Chapter 2

How to Aim a Gun

• • •

Hawak-hawak ko ang maleta ko habang nakatingin sa phone para sa gps. Nakarating din ako sa Pilipinas.

Ng itaas ko ang tingin ko, napaubo agad ako nang may dumaang naka-motorbike sa harap ko unang tapak ko palang sa pedestrian lane. Para akong binugahan ng isang sakong uling sa kapal ng usok.

Ng makahinga na ako ng maayos, masamang tingin agad ang ibinigay ko sa kanila at sa mauusok nilang sasakyan.

Tatlo lang silang lalake, nothing that I can't handle. If they continue polluting my way I can just snap their necks. Nakangisi sila sa harap ko habang nakasakay sa mga motorbikes nilang mauusok. May kasa-kasama din ang iba na mga babaeng maiikli ang shorts. Bakit ba ang hihilig nila sa maiikling tela, tsk.

"Hi miss ganda, gusto mo dito ka na lang sumakay?" Some hooman pointed his lap while smirking. Napangiwi ako. There's no way I would sit on his lap. Breaking the bone of his leg is much fancier than a ride.

Mukhang inakala nilang hindi ko sila naintindihan dahil nag-Tagalog sila kaya sinenyasan ng isa ang isang babaeng humihithit ng sigarilyo. Mukha namang naintindihan nito ang sinesenyas sa kaniya.

"Hoy ate girl, you come with us. Sit on her-his lap daw, then we go, he will gentle with you." What.

"Hey, what did you say?" Biglang dumating ang isang lalake at inakbayan ako nang hindi man lang ako nakakapalag. Tinignan niya ng seryoso ang mga lalakeng naka-motorbike. "May problema ba kayo sa girlfriend ko?" What... who the fvck is he?

"Ay shet 'tol wala tayong laban diyan. Makinis, mayaman tapos guwapo 'tol oh," rinig kong sabi ng kaibigan ng lalaking nakikipag-usap sa akin kanina.

"Gago 'yun talaga una mong napansin?"

"Kung may problema kayo sa girlfriend ko, pwede naman natin 'tong pag-usapan sa ibang paraan." napakunot agad ako ng noo ng patunugin ng lalaking nakaakbay saakin ang daliri niya. Hindi na lamang ako nagkomento at tumingin-tingin sa paligid.

Napansin ko sa 'di kalayuan si Butler Jin habang dina-drive ang isang limousine na mukhang susundo sakin dito; nakababa pa ang windshield. Tumapat siya sa 'di kalayuan at ngumiti sa akin. Doon, tuloy-tuloy akong naglakad at iniwan na lamang ang lalakeng umakbay sa akin kanina. I don't need help, I can get myself out of here alone without scratching a face.

"Hoy Rayne! Sandali!" Hindi ko pinansin ang lalakeng nag-akbay saakin kanina kahit tinawag niya ang pangalan ko. Sumakay agad ako sa limousine pero nanlaki ang mata ko nang sumunod siya, hindi man lang tumalima si Butler Jin.

"Who the heck are you?!" inis na saad ko pero nagulat ako nang yakapin niya ako ng mahigpit. I tried to struggle pero mas hinihigpitan niya lang! Damn, my personal space!

"Hehehe pinsan! Sabi na nga ba hindi mo na ako makikilala eh! Pumayat lang ako. Si Kuso 'to!" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Kuso who?" nagulat ako nang bigla niya akong batukan. Seriously, wala akong maalalang may Kuso akong pinsan. I only have two cousins and they are even twins! Who the heck is this guy?!

"Ang sama mo Raynie, tanungin mo na lang si Butler Jin, nagtatampo ako sayo." Well great. Another attack of Lolo's virus ugh.

Tumingin ako kay Butler Jin at tinaasan siya ng kilay, binigyan niya ako ng isang mahinang tawa.

"Lady, he's really your cousin. Hindi mo na siya naaalala dahil matagal na panahon na din noong nagkita kayo." Tumatango-tango lamang ako. I still can't remember him though. Heh.

"Nangako ako sayo na magpapapayat ako para maprotektahan kita! Tapos ngayon bumalik ka na!" Well why the heck is it necessary to be skinnier to protect someone?!

I rolled my eyes mentally at hindi nalamang nag-komento. Masyado akong pagod para makipag-away. Umandar na ang limousine at sa dumaang oras ay salita lang ng salita ang katabi ko. Ang dami niyang kuwento. Hindi ko namalayang bigla akong makakatulog, dahil na rin siguro sa pagod ko.

"Rayne, halika, dito tayo." Ngumiti ako at tumakbo papunta sa lalaking nasa pinakadulo ng bangin. Nakakagaan ang ngiti niya.

Pero bago ko pa mahawakan ang kamay niya, lumitaw ang limang mga tao sa harap ng lalaking 'yon at tinulak siya papunta sa bangin. Nanlaki ang mata ko. And I just found myself holding a knife ready to stab them in anger.

"Why don't you just dissapear!" Napatigil ako nang magising ako sa realidad. Nakita ko si Kuso na nakataas ang kamay habang pinagpapawisan. Napalunok siya habang nakatingin sa akin. Nakatutok na pala ang isang matalim na bubog na hawak-hawak ko sa kanya. Nakita ko din ang braso ko na pinipigilan ni Butler Jin upang saksakin si Kuso.

Well..that escalated quickly. Napatingin ako sa lapag at nakita doon ang basag na lalagyan ng pabango. Damn.

"Ugh shit" mahinang mura ko at binitawan ang bubog. Sa dinami-dami ng araw, ngayon pa ako binangungot. Great, way to start your day in the Philippines Rayne.

Napailing-iling nalang ako at lumabas ng limousine. Binitawan ko ang bubog na hawak ko at dali-dali na lamang na naglakad papasok sa mansiyon. Damn, this is pathetic.

"Don't freaking kid me Dad! Alam mong hindi pa handa si Rayne para sa pagbalik niya pero ginawa niyo pa rin! What if she hurts herself again? Ayokong may mangyari na namang masama sa kanya!"

"If I need to make her go back in France again I will, as long as she doesn't hurt herself, it's fine if I don't see her again." Padabog akong naglakad papunta sa pinto at binuksan ito. Nandidilim ang paningin ko.

"Auntie Merissa." Nagulat ata si Auntie nang makita ako sa pinto. I deeply sighed to calm myself. "I'm fine. You don't need to make me go back in France." Ngumiti ako sa kanya nang matamis. Nabitawan niya ang cellphone niya at niyakap ako.

Ugh. This. I hate this.

I need to get this mission done as soon as possible. Not that I'm afraid. I just don't like it here. There are so many memories I need not to remember.

Pumunta kami ni Auntie Merissa sa study room. Nakasalubong ko pa si Kuso na kung maka-kaway wagas. Na parang hindi ko siya tinutukan ng bubog kanina. Odd.

I just found out na anak pala siya ni Auntie, though they don't really look alike that much. Bibig at buhok lang siguro. Heh.

Pagkaupo ko pa lang sa swivel chair na lagi kong inuupuan noon, agad nang binuksan ni Auntie ang topic tungkol sa misyon.

"Rayne, you're already aware that this is a serious mission kaya inaasahan kong alam mo na din ang magiging kapalit kapag magkamali tayo ng galaw." napatango ako.

"Ayon sa nakuha naming impormasyon, ang Kurono Black ang unang nagpasimula ng gulo pero sinisisi nila ang Choi Dragon. We're all aware that this is already expected of Kurono's dahil maiinit talaga ang dugo nila sa mga Choi. The only difference is that the other Pillars is too silent about this" napataas ako ng kilay. Hindi ko maintindihan. Mali ba ang nakalap kong impormasyon?

"Isn't it because they really are silent in the first place?" sagot ko.

"No, they're too silent. Kaya nababahala ang lolo mo dito," napaisip ako. "and we also investigated their current logs at marami silang mga gawaing hindi napag-usapan ng grupo ngayon. We tried to warn the Kurono's and Choi's about this pero walang nakikinig sa kanila" agad napuno ang isip ko ng maaaring sagot.

It's not like we didn't expect this to happen. But it's too soon. Hindi dapat ito nangyayari ngayon.

"That's why we decided to stay hidden. Then as of now, ikaw palang ang hindi nakikilala ng ibang mga Pillars, kaya ikaw ang kinuha ng lolo mo. Ang problema nga lang natin ay ikaw mismo. Sigurado ka na ba talaga sa misyong ito Rayne?" tumango lamang ako at agad na tumayo.

Of course, do I have a choice then? Kami na ang mapapahamak dito kung hindi kami agad-agad na gagalaw.

"Then I need to change everything about me. No trace. More hidden" napangiti saakin si Tita Merissa.

"Kami na ang bahala sa mga dokumento mo. All you have to do is to attend school and talk with the heirs" biglang nanlaki ang mata ko sa narinig. This...is not what I'm thinking.

"School? What school? Why school?" Tarantang tanong ko kay Tita.

"Yes, you're attending school. That's the only way to talk to the heirs Rayne. You need to deal with it or you're really going back to France"

What?!

• • •

Nashde02

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top