15

"Lupa to London!" Biglang panggugulat ni Phili sabay pitik ng noo ko.

"Huh?"

"Joke 'yon, baliw!" Aniya sabay irap. "Parang earth to London ba! Kanina ka pa kasi tulala."

"Ah talaga? Ang funny naman ng joke mo, nakalimutan ko tuloy tumawa," pamimilosopo ko. Umirap siya ulit at tinawanan na lang ako.

Magkasama kami ngayon nina Euxine at Phili. Wala na kaming klase kaya patambay-tambay na lang muna kami bago umuwi.

"You've been spacing out, London," puna ni Euxine, mukhang nag-aalala. "Are you okay?"

Tumango ako at nginitian siya. Kahit hindi siya mukhang kumbinsido, hindi na siya nagpumilit pa na magsalita ako.

Okay naman talaga ako eh... ngunit parang may mali? Parang may... kulang?

Ito ba ay dahil mamayang pag-uwi ko, wala nang Orion na hihintayin ko na maghahatid ng pagkain sa akin? 

Is this because I'm so used to seeing him daily and now that I won't see him again, it feels different? 

I might've allowed myself to get too attached to him that now that he left, it feels like something's missing.

"Huy, Philingero," I called, trying to change the topic. "Ano nga pangalan ng ex mo? Ayun siya oh," sabi ko pa sabay turo sa babaeng kapapasok ng cafeteria.

"Andy," sagot niya habang sinusundan ng tingin ang babae na papunta na pala sa table namin.

"Hey guys, mind if I join you?" Hindi pa kami nakapagsagot pero umupo na siya sa tabi ko. Mukhang good mood siya ngayon at malaki pa ang ngiti.

"I'm Andy," pagpapakilala niya. "No need to introduce yourselves because I know you all."

Wala namang nagsabi na magpapakilala kami ah!

"You seem to be in such a good mood, huh?" Phili pointed out. Kanina pa ngiti nang ngiti si Andy at mukhang hinihintay lang na may magpuna niyon.

"Yup!" She nodded, then placing both elbows on the table before narrating her story that no one asked for.

"I'm just really happy because I have a good feeling that my sister would be able to rekindle her relationship with the love of her life!" Pagkuwento niya sabay tili. "I mean... they might get married when they come back and hello? Who doesn't want to be a bridesmaid?"

Patuloy siyang nagkuwento at siyempre, tagakinig lang ang role naming tatlo. Hindi ako masyadong interesado sa pinagsasabi niya ngunit nang narinig ang salitang "Dubai", agad na napukaw ang kuryusidad ko.

"What do you mean? Where's your sister anyway?" Si Phili.

"Dubai," mabilis niyang sagot at patagong tumingin sa akin. "Both she and the guy are there and would be working together for I don't know... three? Four years?" She shrugged nonchalantly and sipped her drink.

So... Dubai, huh?

Guess who went to Dubai as well? Orion!

Patuloy akong nakinig sa kuwento ni Andy at pangiti-ngiti lang kahit may kung anong umaalab sa kalooban ko. Hindi ko maintindihan pero may kung anong mainit sa dibdib ko na gusto kong mawala pero wala naman akong solusyon na maisip at hindi ko rin alam kung ano itong nararamdaman ko.

Ang alam ko lang ay hindi ko gusto ang pakiramdam na 'to.

"Can't you just tell us who this guy is and stop playing charades with us?" Euxine said, sounding annoyed with Andy's games.

"It's one of the Alvarezes," ani Andy at patagong tumingin ulit sa akin.

Well, guess what, Andy? Maraming Alvarez sa mundo at hindi lang si Orion!

Ngunit teka lang... ba't parang may hinanakit ako kay Andy? Ano naman ngayon kung si Orion nga ang tinutukoy niya? Hindi ko naman ka ano-ano si Orion kaya bakit ako naiinis?

"Uh... Gabriello? Martell? Martini? uhm..." patuloy na nag-enumerate sina Euxine at Phili hanggang sa nainip na si Andy at siya na lang ang nagsabi.

"It's Orion!" She finally revealed. Umirap pa siya as if kasalanan naming hindi namin mahulaan.

Pasensiya kana Andy, ha? Wala naman kasing may nagsabi na gusto naming makipag-guessing game sa'yo.

"Orion? As in Orion Alvarez?" Gulat na tanong ni Euxine bago bumaling sa akin. "Aren't you two close?"

"Yup!" I answered cooly. From my peripheral view, I could see Andy shamelessly smirking.

What's her agenda here? Is she trying to make me envious and feel threatened?

Well guess what, Andy, I don't have romantic feelings for him!

"London, I hope you won't feel bad on what I'm about to say but... I noticed that you two are quite close and it just made me think that maybe he's using you." May kung ano sa tono ng pananalita niya na gusto yatang mang-inis pero hinayaan ko na lang muna.

"All his friends are out of the country and so is my sister that's why I really think that he just wanted a replacement since his friends weren't around," dagdag pa niya.

Kung makapagsalita siya parang kilalang-kilala niya si Orion ah!

"How'd you know? Are you two close? Did he tell you that? I tried to sound calm and cool but I wasn't able to hide my sarcastic tone.

"Well... we're not close," she admitted. "But we will be since... you know... we'll be family soon." She playfully wiggled her brows and smiled proudly at us.

"Oh! So they're adopting you?" Tanong ko sa inosenteng ngunit nakakainis na tono. "Good for you, Andy! They're nice people. I hope you could learn some manners from them."

Pagkatapos nun, nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis at tinuon na ang pansin sa pagkain. Sandali silang tumunganga sa akin ngunit sa naka-recover din naman sila sa pagkagulat.

"So funny! No wonder you were treated like a joke!" She replied, chuckling.

Kung makapagsalita parang alam niya ang namagitan sa amin ah!

I scoffed, "So mean! No wonder you have no friends."

I gave her a sarcastic smile and even batted my lashes just to annoy her even more. I may not be the type who would start a fight but I'm also not the type who'll say nothing when I'm being "targeted".

"Okay... that's enough you two," ani Euxine at pinalakihan kami ng mata kahit siya mismo parang gustong tumawa. I can't blame her though, I'm pretty sure Andy and I looked like jokes when we were bickering.

We continued eating like nothing happened. We had another topic and obviously, we included Andy. Ang pangit naman siguro kung ia-out of place siya namin diba?

Kung tutuusin, mukhang disente naman si Andy. Hindi ko alam pero hindi ko kayang magalit o mainsulto man lang sa mga pinagsasabi niya. May kung anong aura siya na kahit ganoon ang ipinakita niya kanina, nararamdaman ko namang hindi iyon ang totoong ugali niya.

At isa pa, alam ko naman na naging totoo si Orion sa akin kahit sandali lang kaming naging magkasama. Walang alam si Andy. Wala siya noong mga panahon na magkasama kami ni Orion kaya ba't ako magpapaapekto sa mga salita niya?

Pagkatapos kumain, nagsialisan na kami. Dala ko na ngayon ang sasakyan dahil baka umulan na naman at magkasakit ako.

Nang nasa elevator na ako ng building, nakatanggap ako ng tawag mula kay Oceanne. Napangiti ako nang matandaan na itong kaibigan ko pala ang dahilan kung bakit ko nakilala ang kapatid niya. Kung hindi dahil sa kadaldalan niya, edi wala sana akong Orion na nakilala.

"Londooon!" Ang high-pitched niyang boses ang siyang bumungad sa akin. "Alam mo... ang lungkot ko..."

"Bakit? Na-miss mo'ko?" Tukso ko.

"Hmm... medyo," sagot niya at bahagyang tumawa. "Pero more on dahil hindi pa nga nagsisimula ang love story niyo ni kuya, umalis na siya. Paano na lang ang ship ko! Hindi pwedeng lumubog iyon at marami na akong na-recruit!"

Humalakhak ako sa narinig. Kung makapag-ship siya parang kami talaga ng kapatid niya ah!

"Sige lang... pagbalik niya, sisiguraduhin kong hindi na siya aalis," I replied, giggling. Alam ko namang biro iyon pero nakakatawa at medyo cringey lang talaga na marinig ang sarili na magsalita ng mga ganoon.

Nang nakarating ako sa floor ng unit, ang una kong nadatnan ay ang naka-pastel na babae na may dalang box. I told Oceanne to call me back later so I could deal with whatever surprise this is.

"Good evening!" Anang babae sabay ngiti nang makita ako. "Are you Miss London?"

Tumango ako at dinala ang tingin sa box niyang dala. Nang nakita ang logo sa ibabaw ng box, bigla akong na-excite.

Nilahad niya ang box sa akin at may isang envelope na nakapatong sa itaas niyon.

"I didn't order anything," sabi ko pero tinanggap din naman ang box. Ngunit imbes na sagutin ako, ngumiti lang ang babae at nagpaalam na.

Lito akong pumasok sa unit at agad na tumungo sa kusina. Galing ito sa Lady M's, yung bakeshop na nadaanan namin ni Orion noong hinatid niya ako pauwi galing sa birthday ni tita Viella.

Aww, may secret admirer ako!

Napangisi ako sa naisip habang binubuksan ang envelope. Sa loob niyon ay isang sulat. Binasa ko iyon at hindi mapigilang mapaluha nang matapos.

London,

Remember when I drove you home from mom's birthday and we passed by this bakery? You were looking at it like you were freaking in love! So I thought, why not buy a treat from there as a parting gift? For now, I hope this will do. I promise that someday, when I get back, we'll eat there together.

Thank you for treating me well and for being a good friend to me. I would like to say more in this letter but I believe now's not the right time. I hope you'll enjoy life as much as you'll enjoy this sweet treat I specially chose for you.

Wishing you nothing but the best, future engineer.

- Orion

It was a short yet heartwarming letter. I could feel my tears attempting to fall but I didn't want to cry. Doing so would mean that I'm actually admitting that I do feel something for him.

Hanggang ngayon, ayaw ko pa ring aminin at wala akong planong aminin iyon.

Maybe this is a sign that I should actually focus on my goals. This is a sign that... it is not for me yet.

I just hope that someday... someday... when we meet each other again, I'm not a coward anymore.

Sana sa susunod naming pagkikita, hindi na ako takot.

Sana sa susunod naming pagkikita, may lakas na akong umamin na... gusto ko siya...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top