Chater 35

Chapter 35

Alas singko pa lang ng umaga ay nagising na ako. Gusto ko kasing bumawi kay ate kahit papaano. Ipagluluto ko lang naman siya ng breakfast at papabaunan na rin.

Gising na si ate at naliligo na, kaya minamadali ko itong pritong talong at manok na ilalagay ko sa baunan niya. At para naman sa almusal ay nag luto ako ng itlog at bacon. Paborito ni ate ang bacon e.


"Ang bango naman.." napalingon ako ng pumasok si ate sa may kusina. Nakabihis na siya at ready na sa pag alis.

"Ate kumain ka muna po.." aya ko sa kanya

"Syempre kakain ako.. Suhol ba 'to?"

Napatigil naman ako sa pgaglagay ng kanin sa plato niya.

"Ate naman.."

"Joke lang!" aniya at kinurot pa ako sa beywang.

Kumain na rin ako kasabay ni ate ng almusal. Nagkukwentuhan at panay namang asar ni ate sa akin pero hinahayaan ko na lang.

Naging maayos ang usap namin ni ate kagabi. Nagkalinawan na at sinermunan ako. Which is okay lang naman. Ayos lang sa akin.

Nang paalis na si ate ay muntik pa niyang maiwan ang hinanda kong pagkain para sa kanya mabuti na lang at naalala ko.

Medyo marami ang nailuto ko kaya dinala ko na din iyon sa school. Na ngayon nga ay kinakain ni Cita.

"Sarap ng talong ah.." puri niya sa niluto ko na tortang talong. Pinunasan ko naman yung natapon na kanin galing sa bibig niya na nahulog habang nagsasalita siya. Punong puno kasi yung bibig.

Pinagtitinginan tuloy kami- i mean siya ng mga kaklase namin. Nasa room na kasi kami at dito rin siya kumain. Sa pagkakaalam ko ay bawal kumain dito dahil sa computer sa harap namin pero.. Si Cita naman siya kaya siguro ay okay lang.

"Hindi ba bawal kumain dito sa loob?" biglang sabi nung isa naming kaklase. Si Eerie.

Kay Cita siya nakatingin.Nandoon siya nakapwesto at nakatanaw sa may upuan niya sa unahan.

Nasa likod kami kasi banda ni Cita.

Napatigil naman si Cita at napalingon doon sa nag salita.

Napakagat ako ng labi ko ng ngumisi si Cita. Mukhang nangangamoy..

"Cita..huwag mo na lang patulan," sabi ko agad kay Cita.

Huminga muna siya ng malalim bago tumango sa akin.

Laking pasalamat ko naman doon kaya nakahinga ako ng maluwag. Tinignan ko si Erie na patuloy pa rin ang pagsasalita.

Hindi lang naman si Cita ang kumakain dito sa room. Madalas din kasi na dito na kumakain ang iba dahil 11:am ang klase namin. Hindi na ito bago sa amin. Kaya hindi ko alam kung anong meron at sinisita niya si Cita. Ngayon nga ay kumakain rin ang isa naming kaklase na si Ely, pero kay Cita lang siya nakatingin.


"Bawal na nga..ginagawa pa rin. Walang modo talaga."

"Oh talaga? Sa pagkakaalam ko bawal din epal dito.." hindi nakapagpigil na sabi ni Cita at humarap pa mismo doon kay Erie habang sumubo ulit ng pagkain na dala ko.

Napatayo naman si Erie. "Grabe no? May mga tao talagang makapal ang mukha-"

"Tulad mo?" putol ni Cita sa kanya.

"Cita..huwag mo na lang patulan.."

"Oh! My bad..hindi nga pala makapal ang mukha mo.. Mahaba pala." si Cita at muling sumubo ng pagkain.

"Anong sinasabi mo? Na mahaba ang mukha ko?!"

"Oh bakit? Hindi ba? Sorry ulit.." umakto pa si Cita na mukhang malungkot. Kaya mas lalong nainis si Erie. "Hindi ako sure ah.. Pero size 41 yan diba, tama ba ako?"


Narinig ko naman na nagtawanan ang iba naming kaklase kaya nainis lalo si Erie.. Nagmartsa siya palapit sa amin kaya napatayo ako, pero si Cita ay tinakpan niya muna yung baunan ko.

"Wait lang..baka matapon.." bulong niya dun sa lunch box. After nun ay tumayo na rin siya at hinintay na makalapit sa kanya si Erie.

"May problema ka sa akin?!" hiyaw ni Erie pagkalapit.

"Wala naman, bukod sa hininga mo.." umasta pa si Cita na may naamoy siyang mabaho.

Muli naman nagtawanan ang aming kaklase. Kaya siguro mas lalong nainis si Erie at nanggigil na itinulak si Cita.

Napatakip ako ng bibig ko sa gulat.

Hindi naman natumba si Cita pero mas lalo kasing sumama ang mukha niya kaya nilapitan ko siya.

"Cita tama na yan.."

Tinignan lang ako ni Cita at nginitian. "Sandali lang bestfriend talikod ka muna." pagkasabi niya nun ay itinalikod niya ako sa kanya at mabilis akong nakarinig ng matining na tunog na para bang may hinampas. Narinig ko rin na suminghap ang mga kaklse namin.

Mabilis akong humarap don at nakitang hawak ni Erie ang kaliwang pisngi niya.

"Cita, tama na yan." suway nila Felix at Ryan kay Cita na lalapit pa sana kay Erie..

"Huwag ako ang pagsabihan ninyo! Nakita niyo naman na siya ang nauna diba? Ako lang ba ang kumakain dito sa loob? Hindi." paliwanag ni Cita. Tama naman kasi siya. Si Ely rin na kaklase namin dito ay kumakain din pero si Cita lang ang pinuna niya.

"Sa susunod.. Kung may galit ka sa akin.. Diretsuhin mo ako. Hindi yung dadaanin mo ako sa parinig. Bobong stupid!"

"Naiingit ka ba sa tortang talong na kinakain ko?" natatawang sabi ni Cita pero bakas pa rin ang inis sa tono niya.

Natatawang tinanggal ni Erie yung kamay ni felix na nakahawak sa kanyang braso.

"Inggit? Oh my God! Wala akong dapat kainggitan sayo.." tinignan pa niya si Cita ulo hanggang paa. "Hindi na ako magtataka kung bakit ka iniwan ni Mathias, bulok kasi ang uagali mo!"

Napasinghap ako. Paano nalaman ni Erie ang tungkol kay Kuya Matias at Cita?

"Kaya nga rin maaga kang iniwan ng mga magulang mo dahil alam na nilang lalaki kang ganyan! Sobrang bulok ng--"

Hindi ko na napigilan at sinampal ko ng napakalakas si Erie..

Alam kong nagulat silang lahat sa ginawa ko pero wala akong pakielam. At alam ko rin na hindi ako kasali sa away nila ngunit hindi ko naman hahayaan na pagsalitaan niya ng masasakit na salita si Cita.

"Wala kang karapatan sabihin 'yan sa kay Cita!"

"Abigail.." si Cita at hinawakan pa ako.

"Hindi mo siya kilala at ang mga magulang niya para magsalita ka ng ganyan!"

"Abigail tama na." si Felix na pumagitna na.

"Erie, below the belt na yung sinabi mo.." sabi nung isa naming kaklase.

Tinitigan niya ako habang hawak ng pisngi niyang sinampal ko. Mukha siyang nagulat pero wala akong pakielam don. Tinitigan ko rin siya.

Hindi ako natuwa sa sinabi niya sa kaibigan ko at gusto kong maramdaman niya iyon.

Sino ba siya sa akala niya?

Maya maya lang ay mabilis ang hininga na nag martsa siya palabas ng room na 'yon.

Oo, naging kasundo ko si Erie dahil mabait siya sa akin at paminsan ay nag uusap kami.. Pero hindi ko naman pwedeng hayaan na pagsalitaan niya ng ganoon si Cita.

Ang ayoko sa lahat ay sinasaktan ang mahal ko sa buhay. Hangga't may kaya akong gawin para ipagtanggol sila ay gagawin ko, huwag lang silang masaktan.

"Ayos ka lang, Cita?" tanong ko kay Cita dahil kanina pa siya tahimik. Nandito kami sa maliit na park ng school nakaupo sa batong upuan.

"Ayos lang.." sagot niya pero hindi naman ako tinignan.

"Sigurado ka ba?"

"Hmm.." tango niya. Ngumiti pa nga siya ng bahagya.

"Huwag mo ng isipin ang sinabi ni Erie.."

"Ayos lang. Maybe..totoo din naman din yun.. tignan mo oh, ako lang mag isa sa buhay..iniwan ako nila Mommy ko..lahat ng relatives ko nasa malayong lugar.."

"Anong mag isa ka? Ano bang ginagawa ko dito? hindi mo ba ako nakikita? Huwag kang mag isip ng ganyan.." ani ko at niyakap siya.

Bigla niya akong tinitigan ng matagal maya maya ay napailing na siya.

"Bakit?"

"Naalala ko lang yung ginawa mo kanina, marunong ka pa lang magalit.."

"Ayaw ko lang na makakarinig ka ng mga ganoong salita. Hindi mo deserve yung mga ganon." sabi ko. "Alam ko na maldita ka, pero hindi bulok ang uagli mo."



Kahit ano pang kasalanan ng tao sayo, wala pa rin karapatan ang sino man sa atin na ibaba ang pagkatao nito at gumawa ng bagay na magkukwestiyon sa sarili nila.

Walang may deserve nun.

"You know.. Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa past life ko, to deserve a friend like you.. salamat."


"Wala yun.." sabi ko. "Sa susunod din kasi ha? Bawas bawasan mo yang tabil ng dila mo.. Diba sabi ko naman sayo.. Be kind always, and be maldita if needed. Pero parang pinagbaligtad mo ata e."

Humalakhak naman siya.

Parang hindi niya narinig yung sinabi ko.

"Oo na.. Mother Abigail.."

Baliw talaga 'tong babae na 'to..Makikitawa na sana ako kaso bigla akong may naalala.


"Cita.. may sinabi kanina si Erie,"

"Oh, alin dun? Sa dami niyang sinabi wala akong maalala bukod sa amoy ng hininga niya."

"Cita kasi, seryoso.." hinawakan ko siya sa braso para mag focus siya sa akin at hindi sa biro niya. "Paano nalaman ni Erie yung tungkol sa inyo ni kuya Mathias?"

Napatigil naman siya at nawala ang ngisi sa mukha. Maya maya lang ay huminga siya ng malalim.

Nanliit ang mga mata ko. "Anong nangyari Cita?"

"Well.. si Erie kasi yung b-bagong girlfriend ngayon ni Mathias."

"Ano?" o my gosh..

"Cita..akala ko ba sabi kailangan niya lang ng time-"

"Oo nga.. Kailangan niya ng time.. time para mapalitan ako."

Nag iwas siya ng tingin sa akin at ngumisi. "You know.. sa dami ng naging boyfriend ko, hindi naman siya naiiba.. Matanda na si Mathias at mukhang matured but you can't call him a man. Matanda lang siya."


"Pero.. kung ganoon..bakit parang galit pa rin si Erie sayo?"


Napailing lang siya. "Ewan ko dun. You know naman, Erie.. masyadong papansin."

Bigla naman akong nakaramdam ng awa sa kaibigan ko.

Hindi ko alam kung bakit nagawa 'yon ni kuya Mathias sa kanya. Dahil ba to dun sa malaking away na nangyari sa kanila?

Nasaktan din naman si Cita dun, pero bakit ang bilis naman niya palitan yung kaibigan ko? Agad agad? At talagang ipinalit pa niya yung kakilala at malapit lang kay Cita.

Grabe siya..

"Hoy!" si Cita at bahagya pa akong kinalabit. "Anong iniisip mo? Baka manampal ka na naman ha?"

"Ano ka ba..hindi."

"Well.. tutal wala naman na tayong klase, samahan mo ako gusto kong kumain."

"Libre mo?" tanong ko. Wala na kasi akong budget e.

"Palagi naman Abigail.."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top