5
Mabilis ang paglipas ng araw at hindi ko namalayan na magwe-weekend na pala. Wala pang masyadong ganap dahil first week pa lang naman ngunit masaya ako na nasurvive ko ang unang linggo sa kolehiyo.
Katatapos lang ng last subject namin at sa mall ang tungo ko ngayon. Sasamahan dapat ako ni Euxine sa pagbili ng damit at regalo para sa birthday bukas ni tita Viella ngunit may checkup daw ito ngayon.
Nakasaad sa invitation na "black tie optional" ang dress code kaya kailangan ko talagang bumili ng susuotin. Naglibot-libot ako sa mall ngunit wala pa akong nagustuhan. Gusto ko na sanang umuwi kaso wala talaga akong pwedeng suotin bukas kaya nagpatuloy ako sa paghanap.
Habang naglalakad, may naramdaman akong presensya sa tabi ko. I was about to fasten my pace when I saw using my peripheral vision that it was Orion! Nagulat na naman ako dahil sa kaniya kaya bigla akong napahinto ng lakad at lito siyang tinitigan. Huminto rin siya sa paglalakad at tiningnan ako pabalik.
"So, staring contest?" aniya, sumilay ang maliit na ngiti sa kaniyang labi.
"Ha?" umayos ako ng tayo at nilayo ang tingin sa kaniya. "Nagulat lang ako sayo."
"I was just kidding." Hindi halata na nagbibiro ito pero tinanguan ko na lang. "Why are you here? And why are you alone? Don't you have some friends?" sunod-sunod niyang tanong.
"I'm here to shop for tomorrow's event," I answered, bringing my eyes back to him and raised a brow. "And what's wrong if I'm alone? Paano ba dapat mag-shopping? By group?"
Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sagot ko pero humalakhak ito. Nanliit ang kaniyang mga mata dahil sa kakatawa. Pinagmasdan ko siya at hindi rin mapigilin na mapangiti. It's not because of what I said, but rather at his contagious laugh.
Hay, happy pill niya na siguro ako!
"It's not that, okay?" he said with an amused look, his smile not faltering. "I just thought you made some friends and you'll hang out."
"She's busy," maikli kong sagot at nagpatuloy sa paglakad. I had to turn my back on him because I don't think I could stifle my smile. It was challenging to do so especially when he, himself, is sporting that alluring and contagious smile.
I think I should thank Euxine for not coming here with me. Kung nandito siya, baka hindi pa kami nagkita ng crush—I mean, ni Orion pala.
Hindi ko siya crush! Hindi ko siya crush! Paulit-ulit kong paalala sa sarili. Nadala lang siguro ako sa presensya niya kaya kung ano-ano na naman ang naiisip ko.
Huminto ako sa tapat ng isang boutique at pinagmasdan ang mga desinyo ng mga gown na nakadisplay. Isang tingin pa lang sa mga damit, alam ko na agad na dito ako makakabili.
Bumaling ako kay Orion at nakita siyang nakatitig din sa boutique. Tatanungin ko sana siya ngunit mas nauna pa siyang pumasok kaysa sa akin.
Tumungo siya sa section ng mga suits habang sa mga gowns naman ako dumiretso. Nang may matipuhang gown, sinigurado ko muna na wala iyong kapareho bago iyon dinala sa fitting room.
I stared at my reflection, admiring the gown's quality. It was a floor length gown, with plunging neckline, that perfectly hugged my body. Rhinestones were sprinkled all over it, making its bloody red color pop even more.
Lumabas ako ng fitting room at dumiretso na sa cashier. Natagpuan ko si Orion kasama ang isang babae. They were chatting animatedly and the girl looks really pretty and elegant. Dumako ang tingin ng babae sa akin at bigla itong ngumisi.
Nilagay ko ang gown sa cashier at nilahad ang card ngunit may nagsalita mula sa likuran ko. Napatingin ako sa babae na may malaking ngiti sa mga labi.
"Bonjour!" aniya at nilahad ang kamay. "Milena here."
Tinanggap ko ang kaniyang kamay at nagpakilala rin.
"I own this boutique and you can have that gown for free." Lito kong tiningnan si Orion ngunit nagkibit-balikat lang ito. "Before you decline, just consider it as my gift to my cousin's lover."
"Huh?" tiningnan ko ulit si Orion ngunit nakatingin na ito sa mga suits.
I faced Milena with an awkward smile. "Uh, we're not together. I'm not his lover."
"If you say so." She winked. "But you can still have it for free."
Mapilit si Milena kaya kahit gusto kong bayaran, tinanggihan niya ang card ko. Hindi pa nga kami ni Orion pero welcome na welcome na 'ko sa pamilya niya!
Mahina akong natawa dahil sa naiisip ngunit agad ring tumigil nang mapagtantong hindi ko nga pala type si Orion.
"Hindi ko siya type, hindi ko siya type," I recited in a low voice.
"Sinong hindi mo type?" tanong ni Orion na nasa likuran ko pala.
"Ha? Ah wala—"
"Ahem, ahem," umubo-ubo si Milena kaya napatingin kami sa kaniya. Mabilis na kinuha ni Orion ang dalawang malalaking paperbag mula sa kaniya at hinatak ako palabas ng boutique, naririndi na siguro sa tukso ng pinsan.
Kumaway-kaway si Milena sa amin ngunit hindi siya binigyan pansin ni Orion kaya ako na lang kumaway.
"Thank you," I mouthed.
"I honestly thought she's your girlfriend," sabi ko nang makalayo kami.
"No way!" he scoffed. "Anyways, where do you want to eat."
I felt the heat rise to my cheeks when he asked. Ambisyosa lang talaga siguro ako at kung ano-ano na naman ang naiisip ko.
"Kahit saan basta kasama ka," bulong ko sa sarili.
"What?"
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at iyon ang sinabi ko. Dahil sa panic, tinuro ko na lang ang unang restaurant na nakita.
"Are you sure you want to eat there?"
"Oo!" I answered with conviction para kunyare gusto ko talagang kumain doon.
He sighed and went inside the restaurant. Gusto ko sanang bawiin ang sinabi dahil mukhang ayaw niya rito ngunit nakapasok na kami sa loob at nakakahiya na kung lalabas pa kami.
"Ayaw mo ba rito? Hindi ba masarap ang pagkain?" tanong ko nang makaupo kami.
"No, it's not that. This is actually a nice restau—" his words were cut off when a waiter entered.
"Boa noite! May I take your order?" he smiled at the both of us but his cute, chinito eyes stayed on Orion and playfully wiggled his brows.
Do they know each other?
"Damn you, Martini." Orion glared at the waiter who doesn't look like one since he wasn't wearing the same uniform like the other waiters.
"Martini Oliveira," pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay.
Pinakilala ko rin ang sarili at tinanggap ang kaniyang kamay. Akala ko magha-handshake lang kami ngunit dinala niya ang kamay ko sa kaniyang labi, hahalikan na sana ngunit biglang kinuha ni Orion ang kamay ko at tinapi naman ang kamay ni Martini.
I heard Orion mutter a curse but Martini only chuckled. He gave Orion one last teasing look then left. Hindi niya na kinuha ang order namin dahil siya na raw ang bahala.
"Sorry about him," ani Orion, hindi makatingin sa akin. "He's actually my cousin and he owns this restaurant."
Kaya pala nagdadalawang-isip siya kanina dahil alam niyang may makakakilala sa kaniya rito at baka mapagkamalang nagde-date kami.
Tinanguan ko siya at hindi na nagsalita dahil baka kung ano pa ang masabi ko. Delikado na, walang preno pa naman 'tong bunganga ko.
Hindi nagtagal bumalik ulit si Martini at sinerve ang pagkain namin.
"...pão de queijo, salpicão and feijoada. Some of the best Brazilian dishes for my favorite cousin and his lady."
"Enjoy your meal." Nginitian niya ako bago lumapit kay Orion.
"I can't wait to tell tia and tio about this," bulong niya sa pinsan ngunit rinig na rinig ko naman.
He left the both us leaving Orion sighing and massaging his temple.
"Damn, I'm never going back to this mall," he whispered to himself and started placing food on my plate.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top