Chapter 49
Chapter 49
Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog kagabi pero..parang ang bigat ng pakiramdam ko.. Lalo pa ngayon at may yumuyogyog sa katawan ko..
"Abi..."
Hindi ba nila alam na gusto ko pang matulog? Alam naman ni age na wala akong pasok ngayon, bakit siya nanggigising?
Sinubukan kong takpan ng unan ko yung mukha ko para hindi na marinig yung boses na yun.. Pero hindi naman siya tumigil sa kakayugyog.
Inis na dinilat ko ang mata ko. "Ano ba..."
"Abigail gumising ka na nga!" si Cita. Akala ko si Ate.
Naiinis akong napaupo. Hinawi ko pa yung buhok kong nakaharang sa mukha ko. "Ang aga aga Cita, ano bang problema mo?"
"Nagugutom na kasi ako, magluto ka na ng breakfast!"
"Ginising mo ako para lang diyan?" naiinis na sabi ko.
"Alas nuebe na kasi! Hindi pa ako kumakain.."
"Mag luto ka na lang ng noodles doon!" sabi ko at babalik sana sa paghiga pero hinila niya yung buhok ko.
"Cita!" hiyaw ko at inilayo ang sarili sa kanya. "Masakit ha!"
"Masakit na din ang tiyan ko! Magluto ka na kasi!"
Naiinis na tumayo ako. "Haay! Sa susunod nga huwag ka ng makikitulog dito!"
"Talagang hindi na, ginugutom mo lang ako dito!"
hiyaw niya habang nakasunod sa akin pababa mg hagdan.
Nilingon ko siya at tinignan ng masama bago ulit nagpatuloy sa pagbaba..
Naiinis na ginulo ko ang aking buhok. Inaantok pa rin talaga ako.. Anong oras na rin kasi akong nakatulog kagabi.. Nag kwentuhan kami ni Cita... mas nauna na nga akong natulog sa kanya tapos, nauna pa rin pala siyang magising sa akin. Iniisip ko tuloy kung natulog ba 'to si Cita?
"Gusto ko ng fried rice, Abigail. May bahaw kayo diba?" sabi nito.
Napairap ako. Nang istorbo na nga, nag demand pa!
Nang malapit na kami sa kusina ay nakaamoy ako ng mabangong amoy.. Galing sa kusina.
"Nakauwi na ba si ate?" lingon ko kay Cita. Pero tinawanan niya lang ako at hindi sinagot. Dumiretso pa siya sa kusina.
Hindi pa naman uuwi si ate ngayon ah? Nag paalam siya sa akin kahapon na pupunta siyang seminar sa batangas.
Pagkarating ko sa kusina.. Nakita kong nakaupo don si Cita at ngumunguya na.. Habang nakatayo naman sa may lababo yung lalaking nakatalikod.
Bumilog ang mata ko.. kilala ko ang likod na 'yon!
Kinabahan ako..
"Rogerr?" sabi ko habang nagalalakad palapit doon.. Mabilis naman itong humarap sa akin.
Jusko!
"Darling.." nakangiti nitong harap. Napalabi naman ako at walang preno na hinagis ang katawan ko para mayakap siya.
"Namiss kita.." bulong ko sa kanya pagtapos kong halikan ang pisnge niya. Pumikit ako at dinama ang yakap niya.
Ito yung namiss ko... Yung init ng katawan niya pag magkayap kami.. Namiss ko talaga to..
"Sus! Miss na miss!" rinig kong komento ni Cita sa amin, pero hindi ko na lang pinansin. Kayakap ko na ngayon yung missing piece ng happiness ko, kaya hindi na ako mag papaasar kay Cita.
"I love you.." sabi niya.
Lumabas ang ngiti ko..mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya.
"Mahal din kita.."
"Sorry ngayon lang kita napuntahan.." sabi niya at hinigpitan din ang pagyakap sa beywang ko.
"Okay lang.. naiinitindihan ko naman.."
"Ano? Hindi pa ba tapos yan? Gutom na ako Abigail!" Hiyaw ni Cita. Jusko! Hindi ba niya nakikita na may moment kami rito ng boyfriend ko?
"Mamaya na lang 'yan landian niyo! Pakainin niyo na ako ng makaalis na ako!"
Hindi ko pa rin binibitawan ang yakap kay Rogerr. Bahala si Cita, ngayon lang naman.. malaki naman na siya ..
"Pakainin na natin ni Cita.. baka mangagat na siya.." si Rogerr.
Mahina ko siyang pinalo sa balikat. "Sshh.. ang mean mo.."
"Oh ano? Pakainin niyo na ako!"
"Oo na nga, Cita! Wait lang.." sabi ko at mabilis na inabutan siya ng plato. Tahimik naman siyang umupo at ang hintay lang.
Nakita kong nag luluto pala ng ng tocino si Rogerr.. Kaya kumuha rin ako nun at nilagay sa lamesa. May fried rice at dalawang itlog. Nagluto pa ako ng isa dahil kulang sa amin 'yon. Mabilis naman na kumuha siya nun kaya kumuha na rin ako ng pagkain namin ni Rogerr.
"Gusto mong coffee?" tanong ko kay Rogerr.
"Nagkape na ako kanina." sagot niya.
"Ako.. Abi, gusto ko ng milo!" singit ni Cita. Hindi naman siya yung tinatanong ko e.
Napairap ako bago tumayo at tinimplahan siya.
"Thanks bestfriend!" sabi niya pagkaabot ko ng inumin niya. Binalingan naman niya si Rogerr, "Nga pala, Sabi ni Abi, may mga pinsan ka daw na ka age lang namin..pakilala mo naman ako!"
"Cita nga, mahiya ka naman.." sabi ko sa kanya.
Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Ikaw talaga napaka ano mo!" Turo niya sa akin. "Papakilala lang naman, jojowain ko ba sila? Wala naman akong sinabi na jujuwain sila..bawal na ba makiipag friends ngayon?"
Hindi ako nakapag salita.
"Nakilala mo na yung iba diba?" tanong ni Rogerr.
"Tsk! Hindi nam-"
"Naging ex mo pa nga yung isa."
"Hoy! Mag shut up ka nga!" si Cita na namula ang mukha. Napatingin ako kay Cita.
"Si kuya Mathias?" tanong ko kay Cita. Pero umiwas lang siya ng tingin.
Bumaling ako kay Rogerr ng hindi ako sinagot ni Cita.
"Si kuya Mathias?" tanong ko kay Rogerr
"Hindi."
Kumunot ang noo ko. "Huh? Paanong hindi? Si Kuya Mathias pa lang naman yung namimeet mo diba? Na pinsan niya?" tanong ko kay Cita.
Mabilis na ininom ni Cita ang tubig na nasa harap niya. "Mauuna na ako ha? May lakad pa kasi ako e.. Salamat sa breakfast Abigail!" aniya at halos magkandarapa na siya makaalis lang sa upuan niya.
Narinig kong natawa naman si Rogerr.. Kumunot naman ang noo ko. Hindi ko ma gets.
"Rogerr.." tawag ni Cita. "Para sa'yo to ah!" ipinakita ni Cita ang gitnang daliri nito.
Nanlaki ang mata ko. "Cita!"
"Hayaan mo siya.." natatawang bulong sa akin ni Rogerr.
Sumaludo naman si Rogerr kay Cita habang natatawa. "Salamat, Citty!"
Sa sinabing 'yon ni Rogerr ay mas lalong nabwiset ang mukha ng kaibigan ko.
"Bwiset ka Rogerr!!" hiyaw nito bago umalis.
"Anong sinasabi mo kay Cita? Bakit mo naman inasar?" sabi ko ng kaming dalawa na lang.
Umiling lang siya at hinalikan ako sa ulo. "Sorry na.."
"Pagpasensyahan mo na lang si Cita.. Huwag mo na lang patulan." sabi ko.
Kinindatan niya lang ako at hinalikan sa pisnge.
Nag umpisa na kami ulit kumain..
Pero hindi pa rin mawala ang kunot ng noo ko..naalala ko yung nabanggit ni Rogerr..
Yung City..
Citty...
Citty...
Saan ko ba narinig 'yon?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top