Chapter 55

Chapter 55

"Ate, pupunta lang po ako sa may tabing dagat.."

"Sinong kasama mo?" tanong ni ate habang hinahalo yung niluluto niya para sa tanghalian namin mamaya.


"Ako lang po, tulog pa si Cita e." sagot ko naman. "Sige na ate, sandali lang naman po ako don."

"Okay sige. Pero, Abigail.. Huwag kang pupunta sa malalim ha? Sabi ni auntie nag bago na daw yung lalim ng dagat ngayon, dahil daw sa nagdaan na bagyo.. Mag ingat!"

Ngumiti naman ako. "Ate? Ako pa? Alam mo naman, sa lahat, mas komportable ako sa dagat."

"Kahit pa. Mas malakas pa rin ang tubig, kumpara sayo.. Sige na.. Mag ingat ha? Bumalik ka rito mamayang 12, para sabay tayong kumain."

"Okay po.."

Masaya akong pumunta sa manamrag para makalangoy sa dagat. Tsaka excited na rin ako dahil pagtapos bukas ay makikita ko na rin ang mapapangasawa ko. Madadala ko na rin siya sa paborito kong lugar.

Nang makarating sa dagat ay nag picture muna ako doon mag isa. Kaunting oras lang kasi ang binigay ni ate sa akin, para maenjoy ulit ang dagat.

Maganda talaga ang lugar, hindi ka mag sasawa. At isa pang kagandahan nito, wantusawa dito. Hindi ko alam kung may may-ari nitong lugar na 'to, pero open siya sa mga taga rito at sa tulad kong dayuhan, basta alam mo lang kung saan lugar ito.

Maging ang mga rock formation sa kabilang banda ay maganda rin. Mapapapicture ka talaga.

Napangiti ako ng umabot sa tuhod ko ang hampas ng tubig. Ang lamig pero..ang sarap.

Nang makitang lumulusong ang iilang bata doon ay parang napangiti ako, kaya lumusong din ako..

Napasigaw pa nga ako sa lamig.

Pinalutang lutang ko ang katawan ko doon habang nakapikit at dinadama ang lamig ng tubig.

Biglang pumasok sa isip ko yung magulang ko. Iniisip ko lang na, oo masaya ako ngayon na ikakasal na ako. Ngunit mas madadagdagan siguro ang kasiyahan ko kung nandito sila. Gusto kong marinig yung mga sasabihin nila, kung anong ipapayo nila sa akin tungkol sa pag aasawa.

Yun lang ang isa sa mga naiisip ko na what if's ngayon.

Mainit na nung nag pasiya akong umahon sa dagat. Naalala ko rin kasing kailangan ko pa lang bumalik sa kina auntie before lunch.

Maaga pa naman before twelve, pero nagpasiya na rin akong umuwi.

Naabutan kong nakaupo sa may labas si Cita habang may kausap sa telepono.

Umupo ako sa tabi niya. Ginagalaw galaw pa niya yung paa niya habang kumakausap ng kung sino.

"Nasa province ako e. Pag bumalik ako diyan sa manila, tsaka ko na iisipin yung mga sinasabi mo." rinig kong sabi ni Cita.

Sino kayang kausap niya? Parang ang seryoso niya kasi tignan ngayon..

"Kakatawa ka." sabi pa ulit ni Cita, pero hindi naman siya nakangiti. "Hindi mo ba alam yung nangyari sa akin? Hindi ba nai-kwento ng pinsan mo 'yon?"

Napatigil naman ako sa pag iisip. Alam kong masama ang makinig ng usapan ng iba pero..hindi naman iba sa akin si Cita. At isa pa..

"Im sure pagtatawanan ka lang nila, pag ako ang naging girlfriend mo." ani ni Cita bago binaba ang tawag. Umirap naman siya sa hangin.

Hindi muna ako nag salita at pinapababa ko na lang muna yung tensyon niya, ang taas kasi. Im thinking.. Sino kaya yung kausap niya? Bakit niya sasabihin na ikakahiya siya nito? Dahil ba yun sa past niya? Ano sa mga past niya?

Aawayin ko talaga siya pag sinabi niyang hindi siya, kamahal mahal.

Maya maya lang ay humarap na sa akin si Cita.

"Ang chismosa mo ha.." ani nito at inirapan ako.

"Sino yung kausap mo?" tanong ko at hindi pinansin ang sinabi niya sa akin.

"Si Mark." simpleng sagot niya. Ako naman ay kumunot ang noo. Hindi ako sigurado kung kilala ko yung name na yun or imahinasyon ko lang.

"Mark? Yung bago mo?"

"Oo.."

"Oh, anong problema sa kanya? Ayaw mo sa tao?"

Mabilis siyang umiling. "Hindi sa ayaw.." aniya at bahagyang yumuko. "In fact, gusto ko siya. Gustong gusto ko siya."

Napangiti ako bigla. Ito yata yung unang pagkakataon na naringgan ko ng ganito si Cita. May gusto na siyang tao, maliban sa akin?

"Oh, edi mabuti..anong problema mo? Sunggaban mo na!"

Ngumiti siya sa akin pagtapos ay humugot ng malalim na hininga. "Kung sana nga ganon lang kadali.." sabi niya. Para naman akong tinamaan ng kung ano doon. Ang sakit ng pagkakasabi niya. Naramdaman ko yung kagustuhan niya pero ramdam ko rin na may pumipigil sa kanya.

"Bakit ba? Ano bang problema kay Mark?"

"Family niya." mabilis niyang sagot. Natawa naman siya pagkatapos. Yung tawang malungkot. "Alam mo yung line na.. 'We have the right love at the wrong time.' ang isip ko dati pang tanga lang yung line na yun. Pero kasi, hindi ko naman alam na mararanasan ko pala."

"Cita.." hinagod ko dahan dahan ang likod niya. "Pwede mong sabihin sa akin.." Sabi ko at nginitian pa siya. Para lang iparamdam sa kanya na pwede niyang sabihin sa akin ang lahat. "Alam ko na naging busy ako nitong mga nakaraan na buwan at hindi kita nakakamusta. Pero Cita.. palagi ko naman sinasabi sayo diba, basta kailangan mo ako..kahit ano pang ginagawa ko ititigil ko yun para lang masamahan ka at makinig sa mga kwento mo."

"Salamat, Abigail.." aniya. Pinunasan ko ang luhang pumutak sa kaliwang pisngi niya. "Ayoko lang kasing makaistorbo sayo-"

"Kailan ka ba naging istorbo sa akin?" singit ko sa pagsasalita niya.

"Araw araw?"

"Pero Cita, sanay na ako sayo.." sabi ko. Napangiti pa ako ng ngumiti siya saglit. "Kaya sige na, i kwento mo na si Mark."

Tumango naman siya at huminga ng malalim. "Well..nakilala ko siya matagal na. Hindi mo na siguro naaalala pero, schoolmate natin siya nung high school. Kakilala ko lang siya dahil may iilan kami na common friend, nakakapag usap na rin, may isang beses na rin kami na lumabas. At nung grumaduate tayo nung high school, bigla na lang siyang nawala."

"Then, nung February 8..nagkita ulit kami."

Matagal na tumigil si Cita sa pagsasalita at nakayuko lang. Para bang hirap na hirap siyang ituloy yung kwento niya.

"Tapos?" sabi ko. "Ano ng nangyari?"

"Nung nagkita kami, kasama niya yung family niya. At..nakita ko rin na.."

"Abigail, Cita! Pumasok na kayo!" hiyaw ni ate sa may pintuan.

"Opo!" balik na hiyaw ko. Nilingon ko si Cita. Pinupunasan niya yung mukha niya.

Hinawakan ko siya sa kamay.

"Pumasok na muna tayo. Kumain ka muna, tapos ituloy mo yung kwento mo sa akin pagkatapos natin kumain."

--

\

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top