Chapter 60
Yaay! Last chapter na 'to. Well.. Gusto ko lang sabihin na salamat sa lahat ng nagbasa nito mga(6) charr! Pero thank you talaga!! Galing sa kaibuturan ng aking puso, thank you! At sa magbabasa pa lang..Thank you din! Yun lang. God bless sa ating lahat! Be healthy and happy this 2021!
Chapter 60
"Anong nangyari sa kanya?" sa wakas ay naitanong ko na rin 'yon. Kanina ay akala ko hindi na ako kakalma, ngunit paulit ulit 'kong inisip ang mukha ni Charlene na nakangiti at tinatawag ang pangalan ko. Kahit kaunti ay nagawa pa rin niyang pakalmahin ako kahit wala siya dito.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon, namamanhid ang buong pagkatao ko. Kung sana lang ay pumunta na ako ng mas maaga at hindi nakinig sa kanya, sana ay kasama ko pa siya. Nanghihinayang ako sa mga oras na nawala ng hindi ko man lang siya nakakasama. Dapat hinayaan ko na lang ang trabaho ko, at agad siyang pinuntahan. Dapat siya ang inuna ko..
Wala naman akong sakit pero, nahihirapan na akong huminga.
"A..ng sabi ni Auntie.. kwento daw ng mga tao dun, sinagip daw ni Abi yung nalulunod na bata." naiiyak na kwento ni Chacha sa akin. "Naligtas naman daw niya, k..kaya lang, hindi daw nakayanan ni Abi yung alon..na..nadala siya nito at.."
Hinagod ko ang likod ni Chacha. Alam ko na mahirap ito para sa akin, pero alam ko rin na mas mahirap ito kay Chacha. Kapatid niya ito. At ito na lang ang nag iisa niyang pamilya.
"Dapat pala..sinama ko na lang s..siya.." bulong niya. Tumingala ako ng ilang saglit bago muling tinignan si Chacha na umiiyak na ngayon.
"Dapat hi..ndi ako nagpadala sa lambing niya. Dapat hindi ko siya p..inayagan.."
"Cha, stop it." pigil ko sa kanya. "Huwag mo'ng sisihin ang sarili mo, hindi magugustuhan ni Charlene 'yan."
Patuloy lang umiiyak at pailing iling. "Pa..paano na ako ngayon? Buong buhay ko sa kanya lang umikot ang mundo ko..hi..ndi ko kayang isipin na bukas paggising ko, w-wala na siya.."
Tinitigan ko ang magandang mukha ng mahal ko. Kahit medyo nanaba ang mukha niya ay maganda pa rin siya.
Well, kailan ka ba pumangit darling? Kahit ano pa ang ayos mo ay palagi kang maganda.
Naalala ko nung una naming pagkikita pagkatapos kong ma-destino dito sa maynila. Galing kasi akong cebu nun at nagpalit lamang. Malinaw pa rin sa utak ko yung mga takot sa mata niya ng harapin sila ng criminal na hinuhuli ko noon.
Gusto kong magalit sa kanya, kung bakit siya lumapit sa gulo. Pero nakita ko rin kasama niya si Cita kaya hindi na rin ako nagtaka.
Tulad pa rin siya ng dati. Nakakarelax pa rin tignan ang maamo niyang mukha. Ang kaibahan lang ay mas tumangkad lang siya ng kaunti, maliban doon ay wala na. Siya pa rin yung babaeng nagustuhan ko 5 years ago.
"Masyado pang maaga p..para iwan niya ako.."
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko hindi na tumitibok ang puso ko. Habang pinagmamasdan ko siya ngayon, natutunaw ako sa sakit pero ayaw lumabas ng mga luha ko.
Pangatlong araw na ni Charlene. Dumating na rin kanina sina mama, at ngayon nga ay kausap nila si Chacha.
Ako naman ay hindi ko siya iniiwan. Hindi ko naman kaya.
"Kamusta na darling? Hindi ba nanakit likod mo diyan?" sabi ko habang nakatingin lang sa kanya. "Dumating na nga pala sila Mama, kanina lang mga alas sais ng umaga."
"How are you? Do you miss me darling? Kasi ako..sobra sobra na. Gusto na kitang mayakap. Miss na miss na kita darling. Namimiss ko na yung ngiti mo, yung halik mo, at yung tawa mo gusto ko ng marinig ulit. Gusto ko na ngang puntahan ka, kaso hindi ko alam kung nasaan ka. Nasaan ka ba ngayon? Mabilis lang ba makapunta diyan?"
Ilang sandali pa akong nakatingin lang sa kanya, hoping na babangon siya at tatalon para mayakap ako. Sana panaginip lang ang lahat.
Sana nga..panaginip lang, para sabay kaming magising.
"May 26 na ngayon darling, ilang araw na lang ikakasal na tayo, umalis ka pa. Ayaw mo ba dito ikasal? Gusto mo diyan? Pwede naman e, kaso dapat sinabi mo sa akin para sabay tayong pumunta diyan. Ang daya mo e, hindi ka nagsabi."
"Naalala mo, sabi mo sa akin na gusto mong kantahan kita sa kasal natin, alam mo bang nag practice ako? Dahil gusto ko magandahan ka sa boses ko..gusto kantahan kita ngayon?"
..Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous I couldn't speak
In that very moment
I found the one and
My life had found its missing piece..
So as long as I live I love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now 'til my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight
What we have is timeless
My love is endless
And with this ring I
Say to the world
You're my every reason
You're all that I believe in
With all my heart I mean every word
Mabilis kong pinunasan ang mukha ko bago ngumiti. "Hanggang diyan na lang muna darling, i promise..kakantahin ko 'yan ng buo sa harapan mo pag nagkita na tayo.. Soon."
"At yung request mo na 'Minsan lang kita iibigin' tsaka na yun kakantahin kapag magkasama na tayo. Pangako oras oras kakantahin ko iyon para sayo. Mahal na mahal kita Charlene..sobra.."
"Hindi ko kaya, Charlene.."
Natigil ako ng sandali, pakiramdam ko kasi ay matutumba na ako. Huminga ng malalim at dinama ang katahimikan.
Sa pagpikit kong 'yon ay pumasok ang nakangiting mukha ni Charlene. Wearing her wedding dress at ang buhok niyang malaya lang na nakakalat sa kanyang balikat, ang mala orange niyang lipstick at ang ngiti niya habang hinihintay ako sa aisle.
"Daddy bilis!" hiyaw niya sa dulo habang nasa gilid ng mga labi niya ang dalawang kamay niya.
"Naghihintay na si father! Gagabihin na tayo sa honeymoon!"
Napangiti ako. Ang ganda ganda niya talaga..
"Mahal kita.." sabi ko sa kanya pagkalapit ko.
"Mahal din kita daddy, forever, forever!"
"Namimiss mo na ako?" tanong niya
"Sobra."
Ngumiti siya sa sagot ko at hinawakan ang mukha ko. "Namimiss mo lang ako ngayon, pero promise me..magiging masaya ka."
"Masaya ako dahil kasama ki-"
"Without me."
Kumunot ang noo ko.
"Anong sinasabi mo, darling?"
"Be happy, without me daddy." aniya at binitawan ang kamay ko.. tsaka tumakbo sa kung saan..
"Charlene!" habol ko sa kanya..
"Charlene!"
"Dylan gising.."
"Charlene!!"
"Dylan!"
Mabilis akong napabangon.. Nilingon ko sila mama na nasa gilid ko.
"Why am i here?" tanong ko habang hawak ni mama ang kamay ko.
"Nawalan ka ng malay kanina, anak.. Are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo?"
Umiling ako. Dahil ang naaalala ko ay kinakausap ko lang si Charlene.
Umamba akong bababa pero pinigilan ako ni Mama.
"Magpahinga ka muna anak..tatlong araw ka ng walang tulog..kaya ka siguro nahimatay kanina."
Umiling ako.
"Im okay ma." sabi ko at tumayo na. Tinatawag ako nila mama pero binalikan ko na si Charlene. Naabutan ko doon si Cita na nakatulala. Walang reaksyon ang mukha niya at nakatitig lang kay Charlene. Nilapitan ko siya.
"Cita.." tawag ko. Gusto ko siyang makausap at makumusta.
Nilingon naman niya ako pero ng makita niya ako ay bumalik kay Charlene ang tingin niya bago walang sabi na umalis.
Gusto ko siyang habulin pero ng makita na sinundan siya ni Chacha ay bumalik na lang ako kay Charlene.
"Darling.. anong ibig sabihin nun?" sabi ko tukoy sa panaginip kanina.
"Mahirap atang gawin yung gusto mong mangyari.."
"But don't worry.. I'll be okay. Huwag kang ma stress dyan ng dahil sa akin. I'll be okay.. Hindi ko papabayaan ang ate mo at si Cita. I promise i will take care of them, hindi nga lang tulad ng ginagawa mo. But i will, okay?"
"Regarding naman don sa sinabi mo.. That be happy without you. I will darling, in time.. maybe magmamahal ako ulit, iibig ako ulit at magiging masaya. Hindi nga lang sa mundong ito, dahil wala ka dito. Sa kabilang buhay, kung nasaan ka nandoon, doon tayo magiging masayang dalawa."
"Pero ngayon, hayaan mo muna akong damhin yung sakit at maramdaman ang kakulangan ngayon.
hayaan mo muna akong mahalin ka araw -araw, oras oras.. Hindi pa kita kayang i let go darling so please.. Let me..
Hayaan mo muna akong mahalin ka, hanggang sa kaya ko.. hayaan mo muna ako..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top