11

"London!" tawag ni Euxine at pinalakihan ako ng mata. Kanina pa siya may kinukuwento pero wala akong naintindihan.

Buong araw akong wala sa sarili. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang dahilan kung bakit siya aalis. Ang sabi niya lang ay Saturday night ang alis niya which, by the way, ay bukas na!

Sana naman sinabihan niya ako ng dahilan. I mean, it's not like he owes me an explanation. Pero, wala lang, chismosa lang talaga siguro ako kaya nagkakaganito ako.

Buti na lang talaga at wala na kaming mga discussions ngayon dahil kung meron, siguradong wala akong matutunan sa kalutangan ko. I was physically present in my classes but my mind was somewhere else.

"What's wrong?" Worry was evident in her face. "Care to share?"

I shook my head. "I'm fine, just thinking about something." No, not something, but rather, someone.

Gabi pa ang flight niya kaya sabay daw dapat kaming mag-agahan bukas. Farewell breakfast niya siguro.

"If that's the case, let's just eat," ani Phili.

Si Phili ay isa rin sa mga na ka-close ko. Architecture student siya katulad ni Euxine at palagi silang magkasama. At dahil palagi rin kaming magkasama ni Euxine, naging magkaibigan na rin kami ni Phili. Fil-Am si Phili at fluent mag Filipino kaya mas nagkamabutihan at nagkaintindihan kami.

"Oh my, I have to go," si Euxine habang may tinitipa sa phone.

"Checkup?" sabay naming tanong ni Phili.

Tumango ito at hinalikan kami ni Phili sa pisngi bago nagmamadaling umalis. Ito palagi ang nangyayari at bigla na lang siyang may checkup.

"I think she likes me," Phili declared confidently.

Tinaasan ko siya ng kilay bago nagpatuloy sa paglalakad. Umakbay siya sa akin at patuloy akong kinumbensi na type raw siya ni Euxine.

"Ano nga ulit pangalan mo?" tanong ko nang nakaupo na kami at tapos nang bumili ng pagkain.

Lito niya akong tinitigan ngunit sumagot din naman. "Philippe Nicholas Lacson, Phili for short."

"Ah..." tumango-tango ako at sumimsim sa inumin bago itinuon ang atensyon sa kaniya. "Phili Lacson pala... akala ko kasi Phili... ngero."

Hindi ko napigilan ang sarili at humalakhak na. Kung nakakamatay lang ang tingin, nakahandusay na ako ngayon.

Hindi umalis ang matalim niyang mga tingin kaya mas lalo lang akong tumawa. I did my best to stop laughing and fortunately, I did stop after a few minutes with the help of Phili's death glares.

"Rule number five, don't assume." I said, now serious. "Ayaw kong masaktan ka."

Matagal na akong may kutob na may gusto si Phili kay Euxine ngunit sa inasta ngayon ni Phili, mukhang tama nga ako.

"Don't be sad. Malay mo yung fiancée mo pala ang destined sa'yo," sabi ko ngunit mas lalo siyang sumimangot.

I never thought that fixed marriages still exist but then, Phili's case proved me wrong.

"I broke off the engagement..." he paused. It seems like he's still trying to find the right words. "I don't feel comfortable with their family."

"Buti naman at pumayag."

"Ayaw nila kaso may nakitang pwedeng ipakasal sa ate niya kaya ayun..." he shrugged and continued eating.

Pagkatapos naming kumain, nanatili pa rin kami sa cafeteria at nag-usap tungkol sa kung ano-ano. Buti na lang talaga at pala-chismis itong si Phili kaya hindi na ako nakapag-overthink tungkol kay Orion.

"Londs, Londs!" aniya, medyo nagpapanic. "Nandito siya!"

Bago pa ako makag-react at makapag-tanong kung sino ang tinutukoy niya, may babaeng tumayo sa tabi ng mesa namin.

"Philippe, your parents are waiting for you at the lobby," aniya kaya biglang nataranta si Phili.

Dali-daling nagligpit si Phili at nagpaalam kaya naiwan ako rito kasama ang ex-fiancée niya. Dito rin siya nag-aaral kaya palagi ko siyang nakikita.

With her short blonde hair and brows that are always arched, she looked like one of those typical mean girls in movies.

I smiled at her and was about to leave but she blocked my way. I raised a brow at her sudden move.

"You're the girl whom Orion danced with during the party of Mrs. Alvarez, right?"

Nagulat ako sa biglaan niyang pagtanong ngunit tumango rin naman. It feels weird that she knows me and remembered an incident that took place last year.

"And it was Orion who dropped you this morning?" tanong niya ulit.

Pinaghalong gulat at kalituan ko siyang tinitigan. Paano niya nalaman na magkasama kami ni Orion kanina? Stalker ba siya?

"It's none of your business." I shrugged nonchalantly and took my bag, ready to leave since this conversation is creeping me out.

"I'm asking you!"

Ay galit na galit si ate gurl!

"Stay away from him," mahina ngunit may diin niyang sabi. Her voice was cold and her eyes were shooting daggers at me.

I didn't want to cause any trouble but this girl's crossing the line. Hindi kami magkakilala pero ba't ganito siya kung maka-asta?

"And why would I follow?" Nanay ba kita?

She scoffed, "I'm just warning you."

Pagkatapos nun, umalis na siya. As if madadala niya ako sa mga pananakot niya. Kung gusto niya si Orion, aba edi ligawan niya! Huwag niya akong madamay-damay sa kabaliwan at kamalditahan niya!

Umalis ako ng cafeteria na naiinis. Didiretso na sana ako palabas nang napagtanto kong umuulan pala.

Wala akong sasakyan dahil sumabay ako kay Orion kanina. Wala rin akong payong o jacket. Wala rin akong kakilala na puwede kong sabayan at hindi rin ako maka book ng taxi!

Hay, ang swerte ko talaga!

At dahil wala naman akong choice, napagdesisyunan ko na lang na maglakad pauwi. Malapit lang naman ang condo ko at maliligo naman ako pagkarating.

Walang kasiguraduhan na hihina ang ulan at baka magabihan pa ako sa university sa kakahintay. Mas mabuti na lang na maglakad ako ngayon dahil maliwanag pa.

Sobrang lamig ng hangin at hindi pa nakatulong na basang-basa ako. Pero imbes na magreklamo, ninamnam ko na lang ang ulan. Kulang na lang talaga na mag-emote ako habang naglalakad tapos background music ko ang kanta ng Aegis na "basang basa sa ulan".

Pagkadating ko ng condo, naligo kaagad ako at nagluto ng sopas. Sobrang lamig ng panahon ngunit nakakarelax. Ito yung panahon na tinatawag nilang cuddle weather ngunit dahil wala naman akong ka-cuddle, never mind na lang.

Pagkatapos kong kumain, nagsipilyo kaagad ako para makapag-Netflix and chill. Ngunit bago ko pa iyon magawa, naramdaman kong parang bumigat ang ulo ko.

Dumami ba bigla yung braincells ko? tanong ko sarili kahit alam ko naman na...

Aish! No, I can't be sick! May breakfast date pa kami bukas ni Orion. At isa pa, ayaw ko talagang magkasakit dahil... sino ba ang gustong magkasakit?

Naudlot ang Netflix and chill ko dahil sinisipon at umuubo-ubo na ako. Mas bumigat din ang pakiramdam ko at parang gusto ko nalang magpahinga.

Tinabunan ko ang sarili ng comforter at matutulog na sana nang biglang nagring ang phone ko. Kinuha ko iyon sa bedside table at sinagot nang hindi tinitingnan ang caller ID.

"Hello, who you?" napapaos kong sabi.

Kaya ayaw na ayaw kong magkasakit eh! Hindi na nga ako kumportable tapos marami pa akong ibang nararamdaman.

"This is Orion," he answered. "Are you okay? Paano ka nakauwi?"

Napangisi ako sa narinig at kahit nilalagnat, nagagawa ko pa talagang mag-isip ng kung ano-ano!

"Concerned ka?" Oh diba, ang landi ko! "Okay lang ako! Diba may meeting ka? Tapos na?"

"No, not yet. I just went out because I remembered that you didn't bring your car and it's raining really hard," he paused. "And yes, I'm concerned."

Hindi ko alam na pwede palang kiligin kahit may sakit!

"Baliw! Okay lang tala—" I stopped midway to cough.

Ay, letseng ubo!

"Okay lang ako! Thanks sa concern. Bumalik ka na sa meeting mo. Bye!" dali-dali kong sabi at pinatay na ang tawag. Hindi niya pwedeng malaman na may sakit ako.

Ibabalik ko na sana ang phone sa bedside table ngunit bigla itong nagvibrate.

Nagtext si Orion!

Squid 🦑:

I'm on my way. I know you're sick. Please let me take care of you.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top