Chapter 50

Chapter 50

"Congratulations!!"

Hiyaw nila ate pagpasok namin ni Cita sa bahay. May pa Surprise kasi sila dahil finally! Naka graduate na kami!

Nagkalat naman ang confetti na kasabay niyang tinapon.

Nilapag ko yung bag ko sa sofa. Lumapit naman si ate sa amin ng nakangiti habang bitbit yung cake.

"Congratulations, girls!" bati niya sa amin. "Sobrang proud ako sa inyo!" kasama namin siya sa PICC kanina, pero bigla niyang sinabi na mauuna na daw siyang umuwi dahil may biglaan siyang meeting.

"Salamat ate!" sabi ko at niyakap siya.

"Thank you, ate!" ani naman ni Cita at tumalon talon pa.. sobrang saya niya rin e.. "Finally! Talaga te! Pucha, wala na akong iisipin na exams!"

Napangiti naman ako.. Haay! Finally.. nakabawas na ako sa gagastusin ni ate.. At matutulungan ko na rin siya!

"Oo nga, pero proproblemahin mo naman yung paghahanap ng trabaho.."

"Ay nako, ate!" ani ni Cita at dumiretso sa lamesa. "Tsaka na yan no! Mag a-unwind muna ako, gusto kong ipahinga yung utak ko!"

Napalabi ako sa sinabi niya. "Anong ipapahinga mo? e hindi mo naman nagamit 'yan."

Malakas naman na tumawa si ate. Habang papunta rin kami sa lamesa.

"Ang mean mo, Abi!"

"Mean nga siya..pero..totoo rin naman kasi.." natatawang sabi ni ate. "Oh tara.. Kumain na tayo!"

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain namin ay biglang may nagtawag doon sa may gate.

Hinampas ako ni Cita sa braso. "Oh, ayan na yung matagal mo ng hinhintay!"

Si Rogerr..

Tumingin muna ako kay ate kung pwede.. ng tumango siya at dali dali akong nagalakad palabas.

Nakita ko doon si Rogerr sa labas.. may dalang box ng cake at paper bag sa kaliwang braso habang dalawang bulaklak naman sa kanan.

Mabilis kong binuksan ang gate..

"Congratulations, darling.." sabi niya.

Akala ko hindi siya makakarating ngayon. Ang alam ko kasi may operation sila ngayon.. Malungkot man pero expected ko ng hindi siya makakarating.. Pero ngayon.. Nandito siya.. Sobrang saya ko!

"Thank you.." sagot ko at inabot ang labi niya para malasahan ito.

"Ilove you.." bulong niya pagkatapos iabot sa akin yung sunflower niyang hawak. Yung isang hawak naman niya ay Rose na pula.. para kay Cita siguro.

"I love you too. Akala ko hindi ka makakarating?"

Hinalikan niya ako sa noo. "Natapos agad ang raid. Successful."

"Okay..congrats din.."

"Ahem! Ang lalandi talaga!" hiyaw ni Cita ng makita niya kami.

Natawa si ate sa kanya habang ako naman ay hindi na lang siya pinansin.

Tumayo si Cita. "Ay may pa cake si Tatay," sabi pa niya. "Para sa akin ba 'yang rose?"

Tumango naman si Rogerr at inabot sa kanya ang bulaklak.

"Wow naman..naalala mo pa ako.. Salamat!"

"Congrats daw sabi niya.."

"Mag shut up, ka!"

"Kidding." natatawang sabi ko Rogerr.

Inirapan lang siya ni Cita.

"Ikaw talaga.." bulong ko sa kanya ng mag umpisa na kaming kumain.

"Ginaganti lang kita.." sagot niya.

Natawa naman ako..

Simula kasi nung bumalik dito si Rogerr ay palagi na lang niyang inaasar si Cita. Minsan sumasali ako, pero minsan naawa naman ako kay Cita, mukha kasing naasar talaga siya.

Tinanong ko rin 'yon kay rogerr, yung sinabi niyang pinsan niya na naging ex ni Cita. Nagtataka lang ako dahil sa pagkakaalam ko.. Si kuya Mathias pa lang naman yung nameet niya.

So.. sino doon? Sinubukan kong tanungin 'yon kay Rogerr pero narinig pala yun ni Cita, ayun..hindi na nasabi ni Rogerr.

Pero may hinala na ako.. Tapos nung kinumpirma ni Rogerr ay hindi lang ako makapaniwala na naging ex niya yun.. nakakausap ko naman yun, pero hindi naman niya nabanggit na naging ex siya ni Cita.

Pero..hindi ko rin naman kasi tinanong e.

Hindi lang talaga ako makapaniwala.. Sobrang magkaiba kasi sila.. At tingin ko yung kagaya niyang lalaki yung hindi kayang magustuhan ni Cita.

Pagkatapos namin kumain at mag ayos ay umalis na si ate. Nakakalungkot nga lang dahil akala ko mag sstay siya buong araw.. pero kasi.. Marami daw kailangan gawin. At half day lang ang binigay sa kanya.

Pero naiinitindihan ko din naman.

Si Cita naman ay nag bihis lang at umalis na rin. Makikipag kita daw siya sa boyfriend niya.

Kaya kami na lang ni Rogerr ang naiwan dito. Mag katabing nakaupo sa sofa.

"Happy ka?" tanong niya. Nakapulupot ang braso niya sa beyawang ko habang ako ay nakayakap din sa kanya at ang ulo ko ay nasa mga balikat niya.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya.

Humiwalay ako ng kaunti para matitigan siya ng maigi.

"Sobra.. Excited na nga ako mag work e." sagot ko. Iniisip ko pa lang na makakatulong na ako kay ate sa pagbabayad ng bills dito sa bahay ay nabubuhayan talaga ako. Finally! Matutulungan ko na siya!

"Sabi naman ni Maam Bea, kung saan ako nag Ojt, na absorb daw nila ako. So.. Wala na akong problema pagdating sa papasukan ko. Si Cita naman kasi, hindi na absorb kaya sabi niya tututukan na lang daw muna niya yung restaurant nila."

"Hmm.. kailan ka pupunta dun sa magiging work mo? Gusto mo'ng samahan kita?"

Mabilis akong umiling. "Hindi na kailangan..kaya ko naman na."

Nginitian niya ako at hinaplos ang buhok ko bago ako halikan ng sandali sa labi.

"Sobrang proud ako sa'yo." sabi niya pagkatapos ng halik.

"Ako din. Proud sayo, sobra.." sabi at ako naman ang humalik sa labi niya. Isa sa pinaka paborito kong dikitan ay ang labi niya.

Ang lambot kasi..at kahit walang lasa, masarap.

Sinundan ko ang kamay niya ng kunin niya ang akin. Dinala niya 'yon sa kanyang labi at hinalikan. Sumaya ang puso ko dahil don. Simpleng gesture lang pero.. nakaka inlove.

Nakatingin lang kami sa isa't isa.. Walang nag sasalita at dinadama lang ang tingin ng pagmamahal ng bawat isa.

Namumungay ang mga mata niya habang nakatingin sa akin at hinahaplos ang pisnge ko.

"You know that i love you, right?" tanong niya.

Tumango ako. "Oo naman.. araw araw kong nararamdaman yung pagmamahal mo.."

"Hindi ko alam kung this is the right time para itanong ito sayo.. Pero.. nararamdman kong ikaw na yung tamang tao para sa akin."

"..Charlene, can i ask you a question?" tanong niya na parang kinakabahan. Para bang may kailangan siyang sabihin o gawin na hindi niya pa nagagawa.

Hinaplos ko ang baba niya. "Oo naman.. kahit magtanong ka pa ng 69 questions, ayos lang."

Kumunot ang noo niya pero napahalakhak naman din siya kalaunan dahil sa sinabi ko. "69..?"

Natawa na lang din ako.. Ewan ko ba bakit paborito kong number yung 69. Ang galing kasi e.. Kung titignan mo yung numbers, parang sobrang fit nila sa isa't-isa. Magkaiba pero, pag pinagsama..muka siyang circle. And for me, circle means, forever.

Si ate lang ang nakakaalam nun. Pero ngayon alam na din ni Rogerr.

Puno at halaman, sisig and mcFloat at number 69 ay iilan lang sa mga bagay na gustong gusto ko.

"Darling.. huwag mo akong patawanin, i am being serious here.."

"Hindi naman ah?" natatawa pa rin na sabi ko. Hinalikan ko na lang siya para matigil na rin ako. Tingin ko kasi may gusto talaga siyang sabihin e. Tapos naabala ko lang dahil sa mga kalokohan ko.

"Okay game na. Hindi na ako tatawa."

Tumango naman siya bago huminga ng malalim. "Tulad ng sinabi ko kanina, pwede ba akong magtanong?"

"Oo nga.. Diba sinag-"

"Will you marry me?"

"-got ko-- ha?"

"Charlene, Will you marry me?" ulit niya pa, kaya lalong nanlaki yung mata ko.

Marry...him?!

Napatingin na lang ako sa kanya ng umalis siya sa pagkakaupo sa sofa at lumuhod sa harap ko at inilabas ang puting box galing sa likod niya.

Napatakip ako ng bibig lalo na ng buksan niya ang box at nakita ko doon ang makinang na puting singsing na may malaking bilog na diamante sa gitna.

"Charlene.. Will you marry me?"

"Wait! wait lang! Sigurado ka ba?" natatarantang tanong ko. Naiiyak na ako pero pinipigilan ko lang

Hindi ko ma absorb ang nangyayari, wait lang!

"Unang araw na nakita kita, wala kang epekto sa akin. Pangalawang beses naman, hindi ka na mawala sa isip ko. Pangatlong beses na nakita kita, kinabahan na ako. at nung pang-apat beses kitang nakita at hanggang ngayon, nakasigurado na ako. Ikaw lang ang mamahalin ko araw araw at bawat gabi."

Nang makita kong pumatak na ang luha niya, ay hindi ko na rin napigilan ang sariling na mapaiyak.

"Kaya kahit pa sabihin nila..masyadong mabilis ang relasyon natin, para sa akin.. para akong naghintay ng sampong dekada makuha ka lang." aniya. Napalabi ako dahil ramdam na ramdam ko yung pag ibig niya para sa kin. "At wala lang yun, kumpara sa kasiyahan na naibibigay mo sa akin ngayon.. Kaya sana.. hayaan mo akong mahalin ka araw at gabi.. at kada segundo ng buhay ko paghahatian natin.."

"Rogerr.." humagulgol na tawag ko sa kanya.

"Darling.." nakangiting tawag niya rin pero bakas sa muka ang mga luhang dulot ng kasiyahan. "Pakasalan mo na ako.."

Mabilis akong tumango at niyakap siya ng mahigpit. Muntik pa nga siyamg matumba dahil doon. Pero nakabalance naman siya. Ang galing niya.. Kaya hindi kami natumba.

"Is it a yes?" tanong niya habang hinahagod ang likod. Tumango ako sa balikat niya.

"I want to hear it, darling."

Hinarap ko siya at madiin na hinalikan sa labi.

Tinitigan ko siya sa mata. "Yes,
Villanuevo..papakasalan kita."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top