CHAPTER THREE
CHAPTER THREE
KUNG ANG lahat ng gusto mong bagay ay titigan mo lang at makukuha mo na ay kanina pa nakuha ni Lafrance si Gemelyn.
"Matutunaw ako niyan, mawalan ka pa ng magandang girlfriend," pang-aasar ng babae sa lalakeng mabilis na umiwas ng tingin at namula. Natawa naman si Gem. "Hay, cute mo rin eh 'no?"
Tiningnan muli ni Lafrance ang babae. "Sigurado ka ba talaga sa akin?"
"Pinagdududahan mo ba 'ko?" nakataas ang kilay na tanong pabalik ni Gem na s'yang ikinailing niya rin. "Totoong gusto kita, at sigurado ako roon. Bakit? Ikaw ba? 'Di mo ba 'ko bet? Feeling ko naman bet mo rin ako eh, o baka assuming lang ako," tanong niya sa sarili saka muling tumingin kay Lafrance. "Assuming ba ako?" aniya na may kasama pang pagturo niya sa sarili niya.
Napatingin naman ito sa kung saan. "H-Hindi mo naman ata ugaling mag-assume," halos pabulong na wika nito.
"So sinasabi mo bang tama ako't gusto mo rin ako?" Lumipat pa ng pwesto ang babae para kitang-kita siya nito. "Aba't — ba't ka ba iwas nang iwas ng tingin? Yes or no lang eh," pangungulit niya pa rito.
"B-Ba't mo kasi hinahabol yung mga mata ko?"
"I like your eyes." Natigilan si Lafrance saka napatitig kay Gem. "And I like them looking at me with admiration. Just me."
Nakaramdam si Lafrance ng pag-init ng mukha at pagbilis ng puso niya. Oo nga't matagal na niyang ginugusto ang babae, at ang swerte niya't napansin din siya nito, pero kasi parang mali talaga na siya ang pinu-pursue. Pakiramdam niya ay hindi niya deserve ang babae dahil hindi niya masabi rito ang totoo niyang nararamdaman.
Tila ba nakita naman ni Gem ang lito sa mga mata ng lalake na siyang nagpaalis ng ngiti niyat nagpabalik sa pwesto niya. "Joke lang. Hindi naman kailangang ako lang — Unless, syempre girlfriend mo na 'ko — 'yun ay kung gusto mo lang naman," paiba-ibang sabi ni Gem. Ultimong siya ay hindi niya malaman kung anong dapat maramdaman. "Do I make you feel uncomfortable?"
Agad na umiling ang lalake bago ito natigilan. "Well, uncomfortable pero hindi sa masamang paraan."
Tinitigan lalo niya ito. "Then let me rephrase the question. Do I make your heart beat faster?"
Napaiwas naman ng tingin ang lalake pero dahan-dahan din naman itong tumango na siyang ikinangiti ng babae.
"Do my remarks make you blush?" Muling tumango ang lalake. "Then do you think you like me too?"
Hindi nakaimik si Lafrance at natigilan na lamang habang nakatitig sa kawalan. He knew the answer to that question, so why can't he just say it? Kung ayaw makipag-cooperate ng bibig at boses niya, bakit pati ang ulo niya eh ayaw tumango? At this rate, he knew that Gem would get tired of giving him attention. He knew that with Gem's strong personality, he does not look good beside her, with her.
But the lady always proves him wrong. "Kasi ako, I think I like you. Now, if you're still not sure and you're a little hesitant pa, I can wait naman. It's not that difficult," anito saka bumalik sa pagkakasandal sa upuan nito at pagsipsip sa iced tea niya.
Tuluyan naman nang natahimik si Lafrance habang mabilis at malakas na tumitibok ang puso niya. He wants to smack himself for not being as straightforward as Gemelyn. Kung hindi naman straightforward ay kahit sana yung may lakas man lang ng loob para sabihin kung anong nararamdaman niya sa babae.
He liked her ever since he saw her in a department store while she shopped around and looked for cosmetics. Weirdo na kung weirdo pero mukha siyang na-love at first sight. But all he could do was watch her from afar. Appreciate her existence. Masaya na siya roon, yung tipong happy crush ba?
Nabasag naman ang katahimikan nang mag-ring ang telepono ni Lafrance. Annamae? Tingnan niyang muli si Gemelyn, hindi niya alam kung paano sasabihin dito na kailangan niyang sagutin ang tawag na yun.
Ngumiti naman sa kaniya ang babae. "Go ahead. Uubusin ko na lang din naman 'tong order at pwede na tayong umuwi. Go ahead and take the call."
Bahagya naman siyang yumuko. "Thank you," aniya saka nag-excuse para lumabas saglit ng cafe at sagutin ang tawag.
Si Gemelyn naman ay inabot ang iniinom saka sumipsip sa straw habang pinapanood si Lafrance. Mukha namang masaya ito sa kausap nito, bagay na hindi pa niya nakikita sa lalake kapag siya ang kasama. Madalas kasing nahihiya o iniiwasan siya ng lalake.
Napabuga na lamang siya ng hangin. Alam niya eh. Dama niya. Gusto siya ng lalake, pero hindi niya malaman kung bakit hindi nito masabi iyon sa kaniya.
Kung yung ibang lalake ay sasabihin sa babaeng gusto nila ito at nais maging nobya kahit may iba pa itong babae ay hindi na malaman ni Gem kung matutuwa siya sa ikinikilos ni Lafrance. Naguguluhan siya, oo, pero kasi, nakikita niya eh. Gusto siya nito, kaya siguro oras lang ang kailangan ng lalake. Parang typical na babae lang siguro. Torpe nga siguro ito.
Kung ano-ano na lang ang ipinapasok ni Gem sa isip niya para paniwalain ang sarili na worth it ang magiging ending nilang dalawa.
Naubos naman na niya ang inumin at ang slice ng chocolate cake nang bumalik ang lalake sa table nila. "Gusto mo bang ubusin dito yung drink mo or dalhin mo na lang?" agad na tanong ni Gemelyn. Para kasi itong nagmamadali at ayaw niya namang hadlangan ang lalake sa mga kailangan o gusto nitong gawin.
Napahinto naman si Lafrance. "Ayos lang ba?"
"Na?"
"N-Na dalhin na lang? May kailangan kasi akong puntahan. Nagpapasundo si Annamae," pagpapaliwanag ng lalake na nagpatigil sa pagsubo ni Gem ng cake.
Diretsohan niyang tiningnan ang lalake saka nilinaw ang namumuong ideya sa utak niya. Overthinking is harmful to the mind and the heart. "Oh? Kapatid mo?"
Umiling naman si Lafrance. "Pinsan ko. High school. Nakalimutan daw siya ng kuya niya na sunduin, kaya sa akin nagpapasundo."
Ilang beses naman napatango si Gemelyn. See? Edi nakaramdam pa ako ng 'di kaaya-aya kung hindi ako nagtanong at nag-assume na lang bigla, diba? "Ganon ba? Okay, okay. Just bring the drink and I got this covered. Ako naman ang nagyaya ng date eh."
"Pero—"
"Shh," agad niyang saway rito. "This date's on me. Next time, pwedeng ikaw naman. Kapag niyaya mo na ako."
Namula naman si Lafrance nang kindatan siya ng babae. "S-Sige. Ako next time."
Lumaki ang ngiti sa mga labi ni Gemelyn nang marinig 'yon. So may next time pa talaga. "Okay, mag-ingat ka't ako na ang bahala rito—"
"Ihahatid kita," ani Lafrance na ikinabigla ni Gem. "S-Sinabi ko kay Annamae na nasa... date ako... at ihahatid muna kita pauwi... bago ko siya sunduin."
Sinubukan munang pakalmahin ni Gem ang mabilis na pagtibok ng puso niya bago nginitian ang lalake. "Tapos nagtataka kung bakit kita gusto," naiiling na sabi niya rito. "Halika na nga."
H | Z
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top