Kabanata 7
"Ayos ka lang ba talaga?" tanong ko pa ulit ng isang beses kay Cita, kahit pa ilang beses ko na siyang natanong. Hindi ko kasi maiwasan na mag alala para sa kanya. Ayaw niya rin kaksing sabihin kung ano ba yung napag usapan nila sa loob.
"Ay nako! Oo nga, ayos lang ako. Pa ulit ulit ka naman, Abi.."
Hinalo ko yung sphagetti sa harap ko. Nandito kasi kami sa isang fast food sa harap ng school. Dito kami dumiretso after nung nangyari sa office ng Dean. Dapat nga magpapalamig lang kami dito, pero nakaramdam na rin kami ng gutom.
Tinignan ko pa ulit ng isang beses si Cita, habang hinahalo niya yung sundae niya. Nag alala talaga ako sa kanya kanina ng pinaiwan siya ni Mr. Villanuevo.
"Uy!" nasabi ko bigla ng may naalala ako. Naalala ko kasi yung mga pinagsasabi niya kanina doon sa loob. "Ikaw kung ano- anong pinag sasasabi mo doon sa harap ng pulis kanina, sigurado ka ba doon?"
"Leche! hindi naman pulis yung gunggong na yun!" tukoy niya doon sa lalaking kasama ng dalawa.
"Pero kahit na, kasama pa rin siya ng mga pulis. Tapos may pulis din sa harapan natin kanina si Mr. Villanuevo.." sabi ko. "Dapat hindi ka nag sasalita ng ganun.."
"Okay lang yun, Abi. Tsaka napanood ko yun kanina sa Tv. ginaya ko lang." tumigil siya saglit. " Falsification of evidence' , oh diba! ang talino pakinggan!" napapapalakpak pa na sabi niya. Hindi ako makapaniwala. Talaga bang ganito siya.. ilang tao na pera ganito pla talaga siya..
Jusko po! Parang wala lang sa kanya yung ginawa niya kanina. Samantalang ako Kanina nga lang habang nag sasalita siya at ngumingisi si Mr. Villanuevo, ay matinding kahihiyan na ang naramdaman ko. Sino ba kasi matinong tao ang mag sasabi ng kung ano anong batas sa harap ng isang pulis? Tapos saan daw niya nakuha iyon? Napanood niya sa tv? Jusko po! Nakakahiya! Pero bakit parang ako lang ang nakakaramdam nun?
"Tsaka ang hot talaga ni Rogerr, no? putaena talaga.." aniya na parang walang pakielam sa paligid niya. Tumingin ako sa paligid. Nakita kong maraming nakatingin sa lamesa namin. Napayuko na lang ako.
"Cita, tumigil ka na nga.."
"Bakit mo ba ako laging pinapatigil, Abi?" kunot noong tanong niya. Na parang kasalanan ko pa.
"Maraming tao na kasi yung nakatingin sayo o? Hindi ka ba nahihiya?" bulong ko sa kanya. Hinihiling na sana maramdaman na niya yung hiyang nararamdaman ko dito dahil sa bunganga niya.
"Bakit naman ako mahihiya?" malakas na sabi niya tsaka taas noong tumingin sa paligid. "Wala silang pakielam sa ginagawa ko no! Tsaka paki ko naman sa sasabihin nila? hindi naman sila ang bumili ng kinakain ko!" hinawi pa niya ang buhok niya. "Dapat ikaw din, Abi! huwag mong isipin yung tao sa paligid mo, My gosh! Isipin mo yung sarili mo lang! ganon dapat!"
Napalunok ako. Hindi ko ata kaya yung sinasabi ni Cita. Tignan pa lang ako ng isang tao pakiramdam ko may mali na agad akong nagawa.
"Tsaka nakita mo rin ba yung kasama ni Rogerr!" tili niya ulit
"Tumigil ka na Cita. May klase pa tayo.."
"Ay nako ka! Hindi ko alam kung paano kita naging bestfriend! I mean.." tinignan niya ako ng mabuti tsaka napa buntong hininga. "Whatever! Tara na nga!"
Pag katapos ng huling klase namin ay umuwi na agad ako. Nag aaya pa nga si Cita na kumain ulit dahil nagugutom daw siya pero hindi na ako sumama, sinabi ko na lang na nag text na si Ate, ayun hindi naman na nangulit. Totoo naman kasing tinext na ako ni Ate. Pag si Ate kasi ang ipinanggalang ko hindi na nakaka palag si Cita.
Nang nasa harap na ako ng bahay namin ay bigla akong natigilan. Hindi kasi nakasara ng maayos yung gate namin. May maliit kasi kaming gate bago ang aming pinto.
Nagtaka ako. Hindi naman ugali ni Ate na hindi mag sara ng gate. Dahil nag iingat nga kami, kasi dalawa lang kaming babae bahay.
Bigla naman akong kinabahan. Kahit pa kasi mag aala singko pa lang ay medyo madilim na. Nakita ko pa ang kapitbahay namin na babae na may edad sa gilid na nagpapaypay ng abaniko.
Lumapit ako sa kanya para magtanong.
"Ate Inde, nakita niyo po ba kung nakauwi na si Ate?" tanong ko. Napatigil naman siya sa pag paypay saglit.
"Ay, hindi ko napansin, Charlene. Bakit?"
Ngumiti ako. "Wala naman po. Salamat po.."
Bumalik ako ulit doon tapat ng bahay namin. Tinignan ko ulit ang cellphone ko, pero wala pa ring reply si Ate.
Kahit na kinakabahan ako ay dahan dahan kong tinulak ang maliit naming gate na kupas na ang pintura nitong kulay berde. Hindi ko iyon sinara pagkapasok ko, para kung may mangyari man walang sagabal at mabilis akong makakatakbo.
Nang makapasok na ako ay mabilis akong lumuhod para tignan ang doormat namin. May napanood kasi kami ni Ate noon sa internet at naisip naming gayahin. Naglagay kami ng biscuit sa ilalim ng doormat. Kami lang ni Ate ang nakakaalam kung saan banda iyon sa doormat. Kaya hindi namin siya natatapakan. Kaya pag may ibang nakapasok sa bahay malalaman namin agad iyon gamit ang biscuit sa ilalim ng doormat.
Nang itinaas ko iyon ay nanlaki agad ang mga mata ko ng makita kong nadurog iyon.
Jusko po! Ibig sabihin may ibang nakapasok sa bahay! Mabilis akong tumayo at lumabas ng gate. Laking pasalamat ko naman ng makita ko pang nandon si Aling Inde may kausap na kapitbahay din namin. Tumabi ako malapit sa kanila.
Tatawag na ba akong pulis? Pero si Ate, nasaan si Ate? Sinong nakapasok sa bahay? Nasaan ba kasi si Ate? Halos hindi na ako mapakali, kaya ng tumunog ang cellphone ko ay halos ibato ko ito sa gulat.
Mabilis ko itong sinagot ng hindi tinitignan kung sino.
"Hello po.."
"Charlene, nasaan ka na ba? Sabi mo pauwi ka na?" bungad ni Ate sa akin.
"Ate!!" hindi mapigilang sigaw ko. Niiyak na talaga ako sa kaba.
"Ano? Bakit ka ba sumisigaw?"
Umiling ako kahit hindi niya nakikita. "Wala po.. Nasaan ka ba? nandito ako ngayon kila Aling Inde..Ate, durog yung biscuit sa ilalim ng doormat natin!"
"Ha?"
"Oo, Ate! Nasaan ka ba kasi? May nakap-"
"Nasa bahay natin ako ngayon charlene!" putol ni Ate sa akin.
"Ha? P-paano? E durog yun.."
"Oo. Natapakan kasi ni Dylan yan kanina nakalimutan ko lang na ayusin.."
"Ano?" hindi makapaniwalang sabi ko. "Pati yung gate nakalimutan mo?"
"Ah.. Hind si Cita ang may gawa niyan! nandito sila sa bahay natin. Ikaw na lang ang wala. Pumunta ka na rito.. Bilisan mo ha.."
Kahit na naguguluhan ay lumapit ako sa bahay namin paunti unti. Pag kapasok ko ng gate namin ay matagal pa akong nag isip kung ilo- lock ko ba ang gate o hindi. Pero sa huli ni lock ko na.
Nang malingunan ko naman ang doormat ay nag dalawang isip na naman ako. Hind ko natiis na hindi linisan ang doormat. Isinabit ko muna ang bagpack ko doon sa haligi ng gate namin. At kinuha ang walis tingting at nilisan na at inangat ko na ang doormat.
Hindi ko inaasahan na nandito sa bahay si Ate. Ang sabi niya kasi sa labas kami kakain kaya maaga niya akong pinauwi tapos madadatnan ko dito ganito? Durog yung palatandaan namin. Sino ba namang hindi matatakot?
Lakas talaga ng kaba ko kanina. Unang beses kasing nadurog yung biscuit sa tagal tagal na paglalagay namin ni Ate.
Ibinuka ko na yung sako inipit muna sa pagitan ng tuhod ko yung walis tingting. Bago ko dinampot yung dustpan at inilagay sa basurahan ang laman nun.
"Huy!" boses na nagpalundag sa akin sa gulat. Napatingin ako doon sa taong nakabungad sa akin si Cita.
Nasa may pintuan siya. Laking pasalamat ko na lang na tapos na ako don mag walis kung hindi baka natamaan pa niya ako ng pinto sa malakas niyang tulak.
"Saan ka galing? Bakit mo hawak yang dustpan?" anito at lumapit sa akin. Nakita kong hind na rin siya naka uniform. Naka maong shorts na siya at crop top na pula na may nakasulat na 'Touch it!'
"Nag walis kasi ako.." sabi ko at inilagay na sa tabi yung mga ginamit. Kukunin ko na dapat yung bag ko pero kinuha na iyon ni Cita at hinatak ako paupo sa kinatatayuan namin.
"Ano ba Cita?" sabi ko sa kanya. Nakita ko naman na nakangisi siya. Kilala ko ang ngising iyon. Jusko po! Ano na naman kayang nasa isip neto?
"Pota, Abi!" pigil na tili niya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na kakilala pala ni Ate mo si, Rogerr!?" inaalog pa niya ang braso ko.
"Ha?" tanong ko ng hindi ko pa rin makuha yung sinasabi niya. Ang galawgaw kasi niya. Tumama yung braso ko sa may gate.
"Aray!"
"Tapos nandiyan sila ngayon sa bahay niyo! Deputa talaga, Abi! Ang fit nung shirt niya! Nawewet na ko!"
"Tumigil ka nga, Cita. Ang sama ng mga sinasabi mo.." tumayo na ako. Ganon din naman siya pero hind a din tumitigil sa pagdaldal. Kinuha ko yung bag ko sa kanya.
"Anong masama dun?" nakapameywang na tanong niya at hinarap ako. "Hoy! 22 na tayo.. Tsak- wait nga.. Don't tell me.. hindi ka pa nakakapanood ng nyorn?"
Napakunot ang isip ko.. Ano daw? Nyorn?
"Nyorn?" salubong ma kilay ulit ko.
"My gosh! Abigail!" napahawak pa siya sa noo niya. Tinignan niya pa ako na parang sinisigurado kung tao ako o ano. "Nyorn, pina inosenteng word ng porn!"
Nanalaki ang mata ko.
"Tumig-"
"Hoy! Anong porn ang sinasabi mo, Pancita?" biglang sabi ni Ate sa amin. lumitaw siya bigla. Nandon siya sa may pintuan may hawak ng bote ng ketchup.
"Ate, kalma ka nga." ani ni Cita at pumunta pa sa likod ko. "Tsaka Cita, lang te, huwag mo na nang buuin."
"Ikaw kung ano-ano tinuturo mo dito sa kapatid ko ha!"
"Nyorn lang yung sinabi ko Ate!" sagot naman ni Cita.
"Kahit pa! Nakikita mo itong hawak ko?" Itinaas pa ni Ate ang hawak niyang bote ng ketchup. "Ipupukpuk ko to sa noo mong bata ka!"
"Si Ate naman, masyadong harsh..yun lang e. Sige iba na lang ituturo ko.."
"Kahit pa! huwag mong bibiglain!"
"Oo na, te. Dumudugo daw kasi pag binibigla.." sagot naman ni Cita. Kumunot ang noo ko sa mga sagutan nila. Napakamot naman si Ate.
"Siraulo ka talaga." sabi nito. "Tsaka anong ginagawa niyo dito? Bakit hindi pa kayo pumasok?"
"Wala po, may ginawa lang ako saglit.." sagot ko. Hinawakan ko na yung kamay ni Ate para sabay na kaming pumasok. Sumukbit naman ni Cita sa akin.
Patuloy pa rin yung pag bulong sa akin ni Cita tungkol sa hindi ko pag sabi sa kanya tungkol kay Rogerr.
"Nandito siya?" naibulong ko rin nang makita ko siya na nakaupo sa sofa.
"Oo yun nga yung sinasabi ko sayo kanina pa, gaga ka!" si Cita na kinurot pa ako sa tagiliran.
"Dylan, tara kain na tayo? Nasaan si Matias?" aya ni Ate sa kanya pag kadaan namin sa sala.
Napatayo naman agad siya.
Nag katinginan kami pero wala pa atang isang segundo iyon.
Hindi ko kasi alam kung saan ko ibabaling yung tingin ko. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Lalo pa nakita kong nakatingin din siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang lagi siyang galit everytime na titignan niya ako. May nagawa ba ako sa kanya? Wala naman sa pag kakaalala ko.
"Sa cr." sagot naman nito. Nakatingin sa amin ni Cita.
"Nandito rin si Mr. Villanuevo?" tanong ko pa kay Cita.
"Hindi ko pa nakikita yung hayop na yun. iniinom yata yung tubig sa cr niyo."
"Huwag ka ngang ganyan, Cita.."
"Ay, oo na po.. Mother Abigail.." aniya tsaka inirapan ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top