Kabanta 5
"Ito oh, magandang model to, Cita." turo ko doon sa isang laptop na binusisi ko kanina pa. Hindi siya ganun kalaki tulad ng ibang laptop at manipis din siya. Magaan dalhin.
"Mag kano po yung ganito, Sir?" tanong ko dun sa salesman.
"36,999 po maam."
Tinignan ko si Cita.
"Cita.. Ito na yung kun--"
"Grabe no? Akalain mo pulis pala siya?" daldal ni Cita sa akin. Hindi pinansin ang sinabi ko. Hindi pa rin siya nakaka get over sa pagkakakita namin dun sa lalaking may rosas na tatto kanina.
"Tapos pinagbintangan pa natin siya na adik.."
Hindi ko na siya pinansin. Malapit na akong maasar sa kanya. Kanina pa kasi niya bukang bibig yung lalaki na yun. Nandito nga kami sa mall para bumili ng laptop niya pero nakailang store na kami at wala pa rin siyang napipili. Imbes na mag komento siya sa mga tinitignan namin na laptop, hindi. Bukambibig niya yung pulis!
"Tapos Dylan Rogerr pala yung name niya. Tingin mo nasa school kaya ulit siya bukas?" magiliw pa rin na daldal nito. Hindi niya ata napapansin na ini-snob ko siya. Sa totoo lang nakahinga ako ng maayos kanina ang malaman ko na pulis pala yung lalaking iyon. Atleast hindi siya adik or something na dapat namin katakutan. Akala ko kasi adik siya kaya halos hindi na ako makagalaw pag kakita ko sa kanya kanina. Muntik ko nang isipin na sinusundan niya kami e. Mahirap na lalo na yung nangyari sa isang prof. ng school namin. Masyadong delikado. Kaya napraning ako ng konti kanina.
"Sana nandun ulit siya no? Ayain natin kumain sa canteen."
Napailing na ako. Wala nang pag asa to. Nag pasalamat ako dun sa salesman dahil sa pag entertain niya sa amin i mean, sa akin pala. Nag umpisa na akong mag lakad palabas ng hindi siya pinapansin.
"Ilang taon na kaya siya? ti-- Abi? San ka pupunta?"
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pag lalakad. Tumingin ako sa relos ko at nakitang mag aala singko na pala. Kaya pala maraming tao ngayon sa mall. Idagdag mo pa yung 3day sale nila.
"Abi! Wait lang!"
Gusto ko sanang pumasok sa isang brand ng mga damit. Kaso nahihiya ako. Wala naman kasi akong pambili e. Nahihiya ako mag window shopping.
Kailan ba ako huling bumili ng damit? Si Ate pa ata yung bumili nun? Nung birthday niya last month tapos ako pa rin yung niregaluhan niya.
Napangiti ako ng maisip ko ulit iyon.
Bahagya akong tinulak ni Cita ng maabutan na niya ako. Muntik na akong mabuwal sa pagkakagulat.
"Cita, ano ba!?" hindi mapigilang hiyaw ko.
"Bakit mo kasi ako iniwan don!"
Inirapan ko na lang siya. Sa totoo lang. Nakakaramdam na ako ng pagod dahil kanina pa kami palakad lakad dito sa mall.
"Uuwi na ako." Sabi ko.
"Ano?" gulat na sabi niya. "Hindi pa nga tayo nakakabili ng laptop ko e."
Sinimangutan ko siya. Kinalma ko muna yung sarili ko. "Nakailang store na tayo na napuntahan, Pero wala ka namang pake sa mga laptop. Bukambibig mo lang yung lalaki na yun. uuwi na ako." umikot na ako para maglakad ulit.
"Uy, nag seselos siya!"
"Ano?" nahihirapan kong sabi. "Diyos ko po! Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo, Cita."
"Joke lang!" aniya at sumabit sa braso ko. "Balikan na lang natin yung tinignan mo kanina tapos kumain tayo tapos uuwi na tayo, promise!" tinaas pa niya ang kaliwang kamay niya.
"Saan ka nanaman galing?" bungad na tanong ni Ate sa akin pag pasok ko sa bahay.
Pagod ko siyang nginitian. Nilapag ko muna yung dalawang paper bag sa upuan sa may gilid ng pintuan. "Sorry, ate." hinalikan ko siya sa pisnge. "Sinamahan ko kasi si Cita na bumili ng laptop."
Inirapan naman niya ako at umiling. "Hindi mo man lang ako naisipang itext?"
Shit. Oo nga no? Hindi ko na rin kasi namalayan yung oras. After kasing mabili ni Cita yung laptop. Nawili kami sa kakatingin ng mga damit.
"Pasensya na, ate." sabi ko. "Hindi ko na namalayan ang oras.." hinawakan ko siya sa braso niya para sana hilahin na papuntang sofa nang matigilan ako.
May taong nakaupo sa sofa.
"Ate.." marahan kong tawag sa kanya.
"Ay, Oo nga pala." aniya. "May bisita nga pala tayo."
Kunot noong napailing ako. Sino naman yun? Eh wala naman akong inaasahan na bisita ngayon.
"Si Dylan, andiyan."
"Ha? Sinong.." madali akong nahila ni Ate papunta doon sa harap ng sofa.
"Dylan, nandito na si Charlene." sabi ni Ate.
Tumayo naman yung tinawag ni Ate na Dylan at humarap sa amin.
Si Dylan Rogerr.
Seryoso yung mukha. Well, lagi atang seryoso ang mukha nito. Kahit nung kanina naman.
Pero anong ginagawa niya dito?
"Goodevening." bati nito.
Kumapit ako lalo kay Ate. "Ate.. siya yung sinasabi kong humabol sa amin ni Cita nung nakaraan.." mahina kong bulong kay Ate. "Tsaka bakit ka nag papapasok ng ibang tao dito sa bahay?"
Narinig kong tumikhim yung Rogerr.
Hinampas ni Ate ng mahina yung braso kong nakakapit sa kanya. "Ayy, ano ka ba? Hindi mo ba siya nakikilala?"
Tinignan ko si Rogerr bago ulit bumaling kay Ate. Mabilis akong umiling.
"Classmate ko siya nung college." si Ate "Ano ka ba? Nakailang punta na rin siya dito, dahil dito kami gumagawa ng mga papers namin dati, kasi hindi kita maiwan iwan mag isa."
Napaatras ang ulo ko dahil sa sinabi ni Ate.
Tumawa si Ate sa reaksyon ko. "Sige na.. Umupo ka na muna at sisilipin ko lang yung niluluto ko."
Napilitan akong umupo sa pang isahang sofa. Siya naman kasi ay sa isng mahabang sofa.
Saglit ko siyang sinulyapan bago ibaling sa Tv.
Naka puting V-neck shirt lang siya at khaki short at brown na sandal. Simple lang. Ang akala ko nakasuot pa rin siya ng boots tulad kanina.
"Anong oras na?" napalundag pa ako ng bahagya ng bigla siyang magsalita.
"Ah?"
"Anong oras na?"
"8:32 na po.." sagot ko. Napalunok ako.
"Bakit ngayon ka lang umuwi?"
"Ha?" nalilitong tanong ko. Tama ba ako ng narinig? Sa Tinatanong niya?
"Sigurado akong narinig mo yung tanong ko."
Hindi ko napigilang tumaas ang kilay ko. Wow ha!
"Napasarap lang kasi yung gala nam--"
"Alam mo ba kung sino yung iniimbestigahan namin sa school niyo?" putol niya sa salita ko. Napatitig ako sa kanya.
Hindi ko naman siya kilala. Pero bakit ganito siya makipag usap sa akin? Umiling ako.
"Yung lalaking nakawala dahil sa inyo nung kaibigan mo."
Nanlaki ang mata ko. "S-siya yung.."
"Oo. siya yung suspect namin." seryosong sabi nito.
Sheba.
"Kaya mag ingat kayo nung kaibigan mong pakielamera."
Nanuot bigla ang galit sa ulo ko. Paano niya nasabi yun? Samantalang kanina lang nag aasta siyang feeling pogi sa harap ni Cita. Tapos ngayon kung makapag salita sa kaibigan ko ganun na lang! Wala siyang karapatang tawagin ang kaibigan ko ng ganun.
"Huwag mong sabihan ng ganyan si Cita."
Ngumisi siya pero seryoso pa rin. "Bakit? Ano bang dapat itawag sa ginawa ng kaibigan mo?"
"Hindi niya lang alam ang nangyayari nun. Akala niya kasi pinag tritripan mo lang yung lalaki. Naawa lang siya." pagtatanggol ko sa kawawa kong kaibigan.
"Ganun ba? Sige, ano na lang gusto mong itawag ko sa kanya? ano nga uulit yung sinasabi ng mga kabataan ngayon? Barkada ni Jollibee, bida bida?"
"Bakit ganyan ka mag salita sa kaibigan ko? Ang harsh mo, samantalang kanina lang sa school ang bait mong kausap. Ang sama mo naman pala."
"Lahat ng tao masama... Charlene."
"Ikaw lang yun." sabi ko at tumayo na. ".. and don't call me Charlene, hindi naman tayo close."
Iniwan ko na siya don mag isa at umakyat na sa kwarto. Anong karapatan niyang pag salitaan ng ganon yung kaibigan ko? Ni ngayon nga lang namin siya nakilala.
Alam ko naman na pakielamera talaga yung kaibigan ko, pero kahit na! Wala pa rin siyang karapatan mag salita ng ganon! Sasabihin ko nga kay Cita ito.
Tsaka sa dinami rami ng magiging classmate ni Ate, yun pang hambog na iyon. Hay nako!
"Ikaw bakit mo iniwan kagabi si Dylan, mag isa sa sala?" sabi sa akin ni Ate habang nag aalmusal kami. Napailing ako.
"Sabi ko sayo samahan mo muna siya diba?"
"Pagod na kasi ako kagabi, Ate." paliwanag ko. "Bakit ko pa kailangang samahan.." bulong ko.
"Ano?! may sinasabi ka ba, Charlene?"
"Wala po.." tumahimik na lang ako dahil ayoko naman na mag talo pa kami ni Ate dahil lang don.
Mas pinili ko na lang huwag na lang sumagot. And besides, ayokong maubos yung energy ko. Dahil mas kakailanganin ko iyon mamaya, kaklase ko pa naman si Cita sa lahat ng klase ko ngayon. Masasagad nanaman ako.
"Alam mo bang matanda lang sayo ng limang taon si Dylan?" si Ate habang nag sasalin ng tubig sa baso.
Napanguso ako. "Akala ko ba, classmate mo siya nung college?" Nasa 31 na si Ate. Ibig sabihin matanda na rin yung lalaki na iyon. Tapos sasabihin ni Ate, limang taon lang tanda niya sa akin? Duda ako. Ano yun? Fetus pa lang siya, nag umpisa na siyang mag aral.
"Oo nga. Pero irreg, kasi ako noong nag aaral pa ako diba? Naging classmate ko siya sa Philo. Senior ako, freshmen siya." paliwanag ni Ate. Napanguso ako.
Wala naman akong pakielam.
"Gwapo no?" nakakalokong sabi ni Ate. "Kung mag kakaroon ka man ng boyfriend, gusto ko siya na."
"Ha? Ang layo naman ng narating ng imagination mo, Ate."
"Bakit naman? Mas okay nga kasi kilala ko na. Tsaka tingin ko bagay naman kayo." hindi na matanggal ang ngiti ni Ate. "Hindi ko pwedeng jowain dahil masyadong bat, kaya sayo na lang."
"Ayoko sa kanya, Ate." iling
"Bakit naman?"
"Mukhang manloloko." simpleng sagot ko. Talaga naman e. Kung tutuusin naman talaga. Yung ganong katangkad na lalaki. Tapos may dimples pa . Nakita ko yun habang nag uusap sila ni Cita kahapon. Tapos yung perfect niyang kilay at yung pinkish niyang labi at mayabang niyang ilong. Manloloko yung mga ganun. At hinding hindi ako papatol sa mga ganun.
Tumayo na ako para handang pumasok.
"Hindi manloloko yun no! Tsaka alam mo b--"
"Papasok na ako, Ate."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top