HTLAB - Chapter 12
ANNE POV
Hindi maalis sa isip ko ang mga nasasaksihan ko sa resto. Maraming katanungan ang gumugulo sa akin.
Sino kaya ang kausap ni Cyfer? Bakit kailangang humantong pa sa suntukan?
Hindi naman bayolenteng tao si Cyfer. He's just cold and distant and the kind of person who seems not to care about what was happening in his surrounding. Hindi rin siya yung tipong nagpapasimula ng gulo.Sigurado ako roon.Kagaya na lang nung away nila ni Geo.Napalitang lumaban si Cy dahil prinovoke siya ni Geo at ang mga kabarkada nito.Wala rin naman akong nabalitaan na nakipagsuntukan siya sa academy.Sapat na ang pagiging malamig niya sa lahat para katakutan siya ng karamihan. May mga taong sadyang naaangasan sa kanya at pinapakitaan siya ng kayabangan.Sa tingin ko nga,insecure sila kay Cy.Wala naman kasing ginagawa si Cy at hindi naman niya intensyon na magpakita ng angas. Para ngang hindi pa siya aware kung gaano siya kaastig. Hindi siya katulad ng ibang lalaki sa academy na umaastang hari. His coolness is different from others. He is awesome.
Napabuntong hininga na lamang ako. Siguro ay naiiba rin ang point of view ko sa lahat. Ako lang siguro ang todo papuri kay Cyfer. Anong gagawin ko? Mahal ko,eh. Atleast,hindi ako bulag. Hindi ako tulad nila na mapanghusga. Lahat ng nakikita ko kay Cy ay hindi naman nakabase sa kung ano ang nararamdaman ko sa kanya. It was base on what he was showing me kapag kaming dalawa na lamang ang magkasama. Kilala ko ang tunay na Cyfer.
Bumalik na naman sa isip ko ang ilang katanungan. Siguro'y may ginawa o sinabi ang lalaking 'yon para magalit ng ganoon si Cy. Kaano-ano kaya niya ang lalaking 'yon?
Kanina ko pa siya tinatawagan pero ring lamang ng ring. Yung unang tawag ko, sinagot niya pero hindi siya nagsalita. Pag lipas ng ilang minuto, agad niya ring binaba. Inisip ko nga na baka gusto niya munang mapag-isa. Still, nag-try pa rin ako na tawagan siya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya sinasagot. Nag-aalala ako.
I-open up niya kaya sa akin ang bagay na 'yon?
Inilapag ko sa side table ang cellphone. Bukas ko na lamang siya kakausapin. Ilang minuto na rin akong nakahiga sa kama at pumipikit na rin ang aking mga mata ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad akong napabangon. Muntik pa akong malaglag sa kama kakamadali.
Kumunot ang noo ko ng makita kong unregistered number ang tumatawag. Kapag ganito ang scenario, hindi ko sinasagot dahil baka prank lamang. But now, parang may bumubulong sa akin na sagutin ang tawag. Teka, sino pa ba ang tatawag sa akin ng ganitong oras? If it is Rhea, naka-save naman ang apat niyang number dito sa cellphone ko.
Tumigil sa pag-ring ang cellphone ko. Hindi ko na nasagot ang tawag.
What if it's Cyfer? My eyes grew wide as realization hits me. Baka nga siya!
Hinintay kong muli na mag-ring pero mukhang hindi na ito muling tatawag. Nag-aalinlangan pa ako nung una kung ako na lamang ba ang tatawag o babalik na lamang ako sa pagtulog?
Bago ko pa mapagdesisyunan kung alin sa dalawa ang dapat kong gawin, I found myself dialing the number. Bahala na!
Gusto ko lang naman masiguro kung sino ang tumawag.
After a few rings, someone answered.
"Anne. . ."
Muntik na akong mapatalon sa tuwa ng mabosesan ko ang lalaki. Yes, it's a guy. It's Cyfer Madrigal's husky voice.
I bit my lower lip. Why do I have this feeling that my heart might explode any moment from now? Over-reacting? Of course not! I just find Cyfer sweet. Kahit wala naman siyang ginagawa, pakiramdam ko he's being sweet.
"Hello?" he spoke again. Baka nainip siya dahil hindi pa rin ako nagsasalita. I cleared my throat, trying to breath normal. I find it hard to speak whenever I'm talking to him. Lalo naman kapag kaharap ko na siya,hindi ako makahinga.
"H-hi,Cy." I replied.
"Did my call woke you up?"
"N-no. Sorry,ha. Hindi ko nasagot ang unang tawag mo. Unregistered kasi,eh. By the way, what happened to your old number?"
"I lost my phone. Ito na ang bagong number ko. Sorry rin kung ngayon lang ako nakatawag. It's late and I have this feeling that I've been a disturbance-"
"Of course not!" mabilis kong sagot. "I-I'm wide awake,Cy. Waiting for your call. . ." That's a half lie. Papatulog na ako ng tumawag siya. But the latter is true. I've been waiting for his call. Parang 'yon na kasi ang gawain namin every night. Ang mag-usap sa phone.
"So,how's your day?"
Ikinuwento ko sa kanya ang ginawa ko buong araw. That Rhea and I had a movie marathon. Nawala ang antok ko. Feeling ko na-recharge ang buong sistema ko ng marinig ko ang boses niya.
"Ikaw? How's your day?" balik tanong ko sa kanya.
He didn't answer. Nakatulog na ba siya?
"Cy? Are you still there?"
"Ah, yeah. Mine was fine. I guess we'll just talk tomorrow in school. It's late and I don't want us to have big black eyebags under our eyes kapag nagkaharap na tayong dalawa bukas. I miss you,Anne."
Magpoprotesta pa sana ako but when I heared him say the last four words, pakiramdam ko nagliwanag ang buong kwarto ko kahit nakapatay lahat ng ilaw. He misses me! Kinuha ko ang unan ko at mahigpit 'yong niyakap. Imagining that my pillow is Cyfer. I'm also trying to calm myself. Baka kasi sa sobrang kilig ay mapasigaw na lamang ako bigla rito.
"I miss you more." I replied. Hindi ko maiwasang mapangiti.
"See you tomorrow. Rooftop,okay?"
"Okay."
He was about to end the call when I added something. "Maaga kang pumasok,ah."
Natawa siya. "I'll try."
"Please." I pleaded. Gusto ko kasing makasama siya ng matagal. Hindi kami madalas na nakakapag-usap before class dahil lagi siyang nale-late.
"Then,wake me up."
"P-paano?"
"Tadtarin mo ako ng text. Or better call me. Huwag kang titigil hangga't hindi ko nasasagot. Baka mas effective 'yon kaysa mag-alarm ako."
Natawa ako sa idea niya. Tulog mantika ba talaga ang isang Cyfer Madrigal?
"Sure. Ikaw nag-suggest niyan,ha."
After our little talk, he ended the call.
Masaya akong bumalik sa kama. No doubt. Cyfer made my day complete. Though I'm still wondering of what happened between him in the man at the resto. Siguro bukas na lamang ako magtatanong. Pero kung hindi niya sasabihin, I'll just keep my mouth shut. I won't force him to tell the whole story. After all, he has his own privacy. I need to respect that.
For now, I need to get some sleep. I bet I'll have a good dream.
-
Cyfer was laughing hard while teasing me. Eh kasi naman, I woke up late! Hindi ko siya natawagan. Siya pa ang tumawag sa akin. Muntik na nga akong hindi makapasok sa first subject namin.
"And I thought you'll wake me up. Naka-maximum volume pa naman ang ringtone ko." he said while chuckling. His shoulders are shaking in laughter. I've seen him laugh so many times when we are together but knowing that I'm the one who causes him to laugh that hard, I felt happiness overflowing inside me. Pakiramdam ko ay 'yon ang purpose ko. Ang patawanin at pasayahin ang isang taong tila bato ang pagkatao. I feel proud of it. His laugh is like a soft music na hindi ka magsasawang pakinggan. I won't mind him laughing at my expense.
"I had a good sleep and I also forgot to set an alarm. It won't happen again." I pouted kasi tumatawa pa rin siya hanggang ngayon. Nagkukunwari lamang akong naiinis. Yung totoo, itinatago ko ang ngiti ko. Ang cute kasi ni Cy tumawa!
"You know what? We should eat. Three hours pa uli bago mag-lunch break." kinuha ko ang dalawang burger na ginawa ko at ibinigay ko sa kanya ang isa.
"Nag-abala ka pa." nakangiti niyang tinanggap 'yon. Napakagwapo niya talaga kapag ngumiti siya ng ganyan. Nakakapanghinayang lang na kapag may kaharap na siyang ibang tao, nagiging emotionless na naman siya. Bumabalik siya sa Cyfer na aloof,cold and distant. Although, I feel happy kasi when he is with me, sinasabi niya na ako lamang ang nakakakita ng totoong Cyfer.
Hindi naman ako madamot at selfish. Gusto ko rin namang makita ng ibang tao ang ibang side ni Cyfer.Pero ayoko rin namang pilitin si Cy kung ayaw niya. Sa ngayon, nakukuntento na ako na napapakita niya sa akin ang nararamdaman niya.
"This chicken burger is good. You made this?"
I nod and smiled at him. "Buti nga nagawa ko pang gawin 'yan kahit malelate na ako kanina."
"I wish I could take you somewhere after class pero may mahalagang lakad ako. Maybe,next time. Magiging busy ako in two weeks."
Napahinto ako sa pagkagat sa burger ko. Wala sa loob na naibaba ko ang pagkain. "Why?"
Sandali siyang napatingin sa akin. "Secret."
I pout. "Ang lihim mo talaga. Masyado kang pa-mysterious."
Natawa siya ng marahan. "And you love that,right? You won't have the guts to follow me if I'm not a mysterious type of a guy."
He's right! Wala akong ibang nagawa kung hindi ngumiti na lamang. Bakit ko idedeny kung totoo naman talaga? Hindi ko rin naman dapat ikahiya 'yon. I love his mysterious side. Oo,minsan nakakainis dahil hindi ko kayang hulaan kung ano ang tumatakbo sa isip niya. But it gives me a thriller.Lahat naman ng mystery ay may kahalong thrill.
Umusog siya patabi sa akin. He leaned closer. Hindi ko nga nagawang mag-react man lang sa ginawa niya. He touched his lips in my forehead.
He kissed me!
My jaw dropped at automatic na napahawak ako sa noo ko.
Umusog siya palayo pagtapos no'n. Umiwas ng tingin habang inuubos niyang muli ang pagkain niya.
Para akong naestatwa at hindi makapaniwalang nakatingin lamang sa kanya.
He cleared his throat before his speaks. "I'll tell you one of this days." sabi niya ng hindi pa rin lumilingon sa direksyon ko.
Wala akong ibang reaksyon kung hindi isang tango. I bet my face could be as red as the ripest strawberry.
Pinagpatuloy lamang namin ang pakain ng hindi lumilingon sa isa't-isa. I feel a little bit uncomfortable. I don't know how to end this awkward moment.
Para pa rin akong nakalutang dahil sa ginawa niya. The kiss has a great impact on me. Para akong inilipad ni Superman sa outerspace. Sa noo pa lang 'yon,ah! Paano na kaya kung sa. . .
What the heck are you thinking,Anne? Kailan ka pa naging mahalay?
I should talk first. Para mawala na 'tong awkward moment sa pagitan naming dalawa.
"Cy. . ."
"Anne. . ."
Sabay kaming nagsalita at sabay din kaming napalingon sa isa't-isa. Then, I saw his red colored cheeks. Is he blushing?!
Hindi ko maiwasang matawa sa nakita ko. I was amazed! Sobrang dalang ko lang din kasing makita na nagkukulay pula ang pisngi niya.
Bago pa makapagsalita ang isa sa amin. Malakas na tumunog ang bell. Tapos na ang breaktime.
Nag-iwas siya ng tingin. "You should go down first."
Marahan akong tumango at tumayo. Nanatili siyang nakaupo. Tumayo ako sa harap niya.
"What?" nagtatakang tanong niya.
I took a deep breath and sighed.
"What is it,Anne-" mabilis kong idinampi ang labi ko sa namumulang pisngi niya. Agad akong tumuwid ng tayo at mabilis na tinungo ang pinto.
"We're quits." I should feel embarassed but to my surprise, I feel awesome. Sometimes, I could be as naughty as him.
And when I saw his reaction, gusto kong tumawa ng malakas. It was priceless. I saw him blushed like a boy who just got his first kiss. This time buong mukha na niya ang namula. I bet ganoon din ang reaksyon ko kanina.
Bago pa ako tuluyang makalabas. I heared him hissed under his breath. "Witch."
Hindi ko na napigilang tumawa.
-
"Ang
saya mo,ah." iyan agad ang salubong ni Anne pagpasok ko pa lamang ng room.
Mukhang bad mood siya. Napatingin ako sa katabi niya.
His mortal enemy, Lawren Harris Delgado, is grinning like he just pissed her off. Maybe I was right because base on my bestfriend's facial expression, I could say that she's in her worst mood.
Ren's family owns this academy. Ang alam ko pa nga'y business partners ang Daddy ni Ren at Papa ni Rhea. Hindi lang sila basta-basta business partners, they are bestfriends which I find very ironic dahil ang kanilang mga anak ay kulang na lamang ay magpatayan kapag magkasama sila.
"Saan ka ba galing? Wala ka naman sa cafeteria! Hinalughog ko pa ang library, wala ka rin naman do'n." inis na wika ni Rhea.
"Naglakad-lakad lang ako." sagot ko. Hindi ako tumitingin sa kanya. Kinuha ko ang libro ko at nagkunwaring nagbabasa.
"Kailan pa naging stroll park ang AAA?" lumingon ako sa gawi niya. Nakataas ang dalawang kilay niya. Nagtataray na naman si Rhea. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay ang ganitong side niya. Once kasi na magtaray siya, may possibility na whole day na siyang ganyan. Sasagot pa sana ako ng biglang sumabat si Ren.
"Lahat ng tao ay may karapatang gawin ang gusto niyang gawin. If your bestfriend wanted to get rid of your presence, you have no say to that. She wanted to be alone. Pakialam mo ba?"
Rhea glared at him. She must have felt offended of Ren's opinion. I admit that Ren has a smart but foul mouth. No wonder why Rhea branded him as the person she hates the most.
Medyo natamaan din naman ako sa sinabi niya. I wasn't aware. Hindi ko naman intensyon na iwanan si Rhea. I just wanted to be with Cy. Siguro, maraming mag-aakusa sa akin na hindi ako tunay na kaibigan. Hindi kasi nila maiintindihan. Lagi kong makakasama si Rhea pero kapag si Cy na ang pinaguusapan, ibang kaso na 'yon. Hindi namin hawak ni Cy ang oras. We only have a limited time to be with each other. Sobrang ikling oras na laging patago. While I can be with Rhea anytime. That's the big difference.
Tumahimik si Rhea at hindi na muling pinansin si Ren. Ren just shrugged his shoulders. After a minute, nakita kong pumasok na rin si Cyfer.Napatingin muli ako kay Rhea. Hindi nawawala ang guilt sa dibdib ko.
-
Natapos ang klase at hindi pa rin ako kinakausap ni Rhea. Sinabihan niya lamang ako na mauuna na siyang umuwi. Hindi pa nga ako nakakasagot ay tumalikod na siya. Baka nagtatampo na ang babaeng 'yon. Dadalawin ko na lamang siya sa bahay niya mamaya.
I was about to go to the rooftop when someone talked behind me.
"Going to see Madrigal again?"
Muntik na akong mapasigaw sa gulat. Mabilis akong lumingon. And there, I saw Ren leaning in the wall, his hands inside his pockets.
Nanlaki ang mata ko ng mag-sink in sa akin ang sinabi niya.
He knew?!
Napasandal rin ako sa dingding. Pakiramdam ko bibigay ang tuhod ko sa kaba.
"You didn't tell your bestfriend that you are secretly dating the coldest guy in town?" his face is void of any emotions.
Wala akong maisagot. I gulped.
"Do you want me to tell her?"
Nanlamig ako. He will tell Rhea!
"P-please,Ren. D-don't do this."
Umiwas siya ng tingin sa akin. "But it seems like you don't give a damn about what she feels. Hindi ka ba aware na iniiwan mo na siya sa ere?"
I gasped. I looked at him. "N-no. I didn't mean it that way,Ren."
"Then,tell her. She's your bestfriend, Anne. You may say na napakapakialamero ko para makisawsaw sa issue na 'to pero tingin ko naman alam mo ang dapat mong gawin. Bakit kailangang ilihim pa? Sa tingin mo ba'y matatago mo 'to ng matagal?"
I bit my lower lip. Sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari. "I'll tell her pero hindi pa ngayon."
"Kailan pa? Kapag wala na kayo?"
"Ren!"
He sighed heavily. "Wala naman akong pakialam kung anong relasyon mo kay Madrigal. My only concern here is. . ." hindi niya tinapos ang sasabihin niya.Tiim bagang siyang tumingin sa akin. "Make a deal with me."
"D-deal?"
"I'll keep this as a secret but you need to help me."Wala akong maintindihan sa pinagsasasabi niya. "I'll e-mail it to you later." iyon lamang at tumalikod na siya. "Your only option is to accept it." Ren added.
-
Pagtapos kong makausap si Cyfer, dumiretso ako sa bahay nila Rhea. Baka sakaling mawala ang tampo niya kung dadalaw ako. Sabi ng katulong nasa entertainment room si Rhea. Agad naman akong pumunta doon. Nakita ko siyang naglalaro ng xbox. Nagkalat ang pagkain sa couch at glass table. Seryosong-seryoso si Rhea sa paglalaro. Hindi nga ata niya naramdaman ang pagpasok ko. Tahimik akong umupo sa couch at pinagmasdan siyang naglalaro.
I know her too much para malaman kung may problema ba siya o wala. Siya kasi yung tipo ng tao na sa pagkain binubuhos ang pagdaramdam. At obvious naman na talagang nagtatampo ang loka. Sa dami ba naman ng pagkaing nagkalat dito sa entertainment room.
Hinayaan ko muna siyang maglaro. Mukhang focus siya at di niya talaga naramdaman ang pagdating ko.
Nag-iinit na ang pang-upo ko sa couch ng lumingon siya sa akin. Napaatras pa siya sa gulat ng makita ako.
"The hell,Anne! I thought you're a ghost!" bulalas niya. Natawa na lamang ako. "Kanina ka pa ba diyan?"
Tumango ako. "Enjoy na enjoy ka pa kasi sa paglalaro mo,eh."
Umingos siya. Tumalikod siya at naglaro ulit. "Bakit ka nandito? Hindi ka man lamang nagpasabi na darating ka."
"Sorry naman." umupo ako sa tabi niya. Pinanuod ko muna siyang maglaro. Mas trip niya talaga ang mga panlalaking laro. Dati nung mga bata kami, pinagbabali niya ang paa at kamay ng barbie doll na regalo sa kanya ng Daddy niya. Mas pinagtuunan niya ng pansin ang mga laruang kotse ng mga kuya niya. Mas maganda daw 'yon kaysa dolls. May pagka-boyish 'tong si Rhea pero hindi siya tomboy. Hindi ko ata matatanggap na magiging tomboy lang ang bestfriend ko. Kung tutuusin, mas maganda pa siya sa akin kung matututo lamang siyang ayusin ang sarili niya.
Marami na kaming napagdaanan ni Rhea. Naaalala ko pa nga yung mga away namin noong mga bata pa kami. Pero lumipas ang mga taon at kaming dalawa pa rin ang magkasama. Nakakakonsensya nga,eh. Alam kong walang inilihim sa akin si Rhea. Alam ko ang lahat ng tungkol sa kanya.
Siya rin yung tipo ng tao na kailangan ng confidant. Hindi niya kasi natatagalan ang isang problema kapag hindi niya ito naiishare sa iba. Magkaibang-magkaiba kami dahil mas-prefer kong sarilinin yung akin. Minsan napapaamin niya ako pero may mga times na naglilihim ako at malalaman niya na lang kapag tapos na ang problema ko.
Naalala ko tuloy ang sinabi Ren kanina. Kailan nga ba sasabihin? Baka maisipan kong i-reveal ang tungkol sa amin kapag wala na kami. I dismissed the thought right away. Nasasaktan ako.
Sana pala sinabi ko na lang para hindi ako nagi-guilty ng ganito. Sana,una pa lamang ay naglakas loob na akong sabihin na si Cyfer ang taong gusto ko. Kung bakit naman kasi naunahan ako ng takot.
Natakot ako na magalit sa akin si Rhea. Natakot ako na baka ang bestfriend ko pa ang unang-unang tututol na makasama ko ang taong mahal ko. Hindi naman ako yung tipo na nang-iiwan ng kaibigan kapag nagka-lovelife.
Hindi ko lang na-realize na darating pala ako sa punto na kailangan kong timbangin ang pagkakaibigan namin ni Rhea sa nararamdaman ko kay Cyfer.
Hindi ko naman hiniling na mapunta ako sa ganitong sitwasyon. Sino ba namang tao ang gustong maipit sa pagitan ng friendship at relationship?
"Galit ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Bakit naman ako magagalit?" sagot niya ng hindi tumitingin sa akin.
"Feeling ko lang." I shrugged my shoulders. "Masaya naman tayo kahapon,ah."
"Tinotopak lang siguro ako. Idagdag pa ang pang-iinis ng katabi kong halimaw. He ruined my day. That stinking jerk! Bakit ba hindi na lang masunog ang isang 'yon?"
"Si Ren ba?"
"Sino pa bang halimaw sa room? Siya lang naman,di ba?" sarkastikong dagdag pa niya.
Hindi ako sumagot. Alam ko namang sobrang laki ng galit ni Rhea kay Ren. Ewan ko ba kasi sa Ren na 'yon kung bakit hilig niyang bwisitin araw-araw ang kaibigan ko. Iniisip ko nga minsan na baka may gusto si Ren kay Rhea at strategy lamang nito ang pang-aasar sa bestfriend ko.
Nahahalata ko nga rin ang pagiging concern niya kay Rhea kahit sinusumpa na siya nito.
Hindi ko alam kung saan hahantong ang araw-araw nilang pakikipagdebate sa isa't-isa.
"O? Ba't natahimik ka diyan?"
"Hindi ka nga galit sa akin?"
"Bigyan mo ako ng magandang rason kung bakit ako dapat magalit sayo. Kung tumatak sa isip mo ang pinagsasasabi ni Delgado. You better forget it now. Walang mabuting maidudulot 'yon sayo. Alam mo naman kung gaano ka-offending a mga salitang lumalabas sa bibig niya. Minsan iniisip ko na rin planuhin ang pagputol sa dila niya. Hindi ko naman magawa-gawa. May rabies kasi ang bwisit na 'yon."
Rhea's talking nonsense. Natawa na lamang ako sa mga pasaring niya.
"Kaya kung iniisip mong sapat na dahilan na 'yon para magalit ako sayo, think again." pinagpatuloy niya pa ang paglalaro. Ilang sandali akong nakatigagal sa tabi niya. So,hindi talaga siya galit?
"Pero sana,Anne. Huwag dumating yung time malalaman kong naglihim ka sa akin. Baka 'yong ang maging dahilan n pagkasira ng pagkakaibigan natin." dagdag pa niya.
Natahimik ako at walang masabi.
>>next update
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top