HTLAB - Chapter 13
ANNE POV
Sinubukan kong bumawi kay Rhea nitong mga nakaraang araw.
We watched the latest movies in cinemas o kaya naman ay movie maration sa bahay nila.
We went shopping kahit mukhang napilitan lamang dahil hindi naman daw nito hilig ang ganoong bagay. Minsan na rin kaming nag-swimming sa clubhouse at magkakaraoke.
May mga araw rin na nakiki-sleepover ako sa kanila at magjojogging kami kinabukasan.
Tuwing nasa kanila ako, lagi niya akong niyayayang maglaro ng online games o kaya naman ay sa xbox niya.
Hindi ko siya hinihindian kahit ni minsan hindi niya ako pinanalo man lamang. Natatawa na lamang ako kapag nagtutuksuhan kaming dalawa.
Masaya sa pakiramdam.
Parang bumalik kami doon sa panahon na wala pang Cyfer sa buhay ko. Yung panahon na ang sentro ng atensyon ko ay ang bestfriend ko.
Masarap sa pakiramdam na mukhang nagbabalik na kami sa dati ni Rhea ngunit masakit namang isipin na nawawalan kami ni Cy ng oras para sa isa't-isa.
Totoo ang sinabi niyang magiging abala siya.
Hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan niya pero lagi pa rin niya akong tinatawagan sa gabi.
Madalang na rin kaming nakakapagkita sa rooftop dahil tuwing breaktime ay si Rhea ang sinasamahan ko. Hindi na siya nalelate pero hindi pa rin kami nakakapag-usap sa umaga dahil may mga araw na sabay kaming pumapasok ni Rhea. Sa uwian naman, kahit gusto ko siyang habulin, umaalis na siya bago ko pa siya mahagilap.
Two weeks nang ganito ang routine ko.
"Bestfriend! Movie tayo later?" aya sa akin ni Rhea habang nilalagay ko ang mga libro ko sa locker. Inakbayan pa niya ako. "Mukhang maganda ang Divergent."
"Nabasa ko na 'yon sa libro." isinara ko ang locker ko.
"O eh ano naman? Iba pa rin pag visual at may effects!" depensa niya. "So,ano? Nuod tayo?"
Napabuntong hininga na lamang ako. Mas gusto ko talagang nagbabasa na lamang. Napapagana ko pa ang imagination ko. Para kasing expectator lamang ang mga nanunuod ng movie.
Pero sa huli, napilit pa rin ako ni Rhea. Nanuod pa rin kami ng Divergent. Babaeng 'to talaga. Gagawin ang lahat manalo lang siya.
After watching the movie, medyo okay naman. Cool enough. Pero mas cool ang mga characters sa imagination ko. Mas gwapo ang Four na nasa isip ko kaysa sa bidang gumanap bilang Four.
Si Rhea tuwang-tuwa. Walang ibang bukambibig kung hindi si Tris - ang bidang babae sa Divergent. Tinanong ko nga siya kung nagwapuhan ba siya kay Four at ang sagot niya 'mas gwapo ata ako do'n.' Binatukan ko nga.
Pero syempre isa lang talaga ang gwapo sa paningin ko, it's Cy. Sino pa ba? Loyal ako sa kagwapuhan niya.
Speaking of Cy, nami-miss ko na siya. Ano bang pinagkakaabalahan ng taong 'yon at parang sobrang busy na niya? Wala akong ni katiting na ideya.
Baka may bagong babae na siya?
No way! Change topic. Hindi ko matatanggap na reason 'yon.
"Lumulutang na naman ang isip mo,Anne? Kailangan ko na bang magpadala ng astronaut sa outer space para kunin ang iyong brain?"
"Corny much,Rhea Louisse Marval."
"Argh! Don't call me that!" tinakpan niya ang dalawang tainga niya. Natawa na lamang ako. Asaran pala,ha.
"More?" tudyo ko pa.
"Okay! Fine! Hindi na nga,eh." napanguso na lamang siya.
"Samahan mo muna akong bumili ng libro sa bookstore."
"Libro na naman?! Kakabili mo lang ng libro nung isang araw,ah?!"
"Tapos ko na,eh. Gusto ko na magbasa ulit."
"Book maniac talaga 'tong isang 'to." bulong pa niya. Hindi ko na lamang siya pinansin. Nagpatuloy ako sa pagbrowse ng libro.
Nang makita ko ang librong bibilhin ko, agad akong pumila sa cashier at binayaran 'yon.
"Ano na naman 'to?" hinablot ni Rhea ang paper bag na hawak ko. "The Elite? Anong klaseng story 'to?" binasa niya ang teaser sa likod ng libro. Umasim ang mukha niya ng matapos siyang magbasa. "Searching for the One? Tss. Kahit kailan talaga. Mula pa nung bata tayo, hilig mo na 'yang mga princess and prince chu-chu na 'yan. Hindi ka ba nauumay?"
Napatitig ako sa libro. "Bakit? Maganda naman,ah." ito ang book two ng librong binili ko nung nakaraang araw. Nagustuhan ko dahil love triangle ang conflict sa istoryang 'to.
Totoo rin ang sinabi ni Rhea na mahilig ako sa mga princess and prince theme. Fan ako ng disney princesses noong bata ako. Gustung-gusto ko ang mga kwentong may 'happily ever after' ang dulo.
"You know what? Hindi ka realistic. England na nga lang ata ang may prinsipe at prinsesa,eh. Yung tipong Royal Family talaga. Masyado mong pinapairal ang fantasy sa imagination mo."
Natigilan ako.
"Isipin mo na lang na ganito ang magiging sitwasyon mo. Kunyari, isa kang prinsesa.Meron kang prinsipe na taliwas sa 'ideal person' mo. Anong mas pipiliin mo? Yung prinsipe o yung ideal person na nabuo mo lamang sa isip mo?" dagdag pa ni Rhea. Umiwas ako ng tingin. Mukhang hindi siya aware sa reaksyon ko.
For the first time, kinabahan ako sa isang hypothetical question. Nag-sink in sa utak ko ang tanong ni Rhea pero hindi ko alam ang sagot. Hindi ko alam ang isasagot ko.
"Payong kaibigan, bestfriend. Wala tayo sa fairytales. Wala tayo sa wonderland. Wala tayo sa diamond palace. Hindi pinapairal sa bansa natin ang monarchy. In short, hindi ka isang prinsesa. Ang harsh kaya dito sa earth. Kaya kung ako sayo, tanggalin mo na ang ideal man mo sa puso mo."
Medyo natakot ako. Si Cyfer ang ideal man ko.
Simula pa lang,alam ko na sa sarili ko na siya ang tipo kong lalaki.
Ang pinagkaiba lang ng istorya namin ay hindi siya isang prinsipe.
He's a bastard.
But that fact doesn't stop me from loving someone like him. Isa lang naman ang hinihiling ko. Na kahit normal kaming tao, magkaiba man kaming dalawa at kung sakaling maraming humadlang at maging kontrabida , isang ending lang ang gusto ko. 'Happily Ever After.'
-
Pagkauwi ko sa bahay, agad kong inalis sa isip ko ang sinabi ni Rhea. Ayokong alalahanin 'yon. Natatakot ako kahit wala naman akong dapat katakutan. Pakiramdam ko tuloy ay may masamang mangyayari.
Tapos na ang dinner at nakatambay ako sa veranda. Katext ko si Cyfer. Ang tagal niya ngang magreply. Mukhang may pinagkakaabalahan nga talaga siya.
Me : Busy?
After 10 minutes.
Cyfer : Sorry. May hinahanap lang ako.
Me : Ano 'yon?
After 5 minutes.
Cyfer : Walang pasok bukas. Pwede ba kitang ayain lumabas?
Napatayo ako sa upuan ng mabasa 'yon. Ilang ulit ko pa ngang binasa dahil baka nagkamali lang ako ngunit wala namang nabago sa mga letrang nababasa ko ngayon.
Me : Is that a . . .date?
Hindi ako mapakali habang naghihintay ng reply niya. After 10 minutes, he replied.
Cyfer : Yeah. If you like.
Napasigaw ako sa tuwa. Agad akong pumunta sa walk in closet ko at naghanap ng isusuot para bukas.
After 30 minutes, nakapili ako ng matinong damit. Nang balikan ko ang cellphone ko, tadtad na ng text ni Cyfer ang inbox ko!
Cyfer : Hey, papayag ka ba?
Cyfer : Anne?
Cyfer : Are you busy?
Cyfer : Tinulugan mo ata ako,ah. Ang aga mo matulog.
Cyfer : mukhang ayaw mo lang makipag-date ulit sa akin. I-cancel na lang natin.
Oh,no!
Agad akong nagreply. Ang tanga naman,Anne! Masyado kang na-excite, ayan! Mukhang hindi pa matutuloy.
Me : Sorry,Cy. May ginawa lang ako. Sorry! Papayag naman ako. Hindi kita matatanggihan.
This time, agad siyang nagreply.
Cyfer : mukhang napilian ka lang. It's okay kung ayaw mo.
Napakamot na lamang ako sa noo. Hindi pwedeng hindi 'to matuloy! Miss na miss ko na siya! Gusto ko siyang makasama ulit.
Me : Miss na kita. Gusto kitang makita bukas.
P.S. - Hindi ako napipilitan.
Cyfer : Totoo 'yan?
Me : Kailan pa ako nag-joke na namimiss kita?
Cyfer : malay ko ba kung ngayon?
Me : ouch </3
Cyfer : I'm just kidding. I know you miss me 'coz that's exactly what I'm feeling right now.
Okay. Fine. Hindi ako sisigaw. Hindi ako ngingiti. Hindi ako kikiligin. But damn! Fail! Hindi ko maiwasang mangisay sa message niya!
Me : So,tuloy na tayo bukas?
Cyfer : Yeah. Pero dito lang ulit tayo sa bahay,ah. Huwag ka na mag-dress. Kahit pambahay lang,maganda ka pa rin.
Yeah, expert na si Cy sa pambobola. At ako mukhang tanga na dito, ngumingiti mag-isa.
Me : I love you. See yah.
Cyfer : See you tomorrow. I'll give you something. Goodnight.
Walang 'I love you'. It's okay. Balang-araw, siya na ang unang magsasabi sa akin niyan.
Na-curious ako sa kung ano ang ibibigay niya sa akin. Ano kaya 'yon?
Sayang naman yung dress na hinanda ko. Pinaghirapan ko pa namang hanapin 'yon sa closet.
Bahala na nga bukas.
I was about to sleep when I recieved a text from Rhea.
Rhea : Hey, Anne. Wanna go to clubhouse tom? Let's swim!
Natigilan ako.
Wrong timing.
What am I gonna do now? I already said yes to Cy?
Ito na naman ang moment ng timbangan portion : Rhea vs Cyfer. Bestfriend vs Lover.
>>next update.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top