Kabanata 1
Pagpapakilala
"ANO BA Charlene?! Malilate ka na bumangon ka na diyan!"
Ang galing talaga ng alarm clock ko. Isip isip ko habang nakapikit at nag kukunwaring tulog. Pinapakinggan ko lamang ang ate dahil napaka ingay nito at dumadaldal na naman. Dahil sa totoo lang ay gising naman na ako kanina pa at tinatamad lang na bumangon.
"Charlene Abigail ano ba?!" hiyaw ulit ni Ate at hinila hila na yung braso ko.
Nanunot naman ang sakit sa kalamnan ko.
"Aray Ate, bitaw! A-ray, aray!"
"Babangon ka ba o hindi?"
"Ate, babangon na! Bitaw na kasi masakit!" laking pasalamat ko sa Diyos nang binitawan niya yung kamay ko.
Grabe talaga siya sa akin. Namilipit ata yung mga ugat ko sa braso dahil sa ginawa niya.
"Maligo ka na at malilate ka na! Hindi ko pinupulot ang perang pinang aaral sayo ha! Lagi ka na lang ganito tuwing umaga.."
Ayan nanaman siya. Samantalang ngayon lang naman ako nahuli ng gising dahil napuyat ako kagabi kakagawa ng project namin.
Mabilis kong dinampot yung tuwalya ko at pumasok na sa banyo. Ayan nanaman kasi siya sa sermon niya. Makapag salita siya parang hindi naman ako ng aaral ng mabuti, nakalimutan na ba niya? Dean lister kaya 'tong kapatid niya.
Hirap talaga pag matandang dalaga na yung Ate mo. Si Ate kasi 31 na siya pero wala pa rin siyang balak mag asawa. Na trauma ata dahil dun sa ex niyang hindi na nag paramdam dahil sa nag abroad lang.
Malayo kasi ang edad namin ni ate. Ako 21 pa lang ako. 5'2 ang height long hair. 4rth year college na 'ko ngayon. BSIT yung course ko.
Dahil.. Wala lang. Sabi kasi ni ate, in demand daw yun. Eh, ako, hindi ko pa naman alam ang gusto ko sa buhay kaya sinunod ko na lang yung gusto ni Ate. At! if one day malaman ko na gusto ko sa buhay pwede naman daw ako mag palit ng course pero wala e gagraduate na lang ako hindi ko pa din alam gusto ko tahakin.
Basta! Ang alam ko lang, gusto ko mabigyan ng magandang buhay si Ate.
---
"Ayan, pag kasiyahin mo na iyan sa isang buwan ha?" sabi ni Ate habang inaabot niya yung limang libo na allowance ko para sa isang buong buwan.
Ngumiti ako at nag pasalamat. "Sige te, salamat!"
"Oh siya una na ako!" nginitian ko lang si ata at kumaway na rin. Tinignan ko yung pera ko.
Limang libo sa isang buwan keri na! Magastos kasi yung course ko. Tapos wala rin naman kaming wifi. Hindi naman kasi kami mayaman. Wala kaming extrang pera pambili ng wifi. Kaya ayun nag papaload lang kami sa broadband namin.
"Abigail nagawa mo project?"
Bungad sa akin ng kaibigan kong si Cita pagkapasok ko sa room.
"Oo.." sagot ko at inilabas na yung folder.
"Pwedeng patingin?" sabi niya. Alam ko naman na iyon. Ilang taon ko na siyang kaibigan kaya sanay na ako. Kaya nga nilabas ko na.
Grabe lang yung sem ngayon. Jusko dalawang buwan pa lang simula nung pasukan ang dami na agad projects at kailangang ipasa. Hindi naman sa nag rereklamo ako pero prang ganon na nga. Mamumulubi ako ngayon talaga. Parang ngayon palang iniisip ko na ang mga bayarin ni ate pag gagraduate na ako. Ako yung naiiyak para sa kanya.
"Magkaiba tayo ng sagot.." sabi sa akin ni Cita pag kasaoli nung folder.
"Anyway.. Punta tayo sa Karinderya sa likod pag breaktime ha? Dun na lang tayo mag lunch."
"Di pa nga nag uumpisa yung class, lunch agad nasa isip mo." sabi ko. "Tsaka bakit dun? Hindi naman masarap menudo nila."
Inirapan niya ako "Eehh! Basta dun tayo! Tsaka ililibre kita don't worry! May kakausapin langa ko dun."
"Tsk! Bahala ka.. Bast ba ililibre mo ako.."
"Oo na ako na bahala sa lunch mo.."
----
"Sino pa ba hinihintay natin dito?" tanong ko kay Cita. Natapos na lang kaming kumain at lahat wala pa rin yung hinhintay niya. Naubos ko na nga rin yung milktea ko, wala pa rin talaga.
"Si Allan yung kausap ko. Parating na daw siya pati yung monitor wait lang.." sabi niya habang nakatingin sa phone niya.
"Tsk.. Pancita pinapaalala ko lang sayo may class na tayo in fifteen minutes. Pag wala pa rin iyan iiwan na kita rito.."
Inirapan ako nito bago nag salita. " Oo na alam ko." sabi nito. "Tsaka pwede huwag mong banggitin ng buo yung pangalan ko? Cita okay? Cita."
Napailing na lang ako. Naiinip na rin.
"OmyGod!!" biglang hiyaw ko.
"Ano yun? Bakit?"
Sa kabilang gilid ng kalsada may nakita akong lalaki na nakahandusay na at binubugbog ng isang lalaki na may tattoo sa gilid niya. Rosas na tattoo.
Napatayo ako..
"Oh my God! Kawawa naman.." sabi ko ng makitang duguan na yung nakahandusay na lalaki pero patuloy pa rin itong sinusuntok ng lalaking may tattoo sa tagiliran.
"Hala kawawa! Tulungan natin."
Mabilis ako ng napalingon kay Cita sa sinabi niya.
"Anong tulungan?! Nababaliw ka na ba?"
"Pero kawawa yung lalaki.."
"Pero mas kawawa ka pag ikaw ang sinapak niyan.. Cita!!" nanlaki yung mata ko ng bigla siyang tumawid at pinuntahan yung nag aaway.
"Cita!"
Nakita ko kung paano tinulak ni Cita yung lalaking may tattoo at tinulungan niyang makabangon yung isa. Pero nakahiga pa rin dahil mukha nang lupaypay dahil sa sugat.
"Cita ano ba?!"
"My God, Cita!!" Mabilis kong hinila si Cita..
"Cita, ano bang ginagawa mo?!"
Mabilis na tumayo yung lalaki.
"Sino ka ba?!" hiyaw nung may tattoo
"Sino ka rin?! Bakit ka nambubogbug ng mahina sayo?" matapang na sagot ng kaibigan ko.
Mabilis ko siyang hinawakan sa braso para pigilan sa pagiging matapang niya. "Cita!"
"Ang laki laki mo kinkawawa mo yung mga maliliit sayo!" ayaw talaga papigil ng kaibigan ko.
"Miss, wala kang alam pwede? Umalis na kayo." sabi nito. Halos Umakyat lahat sa ulo yung dugo sa katawan ko ng balingan ako nito at iduro. Nangatog ako ng ako naman ang balingan. "Ikaw, ialis mo na yan ditong kaibigan mo."
"O-opo.. A-alis n..na kami.. Cita.."
"Hindi kami aalis dito! Hanggat nandito k.."
Nakita kong bumangon kanina yung nakahandusay at may inilabas siya kutsilyo galing sa likod niya.. At mabilis iyong tinutok dun sa lalaki.
"Ahhhhh!!! Sa likod mo po!!"
Mabilis na lumingon sa likod yung lalaking may tattoo pero huli na.. May nakita na akong tulo ng dugo sa may gilid niya..
"Ahhhhh!!!" sigaw naman ni Cita.
"Umalis na kayo!" hiyaw nung lalaking may tattoo sa amin
"O my! S..sorry!" naiiyak na sabi ni Cita.
"Putang ina mo ka! Akala mo malalamangan mo ako?!" hiyaw nung lalaking may kutsilyo at ambang sasaksakin ulit siya pero mabilis kong nakita yung bato sa lapag at mabilis kong ibinato sa kanya iyon.
Napatingin sa amin yung lalaking may kutsilyo.
"Abigail anong ginawa mo?" bulong sa akin ni Cita..
"Sino ba kayong mga gago kayo?" sabi nung lalaki.. Naiiyak na ako.. Nakakatakot yung hitsura niya dahil yung muka niya.. Puro na dugo.
Tinignan niya si Cita. "Ikaw, salamat sa pagligtas sa akin kanina. Pero ngayon hindi na. Masyado na kayomg nakakaabala sa akin.. Ikaw naman ganda.." baling nito sa akin tumatalsik pa yung dugo nito sa bibig habang nag sasalita. "Nandito pala ang Gerlpren ko? Tutal bagay naman tayo.. Sasama ka ba sa akin?" mabilis akong nag sumiksik kay Cita.. Natatakot na talaga ako.. Adik siya na madugo.. Hindi ko alam pero katapusan ko na ba?
"Tutal.. Maganda ka, g-guwapo naman ako--"
"Waaaaahhhh!!!" naghuhumiyaw na sigaw ko ng dumikit ito sa akin at nahulog sa lapag yung lalaki..
At nakita ko na nakatayo na sa harap namin yung lalaking may tattoo.
"Ang kukulit niyo kasi, pag sinabing alis, alis!"
Naghuhumiyaw akong hinila paalis don ni Cita.. Wala nang pakielam kung may mabangga man, basta makaalis lang sa lugar na 'yon.
"O my!" grabi yung iyak ko.. May dugo sa damit ko. Dugo nung lalaking adik!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top