17

Dalawang araw na ang nakalipas nang nalaman ko na babalik na si Orion. Pero hanggang ngayon, 'yon pa rin ang nasa isipan ko.

He's coming back...

Just the thought of seeing him again excited me. I mean... for four years straight, I really had no idea of what he had been up to.

I'm not sure when he'll exactly arrive, but I'm pretty sure that one of these days, he'd be here.

Naglibot-libot ako sa mall at agad na pumasok sa Sephora nang makita iyon. Tapos ko na ang mga trabaho kaya nag-early out ako.

Kumuha ako ng basket at dumiretso sa skincare section. Kukuha sana ako ng facial cleanser ngunit hindi ko iyon maabot. Mataas naman ako kaya maaabot ko ang shelf ngunit ang mga produkto ay nasa inner part ng shelf kaya hindi na iyon maabot ng mga kamay ko.

Hihingi na sana ako ng tulong ngunit may kumuha niyon para sa akin. Nasa likuran ko ang tao kaya hindi ko alam kung sino iyon pero ba't parang... amoy lalaki?

Haharap na sana ako at magpapasalamat sa tumulong nang may matandaan ako.

Ito ay parang katulad ng mga nangyayari sa mga libro at palabas... kung saan magsisimula ang love story tapos magkakamabutihan sila tapos magmamahalan... ah, basta ganoon 'yon! May nabasa na ako na ganoon ang nangyari sa kanila.

Don't tell me... ka-forever ko na ang tao sa likuran ko?

Pagkaharap na pagkaharap ko, dahil sa gulat, nabunggo ko ang ulo sa shelf. Hindi ko ininda ang sakit at patuloy lang na tinitigan ang lalaking kaharap. Nakangiti ito ngunit napalitan ng nag-aalalang expresyon nang napahawak ako sa ulo at napangiwi sa sakit.

"Hey, are you okay?" For the first times in years, I finally heard his voice again. It was still the same but a bit deeper and huskier.

Am I hallucinating or is Orion really the one in front of me?

"London," he called, my heart hammering inside my chest at the mention of my name. "Are you alright?"

"Is the squid really back?" Tanong ko nang nakangisi ngunit kinakabahan din dahil baka guni-guni ko lang ito at mapagkamalan pa akong baliw na kinakausap ang hangin.

"Still not over the calamares joke, mahal?" Aniya, natatawa.

Ngumisi ako, sinusubukang pigilan ang kilig na nararamdaman na hindi ko naman alam kung saan nanggaling. Mukhang siya mismo, natatandaan pa rin ang pag-uusap naming ilang taon na ang nakalipas.

"Well... welcome back, Orion." I smiled, then examining his looks.

He looked more dashing, I must say. His body and facial features matured but he still looked young... and hot!

"I'll take what you said as an "I missed you"," he chuckled.

"Oo na nga! Na-miss kita," sabi ko sa napipilitang tono kahit totoo naman talaga ang sinabi ko.

"I missed you too," he said with a smile but his voice was serious.

Gusto kong magpagulong-gulong sa kilig ngunit nakakahiya naman iyon. Pero teka, ba't ako... kinikilig?

Nanlaki ang mga mata ko sa napagtanto. Napansin iyon ni Orion kaya napatanong siya.

"What's wrong? Is your head aching? I mean... you bumped it a while ago," aniya sa nag-aalalang tono ngunit umiling-iling lang ako.

Binayaran ko na ang mga pinamili at inaya niya akong mag-dinner. Siyempre, pumayag ako!

"So... how's Dubai?"

We were still waiting for our food and now's the time for some catching up.

"Did nothing but work." He shrugged and took a sip from his wine.

Weh? Work lang ba talaga? Kahit love life wala?

Gusto ko sanang magtanong tungkol sa kaniya at sa kapatid ni Andy ngunit ayaw ko namang magmukhang chismosa. At isa pa, kung gusto niyang malaman ko iyon, ikukuwento niya naman sa akin.

"How about you? I heard a great deal of your successes."

Tumaas ang kilay ko sa narinig, "Anong successes?"

"Well... I heard that you got a GPA of 5.0. That's equivalent to being a summa cum laude! Plus your masters and your performance at work," aniya nakangiti, mukhang mas proud pa siya kaysa sa mga magulang ko. "That's just impressive, London."

Napakamot na lang ako sa ulo at saka pinatuloy ang pag-uusap at sandali lang natigil nang dumating na ang mga pagkain namin. Just like what he usually does when we dine together, he was the one who placed some food on my plate.

I smiled at his gesture. Buti na lang at busy siya sa paglalagay ng pagkain para mapansin iyon.

"So, what's your schedule for tomorrow?" He asked.

"Pupunta kami sa site."

"Good." He smirked. "I'll see you tomorrow then."

Paano ba 'yan? Baka hindi ako makakapag-concentrate kung nandoon ka.

"And by the way, are you free this weekend? And please don't answer me with your "no, I'm priceless" phrase."

"Oo, bakit? Magde-date tayo?" I joked.

A grin formed on his lips, "If that's how you wanna call it."

Hindi ko na napigilan ang mga ngiti. Napailing-iling na lang ako sa kapilyuhan niya.

Pagkatapos naming mag-dinner, dumiretso na ako pauwi. Maaga akong natulog at maaga ring nagising pagkabukas, halatang excited na makita si Orion sa trabaho.

Pagkadating ko ng site, si Engineer Benvolio agad ang una kong nakita. She was giving instructions to some workers while I went straight to the tent which serves as our "office" at the site.

"Andy?" Gulat kong sambit nang makita ang kaibigan.

Apat kami ngayon ang nasa tent— ako, si Orion, si Andy, at isang babae na hindi ko kilala pero sa tingin ko ay kapatid ni Andy.

I greeted the three of them then walked towards Andy. She gave me a hug and kissed both of my cheeks.

"I missed you, London," aniya at niyakap ulit ako.

Simula noong tumabi siya sa akin sa cafeteria, palagi na siyang sumasama sa amin ni Euxine at Phili. Hindi kami sobrang close pero maituturi ko siyang kaibigan.

We developed a love-hate kind of friendship. Everyday in our college years, walang araw na hindi niya ako nireremind kung gaano kami ka hindi bagay ni Orion.

"What brings you here?" I asked.

"I'm paying my sister a visit," aniya bago bumaling sa babaeng kausap ni Orion noong pumasok ako rito.

Naglakad palapit sa amin ang kapatid niya bago nilahad ang kamay at nagpakilala, "Architect Mallorie Simons. You can call me Malds."

"She's the one I've been talking about, London," ani Andy.

Tumaas ang isang kilay ni Malds at napangisi, "Oh my, Ands. What stories have you been telling?"

Andy laughed, it was a fake one, while playfully slapping her sister. "Oh, nothing much. It was just about you and your darling fiancé!"

"Oh!" Malds giggled before excusing herself.

Saktong paglabas niya, pumasok din si Orion na ngayon ko lang napansin na lumabas pala. Malds' hit Orion's chest and her hands were now on his shoulders. Hinawakan ni Orion ang baywang ni Malds at saka ito tinulungan itong tumayo.

"Oops! Sorry, Oreo!" She giggled again. Tinampal pa niya sa balikat si Orion at saka ngumisi at nagpa-cute.

Oreo?

Did I hear that right? Kung Oreo nga ang nickname niya para kay Orion, isa lang ang masasabi ko...

Ang pangit! Napakapangit!

I laughed inwardly dahil sa "Oreo". Ano siya, cookies? Kung hindi cookies, aso? 'Yon lang kasi ang alam ko na Oreo, yung pagkain at pangalan ng aso.

Hindi naman ako bitter, sadyang napapangitan lang talaga ako.

Lumabas na si Malds at sumunod naman si Andy. I was left alone with Orion who was intently looking at me.

"Oreo tawag niya sa'yo?" I asked, stifling my laugh. "Tapos ano ang tawag mo sa kaniya? Cream-O?"

Hindi ko na napigilan ang sarili at humalakhak na. I ignored his glares and continued laughing.

Sige, tumawa ka pa, London. Kunyare hindi ka nasasaktan.

Patawa-tawa lang ako pero parang mamamatay na ako deep inside.

"Stop it, London," saway niya sa akin.

"Sorry naman eh," I said, trying to stop myself from laughing even more. Ayaw ko pa namang mapagkamalang bitter at basher sa relasyon nila ni Malds.

Lumabas na ako ng tent dahil pinatawag ako ni Engineer Benvolio. Buong araw kaming nasa site ngunit hindi ko na nakita pa muli si Orion. Baka umalis na kasama ang fiancée niya.

Nang matapos ang trabaho, dumiretso ako pauwi. Pagkatapos kumain at maligo, tinignan ko ang schedule ko para bukas. Palagi ko itong ginagawa para alam ko kung anong oras akong babangon.

Wala naman akong ibang gagwin maliban sa lakad namin ni Orion. Hindi niya ako sinabihan kung anong oras kaming magkikita o kung paano kami magkikita. I decided to text him so that I'd be enlightened on his plans for tomorrow.

Ako:

Hey, squid. Anong plano bukas?

Habang naghihintay ng reply, pumunta muna ako sa balkonahe at nagpahangin. I looked up and admired the night sky. The moon was shining bright and its beams made the towering skyscrapers look like they were glowing.

Ever since, the night sky, with the cool breeze it brings, comforts me. I'm not scared of the dark. Others may find it troubling but I actually find it soothing.

I like nighttime more than any other time of the day because I'm free to look at the sky without the blinding glares of the sun; I'm free to appreciate the beauty of the above.

In times like this, when I have nothing to do, I would just spend some time here on the balcony and relax. The night sky also reminds me of my mother since her name has something to do with it and because just like the sky, she comforts me. I find comfort in the dark; I find comfort in the way the vast sky houses these little dots of light.

Ganito lang kasimple ang kapayapaan ko.

I looked up again and tried to find that certain constellation. I raised my hands, trying to grasp it.

There it was, the majestic Orion. I'm talking about the constellation but I'm pretty sure the the human Orion is as beautiful and majestic as well.

Natigil lang ang pagmumuni-muni ko nang nag-vibrate ang cellphone. It was a message from Orion!

Squid 🦑:

Let's cancel it. I'm busy. And also, please stop pestering me. I'm already engaged and my fiancée is not happy with what you're doing. Block my number as well. It would be better if we don't hear from each other.

What?! Siya ang nag-aya pero bakit parang ako pa ang lumabas na naghahabol?

Hindi ko naman siya kinukulit, ah!

I read his message again, my heart aching on his words. Hindi ko alam pero parang naiiyak ako ngunit wala namang luhang tumulo. Alam ko naman kasi na wala akong karapatang magalit o ano kasi magkaibigan lang kami. Kahit ano pa ang mangyari, mas-importante ang fiancée niya.

I wanted to reply but I didn't. Hindi ako ma-pride na tao pero iyon na lang ang natitira sa akin. Hindi ako maghahabol sa taong tinataboy ako!

I slept with a heavy heart. I didn't cry but I felt really bad.

The next morning, I did my usual weekend routine. And when I was just watching Netflix and chilling, a crazy idea popped in my head and that is to go to the bakery where we're supposed to meet.

Alam kong si Orion na mismo ang nag-text na canceled ang lakad namin pero hindi ko mapigilang mapaisip na baka hindi siya ang nag-message niyon! Baka may nag-prank o na snatch ang phone niya.

I changed my clothes and hurriedly went to our supposedly meeting place. Ngunit... tama nga ang isang parte ng isipan ko na isang kabobohan ang pagpunta ko rito.

Hindi ako naniwala na si Orion ang nag-text sa akin ng ganoon dahil sa pagkakakilala ko sa kaniya, hindi siya ganoong klaseng tao pero mukhang hindi ko pa talaga siya lubusang kilala sapagkat dahil sa nakikita ko ngayon, siya nga yata ang nag-message sa akin. Sadyang in denial lang talaga ako at hindi ko matanggap na kailangan kong dumistansiya.

Sa nakikita ko ngayon... kailangan ko na talagang lumayo... dahil masaya na siya sa piling ng mapapangasawa niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top