Chapter 51
Chapter 51
"Masaya ako para sa inyo!" naiiyak na hiyaw ni ate ng sabihin sa kanya ni Rogerr ang tungkol sa engagement namin. Nandirito pa rin kami sa bahay.
"Salamat ate.." sabi ko at mas hinigpitan pa lalo ang yakap sa kanya.
Nalaman ko rin na sa kanya pala unang sinabi ni Rogerr ang plano. Kay ate niya muna hinihinye ang kamay ko. Which is nakakatuwa dahil, ibig sabihin ay nirerespeto niya talaga si ate.
"So kailan niyo balak?" tanong ni ate ng kumalma na siya.
"Sa june.." sagot ni Rogerr habang nakaakbay sa akin.
"Talaga? Magiging june bride pala 'tong kapatid ko.." naiiyak pa rin na sabi ni ate.
"Ate, pangako ko po.. Kahit mag asawa na kami ni Rogerr, tutulungan pa rin kita.." humihikbing sabi ko. "Hindi pa rin kita iiwan ate.."
"Sus! 'tong kapatid ko!" aniya at hinila ulit ako para mayakap niya. "Huwag mo na akong isipin.. Pinagtapos kita ng pag aaral hindi para mag karoon ng responsibilidad sa akin, ginawa ko 'yon dahil gusto marami kang opportunities na makuha, at hindi ka mahirapan sa buhay."
"Salamat ate.."
Muli niyang hinarap si Rogerr.
"March na ngayon ah, anong date sa June?" tanong niya dito.
"Gusto ko kasi ate, June na lang." sagot ko.
Tumango naman siya. "Okay.. Susuportahan ko kayo.."
"Salamat, Cha.." ani ni Rogerr. "Gusto ko din sana na pumunta sa province niyo.. Para mamanhikan."
Tumango naman si ate. "Sige. Kakausapin ko muna sila Auntie na ikakasal na si Abigail. Tapos sasabihan na lang kita pag pwede na."
"Salamat,Cha."
"Wala yun! Ano ka ba?! Simula ngayon kapatid na rin kita, parte ka na ng maliit na pamilya namin ni Abigail.."
Pagkatapos namin mag picture nila ate ay pinauwi ko na si Rogerr. Malalim na kasi ang gabi at kailangan na niyang umalis. Pupunta pa kasi siya sa Laguna bukas para sa operasyon nila.
Kaya kahit ayaw kong umalis siya ay hinayaan ko na lang. Trabaho kasi.
Hindi pa rin talaga ako makapaniwala hanggang ngayon.
Nasa kwarto na ako at kanina ko pa rin pinagmamasdan ang singsing sa daliri ko.
Grabe lang.. hindi mawala ang ngiti sa akin habang pinagmamasdan 'to. Ganito pala yung feeling na sigurado ka na sa isang tao. Para kang lumilipad sa ere kahit walang pakpak, mahulog ka man, ayos lang..kasi alam mo'ng sasasalo sayo.
Niyakap ko ang daliri ko kung nasaan ang singsing.
This is the best day ever!
Yet.
Alam kong sa June 1, mas lalo akong sasaya.. Hay.. Hindi na ako makapag hintay maging Mrs. Villanuevo..Jusko po!!
Naiimagine ko pa lang na magtatabi kami sa higaan ay...
"Gosh!!" agad akong napatakip ng bibig ko.
Jusko po, baka marinig ako ni ate. Baka maistorbo ko pa siya sa pagtulog niya.
Pero kasi.. ang saya ko lang talaga! Pakiramdam ko nasa alapaap ako..
Tapos magigising ako na katabi siya.. every morning may, kiss ako sa kanya. Tapos..mag luluto ako ng breakfast for him.. And..ofcourse mag asawa na kami..kaya pwede na kaming..
Pwede na..
Hindi ko mapigilang matawa dahil sa iniisip ko..
Jusko ano ba 'tong naiisip ko? Pero.. Engage naman na kami e..kaya, pwede ko na 'yon isipin!
Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog 'yon.
Si Cita tumatawag.
"Bakit?" tanong ko kaagad sa linya. Pero nilayo ko kaagad ang cellphone ko sa tenga ko ng bigla na lang siyang tumili.
"Arouch!" ani ko habang minasahe ang tenga.. Ang tining ng tili niya..sakit sa eardrums..
Naririnig kong nag dadaldal siya pero hindi ko maintindihan dahil malayo ang phone..
"Hello!" sabi ko ng nakabawi na ang tenga ko.
"Bruha ka! Hindi mo narinig sinabi ko no?!"
"Pwedeng huwag kang sumigaw? Ang sakit sa tenga, Cita."
"He! Ang dami ko ng sinabi sayo! Bwisit ka, hindi ko na uulitin!"
"Okay.." sabi ko habang nakapikit. Kinakalma ko yung sarili ko..kausap ko kasi si Cita.
Ewan ko ba dito, bakit laging nasigaw.
"Huy, napaka mo talaga!" sabi pa niya. Hindi naman ako sumagot.
"Yun na nga, gusto ko lang sabihin na congrats! Soon to be Mrs.Villanuevo ka na! Naunahan mo pa si Ate Cha, nagpapatunay lang ito na ikaw ang
pinaka malandi sa ating tatlo!"
"Magpapakasal lang, malandi agad?"
"Eh anong paki mo? e, sa ayun yung gusto ko description sayo e!"
"Oo na.." sabi ko. Hinila ko pa ang kumot ko hanggang akong dibdib. "Sobrang saya ko, Cita.."
"Alam ko bestfriend! Hanggang dito sa bahay feel ko yung happiness mo..o my gosh! Naiiyak ako!"
Napangiti ako. Alam ko kasing naiiyak na talaga siya dahil nanginginig na yung boses niya.
"Thank you, Cita. Mahal kita.."
"Mahal din kita bestfriend!" sabi niya. "Anyways.. Ayokong sa phone tayo nag uusap ng ganito! Bukas date tayo ha? Tayong dalawa lang! Okay?!"
Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Okay.."
"Sige..ituloy natin tong usapan bukas. Gusto kitang yakapin at i-congratulate ng personal."
"Sige.."
"Goodnight na bestfriend ko!"
"Goodnight, Cita."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top