HTLAB - Chapter 1
ANNE POV
Nakasalubong ko siya sa hallway. Napahinto ako sa paglalakad. Siya tuloy-tuloy lang. As usual, wala akong emosyon na nakikita sa kanya maliban sa malamig na titig na ipinupukol nya saken.
Gusto kong mag- 'hi' at ngitian sya pero alam ko namang hindi nya ako papansinin.
At katulad ng inaasahan ko, nilagpasan nya lang ako.
Sinusundan ko pa din sya ng tingin kahit likod na lang nya ang nakikita ko.
His name is Cyfer Madrigal - the famous snobber. Ang dami nga nyang nickname, mga imbentong pangalan mula sa mga estudyante ng AAA like 'mr. Poker face' , 'cold guy' , 'mr.numb' , 'mr.creepy' , 'mr.heartless' , 'mysterious man' at madami pang iba. Ang pinakasikat sa lahat ay ang 'bato'.
Si Cyfer daw kasi ang human version ng isang bato.
Tuwing maririnig ko ang usapan ng mga estudyante tungkol sa kanya, sila ang gusto kong pagbabatuhin ng malaking bato. Sumusobra na din kasi minsan ang panghuhusga nila na akala mo naman napaka-perpekto nilang nilalang. Gusto kong ipagtanggol si Cyfer pero nawawalan din ako ng lakas ng loob.
"Anne!"
Bigla akong inakbayan ng bestfriend kong si Rei, short for Rhea Louisse.
"tara na sa cafeteria. Gutom na gutom na ako."
"ikaw na lang,Rei. W-wala akong gana."
She glared at me. "ano bang problema mo? Tatlong araw ka ng ganyan ah. On diet ka ba? Ang payat mo na nga tapos nagdadiet ka pa? Kalokohan. Tara na! Kain na tayo. Hindi pwedeng hindi ka kakain."
Napabuntong hininga na lang ako habang patuloy sa pagsesermon si Rei.
Nabanggit na ni Rei na tatlong araw na akong ganto. It's true.
Three days ago, may nagawa akong mali na nakapagpadepress sa akin. Kung pwede nga lang na hindi na ako pumasok para lang di ko na maalala ang kahihiyang nangyari. Ayoko namang madaming makahalata kaya ginagawa ko pa din ang mga normal na ginagawa ko dito sa academy.
Three days ago, nag-confess ako sa taong mahal ko. . .
He turned me down. . .
Isang sentence nga lang ang sinabi niya at tumalikod na.
Pagtatawanan ako ng lahat kapag nalaman nila ang ginawa ko. I bet sasabihin nilang kababae kong tao, ako pa ang magko-confess. Sasabihan nila ako ng 'mababaw', 'desperada' at 'malandi'.
Na ang si Annielle Martin, isang anak-mayaman at galing sa kilalang pamily ay nagtapat sa isang lalaki.
Ano bang masama kung babae ang gagawa ng first move? Isang kabawasan ba yon sa pagiging babae ko? Isa pa,kasalanan ko bang mahal ko yung tao at di ko na kayang itago pa ang nararamdaman ko sa kanya?
They should mind their own business. Hindi na dapat sila nangingialam ng mga bagay na walang kinalaman sa kanila. Observe and criticize their own actions.
Kung naging obvious ako sa damdamin ko,malamang kalat na sa buong campus ang nangyari.
Ang pinagpapasalamat ko na lang ay walang nakakaalam sa nangyari. Wala ding nakakaalam kung sino ang taong mahal ko,not even Rhea.
Isa iyon sa pinaka-iingatan kong sekreto.
Pagdating namin sa cafeteria, madami dami ng estudyante.
Si Rhei ang nag-order, ako naman umupo na lang sa bakanteng mesa.
Pagka-angat ko ng tingin, nakita ko si Cyfer na nasa katapat na mesa at nakatingin sa akin. Yumuko agad ako.
Gosh.
Bakit ba simula ng mangyari yon, madalas ko na syang nakikita at nakakasalubong? Hindi ko tuloy makalimutan ang kahihiyang inabot ko ng magtapat ako sa kanya.
Yes, sya ang taong mahal ko.
Matagal na.
Pero ayaw nya saken.
Hindi ko alam kung anong meron sa kanya kung bakit natatakot sa kanya ang ibang estudyante ng AAA. Ilag sa kanya ang karamihan.
Pero ako?
Alam kong mabuting tao si Cyfer.
Hindi nga lang nakikita ng ibang tao ang katangiang iyon sa kanya.
Hindi rin nakikita ni Cyfer iyon sa sarili niya. . .
Ano kaya ang iniisip niya saken?
Masyado na ata akong ambisyosa, di ba dapat tanungin ko muna kung iniisip nya din ba ako?
"hoy,Anne. Bakit pulang-pula ka jan?" dumating na pala si Rei. Nilapag nito ang hawak na tray sa mesa at tinitigan ako ng matagal.
"w-wala. Tara, kumain na tayo."
Sunud-sunod na kagat ang ginawa ko sa sandwich.
Simula nung araw na yon, nailang na ako sa kanya. Buti yun lang ang epekto saken. Ewan ko ba. Kahit naman sobrang lamig ng pakikitungo nya saken, ay mali, malamig ang pakikitungo nya sa lahat, hindi pa din nawawala ang nararamdaman ko para sa kanya. Sounds corny pero nagsasabi naman ako ng totoo.
Hindi ko alam kung anong minahal ko sa kanya, na kahit madaming masamang nasasabi ang mga tao sa paligid tungkol sa kanya , mahal ko pa din sya.
Wala namang makakapagdikta sa puso di ba?
"now tell me. Bakit parang ang weird weird mo lately?" biglang tanong ni Rei.
"ano bang pinagsasasabi mo?" patay-malisya kong sagot.
"Anne,ako pa ba ang lolokohin mo? I'm your bestfriend. Best-friend. Alam ko lahat ng expressions mo. Three days ka nang abnormal sa paningin ko."
"kung anu-anong napapansin mo. Wala lang 'to. Feeling ko lang. . .magkakasakit ako."
"liar."
"Rei-"
"osige na! Hindi na kita kukulitin. Nakakatampo ha. Feeling ko may tinatago ka saken."
"wala. Ano namang itatago ko?" buti nasasagot ko sya ng diretso. Sa totoo lang, nakokonsensya din ako. Matagal ko ng bestfriend si Rhea pero hindi magawang i-open sa kanya ang nararamdaman ko kay Cyfer.
Nakita kong tumayo si Cyfer at naglakad palabas ng cafeteria. Kusang nahawi ang mga estudyante, parang takot na takot kay Cyfer.
Pero bago pa tuluyang makalabas ng cafeteria si Cy, may nakabangga syang lalaki.
Muntik na akong mapatayo ng makikilala kung sino iyon.
"oh? Bakit ganyan itsura mo?" hindi ko pinansin ang sinabi ng bestfriend ko. Napalingon din si Rei sa exit ng cafeteria.
Nagtagisan lang ng tingin ang dalawang lalaki. Lahat ata ng estudyante dito sa loob ng cafeteria hindi humihinga at inaanticipate ang susunod na mangyayari.
Isang campus figure ang nakabangga ni Cyfer. Varsity player at lider ng isang grupo.
Si Geo Eliste.
Kung napikon si Geo, malamang magkakaroon na naman ng live action film dito mismo sa cafeteria.
Pero nilagpasan lang ni Cyfer ang lalaki. Tiim lang ang mukha ni Geo at parang nagtitimpi.
Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ng cafeteria si Cyfer.
Nagbulungan na naman ang mga tao sa loob ng cafeteria dahil sa nangyari.
"alam mo, magiging target ng mga mayayabang na lalaki si Madrigal pag nagkataon." sabi pa ni Rhea.
"p-paano mo naman nasabi?"
"sa tingin palang kasi, maangas na ang taong iyon. Malamang, kapag nakaharap nya ang mga mayayabang na lalaki dito sa AAA, malaking gulo."
"hindi naman sya nagpapasimula ng away ,di ba?"
"hindi nga. Pero hindi din naman marunong mag-sorry o mag-thank you man lang. Kagaya kanina, sya naman talaga ang bumangga kay Geo. Buti nga hindi nagreact si Geo ,eh. Napakabato talaga."
"hindi naman siguro,Rei. . ."
"wait nga lang. Kung di lang kita kilala,iisipin kong type mo yung batong yon ,eh." nagpatuloy sa pagkain si Rei. Ako naman nawalan na talaga ng gana.
. . .hindi ko lang sya basta type, mahal ko na yung tao. . .
Hindi ko mai-defend si Cyfer sa kaibigan ko. Siguro mas kailangan kong unahin ang pagsabi ng totoo kay Rhea.
-DISMISSAL-
Ang unang taong lumabas ng room ay si Cyfer. Hindi pa nga nag-papaalam sa advicer namin naglakad na sya palabas. Napailing na lang ang ibang classmate namin.
"bastos talaga yun si Madrigal. Di man lang nagpaalam kay Ma'am Gomez."
"Rei, di ka pa nasanay. Dati pa naman sya ganun ,ah."
"yun nga,eh. Dalawang linggo na natin syang classmate pero di pa din sya nagbabago. Sya lang ang alien sa classroom."
"tama na nga yan. Mamaya may makarinig sayo."
"ay wait. May nakalimutan pala akong kunin sa president natin. Mauna ka na sa parking lot. Susunod ako." pagtapos tumakbo na pabalik si Rei sa classroom.
Katulad ng sabi nya, nauna na ako sa parking lot. Sabay kaming umuuwi ni Rei. Minsan gamit ang kotse nya. Minsan nagpapahatid kami sa driver ko.
Ilang minuto na akong naghihintay sa parking lot nang may marinig akong ingay mula sa dako ng mga sasakyan.
Nag-aalangan pa nga ako kung lalapit ako o hindi pero sa huli, hindi ko napigilan ang curiousity.
Palakas ng palakas ang ingay, may kumakalabog. Naririnig ko din ang marahas na pagmumura ng ilang lalaki.
Binigla akong nakaramdam ng kaba.
Ganun na lang ang sindak na naramdaman ko ng makita kung ano ang nangyayari.
Ang barkada ni Geo binubugbog si Cyfer!
"mayabang ka,ah! Etong sayo!" sabay suntok sa mukha ni Cyfer.
Hindi ko makilala kung sinu-sino sila. Nasa madilim na bahagi sila ng parking lot. Apat na lalaki ang nananakit kay Cyfer. Si Geo nakatayo lang sa isang tabi at nakangisi.
Umangat ang kamay ni Geo. Pinapatigil ang apat na lalaki. Sya naman ang lumapit at kinwelyuhan si Cyfer.
"sa susunod, wag kang haharang sa daan ko. Masyado kang maangas."
Tinabig ni Cyfer ang kamay nito.
"mayabang ka dahil may mga kasama ka." pinilit ni Cyfer na tumayo. "duwag ka. Nagtawag ka pa ng kasama. Kung gusto mo ng bugbugan,sana sa cafeteria palang nagpasabi ka na."
Umigkas ang kamao ni Cyfer sa mukha ni Geo.
At dahil hindi nito inaasahan ang ginawa ni Cyfer, bumagsak ito.
"yan ba ang angas mo? Isang suntok lang pala ang katapat mo,eh."
Napamura si Geo. Isa-isa namang sumugod ang mga barkada nito.
Tatakbo na sana ako pero ng makita kong napapatumba ni Cyfer ang apat, para akong tangang nakanga-nga at pinapanuod ang bawat galaw ni Cyfer.
Napatumba nya ang mga barkada ni Geo.
Si Geo naman ang nilapitan nya at kinwelyuhan.
"sa susunod, kung kukuha ka ng mga bubugbog saken, siguraduhin mong kaya akong patumbahin. At ikaw, magpractice kang sumuntok ng di ka mapahiya sa kayabangan mo." isang sipa sa mukha ni Geo ang pinakawalan ni Cy.
I winced. Sakit nun!
Napalugmok si Geo samantalang paikang naglakad palayo si Cyfer. Alam kong may masakit sa kanya at pinipilit nya lang wag ipakita.
Tumakbo ako palapit.
"C-cyfer!"
Napalingon sya sa direksyon ko. Kumunot ang noo nya.
Nang makalapit ako sa kanya, nakita ko ang ilang pasa sa mukha nya at dumudugo din ang labi nya.
"anong ginagawa mo dito?" malamig pa sa yelo ang boses nya. . .at nasasaktan ako.
Huminga ako ng malali, kinuha ko ang panyo sa bulsa ng coat ko at nilapat iyon sa gilid ng labi nya.
He winced. Agad nyang hinawakan ng mahigpit ang braso ko.
"what the hell are you doing?!"
"d-dumudugo ang labi mo."
"and so?" tinabig nya ang kamay ko. Napaatras din ako ng isang hakbang. Nabitiwan ko ang panyo at nalaglag iyon.
Parang gusto ko ng maiyak.
Hindi ko alam kung bakit ganto sya saken.
He's cold and distant.
Nasasaktan ako kapag sya na ang naglalayo sa sarili nya.
"stalker ka ba? Bakit ba lagi kang nakasunod saken?" inis na tanong nya.
"I'm n-not. Nag-alala lang ako ng makita kong pinagtutulungan ka nila. B-buti na lang, lumaban ka."
"umalis ka na. Wala kang kinalaman dito." tumalikod na sya.
Naninikip ang dibdib ko. Ewan ko ba. Kailan pa ba ako masasanay? O bakit di ko na lang sya iwasan at tanggapin na lang lahat ?
Bakit ba di ko kaya?
Pinahid ko ang luhang kumawala sa mata ko. Dinampot ang panyo at tumakbo palapit muli sa kanya. Pinigilan ko sya sa braso.
"s-sandali lang." halata ang pagkairita sa mukha nya. Hindi ako magtataka kung susuntukin nya na ako.
Huminga ako ng malalim pagtapos ay hinawakan ang kamay nya at inilagay doon ang panyo.
"tanggapin mo na 'tong panyo. P-please."
Blanko lang ang mukha nya.Akala ko tatabigin na naman nya ang kamay ko pero hindi ganun ang ginawa nya.
Kinuha nya ang panyo saka naglakad palayo.
Wala syang sinabi. . .
Pero yung simpleng bagay na yon, nagawa akong pangitiin.
Hindi sya bato.
Hindi sya manhid.
Hindi sya masamang tao.
Naiiba lang sya dahil nilalayo nya ang sarili nya.
Wala namang masama kung ako mismo ang lalapit di ba?
Someday, mapapatunayan ko na mali silang lahat.
Papatunayan ko sa sarili ko na tama lang na mahalin ko si Cyfer.
>>next update
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top