33

The following day, I woke up really late. Tanghali na akong nagising at kung hindi ako ginising ng mga kaibigan, mas late pa siguro akong bumangon.

"Maligo kana," ani Galaxy sabay tapon ng tuwalya sa akin. "May party pa tayong pupuntahan."

"Wear something blue," Sugar ordered. "Taken na ang cobalt blue, midnight blue, navy blue at royal blue. Ikaw na lang ang mag-adjust."

"For a person who dislikes colorful things, you know a lot of colors," I pointed out. Bumelat lang ang kaibigan at ganoon din ang ginawa ko bago dumiretso sa banyo.

After showering, I wore my baby blue bikini then layered it with a see-through wrap dress. Pagkalabas ko ng banyo, tapos na ring mag-ayos ang mga kaibigan.

Hindi ko alam kung saan ang tungo namin kaya sumunod lang ako sa kanila. Dumiretso kami sa dalampasigan at saka pumasok sa isang yate.

"Huy! Kanino 'to?" Tanong ko kay Sugar na busy sa cellphone.

"Malay ko," walang kwenta niyang sagot at saka ako hinatak paakyat ng yate.

"Birthday ng bebe Orion mo," ani Galaxy sabay akbay sa akin. "Hindi mo alam?"

"Siyempre alam niya. Kaya nga nagsuot ng ganiyan para maglaway sa kaniya—" hindi natapos ni Sugar ang sasabihin dahil binatukan ko na.

Sinamaan niya ako ng tingin pero agad din namang ngumisi na ikinakaba ko naman. May kung ano sa expresyon niya na nagsasabi na may masama siyang binabalak.

"So makiki-birthday tayo?" Gulat kong tanong dahil hindi ako na-inform. "Invited ba tayo?"

"Baliw! Siyempre invited tayo—" bigla siyang tumigil at maarteng napatakip ng bibig. "—correction pala, invited kami dahil sa'yo," aniya pa habang tinuturo ako.

Inirapan ko ang mga kaibigan at nauna nang umakyat sa top deck. Kami-kami lang rin ang nandito katulad nang sa dinner kahapon.

Isa-isa kong tinignan ang mga suot nila at katulad namin, naka-blue rin sila ngunit dalawa lang ang nakikita kong naka-light blue— ako at si Orion.

"Sorry natagalan kami. Late na kasing gumising si London," ani Sugar sabay ngisi habang nagsitanguan naman ang mga kaibigan.

"Late na kasing natulog," dagdag pa ni Galaxy sabay iling-iling. "Ano ba kasi ang ginawa mo kagabi?"

"Magkasama tayo kagabi!" I hissed, pretending to be oblivious to the teasing looks they were all sporting.

"No worries," ani Orion. Napabaling ako sa kaniya at nakitang nakatingin din siya sa akin. "You guys stay here while I go make this thing move."

Nang makaalis si Orion, agad silang kumilos na parang nagmamadali. Nakita kong may nilabas silang mga dekorasyon mula sa isang compartment. Ang iba naman ay bumaba at mukhang may kukunin.

"What's happening?" Naguguluhan kong tanong.

"Surprise for Orion," sagot ni Gia at nagmamadaling kinuha ang cake mula kay Iouis. "Here, hold this."

Bago pa ako makapagsagot, nasa akin na ang cake at sinisindihan na ni Iouis ang mga kandila.

Bumaling ako sa mga kaibigan, nalilito, pero nginisihan lang nila ako. Tapos na rin sila sa paglalagay ng mga dekorasyon.

Biglang huminto ang yate, senyales na pabalik na si Orion.

"Sinong maghahawak nito?" Tanong ko sabay taas ng cake.

Sandali lang nila akong tinignan bago binalewala ang tanong ko.

Hindi nagtagal, bumalik na si Orion. Pagkatapos magpaputok ng confetti, kinantahan siya namin ng birthday song. And since I'm the one holding the cake, I had to go near him so he can blow the candles.

"Make a wish! Make a wish!" They urged.

He glanced at me before closing his eyes. He then blew the candles and they all cheered.

I didn't cheer with them but I gave him a small smile instead.

"Happy birthday," I whispered, just enough for him to hear.

I handed him the cake so I could go back to my friends. But before I could even take a step, someone pushed me back to him. Muntik na akong masubsob sa cake pero mabilis niya naman iyong nailayo.

Ang problema lang ay dahil nilayo niya ang cake, sa kaniyang dibdib naman ako napasubsob at ang isang kamay niya ay nasa baywang ko na.

Dahil sa eksenang ito, nagsipalakpakan at nagsikantyawan ang mga kasama namin. May narinig pa akong sumigaw nang "birthday wish granted".

"Uh, sorry," naiilang kong sabi at lalayo na sana ngunit hindi niya kinalas ang kaniyang hawak sa baywang ko.

"Picture kayo!"

"Kunyare nagkabalikan kayo!"

"London, harap ka dito!"

"Cousin bro akbayan mo na!"

"This is your chance na!"

Napahilot ako sa sentido nang marinig ang mga pinagsasabi nila.

"Hoy picture na!" Sigaw ulit ng isa.

"Is is too much to ask?" I looked up to him when he spoke. May kung ano sa kaniyang mga mata na parang nalulungkot. At dahil birthday niya naman, pinagbigyan ko na.

Sus, as if ayaw mo. Anang isang bahagi ng isipan ko.

Hindi ko siya sinagot at tumango na lang sabay harap sa mga kaibigan na may kaniya-kaniyang mga camera na parang mga paparazzi.

We both smiled for the camera but they wanted more.

"Orion, akbayan mo! Ang hina mo naman pala eh!"

"London, ilagay mo ang kamay mo sa baywang niya!"

Kung makapag-utos, parang sila nagpapakain sa amin ah! Parang hindi kami mag-ex ah!

Sinunod namin ang mga utos nila para matapos na. Marami pa silang pinagawa pero sa wakas, nakuntento din naman sila sa mga litratong nakuha.

Pagkatapos mag-picture taking, kumain na kami at siyempre, hindi mawawala ang kuwentuhan.

May karaoke din at iyon ang pinagkaabalahan namin bago nagkayayaan na mag-swimming.

"May drinks ba dito?" Tanong ni Caramel, ang dahilan kung bakit natigil ang paglalangoy namin sa dagat at nagkayayaan na na bumalik na lang sa yate at mag-inuman.

"Good influence ka talaga." Rinig kong sabi ni Sugar sa kaniya.

Kinuha namin ang mga inumin sa kusina at dinala ang mga iyon sa top deck. Nagsimula na kaming mag-inuman at nag-karaoke ulit. Hindi nagtagal, unti-unti na silang nalalasing. At dahil ayaw kong mapag-trippan ng mga kaibigan, umalis muna ako at tumungo sa foredeck ng yate.

Umupo ako sa isa sa mga sofa at dinama ang malamig na simoy ng hangin habang pinagmamasdan ang papalubog na araw; simbolo na patapos na ang araw.

Isa sa mga natutunan ko sa mga nagdaang taon ay lahat ng bagay ay may katapusan.

May mga bagay man na ayaw nating matapos; mga bagay na ayaw nating pakawalan dahil sa tingin natin hindi tayo mabubuhay nang wala ang mga ito... ngunit hindi natin kontrolado ang mga ito... at hindi lahat na nagtatapos, nagdudulot ng sakit.

Minsan, ito ang kinakailangang mangyari para makapagbigay daan sa mga mas mabuting bagay.

Minsan, katulad ng papalubog na araw na ito na nasa matingkad at makulay na kalangitan, ang katapusan ay maganda rin.

Magdudulot man ito ng kadiliman pero naniniwala ako na pagkatapos nito, liliwanag din... na pagkatapos ng madilim na yugto, magiging maliwanag at maayos din ang lahat.

This sunset may be followed by darkness but a promise to a new beginning is also what it brings.

A lot of things may have ended and brought darkness to my life, but I have faith that just like this beautiful ending of the setting sun, a fresh start awaits, and my life will be bright again.

"Hey..." napaigtad ako nang marinig ang isang pamilyar na boses. "Lost in your thoughts again?"

Orion handed me an unopened bottle of bourbon before sitting beside me.

"You okay?"

I opened the bottle and gulped my drink. "Of course. Why wouldn't I be okay, birthday boy?"

"Just checking." He shrugged, then focusing his eyes to the front. "I'm sorry."

Nagulat ako sa narinig at biglang napabaling sa kaniyang banda. "Huh?"

"I'm sorry... for everything," he said, now facing me.

I shook my head and turned to the side. I don't think I can keep a straight face and a rational mind if I'll keep on looking at him.

"I don't mind if you yell at me or hurt me or just do anything that will let your anger out," aniya kaya napatingin ulit ako sa kaniya.

I scoffed, "Yes, I'm hurt and heartbroken... and confused... and mad because of what you did... but I'm not a monster, Orion. I'm not that kind of person."

No one dared to speak after that and we were just enveloped by silence. Naramdaman kong nakatitig siya sa akin at tama nga ako. Seryoso niya akong pinagmamasdan at mukhang may gustong sabihin.

"Aren't you gonna explain?"

He swallowed hard and looked down. When he brought his eyes back to me, humiliation is really evident.

"Will you hear me out?"

Biglang kumabog ang dibdib ko, kinakabahan na malaman ang dahilan niya.

I bit my lips, then moving closer to him. I've been waiting for this explanation for years. Maybe after this... I could actually start moving on from him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top