HTLAB - Chapter 11
ANNE POV
Mabilis kong inayos ang mga gamit ko. Dismissal na. Gusto ko na siyang makita.
"Anne."
"hmm?" alam kong si Rhea iyon kahit hindi ko siya nilingon.
"sasabay ka ba-" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.
"oo. Hintayin mo na lang ako sa parking lot. May kukunin lang ako sa library." pagkasabi non ay mabilis akong lumabas ng classroom. Narinig ko pang tinawag ako ni Rhea pero hindi ko na siya nilingon.
Nagsinungaling na naman ako sa kanya. Hindi naman talaga ako pupunta ng library at wala naman akong kukunin doon. Pupunta ako sa rooftop. Nandoon si Cyfer. Kanina pa siya lumabas ng room . Sigurado ako na nandun na siya at naghihintay.
Simula ng makipagkita siya sa akin sa rooftop tatlong araw na ang nakalipas, doon na kami nagkikita tuwing dismissal. Iyon lang kasi ang lugar at oras na libre para makapag-usap kaming dalawa dito sa academy.
Humihingal pa ako ng buksan ko ang pinto. Tama ako. Nandoon na siya. Nakaupo sa paborito niyang bench. Lumingon siya ng maramdaman niya na ang presensya ko.
"hi." nginitian ko siya. He smiled a little.
"mukhang napagod ka."
"tinakbo ko na kasi ang hagdan." tumabi ako sa kanya.
"nasaan si Rhea? Hindi na naman ba kayo sabay na uuwi?"
"sasabay ako sa kanya. Ang sabi ko maghintay na lang siya sa parking lot."
Tumango-tango siya. "ibig sabihin hindi ka pwedeng magtagal."
Malungkot akong tumango. "babawi na lang ako sa ibang araw,Cy."
"okay lang. Alam ko naman. . ." hinawakan niya ang kamay ko at marahan niyang pinisil.
"hindi ako makakapasok bukas."
"ha? Bakit naman?"
"may pupuntahan ako. Sa susunod na linggo na tayo magkikita. I'll text you."
"saan ka pupunta?" tanong ko pa.
"may kakausapin akong tao." gusto ko pang magsiyasat pero nahahalata ko na hindi niya gustong sabihin kung ano ang mga detalye. Nanahimik na lang ako.
Wednesday pa lang ngayon. Hindi siya makakapasok ng thursday at friday. Walang pasok ng saturday at sunday. Apat na araw ko siyang hindi makikita.
"sige na. Baka hinahanap ka na ni Rhea." dagdag niya.
I sighed.
Our time together wasn't long enough. Wala pa ngang sampung minuto kaming nag-uusap, idagdag pa ang araw na hindi ko siya makikita. Mamimiss ko siya ng sobra kahit iilang araw lang ang lilipas. Iba pa rin ang pakiramdam kapag nakikita ko siya. Mas nasisiguro ko na okay lang siya. Hindi katulad ng pag-uusap namin sa text o tawag sa phone. Masgusto kong makita ang presensya niya.
"go now,Anne." utos niya. "next saturday, ipapasyal ulit kita."
"talaga?"
"yes. Para makasama kita ng matagal."
We smiled at each other. Gusto ko iyon. Gusto kong makasama siya na hindi inaalala ang oras. Gusto kong mag-enjoy kaming dalawa ng hindi inaalala ang mga tao sa paligid namin.
"promise?"
"I promise."
"mag-iingat ka,ha. And call me."
"I will."
Tumayo na ako. Tumayo na rin siya kaya nagtaka ako.
"sasabay ka sa akin bumaba?"
Umiling siya.
"I only want to do this."
He leaned closer. Naramdaman ko na lang ang paglapat ng labi niya sa pisngi ko. "I'll miss you,Anne. I always do." he whispered in my ears.
Agad siyang bumalik sa bench at umupo ulit doon.
Naiwan akong nakatayo sa punto at nakatulala pa rin sa ginawa niya. He kissed me.
I bit my lower lip,trying to fight the urge to scream. Kinalma ko ang sarili ko. Sa bahay na ako sisigaw.
Pero hindi ko maitago ang kilig na nararamdaman ko. Kung pwede nga lang mamilipit ako dito sa kinalalagyan ko,eh.
Cy,what are doing to me?
"Cy. . ."
Lumingon siya. Then, I notice that his face was as red as mine. Oh, my God! He was blushing!
"yes?"
I smiled at him sweetly. "I love you. I always do." saka ako lumabas ng pinto at bumaba.
Hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa mga labi ko. Pagsakay ko sa kotse, napansin ni Rhea ang kakaibang ngiti.
"anong nakita mo sa library at mukha atang masaya ka?"
"wala. Rei, gusto mong kumain tayo sa labas? My treat." nginitian ko siya.
"Nadapa ka ba habang papunta ka dito? Mukhang naalog yang utak mo,ha? Pero sige! Treat mo ha.Tatanggi pa ba ako niyan?"
Imbis na mainis ako sa sinabi niya ay natawa pa ako.
"abnormal ka na naman,Anne." naiiling na wika ni Rhea.
-
Lumipas ang mga araw. Weekend na. Tulad nga ng sinabi ni Cy, hindi na siya nakapasok ng dalawang araw. I missed him. Napapawi naman ang pagka-miss ko sa kanya sa tuwing tumatawag siya. Kinakamusta ko siya. Ganon din siya sa akin. Kung anu-ano ang napag-uusapan namin. Nakakatawa nga dahil parang dumadaldal na siya pagdating sa akin. Sabi niya may ibibigay daw siya sa akin pag nagkita kami sa monday. Ano kaya iyon? Naiinip na ako. Pag hinihintay ko ang paglubog at pagsikat ng araw, pakiramdam ko napakatagal ng bawat sandali. Saturday palang ngayon.
Pinapunta ko na lang si Rhea dito sa bahay para hindi ako mainip. Magmo-movie marathon kami.
"horror na lang kasi!"
"ayoko ng horror. Ano na lang . . .hmm, The Notebook?"
"ayan ka na naman sa pagiging hopeless romantic mo,eh." she rolled her eyes heavenwards.
"palibhasa, ikaw walang romantic bone." natatawang asar ko sa kanya.
"love is for fools."
"a person who doesn't believe in love is branded as the most stupid creature."
Tumaas ang kilay niya. "saan mo naman na kuha yang quote na yan?"
"sa book na nabasa ko. Ito na lang panuorin natin,ah."
"ano ba naman yan! Romance na naman. Nakakaumay kaya. Wala naman tayong lovelife, paano tayo makakarelate sa ganyan? And as if naman nagkakatotoo yan. Sus. Movies are scripted. Ibig sabihin, scripted din ang pagmamahalan ng mga bida. Katangahan ang maniniwala sa hindi naman totoo."
"napaka-bitter mo naman sa love. Masbitter ka pa sa mga nagka-lovelife na. Akala ko ba NBSB ka?"
"oo nga!"
"wait 'til you fall in love."
"I'd rather die with no lover than be a fool forever."
"sus. Ako na nagsasabi sayo, you're already a fool."
Natahimik siya sandali. Pagtapos umirap ulit. "pagtapos niyang pesteng The Notebook na yan, horror na,ah! O kaya Nikita! Manuod naman tayo ng action at suspense o kaya naman adventure. Para naman magkaroon ka ng thrill sa katawan. Hindi yung puro ka romance-"
Isinalang ko na lang ang dvd. Hindi ko na pinapakinggan ang mga pinagsasasabi ni Rhea.Natatawa na lang ako sa kanya.
Ang bitter talaga. Hindi pa naman na-iinlove!
Kinuha ko yung malaking chips sa table. Siya naman ice cream ang dala-dala. Iyan ang paborito niyang pagkain kaya di na ako aasang magse-share siya.
Tahimik lang kaming nanunuod. Pagtapos ng dalawang oras, natapos ang movie. Hindi ko na naubos yung chips ko dahil naging busy ako sa pag-iyak. Feel na feel ko yung pagmamahalan ng dalawang bida. Kahit matanda na sila at nakalimutan na ng bidang babae kung sino yung bidang lalaki dahil sa karamdaman niya, pilit na nagtya-tyaga yung bidang lalaki na ipaalala sa mahal niya ang kwento nilang dalawa. Hindi siya nagsasawa. Kahit paulit-ulit siyang nasasaktan. Ang pinaka-nakakaiyak na part ay yung huli.
Napalingon ako ng marinig kong may sumisingot sa tabi ko. Nakita kong umiiyak si Rhea habang subo pa niya yung kutsara ng pabaliktad.
"nakakainis naman yan! Bakit ganyan yung ending? Walang kwenta! Sino bang direktor niyan at ng mapatay ko na? Pinaiyak niya ako. Bwisit siya!"
Natawa ako sa reaksyon niya. Haha. Wala daw kwenta pero umiiyak siya?
"bakit ka umiiyak?"
"nakakaiyak,eh! Magsalang ka na nga ng ibang dvd. Huwag na romance ,ah! Kukuritin na kita."
Mas lalo akong natawa.
My phone rang. Si Cyfer ang tumatawag.
"sino 'yang tumatawag sayo?"
"ahh. . .si Dad. Wait lang,ha."
Agad akong tumayo at lumayo kay Rhea para sagutin ang tawag.
"h-hello."
". . ."
Walang nagsasalita sa kabilang linya.
"hello?" medyo nilakasan ko na ang boses ko. Ang tanging naririnig ko sa kabilang linya ay paghinga. Walang ibang tunog kundi iyon lang.
"hello?" ulit ko. "hel-" naputol na ang tawag. Kunot noong napatingin ako sa phone ko.
"anong sabi ni tito?" singit ni Rhea.
"w-wala. Wala namang sumasagot,eh."
"bakit naman ganoon?"
"b-baka walang signal si Dad." umiwas ako ng tingin. Bakit hindi nagsasalita si Cy ? May nangyari kaya sa kanya? Nag-aalala na ako.
"Anne."
Nilingon ko si Rhea. "what?"
"you look bothered."
"wala 'to. Ikaw na maghanap ng horror sa rack. Please."
Nag-kibit balikat na lang siya. Nakailang movies na kami pero ang isip ko nasa malayo. Iisang tao lang ang inaalala ko. Hindi na namin namalayan ang oras. Nagyaya si Rei na mag-dinner sa resto malapit sa subdivision namin bago siya umuwi. Pinagbigyan ko siya.
"anong order mo?"
"garden salad and milk tea."
Napangiwi siya. "err. Sure ka ha?"
"masarap naman yun,ah. Try mo."
"no way. Hindi ko gustong maging kambing."
Hindi kasi mahilig sa gulay si Rei. Weakness niya ang vegies. Kapag daw may damo sa plato niya, feeling daw niya masusuka agad siya kahit di pa niya natitikman.
Nag-uusap kami habang kumakain. Kung anu-ano lang. Siya ang madalas na gumagawa ng mapag-uusapan. Ako naman sasagot pag tinatanong niya ako.
Nang matapos kami, hinatid ko siya sa sakayan ng taxi. Nakasakay na si Rhea ng ma-realize ko na naiwan ko ang pouch ko sa resto. Napilitan akong bumalik.
Pero natigilan ako sa pagpasok.
May nakita akong pamilyar na tao sa loob ng resto.
Si Cyfer! May kausap siyang lalaki na hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod siya sa direksyon ko. Hindi maipinta ang mukha ni Cyfer. He was glaring at the man in front of him. It was obvious that he's angry. Anong ikinagagalit niya?
Gusto kong lumapit pero nag-aalangan ako.
Tapos nakita kong biglang tumayo si Cyfer at hinawakan ang kwelyo ng lalaki at malakas na inundayan ito ng suntok. I gasped. Napahawak ako sa bibig ko. Nakuha nila ang atensyon ng lahat. Umawat ang mga guards. Winasiwas naman ni Cyfer ang guard na humawak sa braso niya at nagmartsa palabas ng resto. Agad akong tumalikod para hindi niya ako makita.
Hindi ko pa din nakikita ang itsura ng lalaking sinuntok niya. Ang nasa isip ko ngayon ay kung ano ang naging dahilan ng galit niya. Bakit niya sinuntok ang lalaking iyon?
Hinanap ko siya pero hindi ko na siya nakita.Napagpasiyahan ko na lang na bumalik sa bahay. Agad ko siyang tinawagan pero hindi niya sinasagot.
Cy,what happened?
>> next update
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top