cy.
Bakit naman kasi napakabilis maniwala ng mga tao ngayon sa tsismis? Wala silang alam sa buong kwento pero kung makapaghusga naman sila daig pa ang perpekto. Mga nagmamagaling.
Ibinalik ko ang album sa drawer.
Ilang sandali pa, lumabas si Cy sa kusina na may dalang tray. Inilapag niya 'yon sa glass table.
"Let's eat." Mayroong dalawang plate na may rice, corned beef with onions and three boiled eggs. "Hindi pwedeng tumanggi. Sabi mo nagugutom ka rin."
I sighed. Wala na akong nagawa kung hindi umupo sa tabi niya. "Hindi naman talaga ako gutom,eh. Gusto ko lang kumain ng ibang ulam."
"No. Saluhan mo ako."
Sungit. Napangiti na lang ako. Bakit ba hindi ako maturn off sa kanya? Napaka-moody niya. Minsan mas masungit pa siya sa babaeng may dalaw. Pero kahit ganoon, mahal ko pa din.
Ewan ko ba kung sinong abnormal sa aming dalawa. Ako ba o siya?
"Wanna eat my eggs?"
Muntik na akong mabulunan. Inabutan niya ako ng tubig. Agad kong inabot 'yon at ininom. Pagtapos ay tinignan ko siya ng matalim.
He's grinning. Hawak niya ang isang boiled egg na di pa nababalatan.
My Gosh! My pervert side si Cyfer Madrigal?
Bakit imbes na ma-turn off ako parang mas lalong lumala?
Pervert ka rin,Anne!
Kinuha ko ang itlog sa kamay niya. I cracked it in his forhead. Napapikit siya.
It's now his turn to glare at me. Patay-malisya lang akong nagbabalat ng itlog.
Nang matapos ako, kinagatan ko kaagad at tumingin ako sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa akin.
I grinned at him and said ,"I like your egg."
Nanlaki ang mata niya at namula siya ng todo. Umiwas ng tingin at sunod-sunod ang ginawa niyang pagsubo sa pagkain.
Hindi ko mapagilang tumawa ng malakas.
I won in his teasing game.
-
Nanunuod kami ng movie. Kanina pa ako hindi kinikibo ni Cy. Dahil siguro sa sinabi ko kanina. Baka na-offend siya. Eh kasi naman, hindi ko napigilan ang tawa ko. Natuwa ako masyado sa reaksyon niya.
Tahimik akong kumakain ng cake. Wala akong maintindihan sa movie dahil pinapakiramdaman ko siya.
Hindi ako makatiis.
"Cyfer. . ."
No reaction. Nakatitig lamang siya sa tv.
"Cyyy. . ." sinundot-sindot ko ang pisngi niya. Hindi pa rin siya umiimik.
"Cyfer ko. . ." kinurot ko ang magkabilang pisngi niya. Nag-pout ako. "Hindi mo ba talaga ako papansinin?"
Sa wakas, tumingin din siya sa akin. Nakaisip na naman ako ng kalokohan.
"Pag hindi ka nagsalita, hahalikan kita." napaawang sandali ang labi niya. Natuwa naman ako.
Mukhang ako na naman ang mananalo.
Sa pagkabigla ko, hinawakan niya ang mga kamay ko at inihiga niya ako sa sofa. He pinned me down!
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko. Napalunok ako dahil seryosong-seryoso ang mukha niya.
"Do it." he said.
Nanlaki lalo ang mga mata ko. He. . .wants me to kiss him?!
Tumindig ang kabog ng dibdib ko.
"Hindi . . .pwede. Nagsalita ka na,eh." umiwas ako ng tingin. Mukhang talo ako.
Pinagpapawisan ako dahil sa kaba.
"Then,I'll do it." ngumisi siya.
Mas lalo akong kinabahan.
Oh,no. . .
Unti-unting bumaba ang mukha niya sa mukha ko.
Oh my gosh! Mahihimatay ata ako.
Mariin kong pinikit ang mata ko.
"Joke lang."
Napadilat ako agad. Nakita ko siyang tatawa-tawa.
What the hell?! Joke time lang?! Argh!
Binato ko siya ng throw pillow. Sapul siya sa mukha. Ako naman ang tumawa. Akala niya siguro hindi ako gaganti.
Naningkit ang mata niya nang tumingin siya sa akin. "You!"
Agad akong tumakbo palayo sa kanya. Napapasigaw ako sa tuwing maaabutan niya na ako. Hinaharang ko ang mga upuan at mabilis naman niyang hahawiin.
Natatawa na lamang kami sa sarili namin.
Para kaming mga bata na naghahabulan at naghaharutan.
Ang sarap sa pakiramdam sa tuwing naririnig ko ang halakhak niya.
Naabutan niya ako at niyakap ako sa bewang.
Hindi ako kumawala. Humigpit ang yakap niya. Hinarap niya ako.
His eyes shows many emotions I couldn't explain. Nakatingin lamang kami sa isa't-isa. Walang bumibitaw. Walang gustong bumitaw.
Sa harap ko ay ang Cyfer na hindi kilala ng mundo. Walang ibang nakakakilala sa kanya kung hindi ako lamang. Ang Cyfer na walang maskara. Ang totoong siya.
Hinawakan ko ang pisngi niya. Pumikit siya at lalo niya akong idinikit sa katawan niya. Mahigpit ang yakap niya na halos malansag na ang buto ko pero wala na akong pakialam.
Ang tanging nakikita ko ay siya lang. Sa amin ang oras na 'to.
Sa aming dalawa lamang.
This is not a normal date. Karaniwan na kapag sinabing magdidate ang dalawang tao ay mamamasyal sa iba't-ibang lugar. Iba ang trip niya. Mas gusto ko na rin na nandito ako sa bahay niya at walang mang-iistorbo sa aming dalawa. Kinda unique pero mas sweet dahil nag-eenjoy akong kasama siya.
Basta siya ang kasama ko, madali akong sumaya.
I could feel his breath fanning my face. Our lips were only inches apart. Pumikit na rin ako habang papalapit ng papalapit ang paglapat ng mga labi namin.
"AWW! AWW!"
Napapitlag kaming dalawa at sabay kaming napamulat. May naramdaman akong dumidila sa paa ko at halos mapatalon ako sa sobrang gulat.
"Shit. Wrong timing ka talaga." Cyfer hissed.
Lumapit si Cyfer sa cute na tuta na nasa paanan namin. "Nakawala ka naman. Tsk!" kinarga niya ang tuta. Sa tingin ko ay shitzu ang lahi.
Napabuntong hininga na lamang siya. "This is Crein. My gift to you."
"H-ha?"
Umiwas siya ng tingin. "Para may kasama ka kapag wala ako."
Tumahol muli ang aso. Kinuha ko iyon kay Cyfer. Diniladilaan ni Crein ang kamay ko.
"He likes you already." komento ni Cy.
"You named him 'Crein'?"
Tumango siya. "But I won't mind if you like to change it."
"No. I like it naman,eh." nilalaro ko si Crein. Maharot siya at makulit. I giggled. "He's cute. I like it,Cy." I looked at him sincerely. "Thank you."
Ngumiti lamang siya habang pinapanuod niya akong laruin si Crein.
"Why did you named him 'Crein'?" tanong ko.
"Hindi ko alam. Basta mapangalanan lang siya." sagot niya.
Ibinalik ko ang pansin ko sa shitzu. Grabe. Tuwang-tuwa ako kay Crein.
Kahit naudlot 'yong . . .ahrg! Nevermind. I just want to focus to Crein.
"Anne. . ."
"Yes?" hindi ko siya nilingon. Nakikipaghabulan ako kay Crein.
"I love you."
Nadapa ako.
>>next update
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top