August 13, 2024. Yesterday marked the anniversary of my dearest friend, Gemelyn, and her boyfriend, Lafrance. And yes, sapilitan po ang pag-u-update na ito—charot lang.
Love you, Gem-Gem. I hope that you, guys, celebrated your day with happiness and pure love. I'm rooting for both of you! Stay strong, at may gusto pa akong attend-an na event sa buhay niyo in the future.
I hope this simple gift might also bring a smile to your lips. And don't worry, if I ever plan to make this story into a book, you'll both have a complimentary copy. <3
Belated happy anniv ulit, guys! Love y'all!
~ Hadlee
(P.S. Bawi ako sa next update)
~~~
CHAPTER FOUR
HALOS TAHIMIK pa sa buong campus pero nasa classroom na kaagad si Gem, para sa klase niyang alas-otso ang simula. Bilang lang din sa daliri ang nadatnan niyang kaklase nang makapasok siya roon. Agad siyang nagbeso kay Trisha, ang pinakamalapit sa pintuan, bago pinuntahan ang iba pa niyang kaibigan.
"So... ano nang update sa inyo ng bebe mo?" agad na tanong ni Trisha matapos ikutin ni Gem ang classroom para lang batiin ng good morning ang lahat kaibigan at ka-close niya.
Napangiti naman ang dalaga bago pabirong hinampas ang balikat ng kaibigan. "Ang malisyosa mo. 'Di ko pa bebe, 'di pa 'ko sinasagot."
Natawa na lang si Trisha saka bumalik sa pagkain ng almusal niya para sa araw na iyon. "Nag-chat si Pia kahapon sa akin eh."
Sakto namang bumukas ang pinto ng classroom at pumasok ang babaeng pinag-uusapan nila. "Hi, beh, sakto ka. Kasalukuyan ka naming bina-backstab."
Umingos naman ang babae. "'Wag ngayon. Wala pa akong kain. Nagpilit akong mag-review kagabi, nakatulugan ko naman." Dire-diretsong naglakad si Pia papunta sa upuan saka roon pabagsak na umupo.
"Sino ba kasing nagsabi sa'yong mag-review ka? Hindi mo ba nabasa sa GC? In-announce kagabi na di raw tuloy ang quiz ah? May nakalimutan daw si Ma'am na i-discuss," pagpapaliwanag ni Gem dito.
Hindi makapaniwalang napatingin si Pia sa kaniya. Para itong pinagsakluban ng langit at lupa. Halatang-halata pa naman ang eyebags nito kahit pa nakuhang mag-ayos ng dalaga ng mukha kaysa mag-almusal.
Hindi pa tuluyang nakakaimik si Pia nang sunod na pumasok naman si Aira. May hawak-hawak pa itong mga papel na mukhang binabasa nito habang nakasuot ng bluetooth earphones. "At syempre, isa pa 'tong si sipag mag-review," bungad ni Gem bago ito nilapitan at binesuhan. "Hi, beh. Itigil mo na 'yang kaka-review at baka wala nang pumasok sa utak mo."
Lumakad naman muna si Aira papunta sa upuan niya, mas malayo sa pwesto nila Gem, saka nito nilapag ang mga gamit doon bago tinanggal ang earphones at bumalik sa kanila. "Walang quiz ngayon, pero yung last subject namin, meron."
"Ayun lang. Saklap niyo naman, beh." Nilingon niya si Pia. "Nakapag-review ka ba ro'n?" tanong niya dahil magkakaklase sila Pia, Trisha, at Aira sa course na iyon. Tapos na niya kasi ang course na iyon sa dating university niya.
Halos pasigaw namang nagreklamo si Pia bago siya nito pinakalma ni Trisha sa pamamagitan ng pag-aabot ng pagkain. "Gutom lang 'yan, beh. Ikain mo muna. May vacant pa naman tayo bago yun eh."
Nagkwentuhan lamang sila nang nagkwentuhan hanggang sa nagsimula na ngang mapuno ang classroom ng mga kaklase nila. Isa sa mga halos ma-late sa klase ay si Janine, na siyang ni-reply-an pa ni Aira sa GC nila na saktong kapapasok pa lang ni Ma'am sa klase.
Hindi na sumagot pa si Gem sa mga sumunod na messages maliban sa isang nakakapanibagong chat sa Messenger niya. "Good morning."
And just like a kid given her favorite candy, Gemelyn's face lit up as a smile slowly formed on her lips. 'Yan ang good sa morning. Mahina siyang natawa bago ni-reply-an ang lalake. "Good morning din. May pasok ka today?"
Hindi pa nagre-reply si Lafrance nang mag-notify sa kaniya ang GC nila. "Guys, may nakangiti pero di ko sasabihin kung sino." Napaikot na lang ng mga mata si Gem saka inangat ang ulo para samaan ng tingin si Trisha.
"Anong meron, guys? Btw, paki sabi kay Ma'am kapapasok ko lang ng school. Thanks." Natawa naman si Gem saka napailing. Late na naman si Janine.
Nawala naman na ulit ang atensyon niya sa GC nang makatanggap ng reply mula sa lalake. "Oo, pero mamayang 10 pa."
Nakita naman ni Gem ang ilang beses na pag-angat at pagkawala ng typing icon. May sasabihin pa kaya siya? Lumabas naman na ang sumunod nitong chat na siyang ikinatigil ni Gem ng paghinga.
"—rres? Nandito ba si Torres?" Tila ba napabalik sa wisyo si Gemelyn nang maramdaman niya ang pagtapik sa balikat niya.
"Ay, Ma'am! Torres po, present!" aniya sa malakas na boses na may kasama pang pagtaas ng kamay. Narinig niya naman ang ilang pagtawa at kilala niya na kung sino-sino ang mga iyon. Paniguradong pag-uusapan na naman siya sa GC nila.
Nang masiguradong namarkahan na siya para sa attendance ay ibinalik niya ang tingin sa chat ni Lafrance. "Libre ka ba mamayang alas-kwatro? Baka gusto mong magkape ulit?"
Napahawak si Gem sa dibdib saka napasubsob sa arm chair niya. Hindi na talaga normal 'to.
SA KABILANG dako naman ay hindi maipinta ang mukha ni Lafrance habang nakatingin sa nakangising kaibigan. Ito kasi ang nag-type ng huli niyang message para kay Gemelyn dahil napansin nito kung gaano siya kabagal mag-type at panay pa ang bura niya.
"Alam mo, France, pakiramdam ko naman talaga eh gusto ka ni Gem, at pakiramdam ko rin naman eh gusto mo siya. So, ba't ka ba hirap na hirap umamin? Kung ako 'yan, paniguradong kami na ni Gem—" Agad naman itong natigilan nang mapansin ang talim ng tingin ni Lafrance sa kaniya. "—Jemniver, sabi ko nga, si Jemniver ng Pol Sci? Oo, 'yun."
Napabuga na lamang siya ng hangin saka muling inagaw ang phone mula sa kaibigan. Tinitigan niya ang mensaheng ipinadala "niya" at ang tagal bago mag-reply nit Gemelyn.
Hindi niya napansing grabe ang pagtitig niya kung hindi pa siya inakbayan ng kaibigan bago ito bumulong ng, "Baka busy lang. Diba may klase siya ngayon? Kaya ka nga nag-alarm ng alas otso para ma-good morning mo eh."
"Baka nga..." Mabigat ang loob ni Lafrance dahil sa matagal nitong pagsagot. Hindi niya malaman kung nagsawa na ba kaagad ang babae sa pagbibigay ng atensyon sa kaniya o sadyang busy lang ito sa klase.
Nailapag na niya ang cellphone sa desk niya at akmang babalik sa pagkakahiga nang magsalita si Louise. "Ayan na! Nag-reply na—"
Mabilis pa sa alas-kwatro ang pagkilos at pagkuha ng lalake sa cellphone niya.
"Sige. Sabihan mo lang ako kung saan ako pupunta."
Matagal namang napatitig si Lafrance sa reply na iyon habang si Louise naman ay nakikisilip sa screen mula sa balikat niya.
"Ayieee! Kilig na naman betlog niya!" pang-aasar nito na sinundan pa ng mapang-asar na tawa.
Pinigilan na lamang ni Lafrance ang masaktan ang kaibigan at tuluyan nang nagpakalunod sa pag-iisip ng suot at ayos niya para mamayang hapon. Ni-reply-an niya na rin si Gemelyn na susunduin niya ito sa eskwelahan nito at sabay silang pupunta roon.
Si Louise naman, nang makakalma na, ay binigyan siya ng listahan ng mga student-budget-friendly na kainan at kapehan para naman daw umusad ang love life niya. Napailing na lang si Lafrance pero hindi niya tinanggihan ang inalok nitong tulong.
Besides... gusto niya rin namang magustuhan siya ni Gem hanggang sa kayanin na niyang umamin, hindi ba?
H | Z
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top